Share

Chapter 7

Author: Z. Potter
last update publish date: 2020-09-29 09:17:26

Chapter 7: Undeniable Crush

*Hershien's POV*

*6pm*

Pag gising ko agad na lang akong napahawak sa ulo ko at grabe rin ang sakit ng katawan na nararamdaman ko, parang gusto ko pang matulog pero hindi pwede eh' may pasok pa kami ngayon sa school. Kaya naman pinilit ko na lang ang sarili ko na makatayo upang makapasok ako sa paaralan at hindi umabsent. 

"Shien, kailangan naming pumunta sa ibang bansa ng daddy mo for  business purposes ikaw na muna bahala sa kapatid mo, then kung may kailangan kayo nandiyan naman si ate yani niyo." mommy said while were eating our breakfast. Nong pagkasabi niya na parang mas lalo pa akong nanghina. Halos di nga namin sila makasama tapos pupunta pa sila sa mas malayong lugar. Nakakapanghina talaga. 

"Mommy ilang days po ba kayo dun?" Ahtna Anne, my sister inquired sabay subo ng kutsara na may nakalagay na hotdog. 

"Mga 2 months din kami dun." daddy answered habang hinahaplos ang ulo ng Kapatid ko. 

"Ok po." malungkot na sagot ng kapatid ko, at sumimangot na lang siya Kahit may laman pang pagkain ang bibig niya. 

"Anne, don't worry, pag may kailangan ka I'm always here to help you." sabi ko sa kapatid ko- 2nd year high school na siya. 

Hindi na siya sumagot bagkus she just gave me an approving smile. At nagpatuloy na siyang kumain. 

"Sige po Dad, Mom, mali-late na po kasi ako sa klase." I said then nag-kiss na muna ako sa kanila bago umalis.

*@ Heaven's Ethos Academy*

Naglalakad ako papuntang classroom- nasa pavements ako ngayon mag-isa hinahanap ng mga mata ko si Ayesha pero di ko siya makita. Marami rin estudyante ang nasa gilid ng pavements na naguusap-usap at nagtatawanan. 

"Good Morning." sabi ni Xryszian isa sa mga flockmates ko. (flockmates ang tawag namin, hindi talaga classmates. We are treating ourselves as if we have wings just like angels.) 

"Good morning din." I replied sabay tingin at ngiti sa kanya. 

"Sabay na tayo papunta sa classroom." then tumakbo siya papalapit sakin.

Ang swerte ko naman ngayon- kasama ko papunta sa classroom yung crush ko-- opo crush ko si Xryszian pero hindi naman niya alam kasi hindi ko sinasabi sa kanya at wala akong planong sabihan pa dahil masaya na ako na magkaibigan lang kami- baka pag nalaman niya iwasan niya na ako. 

Maraming babae ang may gusto sa kanya- sabi daw nila dahil gwapo si Xyrszian- ako crush ko siya dahil ang bait-bait niya...siya ang pinakamabait na lalaking nakilala ko.

"Mukhang ang saya natin ngayon ha'?" hindi namin alam ni Xyrszian kung sino ang nagsalita, then pagtingin namin sa likod nandun si Ayesha nakawagas na smile.

"Di ba dapat everyday tayong masaya." Xryszian replied.

"Oo tama ka!"sagot naman ni Ayesha at nakatingin siya sakin na parang kinikilig.

"Hershien nakagawa ka na ba ng mga assignments?" Ayesha asked me.

"I forget to answer..." nakalimutan ko na dahil sa sobrang pagod... ang Curfiel kasing yun.

"Meron ako, gusto niyo kopyahin niyo na lang." sabi ni Xryszian samin- oh' di ba ang bait niya talaga at responsible pa. Hindi gaya ng ibang lalaki na walang ibang alam kundi ay mangopya. 

Sa classroom agad na rin naming kinopya yung mga sagot sa assignments namin... ang ganda ng sulat ni Xryszian- mas maganda pa sa sulat ko. 

After naming makakopya.

"Xryszian thanks ha' ito na pala yung notebook mo." I said habang inaabot sakanya yung notebook niya na napakalinis. 

