Share

014

Author: thourneyrose
last update publish date: 2020-08-21 13:46:58

014

"Get ready! Aalis na tayo in 10 minutes!"

We have a seminar especially those graduating students this year. Hindi ko alam kung para saan ang seminar. Ang alam ko lang ay 5 days kami doon.

Naka-upo na kaming lima sa pinaka-dulo ng bus. Sila Summer at Spring nanonood ng anime. Si Fall naman ay nagbabasa at si Winter may ka-chat. Ako naman ay naghahanda para matulog.

Mga 3 hours siguro ang biyahe mula dito. Depende kung traffic. Hindi pa umaalis ang bus dahil hinihintay pa namin ang isa naming head na late na ng 15 minutes.

Naka-pwesto na ang lahat ng saktong dumating narin ang head. Buong biyahe ay natulog lamang ako. Hindi naman ako nahihilo dahil malapit sa bintana ako naka-upo. Nagising ako ng malapit na kami sa center. Mga kaklase ko ay sobrang ingay. Excited.

Nakarating kami sa center exactly 11:45. Huli kaming bumaba nang tumigil na ang bus. Kinuha namin ang mga dala naming gamit at sumunod sa mga kaklase naming nauna na.

"Every room is consist of 5 students only" sabi ng head. Tamang-tama, sakto kaming lima. Kami ang sa pinaka-last na room dahil kami ang pinaka-huling nakapag-register. Pagkapasok palang namin ay agad namang sumampa sa kama sila Summer at Spring.

"May CR naman dito diba?" Tanong ni Winter.

"Meron siguro" pinagligpit ko na ang mga gamit ko at nakisama narin kila Summer sa kama.

Maya-maya ay may kumatok sa room namin. Si Fall nalang ang nagbukas dahil busy kaming lahat. Napagod sa biyahe. Buti nalang natulog ako.

"Good morn—este good afternoon" rinig kong bati ni Fall sa kaniya.

"Pinapatawag po mamaya lahat ng members sa gym, mga 1 para sa announcement. Thank you" Umalis naman siya agad. Pagkapasok palang ni Fall ay tumili agad ito.

"Omyghad! Ang gwapo!"

"Ano daw?" Tanong ni Summer nang marinig ang tili ni Fall.

"Punta daw tayo maya mga 1 sa gym para sa announcement" tanging tango lamang ang sagot namin sa kaniya at bumalik sa pagliligpit ng gamit. Ngumingiti na din ito mag-isa.

"Hindi maka-get over sa mukha, Fall?" I laugh at her.

"Yes! Ang gwapo! Omyghad! Ano kaya ang pangalan nun?" Iling nalang ang naging sagot ko sa kaniya. Natamaan na ng pana ni kupido.

Past 12 na kaming lumabas ng room para kumain. Hindi na alintana kung ma-late man mamaya.

"Diretso nalang tayo sa gym mamaya" sabi ni Spring

Hindi gaano kahaba ang pila kaya naka-order kami kaagad. Nang nakahanap na kami ng mesa ay nag-simula na kaming kumain.

"Namiss ko ang itlog na walang asin ni Spring" humagalpak sila ng tawa sa sinabi ko. Kokonti nalang din ang tao sa loob ng cafeteria nila kaya wala kaming pakialam kung may makarinig.

"Ano kaya ang activity natin?" Tanong naman ni Fall nang naka-ayos na mula sa pagkakatawa.

"Sana may treasure hunting chu chu" dagdag naman ni Summer

"Tapos may camp fire" sabi ni Winter

"Sana may pagkain" wala sa sarili kong sagot. Binatukan naman ako ni Spring.

"May pagkain na oh!" Hanggang natapos kaming kumain ay tawa kami ng tawa.

Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Shit! 12:54 na!

"Tara na sa gym. 12:54 na" sabi ko sa kanilang may plano pa sanang bumili ng shake.

"12:54?!" Sigaw nila sa akin. Tumango lang ako sa kanila bilang pag-sasang-ayon.

"Sandali lang. Tapusin lang natin 'to. Filipino time yan!" nang nakatapos na sila ay tunungo na kami sa gym.

"Saan na ba ang gym?!" Kanina pa kami ikot ng ikot dito hindi pa namin makita ang gym! 1:32 na! Lagot kami nito!

