로그인Chapter 6: Maldita's Axioms And Maxims
*Hershien's POV*
*Sa bahay ni Ate Keirsten*
Nakaupo kami ni Ate Keirsten ng maayos sa kanilang malambot at mahabang sofa, nag-uusap tungkol sa mga ginawa namin kanina.
"So, Hershien ano ba ang nahalata mo sa tuwing nakikipag-usap ako?" tanong ni Ate Keirsten habang nakasalung-baba, in-off niya muna 'yong TV para mas magkarinigan kaming dalawa.
Nasa may living room kasi kami ngayon, nahalata kong bigla na bat parang si Ate Keirsten lang ang nandito sa loob ng napakalaking bahay na 'to. Hindi ba sila kumukuha ng katulong para pagsilbihan sila? Nasaan din kaya ang mga magulang niya? Tanong ko na lang sa sarili ko.
"Parati kayong nakasmile." tugon ko sa kanya.
"Very good Hershien, thats the first thing, kapag may Kaaway ka, give them your sweetest smile, yung smile na hindi ka pa nagsasalita naiinis na sila." Ate Keirsten explained sabay apir sakin at humalakhak siya.
"Ano pa ang naobserve mo?" tanong ulit niya at nakatingin na siya ng maigi sakin nag aantay ng sagot.
"Yung relax lang po kayo habang nagsasalita." mabilis na sagot ko.
"Very well!" masayang pagkakasabi ni Ate at pumalakpak siya.
"You know Hershien if we have an enemy relax yourself, dahil kung sino ang unang na-high-blood what I mean is nagalit, siya yung talo, huwag mong ipakita na naaasar ka sa kanya bagkus siya dapat ang maasar sa'yo." she added with a confident voice.
"What else?" Ate abruptly asked after she explained.
"You used different things to compare dun sa mga tinarayan niyo." I answered again. Hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsasabi ko, basta 'yon lang kasi ang naobserbahan ko.
"Excellent! Hershien ang galing mong observer, you should not cuss or say bad words remember hindi ka demonyo at ayokong mapunta ka sa impiyerno, you must know different words para hindi madrain ang utak mo, kagaya dun kay sugpo, so paano practice na tayo." sabi ni Ate Keirsten na mukhang excited.
"Ready ka na?" she asked me.
"Yes, I am!"
"Hershien, bakit ka ba nandito? para landiin ang kapatid ko?" as usual sinabi niya yun habang nakangiti.
"Kung ako ang batayan ng pagiging malandi, siguro malandi na ang lahat ng tao sa buong mundo. " relax na sabi ko habang nakasmile din. Kailangan ko kasing gawin yung mga pinaliwanag ni ate kanina.
"Nakakatanga naman ang sagot mo." sabi ni Ate sakin.
"Talaga? kung ako ang tanga, ano ka pa kaya? para kang hampas-lupa." sagot ko sa kanya, di ko alam parang napa sobra yata ako.
"Sige sa'yo na ang word na matalino, isaksak mo sa FALLOPIAN TUBE mo." sabi niya sabay taray sakin.
"Eh kung pektosan ko kaya yang bahay-bata mo? kung makaasta ka akala mo kung sino kang maganda." I rebutt, yan yung mga linyang naririnig ko din kay Ayesha.
"Yes I am beautiful than you kaya lumayas ka na sa pamamahay ko, dapat sa'yo sa doghouse." agad na sagot niya.
"Wooooh!" gulat na sabi ni Curfiel habang namimilog ang kanyang mga mata. Kita ko sa kanyang mukha ang galos, pati ang pagdurugo ng kanyang labi.
"Alam mo kapatid, huwag mong tinatarayan ang alipin ko, kung hindi ikaw ang malalagot sakin." lumapit siya kay Ate Keirsten at sinabi yun.
"Hindi ako tinatarayan ni Ate Keirsten." agad na sabat ko kay Curfiel oh' di ba maldita na talaga.
