LOGINChapter 7: Lets be Friends
Astrella POV:
Sa dalawang buwan na lumipas ay minsan nalang ako mag karoon ng masamang panaginip at hindi ito kasing lala ng nangyayare dati na nag kakapasa ako pag gising.
Pero binantaan ako minsan sa aking panaginip na mag babalik sila sa aking panaginip at papatayin ako.
Sa dalawang buwan na iyon ay lagi ring nandito si Atheos sa bahay dahil nag bakasyon daw sila Dionysus at Hypnos.
Sa araw araw na nandito si Atheos ay lagi ko siyang nakikitang nakatitig sa akin, pero pag sinusubukan ko siyang kausapin ay hindi ako pinapansin nito.
Atheos POV:
“Anong god kayo” tanong ko sa kanila pag ka pasok ng bahay.
“tsk, hindi ka talaga matatahimik hangga’t hindi mo nalalaman ano” sabi ni Helios.
“HAHAHA, si Helios titan god of sun, tapos ako naman ay god of love” sabi ni Cupid.
“Diba yung Cupid bata yun?” kunot noong tanong ko.
“Oo pero hindi iyon ang tunay na mukha ko, dahil ang bata ay sumisimbolo ng pagibig “ pagliwanag niya sakin.
Hypnos POV:
“ sa tingin mo Dionysus tama bang sila Helios at Cupid ang pinadala natin sa kany?” tanong ko habang humihigop ng kape.
“Sa tingin ko ay mag aaway lang sila” naka ngiwing sabi niya.
“ Sa tingin mo kailangan na nating bumalik? lumipas na ang isang linggo na kasama ni Atheos yung dalawa, baka nag aaway lang yung mga yun kawawa naman si Atheos” sabi ko.
“ Mag paalam ka muna kay Pasithea baka bigla kang sundan sa mundo ng mga tao pag hindi ka nag paalam.” sabi niya
Agad akong tumayo at hinanap si Pasithea, agad ko siyang nakita sa silid aklatan kasama si Morpheus.
“Oh bat ka nandito?” tanong ni Pasithea sakin.
“Babalik na kami ni Dionysus sa Mundo ng mga tao, baka kung ano na ang nangyare kay Atheos sa kamay ng dalawang yun” sabi ko.
Agad naman siyang tumango, agad akong nag tungo sa may harden kung saan kami kanina umiinom ng kape ni Dionysus.
“Ano pinayagan ka” sabi niya.
“Oo, tara na kay Atheos” sabi ko sabay teleport.
Pag ka rating namin sa bahay na nirentahan namin ni Atheos ay agad ko siyang hinanap.
“Ikaw naman ang mag hugas ngayon Helios ako na kaninang umaga ang nag hugas” dinig kung sabi ng kung sino sa kusina, kaya agad akong nag lakad papalapit sa kusina para tignan kung anong nangyare kay Atheos sa kamay ng dalawa, dahil nasisigurado kung pinapahirapan si Atheos ng dalawang iyon.
Pero iba ang nadatnan ko sa kusina, nakita kung nag liligpit ng pingan si Helios samantalang si Cupid naman ay ang nag pupunas ng lamesa.
“Anong ginagawa niyo?” kunot noo kung tanong.
“Oh nanjan ka pala Hypnos” sabi ni cupid na nag pupunas ng lamesa.
“hindi ba dapat pinahihirapan niyo si Atheos?” takang tanong ko.
“ha?” litong sabi ni cupid sabay tingin kay Atheos.
“Gusto mong pahirapan namin si Atheos” kunot noong tanong naman ni Helios.
“huh? hindi ah nag tataka lang ako, ang sabi kasi nila pinaparusahan niyo daw ang mga mortal” agad na sabi ko.
tumaas naman ang kilay ni Helios sabay sabing.
“ Naniwala ka naman tsk”
“ wala kang tiwala sa amin” sabi ni Cupid na pinapalungkot ang boses niya kaya napangiwi ako.
nakita ko namang umiling si Atheos na para bang sinasabi na judgmental ako.
“Tapusin niyo na yan, pupunta na ako kila Astrella” sabi ni Atheos sabay labas.
pag ka sabi niyan ni Atheos ay pinag patuloy nila Cupid at Helios ang ginagawa nila.
“nakita kung lumabas si Atheos, ok lang ba siya” tanong ni Dionysus na kakarating lang sa tabi ko.
Atheos POV;
“Tapusin niyo na yan, pupunta na ako kila Astrella” sabi ko sabay labas.
Pag ka dating ko sa bahay nila Astrella ay nakita ko si Kios, kaya nilapin ko ito.
“ginagawa mo kios” tanong ko sa kanya, dahil may mga hawak siyang papel.
“mag a apply ako ng trabaho” sabi niya habang inaayos ang mga papel.
“KUYA!” dinig kung sigaw ni Astrella at tumakbo sa gawi namin.
“Bakit” kunot noong tanong ni Kios.
“Wala lang, HAHAHA” sabi niya sabay tawa, pero agad ding nawala ang tawa niya ng mapansin niyang nandito ako.
“Alis na ako Astrella ikaw muna bahala kay Atheos” sabi niya sabay alis.
Nag ka tinginan kami ni Astrella, nakita kung bumuka ang bibig niya pero agad din niya itong sinara.
“Awkward” dinig kung bulong niya.
“hmm kuya Atheos pasok po muna tayo sa loob hehe” sabi niya sabay lakad ng mabilis.
Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“kuya huh!” bulong ko sa sarili ko, sabay sunod sa kanya.
Nang makapasok kami sa bahay nila ay agad kung nakita ang tatay niya.
“Oh Atheos nandito ka pala, kumain kana ba?” sabi niya.
“Opo,Tay Alesandro” sabi ko
“o siya pag may kailangan ka ay sabihin mo lang kay Astrella, dahil papasok na ako sa trabaho” sabi niya sabay kuha ng sombrero
“Hmmm kuya Atheos nood po muna tayo ng Tv “ sabi niya habang pinipisil niya ang kamay niya.
“Nandito ba si Nay Ella?” tanong ko.
“A-Ahmm wala po” sabi niya.
“Saan siya pumunta?” takang tanong ko
“Namalengke po” sabi niya.
“ Wag ka ng mag po at mag kuya sakin” sabi ko sa kanya kaya napatingin naman siya sakin ng gulat.
“Bakit” tanong ko sa kanya ng makita ko ang reaksiyon niya.
“ Wala” sabi niya sabay iling.
“Manood nalang tayo para hindi masyadong akward” sabi ko.
Agad namang siyang namili ng papanoorin.
“ Hello, Love, Goodbye panoorin natin” sabi niya kaya tumango nalang ako dahil hindi naman ako mahilig manood, sinabi ko lang na manood kami para hindi masyadong akward.
Lumipas ang isang oras ay malapit na matapos ang pinapanood namin, nakita kung naka kunot ang noo ni Astrella habang nanonood.
“Bakit nakakunot ang noo mo” sabi ko sa kanya.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming umiiyak sa panood na to “ buntong hininga niyang sabi.
“ikaw Atheos naiiyak ka ba jan?” tanong niya sakin.
“hindi” sabi ko dahil hindi naman talaga ako nanood , sabi ko sa isip ko.
“Astrella Let’s be friends”
Chapter 14: IntramurosPag ka uwi namin ni Cupid ay tinext ko si Nay Ella para ipag paalam na lalabas kami
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
Chapter 12: Picnic Grove
Chapter 11: Tagaytay
Chapter 10:stay here forever
Chapter9: Thank You“oh fuck, I’m gonna die” sabi ko sabay higpit ng hawak sa kamay ni As