LOGINChapter 15
JENNA’S POV
Pagka-apak ko sa buhangin ng resort, alam kong magiging masaya ang magaganap dito. Naramdaman ko ang hangin sa aking mga balat at mukha, ang sarap sa pakiramdam na parang walang gumagabag sa’yo.
Dumiresto kami kaagad sa lobby ng resort at isinalubong kami ng kapatid ni tita Calissa. “Hey Red, kamusta na?” Hinarap niya si Rydyer at siya’y ngumiti naman saka nakipagkamay. “Well by the way, welcome sa ‘Celtino Resort’!” Sabi niya tapos inalsa yung kanyang mga kamay na parang tinuturo yung buong lugar.
“Come, ‘wag na kayong maghintay pa. Ipapakita ko na sa inyo yung mga kuwarto niyo.” Nauna siyang naglakad at sumunod naman kami kaagad.
*
Nakaabot kami sa second floor at itinuro na niya yung aming mga kuwarto. “So these are your rooms. Kayo ng bahala kung saan yung kukunin niyo, and don’t worry sabi ni tito niyo Lauro ay reserved yung dalawang kuwarto na ito para sa inyo. Pasensiya na kapag dalawa lang..”
“Sobrang marami kasi yung mga bisita, alam niyo naman.” Bulong niya tapos kinindatan kami. “Boys and girls, hiwalay yung kuwarto ah, explore niyo na lang. Thank me later! Ciao!” Pagkatapos niyang magsalita ay nagpaalam kaming lahat at nagsi-pasok na sa kaniya-kaniyang kuwarto.
“Wow ate Ane, ang ganda ng kuwarto ‘to! Ang lawak at saka..” Putol ni Althea.
“Tapos Ocean view! KYAAHHH!” Sigaw nilang dalawa ng sabay. Ahahaha jusko, sobrang saya nilang dalawa. Totoo namang maganda, kasi Ocean view.
“Malapit ako sa aircon!” Naunang sigaw ni Athena at inilagay niya agad yung kaniyang mga gamit sa kama. Pumwesto ako malapit sa bintana at nagsimula na kaming magligpit ng aming mga gamit nang may kumatok sa pinto. Pumasok doon ang mukha ni Rydyer, “Ladies, after five minutes bumaba na daw ta’yo. Magrerehearse pa para sa kasal mamaya.” Ningitian niya kami at isinara ang pinto. Inihinto muna namin yung aming ginagawa tapos nagbihis ako ng peach na square pants na hanggang tuhod na may gray na medyo masikip na shirt at tsinelas saka diretsong bumaba sa seaside. Mahirap na ‘pag nag flats pa ako, alam niyo naman.. mabuhangin.
Pagka-baba namin, nakita namin kaagad si Rydyer at Jace, siguro nauna na silang bumaba. “Ang ganda ng simoy ng hangin! Hayss ang bilis lang, mamaya balik klase na naman.” Ani Aliane. Tahimik lang akong sumunod kay Ane at mamaya nagsimula na rin yung practice.
Mas tinuonan ng pansin ko yung altar, ang ganda talaga. May parang archway na puno ng pink na may red-ish flowers at artificial na gold linings and flowers rin. Yung mga upuan ay puno rin ng flowers na may pink and red-ish with golden scheme, tapos yung aisle ay may mga parang bush na kumpol rin ng flowers sa gilid sa sahig at ang mas maganda dun ay yung mga bulaklak ay mga carnation saka roses. Tapos may mga boquet of flowers din na nakatayo every row, ang lawak ng lugar, maybe over five-hundred people we’re attending the wedding based on the number of the seats. Like, super lapad talaga, sobrang lawak naman kasi ng sea area pa lang. Imagine, limang daan na tao yung a-attend? Hindi lang nagtagal ay napansin ko yung tingin ng mga tao sa paligid ko. ‘Kanina pa sila tingin ng tingin ahh, may dumi ba sa mukha ko? O ‘di kaya ay kilala nila ako? Impossible, bago lang ako dito nohh. Ano ba yung mga iniisip ko.
