Share

011

Author: thourneyrose
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-21 13:42:06

011

Tahimik kaming kumakain ng hapunan sa hapag. Walang umiimik kahit isa at pawang tunog lamang ng mga kubyertos ang tanging maririnig. Hanggang sa matapos kumain ay tahimik parin. May problema ba? Nakita kong umaakyat si Lola sa kaniyang kwarto, problema nun?

"Problema ni Lola?" Tanong ko sa dalawa kong kapatid. Nagkibit-balikat lamang ang dalawa. Hindi alam ang sagot. Tumungo ako sa kaniyang kwarto pero napagtatantong lock iyon. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at naghanda na para matulog.

Gabi na naman, natapos na naman ang isang araw na walang napapatunayan. Gabi na naman, nakatingin sa kisame ng hindi namamalayan. Gabi na naman, ngunit sa buhay mo ay wala parin akong maintindihan. Gabi na naman, hindi ko alam kung ako ba ay may kahihinatnan. Gabi na naman, malayo ang takbo ng isip, wala sa kasalukuyan. Gabi na naman, puno na ng imahinasyon ang aking isipan. Gabi na naman, ang mga bagay na di magawa sa totoong buhay ay gising na pinapanaginipan. Gabi na naman, ang puso ko ay puno na ng kahilingan. Gabi na naman, kakalimutan ba ang lahat para sa paggising ko ay wala na akong matandaan? Gabi na naman, at bukas sana ang ang gabi na ito ay isa nalang nakaraan.

"Isaac! Francoise! TR! Mag-impake na kayo! Aalis na tayo!" Nagising ako sa ingay na mula sa baba. Bumangon ako at dumiretso sa sala para tingnan kung ano ang nangyayari. Hindi na ako nakapag-suklay o kahit toothbrush man lang. Nakita kong umiiyak ang dalawa kong kapatid at nag-sisigawan sina Lola at Mama.

"Ma! Lola! Ano ba!" Sigaw ko sa kanila. Hindi ko maintindihan. Bakit andito si Mama at ano ang narinig ko kanina, kukunin niya kami?

"TR! Mag-impake na kayo! Aalis na kayo dito!" Ano?

"Ma! Mag-usap kayo ng masinsinan! Hindi ganito! Hindi namin kayang iwan si Lola!" Ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Lola sa kamay ko. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Hawak ko ang kamay ng dalawa kong kapatid na nakapwesto sa aking likod. Hinding-hindi ko hahayaan na makuha ang dalawa kong kapatid.

"Oh sige! Mamili kayo! Ako o ang Lola niyo!"

"Jusko! Bing! Anong klase kang Ina para papiliin ng ganyan ang mga anak mo?! Kung galit na galit na galit ka sakin ay pag-usapan natin 'to! Hindi yung kukunin mo bigla ang mga apo ko!"

"Hindi mo ko naiintindihan Ma! Isaac, halika. Punta ka kay Mama dali." Rinig kong sabi ni Mama. Hindi pwede.

"Anong hindi ko naiintindihan?! Ina rin ako! Alam ko kung ano ang nararamdam mo!" Sigaw ni Lola.

"Hindi mo alam! Kahit kailan hindi mo alam! Hindi ka naging Ina sa amin! Kaya hinding-hindi mo maiintindihan!" Ang sigaw ni Mama ay nakapagtahimik sa amin.

"Isaac! Wag!" Sigaw ko sa kaniya ng makitang naglalakad na ito patungo kay Mama. "Isaac, please. Nakiki-usap si Ate. Dito ka lang please. Wag mo kaming iwan ni Francoise. Please" paki-usap ko sa kaniya.

Nabuhayan ako ng loob ng tumingin siya sa amin. Naglakad ito patungo sa amin pero hinila na siya ni Mama.

"Ma!" Sigaw ko sa kaniya ng pati si Francoise ay sapilitan niyang kinuha sa likod ko.

"Ate! Kukunin mo kami diba? Magkikita pa tayo!" Sigaw ni Francoise. Susundan ko na sana sila ng hilain ni Lola ang kamay ko. Agad niya akong niyakap. Bumuhos ang panibago kong luha.

"Lola, bakit po. Bakit kailangan ni Mama kunin sila. Masaya naman sila dito diba? Lola? Babalik sila dito diba?" I said between my sobs. Hindi nagsalita si Lola. Ramdam ko ang kaniyang kamay sa aking likod, pinapatahan ako.

Hindi ba ako naging mabuting Ate sa kanila, para iwan nila ako ng ganito? Hindi ba ako naging mabuting anak, para gawin ni Mama ito? Bakit ang mga kapatid ko pa ang makakaranas ng ganito. Pwedeng ako na lang?

