LOGIN
CHAPTER 1
"Saan ko hahanapin yung sinasabi ni Morpheus na babae, dami ng babae sa mundo" naka kunot noong sabi ko.
Biglang lumitaw si hypnos the god of sleep sa tabi ko pag ka sabi ko niyan.
"Hindi ka kasi nakikinig, ang sabi niya sa Calamba Laguna, binigyan ka na mga ng clue hindi ka pa nakinig" sermon niya sakin.
"malay ko ba, kung hindi lang ako matatrap dito hindi ko gagawin ang misyon na pinapagawa niya" asar na sabi ko.
"Mas lalo mo lang ginagalit si Morpheus pag hindi mo ginawa yan tsk." sabi niya sabay iling
"bakit ka ba nandito?" takang tanong ko.
"pinababantayan ka ni Morpheus sakin, baka kung saan saan ka daw mapunta at mukhang tama nga siya" sabi niya sabay iling.
"hindi ko kailangan ng bantay, hindi na ako bata" asar na sabi ko.
"Pasalamat ka nga pinapunta niya ako dito, kundi dito ka nalang sa palawan, anong gagawin mo dito sa palawan, bakasyon? paalala ko lang misyon ang gagawin mo dito sa future hindi bakasyon tsk tsk." iling na sabi niya
" e sa hindi ko narinig ang sinabi niyang lugar e" pikon na sabi ko.
"kung inayos mo sana ang pinagsasabi mo tungkol sa mga pangarap hindi ka niya bibigyan ng misyon at masaya ka sana pumapasok ngayon sa school mo" sermon niya
"kung sesermonan mo lang ako hypnos, umalis ka nalang" asar na sabi ko.
"pano ka makakapunta sa Calamba, sasakay ka?" tanong niya.
"oo bakit" sagot ko
"mas lalo kang matatagalan sa misyon motandaan mo 6 na buwan lang ang binigay na panahon sayo" sabi niya.
" o di mag mag teleport nalang tayo para mabilis, dami mong sinabi" sabi ko.
"pasalamat ka nga hindi si Dionysus, ang pinadala eh" sabi niya
si Dionysus ay god of wine lagi siyang lasing at hindi makausap ng matino kaya buti nalang si hypnos ang pinadala kahit na madaldal siya nakakausap ng matino.
"o siya kumapit kana at mag teteleport na tayo papuntang Calamba" sabi niya
Kaya agad akong kumapit sa kanya, ilang sandali lang ay naramdaman kung parang nahuhulog kami kaya hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya.
"shit hypnos" nasabi ko nalang nong bumagsak ako sa sahig agad akong tumayo at hinimas ang pwet ko na masakit.
"tingin mo tama ba ang napuntahan natin?" tanong niya
kaya agad kung nilibot ang paningin ko para tignan kung nasaan kami.
"Shit hypnos bakit tayo nandito sa bahay ni Dr. Jose Rizal?" tanong ko.
"Aba malay ko basta nandito tayo sa Calamba, ok na yun" sabi niya kaya napahampas nalang ako sa noo ko.
"saan ba sa Calamba ang sabi ni Morpheus" tanong ko.
"Ewan sabi niya alam mo daw" kibit balikat niyang sabi.
"lumayo ka sakin hypnos babatukan kita" pikon na sabi ko.
"ito naman ang init ng ulo, sa Canlubang daw" sabi niya habang nakangiti.
"edi malayo pa dito yun" sabi ko habang naka kunot noo.
"oo hehehe" sabi niya sabay tawa
"'mag jeep nalang tayo papunta doon" sabi ko
"ayaw mo mag teleport?" tanong niya
agad ko siyang sinamaan ng tingin ng sabihin niya yun.
"mag jeep nalang tayo baka sa kanal na ako mahulog sa susunod" sabi ko.
"wala tayong pera pano tayo sasakay" sabi niya.
"anong silbi ng kapangyarihan mo kung hindi mo gagamitin" kunot noong sabi ko.
