Share

[11]: Boyfriend?

Author: xeniyaeh
last update publish date: 2020-09-23 10:01:23

Chapter 11

ALIANE'S POV

Ayun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pero syempre hindi to ang kauna-unahan noh. Pero nakakahurt paring magsinungaling, pinapabayad ko nga si Jenna ngayon dahil marami siyang utang sakin ehh, alam ko namang kaya niyang gawin yon. Oo na, masama na akong kaibigan. Pero ginagawa ko naman ang lahat ng to para sa kanya, para sa kaligtasan niya.

JENNA'S POV

Hayss! Eto na naman. Ilang beses na akong pinipilit ni Aliane na magluto. Mula noon, pinipilit niya akong sinusubukang magluto para sa ibang tao, eh ayoko naman kasi baka sunog o di maganda ang kalalabasan noh. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko kaya. Ah basta!

"Aliane. Wag na lang, please? First time kasi to eh. Hindi ko alam kung maganda yung kalalabasan o hindi. Alam mo namang hindi ko kayang magluto para sa ibang tao. Hayss, sige na." Ehh kasi naman eh! Pinipilit ba naman ako, eh hindi ko naman kaya kasi ibang tao na naman yung lulutuan ko. Ilang beses na rin kasi akong pumalpak ehh.

"Wag ka nang mag-inarte, hindi mo to first time. Ano na lang yung time na nagluluto kayo ni mommy para saming lahat? Bilis na.. nagugutom na ako ehh, hehehehe. Tutulungan ka naman ni Althea mamaya sa paglinis. May sasabihin raw, ewan ko kung anong arte niya. Tawagin mo ako pag tapos na ahh. Salamat, I Loveuuu. Mwah." Bineso niya yung pisngi ko at lumabas ng kuwarto.

Nagisip-isip pa ako tungkol sa apartment na titirahan ko pagkatapos umuwi galing Tagaytay, tapos umalis agad ako sa kuwarto. Kinakabahan ako habang pababa sa kusina, iniisip ko kung ano yung lulutuin ko. Aadobo ba ako? Menudo o Piprito? Siguro Titinola na lang ako. Nakaabot na pala ako sa kusina, hindi ko namalayan.

Binuksan ko ang ref at nakitang kumpleto ang mga sangkap na kakailanganin ko. Sana all kumpleto ang ingredients, hayss. Hindi talaga to mangyayari sa apartment ko, pag magluluto ako lalabas ako at dun lang bibili ng kakailanganin ko. Hindi na naman kasi ako palagi nasa apartment ko dahil trabaho lang ako ng trabaho sa cafe at restobar. Ayan, nagsasalita naman ako ng nonstop. Ang ingay ko noh? Sorry lang. O, balik na tayo sa istorya.

"Anong lulutuin mo, ate Jenna?" Tanong ni Jace tapos nilapitan ako.

"Magtitinolang manok tayo, kinakabahan kasi ako ehh kaya yun na lang. Sorry kung yun lang. Wag mo na akong tawaging ate." Paumanhin ko.

"Walang kaso, ate! Kailangan mo ba ng tulong? I'll be happy to help, you know. Saka mas matanda ka naman sakin kaya oks lang yun, mas komportable nga ako pag ate ang tawag ko sayo." Wika niya at nagpalabas ng mga ingredients. Ngumiti ako at um-oo na lang. Buti na lang at may tutulong saking magluto. I can't deny but Jace is really a good cook.

Nagsimula na kaming humanda ng mga kakailanganin saka nagsimula na kaming magusap ni Jace tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Althea.

"Ano na lang ang gagawin niyo pag malaman to ni Aliane?" Hininaan ko ang boses ko, kung sakaling marining ni Liane.

Gumigisa siya nang magsalita siya. "Ewan ko nga ate ehh. Pinagusapan nga namin yon ni Althea noon pero hindi namin alam kung anong gagawin namin. Bahala na lang siguro. Buti naman at tanggap ako ng pamilya nila sa ngayon, hindi ko nga lang alam kung ano na pag malaman na nila ang totoo. Ikaw, ate? Kamusta ka? Bakit wala ka pang jowa? Di ka ba naiingit samin dito?" Tinukso-tukso niya ako at ningitian ko lang siya ng pilit.

Hinihiwa ko yung manok saka nagsalita. "Wala noh. Nu ka ba. Wala akong oras humanap ng lalake dahil marami akong ginagawa. Di na ako nagaabala pa. Ang bata-bata ko pa noh, marami pa akong gustong gawin. Hindi ako magsasayang ng oras ko para lang sa isang lalake." Sabi ko. Ramdam ko ang titig niya sakin nung sabihin ko yon.

"Grabe ka naman ate. Nakakahurt ka!" Aniya. Tumalikod siya sakin at binuksan ang ref. Hahahaha nagtatampo siya!

Tinawanan ko lang siya at nilambing ng kaunti. "Di naman sa ganun, atleast alam kong hindi ka isa sakanila... Grabe, makasabi ako para akong nagkajowa ahh. No boyfriend since birth yung ate mo noh." Tapos naglagay ako ng pogi sign sa baba ng bibig ko. Parang tinignan niya ako ng kakaiba, pero binalewala ko lang.