"Welcome basta ikaw." he answered at ipinasok na niya ang notebook sa loob ng kanyang bag. 

Matapos iyon ay nag lakad na agad ako pabalik sa proper seat ko.

"Hershien kayo na ba?" Ayesha whispered na parang nanunukso. May pasiko pa siyang nalalaman. 

"Huh'?" nagtatakang sabi ko.

"Bakit ang bait sayo ni Xryszian? si crush mo?" sabi ni Ayesha- alam kasi niya na crush ko si Xryszian nagconfess kasi kami sa isa't-isa.

Ang crush ni Ayesha ay si Clipsy at ngayon boyfriend na niya ang taong crush niya kasi naman parati namin silang nililink ng mga classmates ko kaya ayun natuloy din silang dalawa.-- siya na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat.

"Mabait naman siya sa lahat ah'" I answered.

"Tama ka nga." sagot niya then tumigil na siya sa pagsasalita kasi dumating na ang teacher namin sa SIP ( Spiritual Intervention Process) 

Sa subject na to itinuturo Kung paano tayo binibigyan ng biyaya ni God araw-araw, dahil araw-araw naman tayong nakaka receive ng blessings niya sa iba't-ibang paraan, minsan hindi lang natin nakikita kasi hindi tayo marunong magbigay ng appreciation. 

*Lunch time*

"Hershien sama ka sakin sa house, doon na lang tayo maglunch..." biglang sabi ni Ayesha habang naglalakad kami papunta sa Food Kiosk ng school.

"Grabe ka Ayesha, si Hershien lang? di ba kami pwede sumama sa bahay niyo?" Paine abruptly said pagkarinig niya sa mga sinabi ni Ayesha.

"Excited lang tayo?-- syempre Oo, iisa-isahin ko nga sana kayong tatanongin eh'" sagot ni Ayesha habang naglalakad pa rin kami. 

"Dapat pa bang itanong yan? syempre papayag kami." Paine swiftly answered sabay punas ng eye glasses niya. 

"Sasama ka ba Hershien?" Flint asked na nasa likod ni Paine. 

"Kung saan ang gusto ng mga kaibigan ko syempre dun din ako." masayang pagkakasabi ko. 

"Sige tara na ." sambit ni Ayesha. 

Ginamit namin yung kotse nina Flint-- meron silang driver... lima kaming magkakasama ngayon-- si Ayesha, Flint, Clipsy, Paine at Ako.

*Sa bahay ni Ayesha*

"Hi, Kuya Kruizer bakit nandito ka? di ba may pasok kayo ngayon?" tanong ni Ayesha sa kanyang nakatatandang Kapatid. 

"Wala may kukunin lang ako, kaya bumalik ako dito, kumain na ba kayo? ipaghahanda ko kayo ng makakain?" sabi niya samin.

Ang bait talaga ng Kuya Kruizer niya- sabagay kailangan niyang alagaan ang nag-iisa niyang kapatid- patay na pala yung ama ni Ayesha then magkapangalan sila nung nanay niya.

"Huwag na kuya ako na lang." sagot ni Ayesha sa kuya niya na nagpupunas ng mukha dahil kakahilamos lang nito.

"Andito naman si Yaya." Ayesha added.

"O sige aalis na muna ako ha'..." sagot ng kuya niya sabay pasok sa kanyang kwarto na parang magbibihis yata. 

"ok kuya..." sagot ni Ayesha sabay flying kiss sa Kapatid niya, ang sweet naman nilang magkapatid.

Umalis na yung kuya niya.. naglakad na papalabas ng pinto pagkatapos nitong makapag-ayos at makapag-palit ng damit. 

"Ayesha nasaan ba yung mom mo?" tanong ko. 

"As usual nasa trabaho." she replied habang nagpapatulong sa yaya nila na magluto. 

"Ate, ano po ba yung mga niluto niyo diyan?" tanong ni Ayesha sa katulong nila.

"Syempre yung paborito mo Yesha." sagot nung yaya nila.

"Tutulungan ko na po kayo." sabi ng kaibigan ko habang kumukuha ng sandok. 

