LOGINChapter 3
ASTRELLA POV:
Hindi pa din mawala sa isip ko yung lalaking kuma usap sakin kanina, Tila may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan. Ang mga mata niya ay kulay tsokolate na para bang may gustong sabihin sa akin, Ang ilong niyang masarap pisilin at ang labi niyang mapupula na para bang inaakit ka nitong halikan ito.
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala ang iniisip ko.
"Ano ba yan ang bata bata ko pa kung ano ano na ang iniisip ko, Ano ba yan" sabi ko kamot ulo kung sabi.
"Astrella, punasan mo nga tong mesa para makakain na tayo" sabi ni nanay Ella
Agad akong tumayo sa pagkakaupo para sundin ang utos ni Nanay.
"Astrella tawagin mo muna ang kuya Akikios mo sa kwarto niya" sabi ni Nanay.
"Sige po Nay" sabi ko sabay punta sa kwarto ni kuya kios.
*tok tok tok*
tatlong katokpa lang ay agad na binuksan ni kuya kios ang pinto.
"Bakit?" tanong niya.
"kain na daw kuya" sabi ko .
"sige sunod na lang ako" sabi niya.
"k" sabi ko sabay alis.
Pag karating ko sa kusina ay nakaayos na ang lahat kaya umupo nalang ako.
"Nasaan ang kuya mo?" tanong ni nanay sakin.
"susunod daw po siya, ay ayan na po pala siya" sabi ko.
"umupo kana dito kios" sabi ni Nanay kay kuya.
"Nasaan si tatay, nay?" tanong ni kuya.
"nag hanap ng trabaho" sabi ni nanay habang kumakain.
"saan siya nag hanap nay?" tanong ko.
"Diko alam, basta nag hanap siya!" sabi ni Nanay.
"Nay may project nga pala kami, may pera ka ba jan nay?" tanong ni kuya kios kay nanay.
"meron naman magkano ba kailangan mo?" tanong ni nanay.
"Nay sasama ba ako sa field trip?" tanong ko.
"Wag na muna Astrella unahin na muna natin ang kuya no malapit na siyang maka graduate" sabi ni Nanay.
"Nay mag hanap kaya ako ng trabaho?" tanong ni kuya kay nanay.
"Hindi ka ba mahihirapan sa pag-aaral pag nag trabaho ka?" tanong ni Nanay kay kuya.
"hindi naman siguro nay" sabi ni kuya kios.
" O siya bahala ka basta wag mong pagudin masyado ang sarili mo"sabi ni nanay kay kuya.
"ako nay pwede dinmag trabaho" tanong ko.
"Hindi 15 ka palang" sabi ni Nanay sakin.
Hypnos POV:
"Wala ka bang mga gulay dito Atheos" tanong ko sa kanya habang kinakalkal ang laman ng kusina niya.
"May nakikita ka ba jan" masungit na sabi niya.
"wala" sabi ko.
"Edi Wala". Masungit na sabi niya.
"sungit mo, iwan kita dito eh" nakangusong sabi ko.
"Ano kayang pangalan nong babaeng yun Hmmm" tanong niya sa isip niya, pero dahil nakakarinig ako ng isip ay sinagot ko ito.
"Astrella Rosete, 15 years old, Grade 10 student, May kuya siya si Akikios Rosete, nanay naman niya si Ella De Vera, tapos tatay naman niya ay si Alesandro Rosete" tuloy tuloy na sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"bat mo binabasa isip ko" sabi niya habang may masasamang tingin sakin.
"di ko sinadya no" sabi ko agad.
"lumayas kana nga dito" sabi niya sakin.
"ayaw mo pa kasing aminin na nalove at first sight ka sa kanya" sabi ko kaya mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.
"isa pa Hypnos, isusumbong kita Morpheus na hindi ka nag iingat pag nag teteleport" sabi niya kaya nanahimik na ako baka isumbong niya nga ako kay Morpheus.
Atheos POV:
pag ka sabi ko niyon ay biglang nag teleport so Hypnos.
"saan naman kaya pupunta yun" sabi ko sabay kuha ng cellphone na binili ko kahapon sabay nood ng neflixs.
lumipas ang ilang oras ay wala pa din si Hypnos kaya lumabas muna ako para bumili ng ulam na lulutuin.
"Ate mag kano tong hita ng manok?" tanong ko.
" by kilo yan iho" sabi ng tindera.
"mag kano po isang kilo nitong hita ng manok?" sabi ko .
"180 lang iho" sabi niya.
"sige po pabili po ng kalahating kilo" sabi ko.
Pag katapos kung bumili ay agad akong umuwi, pag ka uwi ko ay nakita ko si Hypnos kasama si Dionysus.
"ohh anong ginagawa ni Dionysus dito?" tanong ko.
"dito daw muna siya ,boreddaw siya eh" sabi ni Hypnos.
"Anong binili mo?" tanong ni Dionysus.
"himala hindi ka lasing ngayon" manghang sabi ko.
"hindi naman talaga ako laging lasing, sadyang may malaking problema lang ako ng mga panahon na palagi mo akong nakikita" sabi niya.
"ah so ok kana ngayon?" tanong ko.
"Oo naman" sabi niya.
"Anong binili mo Atheos?" tanong ni Hypnos sabay hablot ng manok sa kamay ko.
"anong gagawin mo dito sa manok?" tanong niya.
"tinola nalang siguro" sabi ko.
"bat wala kang luya" sabi ni Dionysus.
"ohh bili ka Hypnos, tutal malakas ka kumain" sabi ko.
"hoy si Dionysus nalang pabilhin mo" sabi ni Hypnos.
"akin na nga, Ako na bibili" sabi ni Dionysus.
"buti pa si Dionysus may silbi yung isa jan wala" pag paparinig ko kay Hypnos.
"ang kapal ng mukha mo, may silbi kaya ako l" naka ngusong sabi niya.
"wag ka ngang ngumuso, para kang baklang pato" sabi ko.
"huh? meron bang baklang pato?" takang tanong niya.
"meron ikaw" sabi ko sabay handa ng iluluto ko.
"paabot nga ng kutsilyo Hypnos" sabi ko.
"abotin mo mag isa, wala akong silbi eh" naka ngusong sabi niya.
"pag yan kinuha ko hindi ka maka kakain" sabi ko.
"ito naman hindi mabiro" sabi niya sabay kuha ng kutsilyo.
"ohh" sabi niya sabay abot ng kutsilyo.
"Nasaan na si Dionysus, sundan mo nga Hypnos baka naligaw na yun." sabi ko
pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dionysus.
"oh" sabi ni Dionysus sabay abot ng luya.
"Bat ang tagal mo?" tanong ko.
"kinausap ako ng ale sa kabila eh" sabi niya.
"ano nga pala ginagawa mo dito sa lugar nato" tanong niya.
"pinarusahan yan ni Morpheus" sabi ni Hypnos habang naka upo sa mesa.
"bumaba ka jan Hypnos, baka masira yan" sabi ko.
"ok" sabi niya sabay baba.
Ilang sandali lang ay naluto na ang pag kain namin kaya nag si upo na kami, pero bago kami makakain ay may kumatok.
*tok tok tok*
Agad kaming nag ka tinginang tatlo kung sino ang mag bubukas ng pinto, pero umiwas ng tingin ang dalawa, kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at buksan ang pinto.
Pag ka bukas ko ng pinto bumungad sakin si Astrella.
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As