"ay oo nga pala" sabi niya
"wala ka bang utak" sabi ko sa kanya
"Hoy meron naman, ang harsh mo sakin ah, dapat si Dionysus nalang ang kasama mo eh" nakangusong sabi niya.
gwapo sana kaso isip bata sabi ko sa isip ko.
"uy narinig ko yun ha" sabi niya sabay ngiti ng malaki.
nakalimutan ko nakakarinig pala to ng isip kaya agad akong nag isip ng kung ano ano para magulo siya.
"tigilan mo nga ang pag iisip ng kung ano ano, sumasakit ang ulo ko" sabi niya habang hinihilot ang kanyang noo .
Medyo na guilty ako kaya tumigil na ako sa pag iisip ng kung ano ano.
"oh ito pera para makaalis na tayo dito" sabi niya sabay abot ng pera sakin.
"Buti naman naisipan mo yan, magdidilim na ngayon mo lang binigay tong pera" sarkistong sabi ko.
agad kaming nag hanap ng jeep at sumakay, makikita mo sa mukha ni hypnos ang pag ka mangha kaya hindi niya napapansin ang pagtitig ng mga babae sa harap niya, kaya siniko ko siya.
"aray ano nanaman ba atheos" daing niya habang hawak ang tagiliran niya na siniko ko.
"umayos ka nga, may mga nakatitig sayo" sabi ko sa kanya
"baka na gwapohan sakin" sabi niya
kaya hindi na ako nag salita dahil baka nga nagwapohan sila kay hypnos kasi gwapo naman talaga siya pero mas gwapo ako sa kanya, itim na itim ang huhok ko samantalang siya puti ang buhok niya parang uban. Ang mga mata ko kulay tskolate sa kanya kulay abo, Ang mga mata ko hindi singkit hindi din malaki katamtaman lang pero kay hypnos singkit ang mata niya kaya hindi makita ang mata niya kapag nakangiti siya, nasa kalagitnaan ako ng pag kukumpara ko ng sikuhin ako ni hypnos.
"Aray ano ba gumaganti ka ba" asar na sabi ko.
"hindi nandito na tayo sa terminal ng canlubang bumaba na tayo" kaya agad kaming bumaba at humanap ng tricycle papuntang manfil dahil doon daw nakatira yung babaeng sinasabi ni Morpheus.
"Saan kayo sa manfil mga iho?" tanong nong driver ng tricycle, kaya tinignan ko si hypnos.
"sa may malapit lang po sa court manong" sabi ni hypnos.
Pag ka sabi niyan ni hypnos ay pinasakay na kami ni manong Driver sa tricycle niya.
Lumipas ang ilang oras nakarating na kami sa manfil.
"So ano na nandito na tayo pero wala pa tayong tutuluyan" sabi ni hypnos
"Malamang mag rerenta tayo ng bahay, ayon oh nakikita mo ba yung bahay na yun may rent na nakalagay oh" sabi ko
Pag ka sabi ko non ay agad siyang pumunta sa tapat ng bahay na may naka lagay na rent, sakto naman na palabas ang may ari at kinausap ito ni hypnos.
Ilang minuto lang ay bumalik si hypnos sakin na may dalang susi.
"oh ayan na yung susi ng bahay pwede na daw tumira jan ngayon pero wala daw gaanong gamit kundi papag lang tska nabayaran ko na yan ng 6na buwan kaya wala ka ng poproblemahin kundi ang misyon mo nalang " pag papaliwanag niya sabay pasok sa loob ng bahay.
"Aalis na pala ako tapos na kitang tulungan tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka pa" sabi niya sabay teleport.
Pag ka sabi niya yun ay lumabas ako para kumain sa isang karenderya. Dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang tanghali, pag ka tapos kung kumain ay bumalik na ako sa bahay para ayusin yung hihigaan ko mamaya.
Sa sobrang pagod ko ay inaantok na ako kaya bukas ko nalang hahanapin ang babaeng yun sabi ko sabay tulog.
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As