LOGINChapter 6: Family Reunion
Atheos POV:
"Bat hindi natin ipakita kung paano kita patayin sa mismong panaginip mo" nakangising sabi niya kay Astrella.
Lumingon si Astrella sa gawi namin ng may pakikiusap sa mata niya na tulungan siya, nag tama ang mata namin at nakita ko sa mga mata niya ang takot. Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya ng hawakan ni Hypnos ang kamay ko at umiling ito.
“Bat hindi mo tulungan ang babaeng ito Atheos, diba siya ang misyon mo, kaya ka nandito HAHAHAHA” sabi niya sabay tawa ng nakakakilabot, Galit ko siyang tinignan gamit ang mata ko.
“Bakit mo pinapakialaman ang panaginip ng babaeng ito Harlem” seryosong sabi ni Hypnos.
“Kung ikaw Hypnos ang god of sleep ay panatilihing maayos at ligtas ang mga natutulog , kami naman ang mangugulo nito HAHAHA” sabi niya sabay tawa.
Hindi niya napansin na natangal ang pag kakahawak niya kay Astrella kaya sinipa niya ang binti ni Harlem ng napaka lakas lakas , bigla namang nag teleport si Hypnos at Dionysus patungo kay Harlem, at hinawakan nila si Harlem ng mahigpit habang may lumilitaw na gintong kadena sa katawan ni Harlem.
“Ikaw na muna ang bahala kay Astrella, Babalik din kami Atheos” sabi ni Hypnos sabay teleport.
Agad kung nilapitan si Astrella para alalayan na ngayon ay nanghihina sa nangyare sa kaniya.
“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya, tumango lang siya habang hawak niya ang leeg niya.
“Let me be your dream catcher, i will fight your nightmares until i die” seryosong sabi ko.
“Tara na Atheos” sabi ni Hypnos na biglang lumitaw sa tabi ko.
“Keep Dreaming Astrella, I’m just here to protect you from bad dreams, bad dreams may stop you, but you have to fight and continue dreaming because your more than this” sabi ko sabay hawak kay Hypnos at agad namang nag teleport.
Kinabukasan
Astrella POV;
Tinanghali ako ng gising ngayon dahil sobrang weird ng panaginip ko, nandon si Atheos, Dionysus at Hypnos sa panaginip ko at sinagip nila ako sa taong sumasakal sakin.
Ang ipinagtataka ko, kung bakit sila nasa panaginip ko, at parang totoo lahat ng nasa panaginip ko dahil may bakas ng pagkakasakal ang aking leeg na kailangan ko pang takpan ng concealer para hindi makita ni nanay.
“Astrella tanghali n kumain kana dito!” sigaw ni nanay.
“Sige po nay” balik na sigaw ko.
Agad kung tinapos ang paglagay ng concealer sa leeg ko at kamay dahil nag ka pasa din ang kamay ko sa higpit ng pag kakahawak sakin.
Pag ka baba ko ay nakaupo na silang lahat sa hapag at ako nalang ang inaantay para mag sabay sabay na kaming kumain.
Ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na kami kumain aakyat na sana ako sa kwarto ng mag salita si Nanay.
“ Ikaw ang mag hugas ng pinagkainan Astrella” sabi ni Nanay , kaya napatingin ako sa kanya na kita kung nakatingin siya sa kamay ko.
“sige po” sabi ko sabay iwas ng tingin.
Agad kung sinimulan ang pag huhugas para matapos agad.
Nang matapos kung maghugas ay nakita ko ang kamay ko na natangal na ang concealer agad kung tinago ang isang kamay ko sa likod habang inaayos ang hinugasan ko.
Aakyat na sana ako ng hinablot ni Nanay ang kamay ko, kaya napangiwi ako dahil nahawakan niya ang pasa ko.
“Saan galing ang pasa mong ito Astrella” galit na sabi ni Nanay.
“H-Hindi ko po alam, P-Pag kagising ko po meron na akong pasa” naka yukong sabi ko.
“Baka may nasagi siyang hindi niya napansin nay” sabi ni kuya.
Bumuntong hininga si nanay at sinabing.
“Kios kumuha ka ng yelo sa Ref at panyo”
“umupo ka dito Astrella at lalagyan natin ng yelo yang pasa mo” sabi ni Nanay, kaya agad akonv umupo.
“may ibang pasa ka paba bukod dito sa kamay mo?” tanong niya.
