LOGIN04
"La naman! Andami na neto!" Sigaw ko sa kaniya. Sobrang isang libo na ang mga papel na nakalagay sa mesa. Ipapadikit daw namin sa kalsada para madali naming mahanap si Caleb. Ngayong araw kasi ang start ng mission daw namin.
"La! Mauubos ang ink!" Paalala ko sa kaniya ng nagpa-photo copy pa ng mas marami. Sa sobrang inis ko ay binunot ko ang saksakan para matigil si Lola.
"Hala! Brown out ba?! Nakuuu baka naputulan tayo ng kuryente! Apoo! Nakabayad ba tayo nitong buwan?" Tawa ako ng tawa sa sinabi niya. Alam naman niya na hindi kami mapuputulan ng kuryente. Si Lola talaga, matanda na.
"Wala po La. Binunot ko lang ang saksakan para matigil na yang ginagawa mo oh. Tingnan mo ang dami na! Parang tatakbo naman tayong senador dito!" Hindi ko maiwasang tumawa habang sinasabi ang mga salitang iyon sa kaniya.
"Ah ganun ba. Ay bahala na! Tara na nga pahatid nalang tayo kay Isko sa bayan. Opsss! Apo!"
"Po?!"
"Walang NBSB" Ano yun?
"NBSB? Walang No Boyfriend Since Birth? Anong connect?"
"Hindee! Walang National Book Store sa Bayan kaya umayos kaaa!" Ahh ganun pala yun. Nakss! Lakas maka-millennial ah!
"Wala naman talaga!"
Tumungo kami sa bayan kasama si Lolo Isko. Driver namin. Asawa ng kasambahay namin.
"La ilang bayan ba ang pupuntahan natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Iikutin natin ang buong Iloilo" wtf?
"Buong Iloilo? Grabe naman Lola! Andami naman nun!" Reklamo ko sa kaniya.
Nagkibit balikat na lamang siya at nagsimula nang magpadikit ng mga papel.
Searching for Caleb!
:Last December 6
:I'm wearing black t-shirt and brown shorts:You are with your grandmother :We saw each other in a jeepney:We went off at the Fajardo, JaroIf you see this call 876-9274. Kitakits babyyy
Ganyan ang nakasulat sa papel. Si Lola ang nagplano ng lahat ng ito. Ako ang nagpapaskil ng mga papel sa mga poste-poste at si Lola naman ang nagbibigay sa mga taong daraan.
"Ay naku! Kapag nahanap niyo 'to ililibre ko kayong spa! Tingnan niyo oh! Para kayong lantang gulay! Sige babush Mare" rinig kong sabi ni Lola. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Lolo Isko sa tabi ko. Halos isang oras na kami dito sa bayan. Nakaramdam narin ako ng gutom.
"Lola kain muna tayo. Gutom na ko" reklamo ko sa kaniya.
"Gutom na mga bulate mo?"
"Lola!" Tawa lamang ang natanggap ko sa kaniya. Sumakay na kami sa van at tumungo sa malapit na pwedeng kainan.
"May lead na ba tayo La?" Tanong ko sa kaniya habang papuntang 7/11. Sa 7/11 nalang daw kami kaanin dahil malapit lang ito.
"Wala pa eh. Kapag wala tayong natanggap na lead hanggang bukas" putol na sabi ni Lola
"Ano?"
"Magvivideo nalang tayo at ipost sa YouTube! Oh diba ang galing ko! Gumagana parin naman pala ang utak ko" masayang sambit ni Lola.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang mga tawa ni Lola. Tahimik lang kami ni Lolo Isko sa loob. Nakarating kami kaagad sa 7/11 at bumili ng mga pagkain.
Nagkuwentuhan lamang sila Lolo Isko at Lola. Pansin ko ang mukha ni Lola na masaya na siya. Parang hindi siya umiyak kahapon. Si Lolo Isko naman ay panay din ang tawa. Kung walang asawa lang talaga itong si Lolo Isko, kanina ko pa pinagtagpo ang dalawang ito. Lola deserve to be love. A true love indeed.
Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa simbahan. Magtext lang sila kapag uuwi na para masend ko sa kanila location ko.
Tahimik ang bayan ngayon. Ang mga huni ng mga ibon ang naririnig ko patungo sa simbahan. Ang simoy ng hangin at ang sinag ng araw ay dumadampi sa aking balat. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng simbahan. Simula ng lumipat kami dito sa San Joaquin, ang simbahan na 'to ang gusto kong makasaksi ng aking kasal.