"Bumalik nalang kaya tayo sa room natin?" Suggest ko sa kanila.

"Tapos anong idadahilan natin?"

"Na masama pakiramdam natin?" Hindi ko alam! Wala akong maisip! Jusko~

"Tara balik nalang tayo sa room" sabi ni Winter. Napasunod nalang kami sa kaniya.

"Papagalitan kaya tayo?" Tanong ko sa kanila. Tahimik lang kaming naglalakad papuntang room. Wala naring katao-tao sa labas. Siguro nandoon na sa gym.

"Hula ko. Oo" sabi naman ni Winter.

"Sabihin nalang kaya natin ang totoo" suggest naman ni Spring.

"'Wag mapapahiya ang school" si Fall naman ang sumagot.

"Bahala na" rinig naming sabi ni Summer. Malapit na kami sa hall ay nakita naming may mga studyanteng nakapila.

"Omyghad! Hindi kaya?!" Pasigaw na sabi ni Fall

"Alam ko ang iniisip mo Fall. Tara na" sagot ko sa kaniya. Bago kami makapila ay agad kaming hinarang ng guard.

"Papasok po kami" sabi ko.

"Late na kayo ah!" Abah! Bago ako makapagsalita ay narinig ko nang sumagot si Spring.

"Naligaw kami kaya late kaming nakarating dito"

"Oo nga manong guard" katwiran naman ni Summer.

"Papasukin niyo na po kami" sabi naman ni Winter. Lagot kami kapag hindi kami makapasok nito.

"Uhuh? Baka gumagawa lang kayo ng alibi jan! Outsider kayo no?" Hala manong guard walang ganyanan! Wala kaming maisagot sa kaniya dahil sigurado kaming hindi siya maniniwala sa amin.

"Manong guard! Kita mo yung gwapo na yun? Kilala ako niyan! Mapapatunayan niyang member kami dito!" Rinig naming sabi ni Fall. Tumingin naman si Manong Guard sa itinuturo ni Fall.

"Jan lang kayo! Wag kayong aalis" ngumiti lang kami kay manong bago siya pumunta sa lalaking tinuturo ni Fall.

"Sino yun?" Tanong ko kaagad sa kaniya.

"Yung lalaking nag door to door kanina" she giggled. Kinuha ko ang phone ko ng may tumawag sa akin. Nakita ko ang pangalan ni Lola kaya agad ko itong sinagot. Pumunta ako sa walang tao masyado para maka-usap ng maayos si Lola.

"Hello, Lola"

[Jusko Apo! Andiyan na ba kayo? Kamusta? Maganda ba jan?] I laughed a bit when I hear those words from Lola.

"Ok naman po Lola. Kanina pa po kami andito. Pasensiya na po hindi po ako nakapag-message sayo"

[Mabuti naman. O siya! Sige na! Tatawag lang ako mamaya. Hanapin mo si Caleb mo ah! Baka makita mo na jan!]

"Opo Lola. Bye!" Binaba ko na ang phone ko at tumungo sa kanila.

"Thank you manong! Sabi ko sayo kilala kami nun!" Rinig kong sabi ni Fall nang makapunta ako sa kanila. Ngumiti lang sa amin si manong guard at hinayaan kaming pumila.

"Bumunot po kayo Ma'am. Tapos po kung anong kulay yung nabunot niyo, yun po ang team niyo. Hanapin niyo nalang po sa loob ng gym ang station ng color niyo" sabi sa akin ng babae. Ngumiti lang ako sa kaniya at bumunot na ng color. Sumunod naman ang apat sa akin.

Red ang nabunot ko. Green naman kay Summer. Blue kay Winter. Black kay Fall at yellow naman kay Spring. Sabay kaming pumasok sa gym at naghanap ng station para sa kulay namin. Una naming nakita ang station ni Winter, sumunod naman kay Spring at Summer.

"Dito na ako Fall. Sure kang di na kita sasamahan?" Tanong ko sa kaniya ng nakita na namin ang station ko.

"Dito ka nalang. Jan lang naman sa kabila ang station ko. Ano ka ba"

"Ay oo nga. Sige pasok na ko" tinawanan ko nalang ang nasabi ko sa kaniya. Nakita kong pumasok na siya sa station niya kaya kampante narin akong pumasok.