"Ate? kelan mo pa naging ate ang kapatid ko?" tanong ni Curfiel na may lubos na pagtataka. Habang hawak ang kanyang labi na parang tinatakpan.
"Kanina lang.." I answered hastily.
"Hay naku malamang tinuturuan ka na naman niya ng kamalditahan, kagaya ng ginawa niya sa iba." Curfiel replied sabay kamot nang ulo gamit ang isa niyang kamay.
"Halika dito sa kwarto, magse-sex tayo." Curfiel softly said near my left ear at nag-umpisa na siyang mag lakad papunta sa 2nd floor.
Hindi na naman ako nakapag salita dahil sa kanyang mga sinabi.
"Bwahahaha,. nakakatawa talaga ang facial expression mo para kang mongoloid!" sabi ni Curfiel habang tumatawa habang naglalakad paakyat sa hagdan.
"Hindi ako mongoloid! baka ikaw!." pagalit na sagot ko at nakatingin ako ng masama sakanya.
"Halika na dito sa kwarto! pag-hindi ka sumunod papatayin ko yung bestfriend mo." pananakot ni Curfiel sakin habang nakadungaw sa hagdan.
Kaya sumunod na ako sa kanya at nag-paalam na kay Ate Keirsten.
*Kwarto ni Curfiel*
"Dahil sa pagod na pagod ako, kailangan marelax ako ngayon kaya kumanta ka ." sabi ni Curfiel habang nakahiga at wala pa siyang suot na t-shirt.
"Dapat yung makakatulog ako ha'" dagdag pa niya, at nakatingin siya sakin na parang kakaiba, basta nakakatakot ang tingin niya lalo na't kapag tumititig rin ako sa kanyang maiitim na mga mata.
"Sana nga hindi ka na magising." pabulong na sabi ko.
"Anong sinabi mo? hindi ko narinig." tumayo siya habang kinakamot ang kanyang buhok na medyo kulot.
"Wala, sabi ko, Opo bossing." at naupo ako sa isang upuan malapit sa malapad na mesa na mayroong kwadradong salamin at ang disenyo ng gilid nito ay mga maliliit na espada.
"Yun naman pala eh' sige kumanta ka na." utos ulit niya, kumuha siya ng isang asul na t-shirt mula sa isang kabinet, at nagbihis.
"Bahay kubo, kahit munti ang halaman doon ay .." hindi pa nga ako tapos kumanta ng biglang..
"tahahaha,.." tumawa si Curfiel ng pagka lakas-lakas at nakahawak pa siya sa kanyang kamay habang tumatawa.
"Bakit yan ang kinanta mo? ano akala mo sakin kinder? grade 1? alam mo pinapasaya mo ako eh'." Curfiel said habang pangiti-ngiti at pinipigil ang pagtawa.
"Kumanta ka na lang ng kahit ano basta huwag ganun." sabi niya ulit sabay upo sa kama niya.
"I'm frustrated singer, ang panget ng boses ko, pagsayaw lang ang alam kong gawin." tugon ko habang nakayuko at nakasimangot.
"You mean sexy dance? sige dito ka sa taas ng kama ko sumayaw." sabi niya habang nakaevil smile.
"hindi ako G.R.O at hindi ako kagaya ng iniisip mo!" I answered with emphasis at tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
"Ballet lang ang alam kong sayawin." dagdag ko pa.
"Huwag na nga lang nagugutom na ako eh' ahh teka lang ha' magbibihis ako." sabi ni Curfiel then bigla na lang siyang naghubad ng suot niyang pambaba, ang bastos niya, kaya ako na lang ang lumabas ng kwarto. Naririnig ko pa ang kanyang pagtawa kahit nasa labas na ako ng kwarto niya.
*after 5 minutes*
" Magluto ka para sakin bilisan mo!" pagalit na sabi niya. Para talaga siyang halimaw nakakatakot.
"Ano ba gusto mong kainin?" I asked para hindi ako magkamali sa mga gagawin ko.