"Oh Thouny! Kamusta? Ba't ka naparito?"
"Ay hello Sir! Ok na man po hehe dumadalaw lang" sabi ko.
"Ilang buwan ka ring hindi nagpakita samin ah. You're missing my history classes." he chuckle.
"Naging busy lang Sir. Babawi nalang po ako. Sorry po talaga" shit. Spell awkward? He's my crush since first day of school! Omy!
"Ah ganun ba. Sige una na ko! See you on Monday, Thouny" Sabi niya at kumaway pa.
"See you on Monday too, Sir"
Nagising nalang ako nun isang araw na gusto ko siya at nagising rin ako isang araw na wala na. Tama na. Hindi kami para sa isa't isa. Sayang lang ang mga tula na aking nagawa. Pero okay na din, at least nasabi ko rin ang nararamdaman ko. If you love someone tell them. Because hearts are often broken by words left unspoken.
To: Lola
Front of the churchFrom: Lola
Comin'Naghintay na lamang ako sa kanila. Matagal narin palang hindi ako nakalabas ng bahay. Umupo ako sa gilid, malapit sa malaking puno. Binuksan ko ang phone ko at at nagscroll nalang sa facebook. Nang nabored ako ay nagbasa nalang ako. 15 minutes ang nakalipas ng hindi parin sila nakarating. Nagsisimula na akong mag-alala.
"Another 15 minutes. No 10 minutes. No 5 minutes! Final!" Pangkukumbinsi ko sa sarili ko.
Nakalipas ang 10 minuto na wala parin sila. Shit! Sana mali ako nang naiisip. Agad ko silang tinawagan pero cannot be reach! I try to call them again. Pero walang sumasagot! Pati narin kay Lolo Isko.
To: Lola
Nasaan na kayo?To: Lola
Bakit hindi niyo sinasagot tawag ko?To: Lolo Isko
Lolo? Nasaan na kayo?To: Lola
Please answer your phone.To: Lola
I'm worriedMuntik ko nang mabitawan ang phone na hawak ko nang biglang bumukas ang van na nasa harap ko. Hindi ko na namalayang andito na pala ang van namin.
"Sakay na. Pasensiya na kung-" hindi ko na siya pinatapos at bigla ko nalang siya niyakap.
"Pinag-alala mo ko Lola" I said between my sobs. Hinagod niya ang aking likod para patahanin.
"Such a cry baby" tukso sa akin ni Lolo Isko.
"Lolo naman!"
"Pasok ka na" sabi sakin ni Lola. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami sa labas. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at laking pasasalamat kong wala masyadong tao. Sumakay na ako sa van at tumahimik nalang. Hanggang ngayon kasi tumatawa parin sila.
Ilang minuto na ang nakalipas ng binasag ni Lola ang katahimikang bumalot sa loob ng sasakyan.
"We have a lead"
-nikkielodeon
020"Lola naman! Alis na tayo dito! Ok na ko promise!" Pilit ko sa kaniya. Bababa sana ako kahapon para kumain ng hapunan pero sa hagdan palang ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako nasa-hospital na ako."Hihintayin pa natin ang results ng test""Wala akong sinagutan na test Lola!" Pabalang na sagot ko sa kaniya."Nawala ata utak mo?!" Tumawa lamang ako sa kaniya kahit nanghihina ang aking katawan."Teka lang. Bibili ako ng pagkain mo sa baba. May gusto ka ba?" Tanong niya. Hinawakan ko ang tiyan kong kanina pa pala nagrereklamo."Kahit ano nalang po. Tapos chuckie po pala ang gusto kong inumin""Sige. Bili na ako ha. Bye!" Ngumiti lamang ako sa kaniya bago umalis.May mga butil na ng pawis sa aking noo dahil sa init. Bukas naman ang aircon."Lola! Ang bilis mo naman!" Biglan kasing bumukas
019"Nasaan si Mez?" Bungad ni Christine. Palihim akong umirap sa kaniya. Nasa amin ba si Mez para hanapin niya?Nasa station kami ngayon. Last assembly yata. Masaya lahat ng mga kasama ko kasi champion ang team namin."Mez!" Sigaw ni Christine. Nakita naming papasok si Mez kaya tumakbo papunta sa kaniya si Christine at niyakap ito ng mahigpit. May binulong ito na nakapag-pangiti kay Mez. Niyakap ito ni Mez pabalik. Nagtama ang mga paningin namin. Iniwas ko nalang ito dahil hindi ko na kayang pagmasdan pa silang dalawa. May kirot banda sa aking dibdib kapag nakikita ko silang magkasama."May gusto ka ba kay Mez?" Tanong sa akin ni Alfred. Ngumiti lamang ako sa kaniya.Hindi ko rin alam. I don't know if it is pure love or admiration. I don't want to take risks. I'm afraid of rejections. Ngayon pa talaga ako natakot."Ok na ba siya?" Rinig kong tanong ni Alf