Nilapitan ako ng wedding organizer at bigla siyang nagtanong sa’kin. “Hi hija, anong name mo?” Bakla ata ‘to? Parang mabait ahh.
“Ahh hindi po ako kasama sa kasal.” Tugon ko na may pag-aalinlangan sabay wagayway ng mga kamay.
“Auws, sure? Kasali ka girl, guest nga lang yung role mo, close ka ba sa groom?” Tanong niya sabay tingin sa folder na hinahawakan niya.
“Ahm yes po, somehow.” Tugon ko sabay ngiti.
“Then I’ll place you in the back pero hindi sa huling likod, oh siya, pumwesto ka na sa left side kung saan yung mga girls.” Dumiretso ako sa bandang likod at tahimik lang na nakikinig sa mga instructions niya.
“Sino pa kaya ang wala?” Tanong niya sa sarili niya tapos tinignan yung paligid niya.
“ME! Me, ako na lang.” May sumigaw mula sa likod kaya lumingon kaming lahat. “I’m Sawol.” Sabi nung babae at nakipagkamay sa wedding organizer pero hindi tumugon nung bakla ata, kaya medyo napahiya siya.
Itinuro niya yung lalakeng hindi ko inakalang ipa-partner sa kanya. “Ikaw hijo na naka dark blue na t-shirt.” Hmm.. I didn’t expect that. But sige, itong na lang ang lalakeng ‘to. My ghad, bakit siya pa?
RYDYER’S POV
Imposible! Kasama si Jenna sa kasal, si tito Lauro nga yung naglagay ng pangalan niya. How could she be not included? ‘Kalma ka lang Rydyer, just talk to tito Lauro later and he will explain it’. Wala yung ikakasal dito, nag-aayos pa para sa kasal.
Hindi ako umimik, instead I calm my self down. I don’t want to make a scene, baka makakasira pa ako ng kasal. “Ikaw hijo na naka dark blue na t-shirt.” Rinig kong tawag sa’kin. Oh sh*t, si Sawol na naman. Nilingon ko si Jenna na nakaupo hindi malayo sa amin, at tinignan ko yung reaksyon niya. Nakatingin siya kay Sawol na nakakunot yung noo na bati ako napakunot rin.
“O sige, partner kayo ni.. what’s your name, gwapo?” Tanong sa’kin ng wedding organizer. Bakla na lang yung tatawagin ko sa kanya, ang haba ng wedding organizer.
“Rydyer.” Maikli kong sagot, bakit si Sawol pa kasi?
“Hi Rydyer! Nagkita naman ulit ta’yo, and we’re partners! Isn’t that great?” Sabi niya tapos ipinasok ni yung kamay niya sa braso ko.
Wala akong ganang makipag-usap sa kanya. “Whatever.” Walang emosyon kong tugon. May napansin akong tumitingin sa’min kaya nung nilingon ko ulit si Jenna, nakita ko siyang nakatingin sa direksiyon ko. Nahuli ko siyang tumitingin sa’min kaya mabilis niyang ipinutol ang pagtitinginan namin at napabaling sa paligid.
*
Malapit nang mag-aalas otso ng umaga at natapos rin yung rehearsal namin. Sa ilang oras kong pagtitiis kasama ni Sawol, nakawala rin ako sa wagas. Nahanap kaagad ng mga mata ko si Jenna at na naglalakad sa buhangin, pupuntahan ko na sana siya nang may lalakeng lumapit sa kanya at kinausap siya.
Nalaman ko na lang na humahakbang na yung paa ko papunta sa kanya at handa nang suntukin yung lalake nang nag-vibrate yung phone ko. Nang nakita ko na si tito Lauro yung tumatawag ay sinagot ko kaagad, (Tio Lauro, where are you? I need to talk to you about something.) Tanong ko.
