Share

[14]: Barko

Author: xeniyaeh
last update publish date: 2020-09-23 10:05:54

Chapter 14

RYDYER'S POV

Kinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa rin ako nakaligpit ng mga gamit ko, ala-una na ng umaga. Ikakasal sila ni tita Calissa sa isla, na sila rin mismong may ari kaya doon rin yung reception at doon rin kami matutulog ng ilang araw.

Hindi na ako makapaghintay na makita si Jenna sa susuotin niya mamaya. Sinabihan naman kasi ako ni ate kung ano yung susuotin niya para sa kasal namin-este sa kasal ni tito Lauro. Pero hindi ko ma-iimagine yung hitsura niya 'pag nagpaganda siya.

Nagsimula akong magligpit ng mga gamit ko kahit tinatamad ako. Umidlip ako ng konti sa dahilan na hindi ako makatulog kanina at nakasama ko ulit si Jenna umuwi sa iilang taong hindi ko siya nakasama.

Tinignan ko yung orasan sa kuwarto, "Alas-kuwatro na pala". Narinig ko yung paghinto ng sasakyan sa labas.

Lumabas ako at nakita sila tita Lisa'ng pumasok sa bahay kasama si Altaire. Tumakbo si Altaire sakin at nagsalita, "Kuya Red, namiss talaga kita! Dalian niyo na at para makaabot na tayo sa isla!" Niyakap niya ako saka bumitaw din.

"Ate THEA! Ate ANE! Ate JENNA! Gising na kayow! Kuya JACE!" Sigaw ni Altaire ng malakas at mabibong umakyat saka pumasok sa kani-kanilang kuwarto.

Tsk. Tsk. Tsk. Ang batang yon, hindi talaga mawawalan ng gana. Hindi ka talaga mababagot.

"Oh Rydyer, hijo, gising ka na pala.. Bilisan niyong kumilos ahh, ilang oras pa kasi ang biyahe." Tinapik ako ni tita Lisa sa balikat at nilagpasan ako.

Naunang lumabas si Ethan sa kuwarto nila ni Aliane, alam kong gulat na gulat si Altaire ng makita niya yung kasintahan ng ate niya dito sa bahay.

Pababa si Ethan sa hagdan at napansin siya ng mama ni Ane kaya tinawag niya ito. "Ethan.. buti naman at nakarating ka.. anong oras ka dumating?" Tanong ni tita sabay tampal ng kamay niya ni Ethan.

"Good morning tita, mga hapunan na po ako nakarating kahapon." Ngumiti siya ng matamis.

Natapos na silang lumigpit ng mga gamit nila, nailagay na ang lahat ng bagahe at nakapasok na kaming lahat sa van saka bumiyahe na. Sayang, hindi ko siya makatabi. Magkatabi kasi si Jenna, Ane at si Altaire. Mahabang biyahe na naman to.

Nakatulog ako dahil sa pagisip-isip. Hindi ako mapakali kung sino ba talaga yung nagbabantay sa mga gawa ni Jenna habang wala ako. I need to know who he is as soon as possible, baka kung ano pa yung gawin niya kay Sella.

*

*BOOOGSSHH!!*

Napagising ako sa biglang paghinto ng van.

Halos kaming lahat ay napatayo sa aming mga upuan.

Napamura yung tatay ni Aliane sa tinding galit. "Tito Alino, ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Nabangga yung sasakyan, Rydyer hijo. Siguro mauuna na lang kayo. Aayusin pa namin yung issue dito.

Kalma lang, konti lang yan." Si tita na ang sumagot habang hinihimas niya ang likod at pinisil-pisil ang kamay ni tito.

Huminga siya ng malalim tapos nagsalita, "Ahh oo hijo, pasensiya na sa abala. Eto kasing motor, bigla-biglang sumulpot kaya yun. Oh, bumaba na muna kayo." Lingon ni tito, nararamdaman ko yung galit mula sa mga mata niya.

Nakababa kaming lahat sa van at pinalapit niya ako sakanya. Kumuha si tita Lisa ng pera sa kanyang pitaka at inabot sakin. "Oh Rydyer, ikaw na ang bahala sa kanila ahh. Mag-ingat kayo, lakarin niyo na lang papuntang pier. Alam niyo namang wala masyadong sasakyan dito, pasensiya talaga sa abala." Ngumiti si tita Lisa sakin at nagsalita rin si Ane.