"Wait! tutulong na rin kami.." Clipsy plainly said at nag lakad na rin patungo sa kusina. 

"Sige, bahala kayo." Sumunod na kaming lahat papunta sa kusina. 

Madaling natapos yung gawain kasi madami kami, at nag-enjoy naman kami sa pag hiwa at pagtatalop ng mga prutas, pag halo ng condense, pag lagay at pag design ng mga cookies at madami pang iba. Sobrang saya, Kahit nadungisan na ang mga uniform namin. 

At dahil nga rin sa madami kami nadala na namin lahat ng foods and utensils papunta sa sala, at ipinatong na namin ang mga ito sa isang malaking mesa na gawa sa salamin. 

Habang kumakain na kaming lahat--

"Flint sino ba girlfriend mo ngayon?" Paine broke the prolonged period of silence.

Wala kasi kaming kibo habang nanunuod ng TV. 

"Wala nga eh' bakit mag-aapply ka?" pabirong tanong ni Flint.

"What are the requirements?" Paine mumbled.

"Ahm, NSO, Medical Certificate, NBI Clearance, Barangay clearance, Resume, latest Picture 1x1 and 2x2 four copies and essay kung bakit kita kailangan maging girlfriend minimum of 500 words encoded- font style arial, font size 12-- deadline bukas." he dictated while smiling. 

"I'm just joking! ano ka ba?" sagot ni Paine na tumatawa din. 

Hay naku halata naman talaga na may gusto si Paine kay Flint-- 2nd year high school pa lang nahalata ko na, yan ang mahirap sa mga girls di ba? halata ng inlove- idinideny pa.

Natapos kaming kumain na puro kulitan at biruan lang, pinatay na rin kasi ni Ayesha yung TV at kinonfiscate mga cellphone namin sapagkat di naman kami nakakapag-usap kapag nakabukas ang TV habang may hawak na cp.

Then bumalik na kami sa school pero na late kami buti na lang at may meeting ang Guild of Guardians (yan ang tawag sa faculty ng school namin) kaya hindi kami napagalitan. 

Ang subject dapat namin ngayon ay Being Human, sa subject na ito itinuturo kung paano ang maging isang totoong taong nilikha ng Diyos. Dito nakapaloob yung pagkakaiba ng Human Being at Being Human. 

After the class umuwi na agad kami nila Ayesha. Dahil marami pa din daw siyang gagawin sa bahay nila. 

*Sa Bahay*

"Andito ka na pala Ate Shien." Ahtna Anne said, habang may hawak na notebook at ballpen gumagawa ng assignment. 

"Si Dad and mom nakaalis na po ba Anne?" malungkot  na tanong ko sakanya. 

"Ate kanina pa daw sabi ni ate yani." she muttered at tsaka binitawan ang notebook at ballpen, umupo siya ng maayos sa sofa, kinuha ang remote at nanuod ng TV. 

"Teka lang ha' magpapalit lang muna ako ng uniform." 

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkabihis ko ay agad na rin akong bumalik dun sa kapatid ko, baka kasi malungkot din siya kagaya ko, nakaupo pa rin siya sa sofa at nanunuod ng TV.

Hindi na muna ako pupunta dun sa baliw na Curfiel na yun, baka tomorrow na lang ako pumunta sa kanila wala kasing pasok bukas eh, sabado. 

"Ate Shien, may gagawin ka ba tomorrow?" Ahtna Anne questioned me as I sat beside her.

"Yah' punta ako dun sa bahay nila Curfiel." tugon ko sakanya. 

"Who's that Curfiel? one of your classmates ate?" she inquired again.

"No, it's part of our project, kailangan kong maging angel for him in 1 month, then dapat ma-change ko yung bad attitude niya." I replied sabay hawak sa gilid ng mukha niya. 

"You mean ate? He's so evil??" sabi ni Anne na may emphasis sa word na evil.

"Mas evil pa sa evil." I replied then she stared at me, namilog ang mga mata niya. 

"I want to see that guy ate, pwede ba ako sumama sa'yo? Please ate, I will be bored na naman here tomorrow and I'll try to help you rin ate." Ahtna Anne requested, ay kanyang kamay ay nakaposisyon na parang nagdarasal. 