(Nandito ako sa garden malapit sa swimming pool area. May kailangan rin akong sabihin.) Sagot niya at ibinaba ko naman yung tawag. Pinuntahan ko yung lugar kung na saan si tito Lauro, dahil sa sobrang lawak ng resort na hindi ko masyadong kabisado, hindi na ako nagtanong-tanong.
Nakaabot ako sa hardin at nakita kong nag-uusap si Ane at si tito, “Tito, pwedeng humingi ng small favor?” Tanong niya. Nagtago ako sa likuran ng mga halaman at tahimik na nakinig sa pinag-uusapan nila.
“Ano yon, Ane?”
Ngumiti ng kaunti si Ane saka nagsalita, “Pwede po bang pakipasa-pasa yung mga sobre na ‘to sa mga bisita na sa tingin mo ay kilala si Jenna?” Sabi niya tapos ipinakita niya yung kumpol na sobre.
“Ano ‘to?” Tanong ni tito Lauro.
“Baka po kasi may makakilala dito kay Jenna. Ang mga sobre na’to ay para masabihan yung mga bisita na hindi magpapansin sa kanya, baka mahalata o may mapapansin ni Jenna yung mga nangyayari dito. Hindi pwedeng malaman ‘yon ni Jenna, please make it confidential. Ayoko pong malaman niya na agad ang lahat, natatakot ako. Alam mo na po yung rason kung bakit.” Wika niya sabay ngiti ng konti na may pag-aalala. Teka, saan siya nakakuha ng mga papel na yan?
“Okay, Ibibigay ko ‘to sa assistant ko. I’ll let them know but be careful, Ane. Kahit itago niyo pa yan, malalaman at malalaman niya pa rin ang lahat dahil may karapatan rin siya.” Niyakap niya si Ane at aakmaing kunin na yung kumpol na papel.
Lumabas ako mula sa mga halaman at para silang nakakita ng multo nang makita ako. “Ka-kanina ka pa d-diyan?” Tanong ni Aliane.
“Nah, bago lang.” Pagsisinungaling ko. “Ano ‘yan?” Tanong ko sabay turo ng papel gamit yung aking bibig.
“Wala ‘to, Rydyer. Mga ano ‘yan, uhm.. ahh-” Hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinablot yung papel na nasa kamay niya saka tinignan iyon. Sabi ko na nga bang may kinalaman ‘to sa paglihim ng nakaraan ni Jenna.
“Rydyer-” Again, hindi ko pa rin siya pinatapos magsalita. Rydyer na yung tawag niya, means seryoso na siya pero nauutal parin. Haha.
“It’s okay, ayoko rin namang malaman niya agad ang lahat. Well, maybe a little will not hurt her but it’s better to keep it a secret.” Wala namang masama ‘pag may malaman siyang konti, diba? Like yung mga ala-ala naming dalawa, I think it’ll be okay if she know something.
“By the way, tito Lauro, bakit hindi parte si Jenna sa kasal?” Tanong ko.
Si Ane na yung tumugon, “’Pag nandoon yung pangalan ni Jenna sa kasal, maaaring malaman kaagad ng mga bisita kung sino siya. Mas mabuting mag-ingat tayo, baka magsisi tayo sa huli ‘pag hindi. Okay lang namang hindi parte ng kasal si Jenna, atleast nandito siya, diba?” Tumango ako at nagsalita ulit, “Pumasok ka na sa loob, tito Lauro. Baka hinahanap ka na nila dun, mag-aayos na rin kami.” Nag-paalam na kami ni Ane at umalis na sa hardin.
“Saan mo nakuha yung mga papel na ‘yon?”
“Pinadala ko kay Jace. Palagi kaya kaming magkasama ni Jenna.. ” Sabi niya na may ngiti tapos dumugtong, “By the way, please Khairo, ‘wag mo siyang lalapitan. Natatakot akong malaman niya kaagad. Hindi ka ba natatakot?” Huminto ako sa playground area at nagsalita ako.