"Ikaw!" mabilis at maiksing sagot niya habang nakangisi. "Huwag na lang baka malason pa ako. Tara punta tayo restaurant." sinabi niya yun at biglang hinawakan ang kamay ko.
Ang bilis-bilis niyang mag lakad. Hinahatak na niya ako.
Nang makarating kami sa kanyang kotse.
"Bilis sumakay ka na, nagugutom na ako." sabi ni Curfiel at pumasok na siya sa kotse. Pumasok na rin naman ako.
"Bakit hindi ka na lang kumain dito sa bahay niyo?" I inquired.
Pinaandar na ni Curfiel yung kotse.
"Walang pagkain diyan samin lahat lulutuin pa, kaya bukas ipagluluto mo na talaga ako ng pagkain. Ngayon lang kita pag bibigyan." he answered.
Si ate keirsten nga nagluto pa para saming dalawa, tapos itong si Curfiel ang tamad-tamad masyado.
"Nasaan ba yung mga parents mo?" I asked again.
"Nasa ibang bansa nagtatrabaho pareho bakit ba?" naiinis na sagot niya habang nagmamaneho ng kotse.
"Ah' wala natanong ko lang, mayaman naman kayo, bakit hindi ka kumuha ng maid." tanong ko ulit.
"Kaya ko ang sarili ko noh' ! bakit ba ang dami mong tanong ha? imbestigador ka ba?" pagalit na sinabi niya kaya natahimik na lang ako.
Medyo maldita na ba ako? sa kanya lang naman eh'...
Nanahimik na ako kasi nga namumula na ang mukha niya, nagagalit na siya.
(100x na kuliglig effect)
"Tara , lumabas ka na diyan ! nagugutom na talaga ako." sabi ni Curfiel, nasa labas na kasi siya ng kotse - nakarating na kami sa harap ng isang five restaurant.
Lumabas na rin ako at bigla niya ulit hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa loob non.
*Sa Nymford Restaurant*
Umorder na si Curfiel... at nafifeel ko yung madaming matang nakatingin samin, kahit mga waiter at waitress ay nakatingin rin sakin.
"Kumain ka na?" sabi ni Curfiel.
"Huwag na, makita lang kitang bumubula ang bibig sa kabusugan ayos na'ko." sagot ko sa kanya oh' di ba ina-adapt na ang Maldita Axioms.
"Bumubula talaga? bahala ka diyan pag-nagutom ka hindi ko na yun kasalanan." Curfiel replied at nag-order na siya ng maraming sea foods. Makikita sa mesa namin ang napakaraming alimasag, hipon, isda, clams hindi naman talaga siya gutom.
Dahan-dahan lang siya kung kumain dahil sa sugat niya sa kanyang bibig, kita ko rin na medyo namamaga ang kanyang kaliwang mata. Wala yata siyang ibang alam kundi ay makipag-away lang.
(After 45 minutes)
Natapos na rin sa pagkain si Curfiel, pero Di ko siya nakitang nagbayad, thug life eh.
"Teka lang ha mag-c-cr ako.." he said tapos nag madali na siyang tumayo. Yan tae pa more. Hahaha..
At pumunta na siya sa CR at iniwan akong mag-isa sa kinauupuan ko. Marami pa ring tao ang nakatingin sakin na para bang marami silang gustong malaman tungkol sakin.
(After a few minutes)
Lumabas na rin si Curfiel.
"Tara!" sabi niya tapos hinawakan na naman yung kamay ko.
"Yuck! kadirdir ka, kagagaling mo pa lang sa cr tapos hinawakan mo ang kamay ko, naghugas ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi! pero ok lang malinis naman yung ano ko eh'" sagot niya habang nakangiti ng masama.
"Huhuhuh! bitawan mo nga ako ang dumi ng kamay mo! ewww!!" sabi ko habang pinupunas ang kamay ko sa damit niya.