"Buti na lang at may bunso akong sobrang kyut! Wag na wag mong sasaktan si Althea namin ahh, malilintikan ka saking oso ka." Pinilit kong akbayan siya at pisilin ang pisngi niya. Potek, ang tangkad ng bamboong to, tagaleeg lang kasi ako. Nagbibinata na yung kapatid ko, pero hindi ko siya kapatid sa dugo ahh.

"Yuck ate! Ang lansa ng kamay mo! Kadiri ka!" Reklamo niya. Lumayo siya kaagad sakin at humarap sa lababo. Tinawanan ko lang siya habang naghihilamos siya. Tumahimik kami ng konti habang nagluluto.

Naglagay na ako ng tubig at hinihintay naming kumulo ito. "Ate, sinong crush mo?" Tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong yan?" Tanong ko balik.

"Wala na curious lang ako, sino na?" Tanong niya ulit.

"Wala naman. Hindi ko nga alam kung sinong crush ko pero may nakita akong gwapong nakasalubong ko noong nakaraang araw. La yun, di naman kami magkikita ulit." Sabi ko habang naghihiwa ng gulay.

"Ahh, Aray." Sabi ko. Habang naghihiwa ako ng hilaw na papaya naaksidente kong nahiwa rin yung daliri ko. Ang hapdi, pero parang nawawala naman ng paunti-unti.

Napalingon sakin si Jace saka kumuha ng tissue sa cabinet na may kalayuan ng may humawak sa balikat ko at pinaikot ang katawan ko. Inilagay niya sa mga labi niya ang daliri ko at sinuyop ang dugong lumalabas.

Tumino yung utak ko at narealize ko yung ginagawa niya. Itinulak ko siya ng malakas pero hindi siya nadala, nakatayo pa rin siya sa posisiyon niya.

"Ano ba?! Ano ba sa tingin mong ginagawa mo?" Pagalit kong sabi. Si Rydyer pala yung kaharap ko, kanina pa tong lalakeng to ahh!

"Kanina ka pa ha! Ano bang meron sa'yo?" Tanong ko. Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako. ANO SIYA? PIPI?

"Bro, anong ginagawa mo?" Tanong ni Jace kay Rydyer. Hindi siya sumagot, at nang tatanungin ko siya ulit, ang sinabi lang niya ay..

"Yung niluluto niyo." Sabi niya ng malamig na tono saka pumasok ng banyo. Ano bang meron sa kanya? Bakit ba siya gumaganyan?

"Ay, oo nga pala." Tumuon yung atensiyon namin sa niluluto namin at binilisan ang kilos para makakain na.

"Okay lang ba siya? Naweweirduhan na ako sa kanya. Kanina pa siya kasi gumaganun. Hindi ko naman siya kaano-ano pero kung makaasta siya parang close kami. Tinutukso-tukso niya ako kahapon pa, binabalewala ko lang kasi akala ko kalokohan lang niya yun pero ngayon parang umiiba-iba yung ugali niya. Bipolar ba siya? Kanina nagagalit siya tapos kahapon para siyang kulit tas ngayon ang lamig naman niya. Ay sorry, naparami ata yung sabi ko." Ani ko. Hinawakan ko ng konti yung bibig ko at kumuha na ng mga pinggan para ihanda yung lamesa.

Tinawag na ni Jace yung mga tao at bumaba narin sila isa-isa. Pagkatikim ni Rydyer na nasa harap ko ulit sa luto namin, napatingin agad ako sa kanya. Tinignan ko kung ano yung reaksyon niya sa niluto namin, kung okay lang ba o ano. Sa tingin ko naramdaman yun nila Thea saka Jace.

Siguro okay naman ang timpla at nagpatuloy parin siya sa pagkain. Hindi na niya ako pinansin simula pa kanina, pero wala namang abala sa kin kaya hindi ko rin siya pinansin. Binilisan kong kumain habang sila Ethan saka Aliane ay naghaharutan. Nang makatapos akong kumain ay tumayo agad ako at nagsabing..

"Salamat sa pagkain." Sabi ko ng walang ganang boses. Nagpasalamat rin sila at nginitian ko sila ng tipid saka nagsimula na akong maglakad. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng ganang kumain kung may taong nakatitig sa'yo habang kumakain ka at yung taong yun ay nambabad-trip sayo kanina pa. Binilisan ko yung lakad ko saka hinugasan ang pinggan ko. Ibinalik ko ito sa lalagyan nito at pumasok sa kuwarto namin.

Nag-isip ako ng kung ano-ano at humilamos ng mukha sa banyo. Tinignan ko yung sarili ko at sinuklay ang aking buhok.

Lumabas ako at ipinatuloy ang paglilinis na naudlot kanina. Nasa ikalawang palapag ako nagpatuloy maglinis kasi tapos naman ako sa ilalim kanina.

Habang naglilinis ako, nakaramdam ako ng naglalakad. Lumingon ako at salamat naman na si Althea. Kala ko kasi si Rydyer na naman ehh. Teka, bakit ko siya iniisip?

