LOGINCHAPTER 2
kina umagahan ay nilibot ko ang manfil para makita kung nasaan ang babaeng sinasabi ni Morpheus, sa sobrang pag iikot ko ay hindi ko parin nakita ang babaeng sinasabi ni Morpheus kaya umuwi nalang muna ako para maka pagpahinga.
sumapit ang gabi at hindi ko pa rin nakikita ang sinasabi ni morpheus na babae kaya nag pasya nalang akong umuwi at bukas nalang ulit hanapin.
Kinabukasan ulit ay nag hanap ako kung saan saan hindi nalang sa manfil kundi sa palao at asia 1&2 din, sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay may mga bata akong nakita na nag lalakad pauwi sa kanilang mga bahay bahay kaya hindi ko ito pinansin at nag pa tuloy nalang ngunit may naka agaw ng pansin ko isang batang babae na napapaligiran ng mga maiitim na usok sa kanyang paligid, hindi ko alam kung sa usok ba na galing sa tricycle yun o yun na yung mga alagad ni Epiales, sa sobrang kalituhan ko tinawag ko si Hypnos.
hypnos tawag ko sa isip ko, kaya agad namang siyang lumitaw sa tabi ko.
"Bakit mo ako tinawag Atheos" naka kunot noong tanong niya.
"tignan mo yung batang babae na yun o napapalibutan ng usok" sabi ko.
agad niya akong binatukan at sinabing
"tanga usok yan ng mga tricycle tsk" sabi niya sabay iling.
"aba malay ko bang usok yan ng tricycle kaya nga tinawag kita diba bobo mo talaga" sabi ko.
"Mas bobo ka" ganti naman na sabi niya
"Hoy nasaan na yung batang babae?" tanong ko kay hypnos.
"aba ewan baka umuwi na sa bahay nila" sabi niya. kaya napatango nalang ako
"bakit gusto mo ba yun?" tanong niya
"hindi masyado siyang bata para sakin, parang elementary palang siya eh ang liit" kibit balikat kung sabi.
"tanga hindi na yun elementary, high school na yun kaso pandak nga lang HAHAHA" sabi niya sabay tawa
"ayy oo nga pala may pag kain ka ba sa bahay mo? pakain naman nagugutom na ako" sabi niya sabay pitik sa daliri niya kasabay ng pag hinto ng tao sa paligid kaya agad niya akong hinawakan at nag teleport papuntang bahay.
"Aray ko shit ka talaga hypnos, ang panget mo mag teleport " sabi ko habang hinihimas ang pwet ko na lumagapak sa sahig.
"ang arte mo naman kalalaki mong tao"sabi niya
"hindi sa pagiging maarte masakit lang talaga lumagapak sa sahig try mo kaya, sapakin kita jan eh" pikon na sabi ko
"napaka pikonin mo ano" sabi niya sabay punta sa kusina para humanap ng mga pag kain.
"wala ka bang palaman dito" dinig kung sabi niya mula sa kusina.
"wala kung anong nanjan yan nalang kainin mo" sabi ko sa kanya sabay pasok sa kwarto para maka pag pahinga.
nagising ako ng may humampas sakin sa pisngi, kaya agad ako napamulat at sinamaan ng tingin ang sumampal sakin.
"Anong bang problema mo at nana nampal ka huh" asar na sabi ko
"yung batang babae kasi kanina na nakita natin nakita ko jan sa kapit bahay, may naka sunod sa kanyang alagad ni Epiales." sabi niya
"Sabi sayo may kutob ako sa batang yun eh"kunot noong sabi ko, sabay tayo sa higaan para tignan nga yung batang babae na sinasabi ni Hypnos.
agad kung nakita ang batang babae na umiinom ng soft drinks sa tapat ng bahay nila habang nasa likod si Harlem isa sa alagad ni Epiales kaya nilapitan ko ito.
"Anong kailangan mo sa bata Harlem?" tanong ko.
"Bat ko sasabihin sayo" nakangisi niyang sabi
"Lubayan mo yang bata" galit na sabi ko
hindi ko alam na nakikinig pala yung batang babae sakin.
"sinong kausap mo jan kuya?" inosenteng tanong niya habang naka tingin sakin, agad akong natigilan ng makita ko ang mata niya isang pares ng kulay kahel ang mata niya, bihira lang ang ganitong kulay na mata kaya nakakaagaw talaga ito ng pansin.
"Hoy kuya matutunaw ako wag mo akong masyadong titigan" sabi niya sakin ngunit hindi ko siya pinansin at pinag patuloy kung pinag masdan ang kanyang mukha, meron siyang mahabang buhok na kulay brown na hanggang bewang kaya mas lalo itong bumagay sa kanya.
"Astrella pumunta ka nga dito at mag saing" sigaw ng nanay niya, kaya agad siyang pumasok sa bahay nila samantalang ako nana tili pa ding naka tayo habang tinatanaw ko siya.
Nanatili pa din akong naka tingin sa kanya habang papasok siya sa bahay nila ng may biglang sumiko sakin.
"Ano ba" sabi ko habang sinasamaan ko ng tingin si hypnos.
"tigilan mo na ang pag titig sa kanya baka matunaw siya" pang aasar niya sakin.
"tsk" sabi ko sabay alis.
"intayin mo ako atheos" sabi niya habang hinahabol ako kaya mas lalo ko pang binilisan anv lakad ko para hindi niya ako maabutan.
"bahala ka sa buhay mo" sigaw ko sabay takbo sa loob ng bahay, pag ka sara ko ng pinto ay nakita ko sa likod ko si hypnos.
"Aha naka limutan mo na kaya kung mag teleport ano" pag mamayabang na sabi niya.
"Bat ka nag teleport baka may nakakita sayo" kunot noong sabi ko.
"Wala pinatigil ko muna ang oras tska ako nag teleport" agad na sabi niya sakin.
"siguradohin mo lang malalagot ka kay morpheus pag may nakakitang iba sayo" pananakot ko sa kanya.
kita kung napalunok siya sa sinabi ko kaya napailing nalang ako.
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As