Dinala ako ni Lola sa aking kwarto para magpahinga. Sana maging maayos na lahat paggising ko. Sana bukas, andito sila Francoise at Isaac. I wish that tomorrow when I wake up seeing them left, was just a nightmare.

"Maam, gising na may pupuntahan tayo." Nagising ako kinaumagahan dahil sa haplos ng kasambahay. Hindi ko namalayan na natagalan na pala ang tulog ko. Dagdag pa na hindi na ako nakapag-hapunan kagabi. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit hindi pa ako nahimasmasang mabuti ay narinig ko ang sabi niya.

Saan kami pupunta ng ganito kaaga? May nangyari ba?

"Saan po?" I ask. Nakita ko siyang umiiyak kaya agad akong napabalikwas. Anong nangyari?

"Pupunta tayo sa hospital" hospital? Anong gagawin namin doon? May nangyari bang masama? "Naaksidente ang sinasakyan ng Mama mo at ng mga kapatid mo at nandoon narin ang Lola mo, inatake sa puso kaninang madaling araw"

Nanlumo ako sa aking narinig. Ang mga luha ko ay nag-uunahan naring umagos. Bakit kailangan mangyari ito? Bakit sila pa?

Bumangon ako at agad na naghanda. My hands are trembling. My heart are beating so fast. My eyes are swollen because of non-stop crying since last night. Hinawakan ko nalang ang mga kamay ko hanggang sa dumating kami sa hospital. Comforting myself. Kailan kong magpaka-tatag ngayon. Wala akong masasandalan, wala silang masasandalan.

Mabilis akong pumasok sa hospital at tinanong kung anong room naroon si Lola.

"Room 46 po Maam" hindi ko na inabala pang magpasalamat. Halos takbuhin ko na ang hallway para lang makarating sa room na iyon. Gumamit na ako ng hagdan paakyat ng second floor dahil halos puno na ang elevator. Nang nakita ko ang room ay agad akong pumasok.

Laking pasasalamat ko nang maayos na ang kalagayan ni Lola. Mahimbing siyang natutulog sa kama. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang mga kamay.

Hindi ko kaya kung mawala ka, Lola. Ikaw lang ang naging sandigan ko mula noong namulat ako sa mundong ito. Ikaw lang ang nakaka-alam ng mga sikreto ko. Ikaw lang ang nagpapasaya sakin. Ikaw lang ang. Ikaw lang at wala nang iba. Hindi ko kaya kung mawala ka, Lola. Hindi ko kaya.

"Wag mo nang uulitin yun, Lola." Sabi ko. Ang kamay niya na hawak ko ay may bahid na mga luha. Iginaya ko ang kaniyang kamay sa aking labi upang halikan. Hinaplos ko rin ang kaniyang mukha. Hinalikan ko ang kaniyang noo bago iniwan siya sa kaniyang silid.

"Tawagan mo ko kung gising na si Lola" sabi ko sa kasambahay na nagbabantay. Plano ko kasing puntahan sila Mama dahil sa aksidenteng nangyari. Kahit anong mangyari kasi pamilya ko parin sila.

"Sige po Ma'am" yun ang naging hudyat ko para puntahan sila.

~nikkielodeon

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Finding Caleb   020

    020"Lola naman! Alis na tayo dito! Ok na ko promise!" Pilit ko sa kaniya. Bababa sana ako kahapon para kumain ng hapunan pero sa hagdan palang ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako nasa-hospital na ako."Hihintayin pa natin ang results ng test""Wala akong sinagutan na test Lola!" Pabalang na sagot ko sa kaniya."Nawala ata utak mo?!" Tumawa lamang ako sa kaniya kahit nanghihina ang aking katawan."Teka lang. Bibili ako ng pagkain mo sa baba. May gusto ka ba?" Tanong niya. Hinawakan ko ang tiyan kong kanina pa pala nagrereklamo."Kahit ano nalang po. Tapos chuckie po pala ang gusto kong inumin""Sige. Bili na ako ha. Bye!" Ngumiti lamang ako sa kaniya bago umalis.May mga butil na ng pawis sa aking noo dahil sa init. Bukas naman ang aircon."Lola! Ang bilis mo naman!" Biglan kasing bumukas