“Natatakot rin ako, Ane, kaya lang hindi pwedeng magtuloy-tuloy ‘to. Alam kong may atraso at mali akong nagawa sa kanya, pero kailangan kong gawin ‘yon. May namatay na nga nang dahil sa kagagawan ko, at nagsisi ako pero may karapatan pa rin siyang malaman ‘yon. Wala na akong pake alam kung ano man ang mangyari dahil kahit siyang na ang sumuko sa aming dalawa, hindi ko siya masisisi. Gusto ko lang siyang makasama ulit, at makausap ng maayos. Magsasakripisyo ako sa makakaya ko dahil sa simula’t sa puno pa lang ay kasalanan ko rin naman ang lahat. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko siya kayang bitawan, handa akong ibalik yung mga ala-ala naming dalawa, yung dating kami na hindi pa nangyari yung aksidente. Just give me this chance to spend my last years with her, please.” Pagmamakaawa ko. Masakit man sa puso pero kailangan ehh.
Hinarap niya ako at tinignan ng diretso sa mata. “Ehh ano na lang yung akin? Sa tingin mo pagkatapos niyang malaman ang lahat ay pareho pa rin yung pakikitungo niya sa’kin? Hindi mo ba naiisip yung mararamdaman ko, Rydyer? Mas masakit sa’kin dahil sa mga araw na namatay si tita Irene, ako yung nandoon sa tabi niya. Sa tuwing siya’y umiiyak, ako yung pinupuntahan niya. Masakit isipin na hindi pala ako yung karapat-dapat na nasa tabi niya, nagui-guilty ako..”
“What last years? Rydyer, meron ka bang nililihim sa’min? Ano? Mamamatay ka na ba?” Dugtong niya.
“Hindi ako mamamatay, ’wag na muna ngayon. Dalian mo na, mag-aayos pa tayo." Inunahan ko siya papunta sa kuwarto namin. Ayokong malaman nila na nakataya na yung buhay ko. Kahit sa tingin nila na nagloloko-loko lang ako, nag-aalala ako para sa sarili ko, sa mga taong mahal ko na baka mapa-ano sila ‘pag darating na yung oras na kukunin na nila ako.
Maya-maya nakatapos na kaming lahat mag-ayos. Naunang umalis yung mga babae sa’min kaya hindi ko pa na nakita yung prinsesa ko. Ilang minuto rin kaming naghintay sa likod at sa wakas, nakita ko na yung mahal kong nakatayo sa harap ng upuan, yung Jenna ko. Ang ganda niya, sobra, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya habang naglalakad sa aisle. Nung tumingin siya sa direksiyon ko, hindi ko pa rin maialis yung tingin ko sa kanya. Pakshet naman oh, sobrang namiss ko yung mukha niya, yung tingin niya sa’kin. Ang ganda ng flower crown na nasa ulo niya, bagay na bagay sa kanya pero mas maganda yung mga ngiti niya.
“Red!” Rinig kong tawag sa’kin. Nilingon ko ito at hindi ko inaasahang makita ang taong ilang taon ko ng hindi nakita.
“Ma.” Sabi ko. Nilapitan niya kaagad ako at niyakap.
“Namiss ko yung anak ko, yung Rydyer ko.” Sabi niya tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Nagulat na lang ako na sinuntok na niya pala ang tiyan ko.
“That’s for not calling me after all these years. Wala na kaming update sa’yo, nag-aalala kami ng daddy mo. Pina-imbestigahan kita, but there’s no trace of you. Saan-saan ka ba pumupunta? Yung cellphone mo hindi ko matawagan, always busy naman tapos yung mga kaibigan mo wala ring ideya kung nasaan ka. May nililihim ka ba sa’kin?” Nag-aalala niyang tanong. Pangalawa ko nang narinig yung tanong na ‘yan. Hindi nila pwedeng malaman yung tungkol sa buhay ko, kaya iniba ko yung usapan.