018What generates passion and zeal in you is a clue to revealing your destiny. What you love is a clue to something you contain.The height of your accomplishments will equal the depth of your convictions. Seek happiness for it owns sake, and you will not find it; seek purposes, and happiness will follow as a shadow comes with a sunshine.Last night was like a blast for all of us. The camp fire ended with a fireworks display. Everyones made a wish. Its told in the legend of the school. Your wish will come true. I wish tho.I wish, the two of us will meet someday. Not as a stranger but a friend from a memory.Our team is marked on the history of this school. Red team finally reached the top. They said, it's first time in the history. We won as a group."Libre pagkain natin isang buwan" parinig ni Spring."Bakit?" Summer asked.
017"Summer peram cellphone mo""Aanhin mo?" Pabalik na tanong niya."Pictures" sabi ko sa kaniya. Hindi siya basta-basta nagpapahiram ng phone. Lahat ata ng apps niya ay may lock. Si Spring lang minsan nakakahula password niya.Pagkabukas ko ng phone niya ay agad kong nakita ang SpongeBob niyang lock screen. Hindi pa nga nakaka-move on. Pinabukas ko sa kaniya ang phone niya. Tinago niya pa para hindi ko makita. Ang wallpaper naman niya ay SpongeBob rin! Hindi ko alam kung nandito pa ba ang album niya sa gallery na puro picture ni Ley o di kaya SpongeBob.Nagsimula lang naman ang pagkakagusto niya kay SpongeBob noong ang sapatos ni Ley ay kulay dilaw at ang design ay SpongeBob. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang kina-umpisahan. Kaya ayun naging favorite na niya. Shshshhshshshs."Nagmo-move-on ka ba talaga?""Oo" weh? Sure ka jan?
016"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Summer na tumigil na kakaiyak. Nakatambay kami ngayon sa room, naghahanda na para matulog."Move-on" yan na naman tayo sa move-on move-on na yan. Tagal na niyang plano ang mag-move on. Ilang percent na ba ngayon?"Akala ko naka-move on kana?" Tanong naman ni Fall habang kumakain. Food is life."Naka-move-on na nga" weh?"Mga?" Sabat naman ni Winter."Mga 20%"Jusko! Ang rupok mo gurl! Ilang years na ba yan ha! Since grade 7 pa 'yan."Kita mo story niya?""Yes" no? Yes?"Kamusta? Any reaction?""Magmo-move on na ko!" Sigaw niya sabay tayo papuntang cr. Tumawa lang kami sa reaksiyon niya. Kuwentuhan lang kami ng ano-ano habang kumakain. Hindi na inopen-up ang kay Summer."Wag nang mag-wattpad ah! Diretso na tayong matulo
015"Bukas ng umaga ang call time natin dito ay 7. Ang first activity ay mag-uumpisa ng 8. So 1 hour ang breakfast. Dito tayo sa station kakain. 3 activity ang gagawin bukas ng umaga. Hindi ko alam kung ilan ang sa pang-hapon" mahabang paliwanag niya sa akin."Ah o-ok" shit! Hindi ako maka-concentrate! Hawak-hawak niya ang siko ko habang ginagamot. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito. Baka hinahanap narin ako sa room."Bat' ka nauutal?" Tanong niya sa akin sabay tawa."W-wala" lumakas pa ang tawa niya sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal! Tumingin nalang ako sa siko kong ginagamot parin niya."Ok na ang siko ko, hindi na dapat gamutin" I said without stuttering to act calm in front of him. Tinuringan pa naman akong makapal ang mukha sa grupo pero bakit sa harap niya jusko, nawawalan ako ng mukhang ihaharap."Teka lang. Matatapos na