"Ok basta paghindi mo na kaya yung attitude niya, sabihan mo lang ako. Para maihatid kita pauwi. " I said- pumayag na ako kasi kawawa naman siya walang kasama, sakin pa naman siya pinapabantayan ni mommy-- at alam ko rin na pag hindi ako pumayag gagawin niya lahat para lang pilitin ako, kaya nga sa ibang school siya nagkaklase-- magkaiba kami ng school ng kapatid ko kasi pinilit niya si daddy at si mommy.

Si Curfiel na yung napili kong taong babaguhin ang pag-uugali kahit alam kong impossible- (tiwala lang) sayang naman kasi kung magiging alipin niya ako for 1 month tapos masasayang lang ang oras ko.

I know God will help me para baguhin ang pag-uugali niya. I know it will be hard but I won't give up. 

**************

(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush

*Curfiel's POV*

Nasa labas kami ng silid ngayon sa harap ng isang lumang building nakikipag laban sa mga tauhan ni Kruizer meron silang kanya-kanyang dalang armas kagaya ng mace, flail, poleaxe at spear. Sinusubukan nila kaming pabagsakin- ang Crucifix Six, kasama ko ngayon sina Sky, Nagel at Xandro.

"Siguradong matatalo na namin kayo ngayon." matapang na sabi nong lalaking may mapulang peklat na eks sa mukha. Nasa likod niya ang iba pa niyang kasamahan at nasisiguro ko na siya ang leader. Ang mga taong nasa likod niya ay handa ng lumusob kita iyon sa mga mata nilang umaapoy, seryoso silang nakatingin samin na parang pinapatay na kami.

"Puro kayo satsat, eh di sana matagal na kaming nasa hukay." tugon ni Xandro lahat kami ay nakafighting position na, hindi kasi namin alam kung kailan sila susugod.

"Sa pagkakaalam ko lagi kayong inililigtas ng isang babae." sagot nong lalaki kaya nagtawanan ang mga taong  nasa likod niya. 

Alam kong ang kanyang tinutukoy ay si Keirsten, ang kapatid ko. Siya lang naman kasi ang laging sumasagip saming Crucifix. Pero Kahit wala naman siya alam naming kaya namin silang pataubin lahat. 

"Paslangin sila!!!!" at sabay sabay na nga silang lumusob samin. 

Araw-araw ang buhay ko'y ganito puro pakikipag-away at puro pakikigulo, hindi lumilipas ang araw na wala akong panibagong natatamong sugat.

 Pinaikutan nila kami habang kami naman nina Sky at Xandro ay sinusubukang protektahan si Nagel, dahil magaling lang siya gumamit ng baril subalit wala masyadong alam sa pakikipaglaban ng pisikal.

Nakapaligid kami kay Nagel habang siya'y may hawak na libro, nakayuko at patuloy pa rin sa pagbabasa. 

"Ahhhhhhhh!!!! " may lumusob na tatlong lalaki. Lumipad si Xandro sa ere at nagpapaikot-ikot, gamit ang kanyang arnis ay magkakasabay niyang napabagsak ang tatlo. Ang mukha ng tatlo ay dumugo na lamang at   nabali ang kanilang mga ilong. 

"Yaaaaaaaaaaaaaa" mas marami pang lumusob na mga lalaki. Si Sky ay mabilis na nakakapunta sa likod ng mga lalaki at gamit ang kanyang katana, walang hirap niyang napapaslang ang mga umaatake. 

Tinanggal ni Sky ang kanyang subong lollipop, "ito ba ang pinagmamalaki mo? Ang kikitil samin?" sabi niya sabay dura sa mga lalaking bumagsak na sa lupa. 

Kahit may laban hindi pa rin maiwasan ni Sky ang pagkain ng lollipop. Madalang ko lang siyang makitang  walang lollipop sa loob ng bibig niya. 

Ako naman ay may bitbit na Gothic bastard sword kaya madali ko rin silang napapatumba dahil sa swordsmanship skills ko na tinuro pa ng aking ama, simula nong 5 years old pa lang ay nag-umpisa na akong magensayo sa paggamit ng espada. 