Sumilip siya sa front sit at nagreklamo, "Haluh mommy, bakit mo sa kanya ibinigay yung pera? Hindi ako babayaran sa barko niyan." Sabi ni Aliane.

"Talagang hindi." Tukso ko.

 "Mommy ohh! Kitams." Sabi niya sabay turo

"Ikaw Ane ahh, alam mo na kung bakit. Naka-ilan ka nang makawala ng pera, kay Rydyer na muna. Ingatan mo yung mga kapatid mo ahh, si Jenna tulungan mo pag may kailangan, si Rydyer wag mong awayin. Ethan, pakibantay sa kanila ahh." Wika niya. Sineryosohan ni tita yung tingin niya kay Aliane at ngumit naman siya kay Ethan.

Walang magawa si Ane kaya ngumiti na lang siya ng pilit. "O sige, aalis na kami ma ahh. Mag-ingat kayo, Dad.." Lumingon agad si tito Alino. "Maaayos niyo yan, 'wag kayong mag-alala ng masyado. Kita-kits tayo sa kasal ahh!" Isa-isa kaming nagpaalam sa kanila at nagsimula nang maglakad.

"Ate, alam mo ba." Sulpot ni Athena na nakatingin kay Jenna.

"Hindi ko alam." Walang emosyon niyang sinabi.

"Oh, ano na?" Patawa niyang dugtong. Napatitig ako sa kanya. Nakakatuwa yung ngiti niya, Last time I saw her, I was devastated. Her eyes were different, now it has ecstatic and gleeful smile.

"Si kuya Red," Napatingin agad ako sa kanya na nakatingin rin sakin. Tapos itinuloy niya, "May crush sa'yo! Yyiieeee." Agad siyang tumakbo papalayo sa'min. Kumunot yung noo ko at napabaling kay Jenna, nakatingin rin siya.

Pinutol ko kaagad yung titigan naming dalawa. Hindi ko siya crush noh, mahal ko siya. Hindi ko na si Athena hinabol, baka kasi pagkamalan pa talaga ako ni Jenna na totoo yun. Wag muna tayong magpahalata.

Naging tahimik yung paglalakad namin ng ilang minuto. "Andoon na yung ferry! Dalian niyo na!" Sulpot ni Althea sabay turo ng port. Dinalian namin ang paglakad hanggang sa makaabot.

“Pumunta na kayo sa barko! Magbabayad pa ako, susunod na lang ako. Dalian niyo na!” Nagsi-alis na sila papunta sa harap ng ferry. Wala nang masyadong nagba-bayad sa dahilan na isang oras pa sila ulit tatanggap ng pasahero.

Itinuon ko yung atensiyon ko sa pagbabayad at ang babae na grabe makatingin sa‘kin. “Goodmorning sir, Ilan po?” Tanong niya, tapos yung boses niya ay nagpapa-pabebe pa.

“Pito.” Maikli kong tugon. Ginawa ko na ang lahat ng kailangang gawin at naiirita ako sa pananalita niya kaya sinabihan ko siya.

“Miss pwede mo bang madalian?” Tanong  ko ng may galit na tono. Nagulat yung babae, napahiya siguro kaya dinalian niya na yung kanyang pagkikilos at ibinigay na sa’kin yung ticket.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang makaabot kung saan sila naroon. Ibinigay ko yung mga ticket sa lalaki at diretso na kaming pumasok sa loob. Humanap kami agad ng pwesto at salamat naman na walang masyadong pasahero.

“Anong oras na?” Tanong ni Althea.

“Five-thirty five.” Sabat ko. Napansin kong nag-paalam si Jenna kay Aliane na lumabas kaya sinundan ko siya hindi lang nag-tagal.

“Hey.” Bati ko pero hindi niya ako pinansin. Kaya pala nandito siya, she’s addicted to sunrise. Pinapili ko siya noon kung saan mas maganda, dusk o dawn, mas pinili niya yung dawn kasi sabi niya mas maganda yung scenery kaysa sa dusk. Ewan ko, pero para sa ‘kin pareho lang naman sila, basta may sun!

JENNA’S POV

Wahh. Ang ganda ng sunrise, mas maganda talaga ‘pag nasa dagat yung view. Minsan lang ako makakakita nito, nawawala agad yung stress ko. Siyempre ‘pag na sa siyudad ka, expected na buildings lang yung makikita mo, iilan lang yung mga puno at view ng sunset tsaka sunrise.

By the way, ano ba klaseng lalake ‘to? Naguguluhan ako! Bipolar ba ‘to? Paiba-iba yung ugali niya ehh, nakakalito. Kagabi nagkatuwaan pa at saka hindi naman nagpapansinan tapos ngayon bigla-bigla na lang siya namamansin.

Lumabas nga ako para hindi ko siya makasama kasi si hearty-heart tumitibok na naman ng malakas ‘pag nandyan siya tapos sinundan niya na naman pala ako. O di kaya, crush niya rin ako? Bwiset, yung puso ko nagdu-dugdug.

Ako? Crush niya? Sige Jenna, ang lawak talaga ng imahinasiyon mo, ang feeler mo pa.

Tumabi siya sa’kin na nakasandal rin sa railing ng barko. “Look, I’m really sorry.” Paumanhin niya. Anong sorry yon? Sa kay Athena ba o sa ginawa niya. Nakalimutan ko na kung anong ginawa niya, pero nagtataka pa rin ako sa sinabi ni Athena kanina. Hindi niya kasi idineny, naguguluhan tuloy ako. Nakakainis!

“You’re always sorry.” Tugon ko. Ehh totoo naman ehh, pero teka, bakit ako nagagalit? Jusko, ilang araw pa lang namin kilala ang isa’t-isa pero bakit ako nagkakaganito? Hayss, dahil siguro sa period ko.

Ilang minuto kaming walang imik sa isa’t-isa. Maya-maya, siya rin naman ang pumutol ng katahimikan. “By the way, bakit ka lumabas?” Ewan ko sa sarili ko pero nasusuka ako ‘pag kapos hangin at sa barko.

“Nasusuka ako. Bakit mo ako sinundan dito?” Straight-forward ko siyang tinanong.

Binalewala niya lang yung tanong ko, “Jenna, can we be friends?” Pag-iiba niya ng usapan tapos inilahad niya ang kanyang kamay.

“No. ‘Di mo pa ako sinagot.” Tugon ko na hindi pa rin siya hinaharap.

“Okay, sasagutin ko ‘yan but I have a favor.” Hindi ako sumagot, but this time hinarap ko na siya tapos itinuloy na niya. “Sa kasal, pwede bang friends muna tayo? I mean, just for tito Lauro and tita Calissa. Nakakahiya naman sa kanila ‘pag hindi tayo nag-iimikan. Kahit sa harapan lang nila, kung wala na sila babalik lang agad tayo sa dati.”

Napatawa ako ng mabilis, “Ang dami mong sinasabi.. Para kay tito Lauro lang ahh.” Magsasalita na sana siya nang sumulpot si Aliane. Hindi pa niya ako sinagot! Nacu-curious ako kung bakit niya ako sinundan dito.

“Jenna, may sasabihin ako sa’yo. Khairo, kukunin ko na siya ahh.” Hinila niya ako papasok ulit sa loob. Hindi ko na nilingon si Rydyer at nagpa-hila na lang kay Ane.

*

“Jenna.. huwag na ‘wag kang lumapit kay-” Hindi na naitapos yung sasabihin ni Aliane dahil sumigaw na si Athena.

“Nakarating na tayo!” Excited niyang ani.

“Ano ‘yon, Ane?” Tanong ko sa kanya.

“Mamaya na lang. Dalian na natin para makaabot na tayo sa isla.”

Naka-baba na kami sa barko at ngayon magpapa-sundo na kami sa sasakyan nila tita Calissa. Naghintay kami ng konti at dumating rin yung kanilang puting van. Ilang minuto yung byahe namin at sumakay kami ulit sa barko.

Maya-maya ay nakaabot na rin kami sa isla. Kamusta na kaya sila tito at tita? Sana maayos nila yon agad. Sinalubong kami ng mga pinsan nila ni Ane at ni Rydyer, grabe ang iingay nila. Siguradong hindi ka rin mababagot katulad ni Athena.

End of Chapter 14

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status