  • Finding Caleb   019

    019"Nasaan si Mez?" Bungad ni Christine. Palihim akong umirap sa kaniya. Nasa amin ba si Mez para hanapin niya?Nasa station kami ngayon. Last assembly yata. Masaya lahat ng mga kasama ko kasi champion ang team namin."Mez!" Sigaw ni Christine. Nakita naming papasok si Mez kaya tumakbo papunta sa kaniya si Christine at niyakap ito ng mahigpit. May binulong ito na nakapag-pangiti kay Mez. Niyakap ito ni Mez pabalik. Nagtama ang mga paningin namin. Iniwas ko nalang ito dahil hindi ko na kayang pagmasdan pa silang dalawa. May kirot banda sa aking dibdib kapag nakikita ko silang magkasama."May gusto ka ba kay Mez?" Tanong sa akin ni Alfred. Ngumiti lamang ako sa kaniya.Hindi ko rin alam. I don't know if it is pure love or admiration. I don't want to take risks. I'm afraid of rejections. Ngayon pa talaga ako natakot."Ok na ba siya?" Rinig kong tanong ni Alf

  • Finding Caleb   018

    018What generates passion and zeal in you is a clue to revealing your destiny. What you love is a clue to something you contain.The height of your accomplishments will equal the depth of your convictions. Seek happiness for it owns sake, and you will not find it; seek purposes, and happiness will follow as a shadow comes with a sunshine.Last night was like a blast for all of us. The camp fire ended with a fireworks display. Everyones made a wish. Its told in the legend of the school. Your wish will come true. I wish tho.I wish, the two of us will meet someday. Not as a stranger but a friend from a memory.Our team is marked on the history of this school. Red team finally reached the top. They said, it's first time in the history. We won as a group."Libre pagkain natin isang buwan" parinig ni Spring."Bakit?" Summer asked.

  • Finding Caleb   017

    017"Summer peram cellphone mo""Aanhin mo?" Pabalik na tanong niya."Pictures" sabi ko sa kaniya. Hindi siya basta-basta nagpapahiram ng phone. Lahat ata ng apps niya ay may lock. Si Spring lang minsan nakakahula password niya.Pagkabukas ko ng phone niya ay agad kong nakita ang SpongeBob niyang lock screen. Hindi pa nga nakaka-move on. Pinabukas ko sa kaniya ang phone niya. Tinago niya pa para hindi ko makita. Ang wallpaper naman niya ay SpongeBob rin! Hindi ko alam kung nandito pa ba ang album niya sa gallery na puro picture ni Ley o di kaya SpongeBob.Nagsimula lang naman ang pagkakagusto niya kay SpongeBob noong ang sapatos ni Ley ay kulay dilaw at ang design ay SpongeBob. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang kina-umpisahan. Kaya ayun naging favorite na niya. Shshshhshshshs."Nagmo-move-on ka ba talaga?""Oo" weh? Sure ka jan?

  • Finding Caleb   016

    016"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Summer na tumigil na kakaiyak. Nakatambay kami ngayon sa room, naghahanda na para matulog."Move-on" yan na naman tayo sa move-on move-on na yan. Tagal na niyang plano ang mag-move on. Ilang percent na ba ngayon?"Akala ko naka-move on kana?" Tanong naman ni Fall habang kumakain. Food is life."Naka-move-on na nga" weh?"Mga?" Sabat naman ni Winter."Mga 20%"Jusko! Ang rupok mo gurl! Ilang years na ba yan ha! Since grade 7 pa 'yan."Kita mo story niya?""Yes" no? Yes?"Kamusta? Any reaction?""Magmo-move on na ko!" Sigaw niya sabay tayo papuntang cr. Tumawa lang kami sa reaksiyon niya. Kuwentuhan lang kami ng ano-ano habang kumakain. Hindi na inopen-up ang kay Summer."Wag nang mag-wattpad ah! Diretso na tayong matulo

  • Finding Caleb   015

    015"Bukas ng umaga ang call time natin dito ay 7. Ang first activity ay mag-uumpisa ng 8. So 1 hour ang breakfast. Dito tayo sa station kakain. 3 activity ang gagawin bukas ng umaga. Hindi ko alam kung ilan ang sa pang-hapon" mahabang paliwanag niya sa akin."Ah o-ok" shit! Hindi ako maka-concentrate! Hawak-hawak niya ang siko ko habang ginagamot. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito. Baka hinahanap narin ako sa room."Bat' ka nauutal?" Tanong niya sa akin sabay tawa."W-wala" lumakas pa ang tawa niya sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal! Tumingin nalang ako sa siko kong ginagamot parin niya."Ok na ang siko ko, hindi na dapat gamutin" I said without stuttering to act calm in front of him. Tinuringan pa naman akong makapal ang mukha sa grupo pero bakit sa harap niya jusko, nawawalan ako ng mukhang ihaharap."Teka lang. Matatapos na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status