"Hindi, malinis talaga yung ano ko kahit dilaan mo pa yang kamay mo hindi ka makakakuha ng bacteria." he replied at tumawa na talaga siya kitang-kita ang kanyang 32 na ngipin.
"For Godsake Curfiel! ang bastos-bastos mo (T_T)" sabi ko sa kanya na parang naiiyak na.
"Hahaha, nakakatawa na naman yang facial expression mo, naghugas ako noh' tsaka itong isang kamay ang ginamit ko nung pag-cr ko." sinabi niya habang namumula ang mukha sa kakatawa.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang kotse.
"8 pm na.. at sobra na ako ng 2 oras sa pagiging personal slave ko sa kanya.
"Curfiel sobra na ako sa oras, 1 pm pa lang nandun na ako sa bahay niyo, 6 hours lang ang usapan natin di ba?" tanong ko sa kanya habang umaandar na yung sasakyan.
"Samahan mo muna ako hanggang mag 9 pm, pwede ba yun?" Utos niya sakin.
"Sige pero bukas bali 3 hours na lang ang pagsisilbi ko sa'yo." I replied to him.
"Oh sige ba!" agad na sagot niya.
Ang bait naman niya ngayon... sana magtuloy-tuloy na.
Pagkauwi namin sa bahay nila.
"Whooaoaoa.." nag-yawn si Curfiel para naman siyang baboy after mabusog inaantok.
"Inaantok ka na?" tanong ko.
"Oo eh' pero hindi ka pa pwedeng umuwi dahil hindi pa 9 pm, tara dun tayo sa kwarto..." sagot niya tapos hinawakan na naman niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa kanyang kwarto.
*Sa loob ng Kwarto ni Curfiel*
Pumasok si Curfiel sa CR maghihilamos daw muna habang ako naman ay nag-aantay sakanya.
Nakaupo ako sa couch na nasa loob ng kwarto niya habang tinitignan ang mga larawan niya sa isang lumang photo album.
-After ilang minutes-
Lumabas na si Curfiel.
"Matutulog na ako, huwag mo akong i-rape ha' sabihan mo lang ako kung gusto mo ng ganun ayos lang naman sakin eh' , ang gusto ko lang concious ako habang ginagawa natin yun." he said then diretso ng humiga at nakaakap sa kanyang unan.
"Ang bastos-bastos mo talaga! anong akala mo sakin! ?"
*tooogsssh*
"araaaay...!" bigla akong binato ni Curfiel ng unan.
"Ano ka ba? ang sama-sama mo, hindi kita inaano!" sigaw ko sa kanya.
"Ang ingay-ingay mo kasi hindi ako makatulog!!" sagot niya habang nakapikit pa ang mga mata.
"Sana di ka na talaga magising.." I murmured.
"Sino na naman kinakausap mo diyan? nababaliw ka na ba! Ulitin mo nga sinabi mo. " biglang sabi ni Curfiel, nakadapa siya sa kanyang kama at nakapikit pa rin.
"Wala sabi ko goodnight..." agad na sagot ko.
"Goodnight din."
Pagkatapos nun nakatulog na rin si halimaw, sobrang himbing ng pagkakatulog niya. Kung titingnan mo ang mukha niya parang ang bait pero pag gising daming alam na kalokohan.
Pero salamat naman at makakauwi na ako. Nagpaalam naman ako kay ate Keirsten, hindi ko pa rin naman kasi siya tulog ng pag-alis ko. Parang nagpapractice siya ng karate, pero itinigil niya ang kanyang ginagawa para ihatid ako pauwi sa aming bahay.
*Sa Bahay*
-9pm-
Hindi pa rin dumating sina Dad dahil karaniwang umuuwi sila 9:30pm.
Sa bahay kumain muna ako,- toothbrush, hilamos, change clothes-- haizt nakakapagod ang day na to.
Hindi ko na sila inantay umuwi, nakatulog na ako agad dahil sa sobrang pagod.
*****************
Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo
Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.
Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut
Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa
Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a