LOGIN08
"Lola saan po galing ang painting?" Tanong ko habang kumakain ng hapunan.
"Hindi ko rin alam apo. Basta dumating nalang ang painting na 'yan dito." Sagot niya. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko nalang ang pagkain ko. Maya-maya ay nagsalita si Lola.
"Pero pwede nating kontakin kung sino ang nagpadala satin nun" dagdag niya pa.
"Paano po?" Curious na tanong ko.
"Puntahan natin ang office nila" ah ok.
Nang matapos ako ay pumunta na ko sa kwarto ko at naghanda para matulog. Sa sobrang kakaisip ko kung sino ang nagbigay sakin ng painting ay hinila na ako ng antok.
Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa aking bintana. Bumangon ako at tumungo sa cr para gawin ang morning routine ko. Pagbaba ko ay nandoon na silang lahat sa hapag, ako nalang ang kulang. As usual. Umupo ako sa gilid ni Lola at nagsimula naring kumain.
"Good morning apo" tiningnan ko lang siya at tinanguan
"Good morning Ate" sabi naman ni Francoise
"Good morning rin Ate" dagdag naman ni Isaac. Weird
"Good morning" sabi ko sa kanila ng nakita kong babati rin sa akin si Lolo Isko.
"Apo pupunta pala tayo ngayon sa office"
"Office?" Tanong ko. Anong office? Saan?
"Sa office nang nagpadeliver satin ng painting mo."
"Ahh" tanging sagot ko.
"At ang painting pala, lagay natin sa kwarto mo?" Tanong ulit ni Lola
"Sige po"
"Sige, ipapautos ko nalang"
Ang painting ay hindi naman sobrang laki. Parang painting lang na makikita sa sala mga ganyan, pang-decoration lang. Yung painting ay parang binase noong pumunta kaming mall last 2 years. Andun ako sa NBS pumipili ng libro.
"Aalis tayo maya-maya, kaya maghanda ka na" sabi sakin ni Lola nang makitang paakyat ako sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong hinanda ang susuotin kong damit. Isang floral dress na kulay itim na hanggang tuhod lang ang napili ko at pinaresan ko ito ng isang flats.
Pumasok na ako sa cr at naligo. Hindi ko namalayan ang oras kaya umabot ako ng 30 minutes sa loob. Hindi ko na napatuyo ang buhok ko at diretso na akong nagbihis. Kinuha ko ang liptint na Peripera Ink The Airy Velvet at nilagyan ang dry kong lips. Bigay lamang sa akin ng Ninang ko mula abroad. Lagi niya akong pinapadalhan nito dahil maganda raw ito sa lips at wala masiyadong chemical. Binitbit ko na lamang ang bag na gagamitin ko at lumabas sa aking kwarto.
Bago ako bumababa ay pumuslit muna ako sa kwarto ni Lola para mag-spray ng perfume niya. Omnia Amethyst Perfume by bvlgari ang perfume ni Lola. Shet ang yaman niya eh! 1,867.18 pesos/ US$36.90. Jusko ilang pagkain na kaya ang pumasok sa tiyan ko niyan. Nang matapos ako ay bumaba na ako at hinanap sina Lola. Nakita ko silang nasa labas na at ako nalang pala ang hinihintay.
"Jusko! Buti lumabas ka na! Akala namin nalunod ka na ng tubig doon!" Sabi sakin ni Lola ng nakarating ako sa kanila.
"Maganda ba Lola?" Tinuro ko sa kaniya ang lips kong may color pagkapasok namin sa van.
"Panget mo parin apo. Hindi mo talaga ma-abot beauty ng Lola mo" sabi niya. Maya-maya ay tumingin siya sakin ng may pagtataka
"Teka anong gamit mong—" bago niya pa matapos ay pinutol ko kaagad ito.
"Sorry Lola. Pangit kasi ng amoy ng perfume na binigay niyo eh" sabi ko sa kaniya at may pa-iyak effect pa.