“W-Wala na po Nay” sabi ko sabay takil ng buhok ang leeg ko, ayaw kung mag-alala si Nanay pag nakita niya itong nasa leeg ko, kaya hindi ko na sinabi.
“Nay ito na oh” sabi ni kuya kios sabay abot ng yelo.
Agad na kinuha ni Nanay ang kamay ko para malagyan ng yelo ang pasa ko.
“Sa susunod mag iingat ka , para hindi ka mag ka pasa” sermon ni Nanay sakin, kaya napangiwi ako.
Wag kang ngingiwi ngiwi jan, ipakain ko itong yelo sayo” sermon niya.
Hypnos POV;
“Anong gagawin natin kay Harlem?” tanong ni Atheos.
“Kami na bahala ni Dionysus sa kanya” sabi ko habang pinag mamasdan si Harlem na nakatali sa upuan.
“idadala niyo ba siya kay Morpheus?”tanong ni Atheos.
“Oo” sagot naman ni Dionysus, sabay sipa sa upuan kung saan nakatali si Harlem.
“Pamunta na tayo kay Morpheus, baka malaman ni Epiales na nakuha natin si Harlem” sabi ko , sabay lapit kung nasaan si Harlem at Dionysus.
“Tara na” sabi naman ni Dionysus, sabay buhat kay Harlem na hanggang ngayon ay wala paring malay sa pag suntok namin.
“mauuna na kami mag iingat ka dito!” sabi ko sabay teleport.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa Dream Port kung saan nakatira si Morpheus, isa itong kaharian na napapaligiran ng matatayog na puno.
Pag ka pasok namin sa kaharian ni Morpheus ayagad na nag si yukuan ang mga alipin at kawal.
“Sumunod po kayo sakin” sabi ni Beerus na kanang kamay ni Morpheus.
Agad naming tinungo ang silid aklatan kung saan laging nagbabasa si Morpheus, Pag karating namin sa silid aklatan ay agad na binato ni Dionysus si Harlem, kaya napatingin samin si Morpheus, at nagising naman si Harlem.
“S-Sa tingin niyo kahit nahuli niyo ako, titigil na si Epiales!” nakangising sabi niya,
sinuntok ito ni Dionysus hanggang hindi nagdudugo ang mukha nito.
“Tama na yan Dionysus “ seryosong sabi ni Morpheus, sabay lakad papunta sa harap ni Harlem at sinuntok ito ng paulit ulit.
“Oh my gosh, son! what are you doing?” sabi ni Pasithea kaya agad itong tumigil sa pag suntok.
“Oh my Dear Husband your here” sabi niya sakin sabay yakap, kaya niyakap ko din siya pabalik .
“tsk, ano to family reunion” sabi ni Dionysus.
“Ano gagawin niyo kay Harlem” tanong ni Pasithea na nakayakap parin sakin.
“Torture” sabi ni Dionysus.
Agad na kumalas sa yakap ko si Pasithea at hinarap si Dionysus.
“Are you serious Dad?” tanong ni Pasithea sa Ama niyang si Dionysus.
“Mukha ba akong nag bibiro” seryosong sabi ni Dionysus.
Atheos POV:
dalawang buwan na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik sila Dionysus at Hypnos.
*tom tok tok*
Agad akong tumayo ng marinig ko ang katok binuksan ko ito at agad na bumungad sakin ang dalawang lalaki na hindi ko kilala.
“Ikaw ba si Atheos” sabi ng lalaking mukhang masungit at may seryosong mukha.
“Oo anong kailangan niyo” tamong ko.
“kami ang bago mong makakasama dito” sabi ng nakangiting lalaki.
“Nasaan sila Hypnos at Dionysus?” tanong ko.
“May Family Reunion sila tsk.” sabi nong lalaking masungit.
“Ako si Cupid” sabi naman ng lalaking nakangiti.
Napatingin naman ako sa lalaking masungit dahil hindi pa siya nag papakilala.
“Helios” tipid na sabi ng masungit na lalaki kaya napangiwi si Cupid.
“Anong gods kayo?” tanong ko.
“hindi ka ba nakikinig sa lesson niyo?”
tanong ni Cupid sakin.
“hindi, bakit?” tanong ko.
“ni lesson niyo kaya kami” sabi ni Cupid.
“pwede bang pumasok na kami?, nakaka ngalay tumayo” sabi ni cupid sabay pasok sa loob ng bahay.
Helios- Titan God of Sun
Cupid- God of Love
Pasithea- Wife of Hypnos
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As