"Good afternoon! Welcome to red team! What is your name? I'm Christine Adajar Vancouver" salubong sa akin ng Christine

"Hi! I'm Thouny!"

"Sige pasok ka na. Hinihintay nalang natin ang best friend kong late na naman. Siya kasi ang head ng red team." Ah ganun ba. Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Nagpakilala naman ako sa mga kasamahan ng team.

"Hello! Thouny diba? I'm Matte" Bati sa akin ng isang lalaki.

"Hi Matte!" Bati ko rin sa kaniya. May nabihag na naman sa aking kagandahan.

"Halika, upo ka dito" nilahad niya sa akin ang upuang nasa tabi niya.

"Thouny! Dito ka na lang!" Sabi naman sa akin ni Les.

"Thouny, dito ka nalang sa tabi ko" sabi naman ni Christine. Sa kaniya nalang ako sumunod. Nahihiya ako sa mga kasama ko.

"Good morning Red team" napatingin agad kami sa taong pumasok. Omyghad!

"Good morning Mez!" Maganang bati nila. Mez? Mez ang pangalan niyan? Tingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Siya ba talaga 'to?

"Done starring?"

"Ha?" Teka ako ba? Tumingin ako sa kanila at ngayon lang napansin na lahat ng mga mata nila ay nasa akin na.

"So I will explain all the given activity. Listen attentively" sabi niya. Teka parang ako ang pinapa-ringgan ah.

Ilang weeks palang naman ang nakalipas ng nagkita kami ah. Bakit parang ang laki na ng pinagbago niya? Medyo tumaas siya. Tapos bakit naging seryoso ang mukha niya? Huli kong nakita ay ngumingiti 'to ah?

"Ok thats all" teka. Wala akong narinig!

"Ano daw sabi? Hindi ko nakuha lahat" tanong ko kay Christine na katabi ko lang.

"Maiwan ka" ha?

"Sige una na ko Thouny! Una na rin ako Mez" paalam niya.

"Teka" jusko! Ano naman itong napasok ko. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Iniiwas ko nalang ang mga mata ko sa kaniya.

"Okay na ba ang siko mo?" Ha? Siko ko? Tiningnan ko naman ang siko kong maayos na. May konting peklat pa.

"Okay na" sabi ko sa kaniya hindi parin tumitingin sa kaniyang mga mata. Nabigla ako ng kinuha niya ang siko ko.

"I'm glad you're fine now"

~nikkielodeon

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Finding Caleb   020

    020"Lola naman! Alis na tayo dito! Ok na ko promise!" Pilit ko sa kaniya. Bababa sana ako kahapon para kumain ng hapunan pero sa hagdan palang ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako nasa-hospital na ako."Hihintayin pa natin ang results ng test""Wala akong sinagutan na test Lola!" Pabalang na sagot ko sa kaniya."Nawala ata utak mo?!" Tumawa lamang ako sa kaniya kahit nanghihina ang aking katawan."Teka lang. Bibili ako ng pagkain mo sa baba. May gusto ka ba?" Tanong niya. Hinawakan ko ang tiyan kong kanina pa pala nagrereklamo."Kahit ano nalang po. Tapos chuckie po pala ang gusto kong inumin""Sige. Bili na ako ha. Bye!" Ngumiti lamang ako sa kaniya bago umalis.May mga butil na ng pawis sa aking noo dahil sa init. Bukas naman ang aircon."Lola! Ang bilis mo naman!" Biglan kasing bumukas

  • Finding Caleb   019

    019"Nasaan si Mez?" Bungad ni Christine. Palihim akong umirap sa kaniya. Nasa amin ba si Mez para hanapin niya?Nasa station kami ngayon. Last assembly yata. Masaya lahat ng mga kasama ko kasi champion ang team namin."Mez!" Sigaw ni Christine. Nakita naming papasok si Mez kaya tumakbo papunta sa kaniya si Christine at niyakap ito ng mahigpit. May binulong ito na nakapag-pangiti kay Mez. Niyakap ito ni Mez pabalik. Nagtama ang mga paningin namin. Iniwas ko nalang ito dahil hindi ko na kayang pagmasdan pa silang dalawa. May kirot banda sa aking dibdib kapag nakikita ko silang magkasama."May gusto ka ba kay Mez?" Tanong sa akin ni Alfred. Ngumiti lamang ako sa kaniya.Hindi ko rin alam. I don't know if it is pure love or admiration. I don't want to take risks. I'm afraid of rejections. Ngayon pa talaga ako natakot."Ok na ba siya?" Rinig kong tanong ni Alf