"Abah! Mahal kaya nun!" Dagdag niya pa. Habang biyahe ay kinukulit ko siya dahil hindi namamansin. Abah! Tinoyo ang Lola! Hanggang sa makarating kami sa office ay hindi niya ako pinapansin. Unang pumasok si Lola at sinundan ko naman ito. Pagkapasok namin sa loob ay sobrang busy ng lahat. Dire-diretso lang kami ng lakad ni Lola papunta sa office ng manager.
"Good morning. We are here to ask some questions" panimula ni Lola. Nakss lakas maka-english ah.
"Good morning madam. Anong questions po iyon? Please have a seat."
"So your the manager?" Out of the blue I said those words. Wtf?
"Yes miss? Any problem?"
"No. I just can't believe it" tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. In fairness gwapo 'tong manager na 'to. Tisoy pa. Kung hindi lang talaga ako loyal kay Caleb. Nilandi ko na 'to. Watta word
"So, anong mga tanong po ba ang gusto niyong sagutin ko" sabi ng manager na hindi inaalis ang tingin sa akin. Ramdam kong tingnan niya rin ako. Head to toe. And he's smiling! No, he's flirting! Omy!
"Stop starin' at my baby" rinig naming sabi ni Lola dahilan ng pagputol ng tingin sakin ng manager. Tumingin siya sa gawi ni Lola.
"Ididiretso ko na 'to. Sino ang nagpadala ng painting samin? Alam kong alam mo"
"Sorry madam, pero hindi po namin pwedeng—"
"Kaya kitang patalsikin sa posisyon mong iyan. I know your background. May pinapa-aral kang kapatid at may sakit ang nanay mo. Wala ka naring tatay. So, its your decision kung sasabihin mo samin kung sino ang nagpadala ng painting. It's a win win situation right?" Sa paraan ng pagsabi ni Lola ay nagbigay sakin ng kaba. Ngayon ko lang nakita si Lolang magsalita ng ganito at nakakatakot iyon.
"I-isang la-lalaki madam. Ma-may ka-kasamang ba-bababe" nauutal na sabi ng manager.
"Kilala mo sila?"
"Hi-hindi po madam, pe-pero may iniwan p-po sila" may kinuha siyang papel sa drawer niya at binigay sa amin. "Yan po"
Umusog ako papalapit kay Lola para makita kung ano ang nakasulat sa sticky note.
"CLM?"
-nikkielodeon
020"Lola naman! Alis na tayo dito! Ok na ko promise!" Pilit ko sa kaniya. Bababa sana ako kahapon para kumain ng hapunan pero sa hagdan palang ay nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako nasa-hospital na ako."Hihintayin pa natin ang results ng test""Wala akong sinagutan na test Lola!" Pabalang na sagot ko sa kaniya."Nawala ata utak mo?!" Tumawa lamang ako sa kaniya kahit nanghihina ang aking katawan."Teka lang. Bibili ako ng pagkain mo sa baba. May gusto ka ba?" Tanong niya. Hinawakan ko ang tiyan kong kanina pa pala nagrereklamo."Kahit ano nalang po. Tapos chuckie po pala ang gusto kong inumin""Sige. Bili na ako ha. Bye!" Ngumiti lamang ako sa kaniya bago umalis.May mga butil na ng pawis sa aking noo dahil sa init. Bukas naman ang aircon."Lola! Ang bilis mo naman!" Biglan kasing bumukas
019"Nasaan si Mez?" Bungad ni Christine. Palihim akong umirap sa kaniya. Nasa amin ba si Mez para hanapin niya?Nasa station kami ngayon. Last assembly yata. Masaya lahat ng mga kasama ko kasi champion ang team namin."Mez!" Sigaw ni Christine. Nakita naming papasok si Mez kaya tumakbo papunta sa kaniya si Christine at niyakap ito ng mahigpit. May binulong ito na nakapag-pangiti kay Mez. Niyakap ito ni Mez pabalik. Nagtama ang mga paningin namin. Iniwas ko nalang ito dahil hindi ko na kayang pagmasdan pa silang dalawa. May kirot banda sa aking dibdib kapag nakikita ko silang magkasama."May gusto ka ba kay Mez?" Tanong sa akin ni Alfred. Ngumiti lamang ako sa kaniya.Hindi ko rin alam. I don't know if it is pure love or admiration. I don't want to take risks. I'm afraid of rejections. Ngayon pa talaga ako natakot."Ok na ba siya?" Rinig kong tanong ni Alf
018What generates passion and zeal in you is a clue to revealing your destiny. What you love is a clue to something you contain.The height of your accomplishments will equal the depth of your convictions. Seek happiness for it owns sake, and you will not find it; seek purposes, and happiness will follow as a shadow comes with a sunshine.Last night was like a blast for all of us. The camp fire ended with a fireworks display. Everyones made a wish. Its told in the legend of the school. Your wish will come true. I wish tho.I wish, the two of us will meet someday. Not as a stranger but a friend from a memory.Our team is marked on the history of this school. Red team finally reached the top. They said, it's first time in the history. We won as a group."Libre pagkain natin isang buwan" parinig ni Spring."Bakit?" Summer asked.