Buti talaga at meron kaming mga armas ngayon hindi gaya nong  laban namin kay Kruizer, na wala kaming kaalam-alam. 

Ang dating uhaw na mga halaman at damo ay nadiligan ng dugo,  halos kulay pula na ang lupa dahil sa umaagos na dugo mula sa katawan ng mga taong napatay namin. 

"Yaaaaaaaaaa....." lahat ng lalaking nakapalibot samin ay lumusob na ng sabay-sabay kaya naman ay naging seryoso na kaming tatlo sa pakikipaglaban. Habang si Nagel naman ay umiiwas lang sa pag-atake na ginagawa ng aming mga kaaway. 

Kaliwa, kanan, talon, tagilid yan lang ang ginagawa ni Nagel habang nakatingin pa rin sa kanyang libro at nagbabasa at ang kanyang isang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Hindi man lang siya magalusan ng tatlong lalaking pilit siyang pinapatay. 

Nong naubos na namin lahat ay tumakbo kaming tatlo pa palapit kay Nagel, gamit ang arnis ay pinatamaan ni Xandro sa tiyan yung isang lalaki, pinatumba naman ni Sky yung isa gamit ang kanyang katana, at habang  itaas ko pa lang sana ang aking espada na puno na rin ng dugo ay tumakbo na 'yong pinakahuling lalaking natitirang buhay. 

Hinayaan na namin siyang mabuhay, at para na rin may mag sabi sa boss nila na buhay pa rin kami at mas magaling kaysa sa kanila. 

Dito sa loob ng Academia bawal ang firearms, bombs, at bow and arrow. Kailangan marunong kang makipag laban ng pisikal, kaya tinuturuan namin si Nagel araw-araw. 

Pwede lang kaming gumamit ng firearms at bomba kapag mayroon na misyon na dapat taposin at dapat utos iyon mula sa Mafia Organization hindi kung sino lang. 

Nag tuloy-tuloy na kami sa paglalakad upang makarating sa classroom. 

"Wala na ba? Akala ko madami pa sila." pagyayabang ni Sky, at itinapon na niya ang stick ng kanyang lollipop. Subalit dumudukot muli siya sa kanyang bulsa, marahil ay may dala pa siyang stock ng lollipop. 

"Baka mamaya ay mayroon na namang mag-abang satin." tugon ko sakanya. Hindi nga ako nagkamali dahil habang sinasabi ko 'yon ay tinatanggalan niya na ng balat ang lollipop na galing sa kanyang bulsa. 

" Uhhhh! Bat namatay yung bida!!" galit na sabi ni Nagel at malakas na itinapon niya ang libro na kanyang hawak at binabasa kanina. 

Hindi ko rin maintindihan ang miyembro ko, mga weirdo. Pinabayaan na niya 'yong libro sa gilid ng umaapaw na basurahan, marahil ay bibili na naman siya ng panibagong libro na babasahin. Hindi niya lang yata nagustuhan yung ending. 

"Huwag niyo kakalimutang mag training kahit nasa bahay na kayo, Siguradong hindi sila titigil hanggat hindi nila tayo napapatay." suhestiyon ko sa kanila bago kami nakapasok ng classroom. 

"I always did." sagot ni Nagel. Malungkot ang kanyang mukha hindi ko lang alam kung ito ay dahil sa binabasa niyang libro kanina kung saan namatay ang bida. 

"Syempre, lalagpasan ko pa rango ng tatay ko." tugon ni Xandro na pinapaikot-ikot lang ang kanyang hawak na arnis. 

Pumasok na si Professor Sniper, nag tuturo siya ng ibat ibang parte ng baril at mga uri nito. Nakikinig ako ng maigi sakanya sapagkat maayos siyang magturo at gusto kong matuto ng pag gamit ng maraming klase ng mga baril. Gusto ko rin maging kasing galing ni Nagel sa pag-asinta.

*******

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 14

    Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 13

    Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 12

    Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 11

    Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 10

    Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa

  • Cosa Nostra Academia: School For Mafia   Chapter 9

    Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status