  • Finding Caleb   018

    018What generates passion and zeal in you is a clue to revealing your destiny. What you love is a clue to something you contain.The height of your accomplishments will equal the depth of your convictions. Seek happiness for it owns sake, and you will not find it; seek purposes, and happiness will follow as a shadow comes with a sunshine.Last night was like a blast for all of us. The camp fire ended with a fireworks display. Everyones made a wish. Its told in the legend of the school. Your wish will come true. I wish tho.I wish, the two of us will meet someday. Not as a stranger but a friend from a memory.Our team is marked on the history of this school. Red team finally reached the top. They said, it's first time in the history. We won as a group."Libre pagkain natin isang buwan" parinig ni Spring."Bakit?" Summer asked.

  • Finding Caleb   017

    017"Summer peram cellphone mo""Aanhin mo?" Pabalik na tanong niya."Pictures" sabi ko sa kaniya. Hindi siya basta-basta nagpapahiram ng phone. Lahat ata ng apps niya ay may lock. Si Spring lang minsan nakakahula password niya.Pagkabukas ko ng phone niya ay agad kong nakita ang SpongeBob niyang lock screen. Hindi pa nga nakaka-move on. Pinabukas ko sa kaniya ang phone niya. Tinago niya pa para hindi ko makita. Ang wallpaper naman niya ay SpongeBob rin! Hindi ko alam kung nandito pa ba ang album niya sa gallery na puro picture ni Ley o di kaya SpongeBob.Nagsimula lang naman ang pagkakagusto niya kay SpongeBob noong ang sapatos ni Ley ay kulay dilaw at ang design ay SpongeBob. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang kina-umpisahan. Kaya ayun naging favorite na niya. Shshshhshshshs."Nagmo-move-on ka ba talaga?""Oo" weh? Sure ka jan?

  • Finding Caleb   016

    016"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Summer na tumigil na kakaiyak. Nakatambay kami ngayon sa room, naghahanda na para matulog."Move-on" yan na naman tayo sa move-on move-on na yan. Tagal na niyang plano ang mag-move on. Ilang percent na ba ngayon?"Akala ko naka-move on kana?" Tanong naman ni Fall habang kumakain. Food is life."Naka-move-on na nga" weh?"Mga?" Sabat naman ni Winter."Mga 20%"Jusko! Ang rupok mo gurl! Ilang years na ba yan ha! Since grade 7 pa 'yan."Kita mo story niya?""Yes" no? Yes?"Kamusta? Any reaction?""Magmo-move on na ko!" Sigaw niya sabay tayo papuntang cr. Tumawa lang kami sa reaksiyon niya. Kuwentuhan lang kami ng ano-ano habang kumakain. Hindi na inopen-up ang kay Summer."Wag nang mag-wattpad ah! Diretso na tayong matulo

  • Finding Caleb   015

    015"Bukas ng umaga ang call time natin dito ay 7. Ang first activity ay mag-uumpisa ng 8. So 1 hour ang breakfast. Dito tayo sa station kakain. 3 activity ang gagawin bukas ng umaga. Hindi ko alam kung ilan ang sa pang-hapon" mahabang paliwanag niya sa akin."Ah o-ok" shit! Hindi ako maka-concentrate! Hawak-hawak niya ang siko ko habang ginagamot. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito. Baka hinahanap narin ako sa room."Bat' ka nauutal?" Tanong niya sa akin sabay tawa."W-wala" lumakas pa ang tawa niya sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal! Tumingin nalang ako sa siko kong ginagamot parin niya."Ok na ang siko ko, hindi na dapat gamutin" I said without stuttering to act calm in front of him. Tinuringan pa naman akong makapal ang mukha sa grupo pero bakit sa harap niya jusko, nawawalan ako ng mukhang ihaharap."Teka lang. Matatapos na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status