017"Summer peram cellphone mo""Aanhin mo?" Pabalik na tanong niya."Pictures" sabi ko sa kaniya. Hindi siya basta-basta nagpapahiram ng phone. Lahat ata ng apps niya ay may lock. Si Spring lang minsan nakakahula password niya.Pagkabukas ko ng phone niya ay agad kong nakita ang SpongeBob niyang lock screen. Hindi pa nga nakaka-move on. Pinabukas ko sa kaniya ang phone niya. Tinago niya pa para hindi ko makita. Ang wallpaper naman niya ay SpongeBob rin! Hindi ko alam kung nandito pa ba ang album niya sa gallery na puro picture ni Ley o di kaya SpongeBob.Nagsimula lang naman ang pagkakagusto niya kay SpongeBob noong ang sapatos ni Ley ay kulay dilaw at ang design ay SpongeBob. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang kina-umpisahan. Kaya ayun naging favorite na niya. Shshshhshshshs."Nagmo-move-on ka ba talaga?""Oo" weh? Sure ka jan?
016"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Summer na tumigil na kakaiyak. Nakatambay kami ngayon sa room, naghahanda na para matulog."Move-on" yan na naman tayo sa move-on move-on na yan. Tagal na niyang plano ang mag-move on. Ilang percent na ba ngayon?"Akala ko naka-move on kana?" Tanong naman ni Fall habang kumakain. Food is life."Naka-move-on na nga" weh?"Mga?" Sabat naman ni Winter."Mga 20%"Jusko! Ang rupok mo gurl! Ilang years na ba yan ha! Since grade 7 pa 'yan."Kita mo story niya?""Yes" no? Yes?"Kamusta? Any reaction?""Magmo-move on na ko!" Sigaw niya sabay tayo papuntang cr. Tumawa lang kami sa reaksiyon niya. Kuwentuhan lang kami ng ano-ano habang kumakain. Hindi na inopen-up ang kay Summer."Wag nang mag-wattpad ah! Diretso na tayong matulo
015"Bukas ng umaga ang call time natin dito ay 7. Ang first activity ay mag-uumpisa ng 8. So 1 hour ang breakfast. Dito tayo sa station kakain. 3 activity ang gagawin bukas ng umaga. Hindi ko alam kung ilan ang sa pang-hapon" mahabang paliwanag niya sa akin."Ah o-ok" shit! Hindi ako maka-concentrate! Hawak-hawak niya ang siko ko habang ginagamot. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito. Baka hinahanap narin ako sa room."Bat' ka nauutal?" Tanong niya sa akin sabay tawa."W-wala" lumakas pa ang tawa niya sa sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal! Tumingin nalang ako sa siko kong ginagamot parin niya."Ok na ang siko ko, hindi na dapat gamutin" I said without stuttering to act calm in front of him. Tinuringan pa naman akong makapal ang mukha sa grupo pero bakit sa harap niya jusko, nawawalan ako ng mukhang ihaharap."Teka lang. Matatapos na