"Hi, ate Jenna." Binati niya ako at nung tinignan ko siya, napansin ko ang hawak niyang trapo.

"Hehe, tutulungan po kita. Alam ko naman po kasing pagod ka na. Pansin ko kasing kanina ka pa kasi nagtatrabaho." Sabi niya.

"Sus, okay lang. Nasanay na ako, wala lang tong pagod na to ang importante matapos ko na to para makapaagpahinga na."

"Nakakainis kasi yang si ate ehh! Porket na nandito si kuya Ethan, mangaganun na siya. Hmp, buti na lang na pinayagan niya akong tulungan ka." Reklamo niya. Ang bait ng batang to, di katulad ng kapatid niya demonyo pero siyempre mas demonyo ako. Hehe.

"Okay lang yun. Nahirapan kaya si Liane gisingin ako kanina, eh kasalanan ko naman kasi heavy sleeper ako."

"Kahit na noh, ang bad niya. Hmp." Ningitian ko lang siya ng may katamisan at nagpatuloy sa paglilinis. Nagsimula na rin siyang maglinis at nagsalita ulit.

"Alam mo ate, ramdam ko yung atmosphere kanina. Okay lang ba kayong dalawa ni kuya Rydyer?" Tanong niya. Nahalata pala niya.

"Okay kami noh, di lang talaga kami close. Yaan mo na." Sabi ko.

"Eh yung kahapon." Tukoy niya.

"Anong meron kahapon?" Tanong ko.

"Narinig ko kayo kahapon eh. Di kayo nagpapatulog ng tao, ang ingay niyo. Sabi mo di kayo close." Ganun pala kami kaingay?

"Di naman talaga kami close nangungulit lang siya kahapon." Sabi ko.

"Sigurado ka? Di ka naman niya inaano?" Paninigurado niya.

"Oo nga." Pilit ko naman.

"Oh sige, bahala ka. Magsabi ka lang ate kung may ano ha." Ang bait talaga ng batang to. Nasunod niya ang ugali ni tito. Di naman katulad ng ate niyang ubod ng maldita pero lablab ko yan.

Napatahimik kami habang naglilinis. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Rydyer habang papunta siya sa kuwarto niya pero dumeretso lang siya sa paglalakad. Lumingon ako kay Althea na nakitingin samin, at alam kong ramdam niya kung anong meron. Hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy ulit sa paglilinis.

Binasag niya ang katahimikan nang nagsalita siya. "Ate bakit wala ka pang boyfriend? Di ka ba nagseselos samin dito?" Tanong niya.

Tinawanan ko siya ng konti at nagsalita. "Alam mo, pareho kayong tanong ng boyfriend mo." Hininaan ko yung boses ko sa pagsabi ng 'boyfriend'. Nakita kong pumula ang mga pisngi niya at pinisil ko ito ng mahina.

"Hays, sana all eh noh? Hahahaha hindi, okay lang naman saking may mga jowa kayo. Sus sanay na ako.. Ewan ko kung bakit, tinatamad akong maghanap ng gwapo este lalake. No boyfriend since birth tong ate mo noh." Nagpapogi-pose ulit ako gaya kanina. Tinignan niya rin ako katulad ng tingin sakin ni Jace kanina.

"Ahh okay. Gusto mo ate, tulungan kitang maghanap?" Aniya.

"Sige, sige. Bahala ka." Pag-aarte ko. Lumiwanag ang mga mata niya at magsasalita na nang inudlot ko ito.

"Sus grabe ka. Naniwala ka naman. Ayoko, wala akong gana at oras sa mga ganyan. Gusto kong lubos-lubusin yung oras ko para sa sarili ko sa ngayon." Sabi ko. Nginitian ko siya ng malambing at nagpatuloy ulit.

Tinignan ko ang relos ko at nakitang mag-aalas nuwebe na ng gabi. Bukas na pala yung kasal ni tito Lauro.

"Althea, salamat at tumulong ka sakin ahh. Kung hindi dahil sayo, hindi ko to matatapos agad. Salamat ulit! Lilibrehin kita pagdumating na yung sweldo ko. Promise. Oh, wag nang senti, bilisan na natin to. Kasal na ni tito Lauro bukas." Ngumiti siya ng malapad sakin at tumango. Ilang minuto lang ay natapos na rin kaming maglinis. Nagpaalam na siya sakin at pumasok na siya ng kuwarto niya.

Iniligpit ko ang ginamit namin at napatingin sa pinto ng kuwarto ni Rydyer. Biglang bumukas ito at nagkasalubong ulit ang mga mata namin.

Hinarang niya ang dadaanan ko. Bumukas ang mga labi niya at nagsabi siya ng mga salitang hindi ko inaasahang manggaling sa bibig niya..

End of Chapter 11

Hey peeps, nagbabalik si akoe. Oh, musta yung kabanata na to? Paki-rate po ng chapter na to pag nagustuhan niyo po. Kung pwede po ay ibahagi niyo po sa mga kaibigan niyo ang librong to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status