“Si dad?” Tanong ko.
“May kinuha lang sa kuwarto, may nakalimutan kasi. Alam mo naman, matanda na yung daddy mo.” Sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi.
“Ehh, ikaw ma? Kamusta na kayo?”
“Hindi pa ako matanda noh, baby face pa kaya ako kasi sunod ka sa’kin. Pa-hug ulit, namimiss ko kasi yung bunso ko. Wala na kaming baby ngayon..” Niyakap ulit ako ni mama at sumulpot naman di dad.
“Bigyan mo kami ng lalakeng apo, Rydyer ahh o di kaya ipahiram mo sa’min ‘pag meron na.” Kumindat sa’kin si daddy at niyakap niya rin ako.
“How are you, son? Musta nung kay Jenna?” Tanong niya sa’kin.
“You know what, dad, let’s talk about this later. Baka marinig tayo ng ibang tao.” Narinig na namin na magsisimula na yung kasal kaya nag-paalam kami muna sa isa’t-isa.
*
Tinitignan-tignan ko yung direksyon ni Jenna at minsan nadadakip ko siyang nakatingin rin pero parang wala siyang pake alam. “You may now kiss the bride.” Rinig kong sabi ng pari. Natapos rin pala, aabot ng isang kalahating oras yung seremonya pero parang mabilis lang yung misa. Lahat kami ay nagpalakpak sa bagong kasal pero hindi pa tapos, may picture-picture pa.
“Rydyer, let’s go?” Narinig kong nagsalita si Sawol. Nilapitan niya pala ako at hinawakan naman ulit yung aking braso. Nakatingin pa rin ako kay Jenna, siguro hindi na siya komportable sa mga tingin ko. Nahagip ko yung mga mata niya nung tumingin rin siya ulit sa‘kin pero wala itong emosyon. Naalala ko lang noon na nahulog na pala ang loob ko sa kanya sa patingin-tingin lang.
“Rydyer?” Tawag ulit sa’kin ni Sawol. Bumalik ako sa tamang pag-iisip at pumunta rin naman kami sa harap.
Ilang minuto ang nagdaan, pumunta rin sa harap si Jenna at tumayo, “Sawol, pwede ka ba munang umalis?” Tanong sa kanya ni tita Calissa. Mabuti naman at binitawan na niya yung braso ko, she’s like a glue that won’t come off.
Maarte siyang umalis sa gilid ko at nagsalita ulit si tia Calissa, “Jenna, diba?” Tumango naman si Jenna at dumugtong si tita. “Dito ka na lang siguro sa tabi ni Khairo.” Sabi niya saka itinuro ng tabi ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, siguro naman hindi ni Jenna mahahalata yun, diba?
“It’s Rydyer, tita. Please don’t call me Khairo.” I corrected, I don’t know why I hate that name so much. Ningitian lang niya ako at humarap na sa kamera.
Hays yung puso ko, para na itong sasabog na parang bulkan.
Nilapitan kami ng lalake, hindi ko kasi alam ang pangalan niya, tapos idinikit pa kami ni Jenna. “Closer, please. Compress muna tayo para makuha kayong lahat, okay?” Sabi ng photographer, actually pinsan yon ni tita Calissa. Tinignan ako ng Sella ko at humarap rin kaagad. I think she still hates me, paiba-iba naman kasi yung ugali ko.
Natapos na yung pagkukuha ng litrato, at syempre pinipigilan kong hindi umimik kay Jenna. Maya-maya ay nagsalita siya, “Uhm, Rydyer..”
End of Chapter 15
Chapter 15JENNA’S POV
Chapter 14RYDYER'S POVKinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa
Chapter 13JENNA'S POVAlas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane di
Chapter 12RYDYER'S POVWednesday na at apat na araw na lang, babalik na
Chapter 11ALIANE'S POVAyun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pe
Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta