Share

[10]: Kwintas

Author: xeniyaeh
last update publish date: 2020-09-23 09:59:58

Chapter 10

JENNA'S POV

Alas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi talaga ako makatulog kanina pa. Ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko, lumuluha ako sa sakit. Siguro mga alas-singko na ako nakatulog ng nakaramdam ako ng antok. Buong gabi kong iniisip kung ano ba talaga ang motibo niya sa akin. Paulit-ulit kong pinoproseso kung ano ba talagang mga ginagawa niya.

Hindi ko siya kinausap at dumeretso sa kuwarto ni Althea. Kumatok ako ng ilang segundo pero walang tugon mula sa kabila.

"Althea? Thea? Si ate Jenna to. Pwede mo bang buksan ang pinto?" Ani ko. Wala talagang tugon ehh. Sinubukan kong buksan ang pinto, nagulat akong hindi ito naka-lock.

Pumasok ako sa loob at inilibot ang aking mata. Nakatupi na'ng kumot, nakaayos na ang kama. Mukhang umalis na sila. Saan kaya sila pumunta? Nahagip ng mata ko ang kumikinang na kwintas sa ilalim ng drawer. Pinulot ko iyon, at tinignan ng maigi ang mga pendant ng kwintas.

'Letter R with a cresent moon and stars' . What is this supposed to be? Ano ba to? Nagpatuloy ang pag-iisip ko ng may nagsalita.

"Anong ginagawa mo diyan? Umalis na sila kanina pa, pumunta sila sa reception at hotel ng kasal para tignan at kumustahin ang lahat." Sumandal siya sa gilid ng pinto. Hinarap ko siya at lumapat ang tingin niya sa hinahawakan ko.

He rushed to me and grab the necklace. "Hey! It's not yours!" I shouted.

"Well, it's not yours either." Aniya sa malalim na boses. Tinamaan ako sa sinabi niya. Tinignan niya ako ng may galit at seryosong tingin sa mukha niya. Natakot ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahang tingnan niya ako ng ganun kaya hindi ako nagsalita at hinayaan ang kwintas. Nilampasan ko siya ng walang emosyon sa mukha at umalis ng kuwarto saka isinara ang pinto.

I'm not supposed to be afraid of him! Umiba ang tingin ko sa kanya. I mean kagabi tumataw-tawa pa siya tapos ngayon iba na naman ang mukha niya. Hindi ko talaga inaasahang gawin niya yon sa akin. Kahit sa tingin kong may pagkamanyakis siya hindi siya gaganon ng tingin sa kin. Mali ang akala ko. Isang akong sensitibong babae, alam ko yon.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero ramdam ko ang kirot ng tiyan ko dahil sa gutom. Dumeretso ako ng kusina. Uminom ako ng tubig at kumuha ng tinapay sa ref. Tinignan ko ang nakalatay sa lamesa. Inayos na niya't lahat-lahat tapos sinasabi ng sarili kong hayaan na lang pero sa isang parte ko, kakainin ko na lang dahil gutom na ako. Bahala na, bumalik na lang ako sa kuwarto ko at inilock eto, baka kung ano pang gawin niya sa akin. Wala na akong tiwala.

Ipinaandar ko ang tv at kumain ng kumain hanggang sa maubos na. Nakalimutan kong magdala ng tubig at bababa na sana ako ng natandaan kong may dala akong tubig sa bag. Ayokong makita at pansinin siya, nakakatakot. Natatakot na ako sa kanya base sa tingin niya kanina. Baka may gawin siyang masama sakin. Parang bumigat ang puso ko pero binalewala ko lang.

RYDYER'S POV

Ano bang nagawa ko?! Bakit ko ba yun nagawa? Nakaukit sa mukha niya ang takot dahil sa tingin ko. Nakakatakot ba talaga ang mukha ko kanina? Hindi ko inaasahang magawa yun. Sorry my Sella, I didn't mean to.

Pinagpasyahan kong bumalik sa kusina. Nadaanan ko ang kuwarto ni Jenna at napansin ang ingay na nasa loob. Lumapit ako sa pinto at kakatok na nung natandaan kong sumasakit pala yung loob niya sa akin, kaya wag na lang.

Nakaabot yung mga paa ko sa kusina at nakita kong hindi niya pala pinansin yung pagkain hinanda ko para sa kanya. Parang bumigat ang puso ko dahil don, wala akong magagawa kaya iniligpit ko na lang. Nawalan ako ng ganang kumain, hinubad ko yung apron tapos kumuha ng isang bote ng wine at round glass.

Pumasok ako sa kuwarto ko at pumunta sa balkonahe. I opened the wine bottle and poured it into the glass. "Hays.. ano na ba ang gagawin ko?" Ipinatong ko ang mga braso ko sa balkonahe at ipinaikot ko ang likido, maya-maya lang biglang lumamig ang ihip ng hangin.

'Okay lang kaya siya? Lumalamig na ang panahon, siya lang ang magisa sa kuwarto niya.' Bumalik ako sa loob, ipinatong ang alak at pumasok ng banyo.

I looked at myself in the mirror. 'If I appear to be a different person in front of her, would she accept me? What if I'm not the Rydyer she used to know before she forgotten her memories?' I still have one year left to know her better, I should make a move right now. I smirked, and washed my face.

Tomorrow. Bukas ako magsisimula ng plano ko. Jenna, by the end of the year, you'll fall into the hands and heart of mine.

ALIANE'S POV

"Ate Ane, is it okay that we left ate Jen with kuya Red at home? It would be happier if ate Jenna and kuya Red were here." Malungkot na tanong ni Altaire. Pinakiusapan kasi ako ni Rydyer na kakausapin raw niya si Jenna kahit ilang araw lang. Ewan ko kung ano ang pinaplano ng mokong yun kaya pinagbigyan ko na lang. Konting panahon lang naman eh.

"Sorry baby ah, ang hirap kasing gisingin si ate Jenna mo kaya iniwan na lang natin siya. Napagod siguro sa byahe natin kahapon. Yaan mo na, play na lang kayo later ah." Hay jusko. Ang hirap magsinungaling sa bata, lalo na pag kapatid mo pa. Magf-fourth year high school na nga rin siya eh, nagbbaby-talk pa rin. Sige na nga lang, bunso kasi eh.

Kaya lang si Jenna, kamusta na kaya siya don? Sinadya kong hayaan lang silang dalawa dun dahil nakita ko ang ginawa nila kahapon at pinakiusapan naman ako ni Rydyer kanina. Ehehehe may one-five (one thousand five hundred) na naman ako mamaya.

Flashback

Natagpuan ko si Rydyer sa labas ng pinto ni Jenna. Hayss kawawa ang lalakeng to, ahahaha regla naman kasi ni Jenna. Kita sa mukha niya ang gulat ng isinara ni Jenna yung pinto pero ang gago ngumingiti-ngiti pa.

Sinundan ko siya papunta sa kuwarto niya at nagsalita. "Bakit ka na naman sa kuwarto niya? Bakit ka nasa labas? Sabagay, you deserved it. Ahahahahaha. Hindi kita pagagalitan ngayon dahil antok pa ko sa byahe, narinig ko lang kayong dalawa. Ang ingay niyo kasi, kwento mo sakin kung anong nangyari bukas ah. Nyt." I tapped him in his shoulders and walked away while laughing.

"Tch. Wag na, salamat na lang. Wag kang tumawa, hindi nakakatawa." Pagkatapos nun, isinarado na niya yung pinto saka tumawa ako ng kaunti. Pabalik na rin ako sa kuwarto ni Ethan nang may nakita akong umiidlak sa sahig.

Pinulot ko ito at tinignan ang pendant. Letrang R na may cresent moon saka bituin? Hmm.. baka kay Rydyer to, sabagay letter R rin naman siya ehh pero bakit siya may kwintas na ganito? Parang pang babae to ahh. Di kaya, bakla siya?O kay Jenna to? Aish, bukas ko na lang siya tatanungin inaantok na ako.

End of Flashback

Bumulong si Ethan sa tenga ko at sinabing, "Pag magkaanak tayo, ganoon rin ang pakikitungo mo ah. Don't worry, ako rin." Kinindatan niya ako at hinampas ko siya sa braso.

"Ano ka ba?! Maririnig nila oh!" Dinaanan ako ng hiya at nagtago sa likod niya. Shems, tinitignan kami ng mga caterer narinig ata nila yun. Poteks, nakakahiya!

Tinawanan niya lang ako. "Nakakahiya! Tingnan mo oh, tumutingin satin yung mga caterer." Tumatawa sila ng konti, ang iba nakakamatay yung tingin.

"Yaan mo na sila." Ginulo niya ng konti ang buhok ko at inakbayan ako.

*

Nakarating kami sa bahay at pumasok agad sa isip ko si Jenna. Tumakbo ako papunta sa kwarto namin at kumatok.

"Jen? Jen? Jenna. Jenna buksan mo yung pinto." Pinapagpag ko yung pinto at patuloy na nanawagan sa kanya.

Pinakalma ko yung sarili ko, na baka natutulog lang siya o ano. Bumaba ako at hiniram kay daddy ang susi sa kwarto.

Tinulak ko ang pinto at nakitang wala si Jenna sa higaan. "Jenna? Nasaan ka ba?" Inisa-isa kong hinahanap ang bawat sulok ng kwarto namin. Nang makaabot ako sa banyo, nakarinig ako ng pagpatak ng tubig. Jusko, salamat naman at nandito siya.

Umupo ako sa kama at nagisip-isip. Inaalala kong ang mangyayari pag bumalik ang mga alala ni Jenna. Ayoko pang matandaan niya yon. Bumalik yung mga alaala namin ni Rydyer sa isip ko. Yung mga pagkakataong kinakausap niya ako dahil kay Jenna, mga araw na kahit anong ulit kong bawal, gagawin at gagawa siya ng paraan para malutusan. Hayss.. hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang sabihing tumanda na ang pinsan ko. Eh ang bata-bata pa ng ugali.

Lumabas si Jenna sa banyo at tinuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya. "Oh! Liane, hindi mo ba ako narinig? Sorry. Sinigaw ko yung pangalan ko ng narinig kong tinawag mo ako, pero hindi mo pala narinig."

"Bakit mo pala ako hinahanap? May nangyari ba? Grabe ka ahh, makasigaw ka kanina ng pangalan ko para akong nawalang aso. Uyy nga pala, kinain ko yung isang tub ng ice cream kahapon ahh. Ang tagal mo kasi ehh. Narinig kong andyan na si Ethan kaya naisip kong tumabi ka sa kanyang matulog. Mamaya na ako bibili ng ice cream, pagkatapos ko lang to." Sulpot niya. Ningitian niya lang ako, umupo sa kama at humarap sa electric fan saka tinutuyo ang buhok niya.

"Wala bang blower? Mas madali pa kaya kung yon ang gagamitin mo. Sandali." Tumayo ako at pumunta sa banyo para kunin ang blower.

"Wag na! I preferred it to be natural dried. It's ok." Sigaw niya. Agad naman akong bumalik at umupo sa gilid niya.

Binatukan ko siya. "Ma pa english-english ka pa eh tayo lang naman ang nandito." Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagtutuyo.

"Siya nga pala, bakit niyo ko iniwan dito kasama ang unggoy na yon?" Pumuwesto ako sa likod niya at tinulungan siyang patuyuin ang buhok niya gamit ang tuwalya.

Tinawag niya palang unggoy si Rydyer. Hahahahaha. "Unggoy? Si Khairo? HA, HA! Buti nga sa kanya." Tinawanan ko lang at nagtanong siya agad ng kumalma na ako.

"Bakit nga?" Pilit niya.

"Eh kasi naman, ang tagal mong magising eh. Ano oras ka ba natulog kagabi?" Tanong ko.

"Mga alas-diyes na. Maaga pa naman ahh." She lied. Why?

"Sinungaling. Nakita pa kita kahapon noh." Magsisinungaling pa siya eh kita ko naman siya kahapon.

"Akala ko nasa kuwarto ka na ni Ethan?"

"Kitams. Dakip ka!" Biglang lumukot ang mukha niya dahil sa hiya. Na dakip na naman kita, Jenna. Hayss kailan ka pa matututong magsinungaling.

"Oo na. Oo na. Lumalayo na tayo sa tanong ko kanina. Oh, bakit? Tapusin mo."

Binatukan ko siya ulit. "Eh kasi ikaw. Ang tagal mong gisingin. Tinuluan nga kita ng tubig kanina sa mukha mo, wala paring effect. Kaya iniwan ka na lang namin. Kasalanan mo yan, hmm.." Pagsisinungaling ko. Pinanliitan ko siya ng mata at inilahad sa kanya ang kamay ko. Oras ko nang mangutong, dami ng utang neto sakin ehh.

"Ano yan?" Tanong niya. Nakatakip kasi yung buhok niya sa mukha niya.

"Kamay! Malamang."

"Bakit? May dumi ba? Magpapamasahe ka?" Ginalaw-galaw rin niya yung kamay ko.

"Bastos, hindi! Libre mo!?" Kutong ko.

"Aluh, aluh. Bakit naman? Kung tungkol to sa mga damit na pinamili mo, ibabalik ko na lang sa'yo mamaya." Binatukan ko na naman siya ulit. "Aray naman. Kanina ka pa ah." Reklamo niya sabay kati ng ulo niya.

"Gaga. Kanina pa ako napapagod sa kakagising sa'yo tas wala lang yung effort ko. Sinipa na kita, tinampal-tampal yung mukha mo at sinuntok na yung tiyan mo. La pa rin. Jusko. Bakit kasi ang tagal mong gisingin." Napaface-palm ako sa kabobohan at minsan kagagahan niya. Ewan ko kung bakit ko to nangin bespren ehh. Hindi man lang niya nakita yung effort ko, hayss sabagay paano niya makikita yung effort ko eh tulog naman siya. Ikaw Aliane, ang bobo mo rin.

Ningitian niya lang ako at nagsorry. Ipinikit ko ang mga mata ko. "Nevermind na lang. Pero may gagawin ka mamaya."

"Ano?" Curious niyang tanong. Pinatay niya ang electric fan at sinuklay na ang buhok niya. Pumunta ako malapit sa pinto para handa na ring tumakbo kung sakali.

"Ikaw ang magluluto. Tapos lilinisin mo yung bahay hanggang third floor, okay? Dapat matapos mo na ngayon dahil bukas na ang kasal nila tito Lauro. I labyuuu. May kasalanan ka sakin noh, pambawi mo na to. Pagkatapos neto, bati na tayo. Hmp nahirapan ako kanina noh, nagising pa ako ng maaga para sayo." Napatigil siya sa pagsusuklay at namilog ang mga mata. Tinignan niya ako at tumakbo siya papunta sakin. Ningitian ko siya ng malawak at tinawanan lang.

Mabilis kong isinara yung pinto at hinawakan ito ng mabuti. "Aluh! Ako? Hoy! Aliane! Hindi ko kayang linisin to ng buong araw pero. Pero. AISH!! Grabe ka talaga!" Rinig ko ang paggulo niya sa buhok niya. Mabilis naman siyang maglinis, naiinarte lang siya. Marunong naman siyang magluto, nahihiya lang kasi marami kami saka nandito kasi si Rydyer.

Pinupukpok niya ang pinto saka kumakatok-katok ng paulit-ulit. "Buksan mo yung pinto! Hoy!" Para siyang nagmamakaawa pero parang hindi naman. Tumatawa-tawa pa ehh. Hayss. Mas gugustuhin ko pang pagalitan ako ni mommy kaysa sa pagalitan niya ako. Mas malala kasi siyang magalit eh, parang leon kasi ang ugali.

End of Chapter 10

Thank you ulit! Hihi. Paki-rate po ng chapter pag nagustuhan niyo at magcomment na lang din po kayo para maganahan akong gumawa. Salamat ng marami!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status