LOGINChapter 12
RYDYER'S POV
Wednesday na at apat na araw na lang, babalik na sila sa Laguna. Ilang araw na lang ang natitira sakin, sinabi ko kay Aliane na hindi ko ibabalik ang ala-ala niya pero wala siyang sinabing hindi ko pwedeng paibigin si Jenna ulit.
"Ano?" Tanong niya.
"I said, I'm sorry. Nagulat lang ako kanina." Ani ko.
Lumaki ng konti ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala. "Nagso-sorry ka pala? Okay na." Sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil nilagpasan niya ako at ibinalik ang mga ginamit niya sa paglinis at pumasok sa kuwarto.
Wala akong magawa dahil galit siya o nagtatampo. Pero siguro sa kanya ayos lang yun, kasi di naman kami kaano-ano ehh.
Bumaba ako ng kusina para uminom ng tubig nang makita kong naghuhugas ng pinggan si Jace. Naramdaman niya ata ang presensya ko dahil nagsalita siya.
Uminom ako ng isang basong tubig at tumingin sa kanya. "Ramdam ko parin ang galit ni ate Jenna kanina nang makaharap ka niya." Sabi niya. Tinigil niya ang paghuhugas at hinarap ako.
Tinignan niya ako ng halos walang emosyon. "Tsaka bakit mo ba inilagay yung kamay niya sa bibig mo? Sa tingin mo ganun parin ang lahat? RYDYER MAG-ISIP KA! IBANG JENNA ANG KAHARAP MO NGAYON! Itatak mo yan sa isip mo! Sabi ng doctor, konti lang ang kasiguraduhang maibabalik mo pa ang ala-ala niya!" Paalala niya sakin. Ipinapamukha niya talaga sakin ang mga salitang yon. Rydyer na ang tawag niya, seryoso na siya.
"So you're saying that I should give up on her? Hmm?" Pagalit kong sabi.
Pinakalma niya yung sarili niya saka nagsalita. "Hindi sa ganoon, bro. Ang sinasabi ko lang naman-" Naudlot ang sinabi niya dahil sumulpot agad ako.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "ANG SINASABI MO AY DAPAT NA AKONG SUMUKO SA KANYA! NA DAPAT SUMUKO NA AKO, NOON PA! NA WALA NG PAG-ASA NA MAGIGING MASAYA KAMI ULIT! Ilang taon akong naghintay para makapiling siya ulit, ngayong nandito na ako, sinusukuan niyo na ang paniniwala ko! Hindi, SINUKUAN NIYO NA AKO!" Parang tutulo ang mga luha ko pero pinigilan kong bumagsak ang mga ito.
Nakita kong dali-daling tumakbo si Aliane pababa sa hagdan. "Ano bang nangyayari dito? Ano na lang pag narinig to ni Jenna, ha? Magsitahimik kayong dalawa at ikaw Rydyer ahh, kalmahin mo yung sarili mo. Habang nandito si Jenna, kontrolin mo yung mga nararamdaman mo." Tinuro niya ako at tinignan ng madilim.
"Wag mong kalimutan ang pinag-usapan natin kanina." Paalala niya. Hindi ako nagsalita at tinalikuran ko sila. Bumalik ako sa kuwarto at inilock ang pinto.
Umupo ako sa kama at ihinilamos ang aking mukha.
Flashback
Bumaba ako mula sa kuwarto ko at nakita ko si Jace na naglalaro sa cellphone niya sa sala.
Umupo ako sa harap niya at nagsalita. "Ano na yon?" Tanong ko.
Ihininto niya ang paglalaro at tinignan ako. "Bro, bakit mo idinala si ate Jenna sa kuwarto mo?" Tanong niya ng may seryosong tono.
"Ewan ko! Dinala lang ako ng mga paa ko dun, okay?"
"Wag ka nang bumalak na gawin yon ulit...
Tinawagan ako ni Nathan kanina, di ka niya macontact kaya ako na lang. Tungkol sa bago niyong misyon sa susunod na buwan. Pinapaalala raw ni Chief Marshelo na mag-ingat ka kasi yung bagong niyong target ay malapit lang sa koneksiyon mo. Tawagan mo yung mokong mamaya, ewan ko sa inyo." Paliwanag niya. Bago na naman. Malapit sa koneksiyon ko? Hope it's not what I think it is.
"Ano pa?"
Nagtinginan lang kami habang siya'y magsasalita. "Pagkatapos natin dito sa Tagaytay, wag ka nang lumapit kay ate Jenna ulit. Mas mabuting malayo ka sa kanya, kaysa namang mapahamak siya. Alam kong mahirap sayo to pero nakaranas ka na ng mas higit pa rito. Kami na ang poprotekta sa kanya, wag kang mag-alala. Ngayong mas mahirap na ang sitwasiyon niyo, alam kong makakaya mo to ulit. Lumipad ka pabalik sa France, si Andrius bumalik na. Wag mong kakalimutan ang pakay mo rito. O siya, alis na ko puntahan ko muna yung Thea ko." Dagdag niya. Pareho lang sila ni Aliane. Hindi ako nagsalita at tumahimik na bumalik sa kuwarto ko.
End of Flashback
NAGAGALIT AKO! NAIINIS AKO! Imbis na sumuporta sila sakin, sinukuan na nila ako! Ako na lang talaga ang babalik ng mga alaala niya. Sisikapin kong paibigin siya ulit at magiging masaya na kami katulad ng dati.
Lumabas ako ng bahay at pumunta ng convenience store para bumili ng tatlong bote ng alak. Malakas ang tolerance ko kaya hindi ako mabilis malasing pero kung sobrang dami na, normal lang na malalasing ako.
Hindi to pwede ang ginagawa ko, kasal na bukas ni tito Lauro at hindi pwedeng magmukhang lasing ako bukas. Pero hindi ko mapigilan! Kailangan kong ipalabas to, gusto kong kalimutan muna ang lahat ng to!
Umupo ako sa labas at nagsimulang uminom. Pumunta nga ako rito sa Pilipinas dahil sa misyon na naka-assign sakin at syempre si Jenna rin yung pakay ko.
Pagkatapos ng misyon kong yon, wala na akong balak bumalik sa France dahil nakikita ko na ang Sella ko ehh. Sinabihan ko noon yung chief namin na dito na lang ako sa Pilipinas magpapatuloy ng trabaho ko pero lumalabas pa rin ako pag kailangan.
Nakapagtapos na ako ng pag-aaral, advance kasi ako ng one year. Pero nagpapatuloy pa akong nag-aaral ng architechture. Natatandaan ko pang pinaplano namin ni Jenna na magpapatayo kami ng bahay sa Iloilo, kasi maganda doon ang panahon at malayo sa mga taong kilala namin. Dalawang taon naman ang lumipas, haha hindi ko alam kung paano ko natiis na hindi kausapin yung Jenna kong sobrang namimiss ko na.
Kung sana lang ay pwede kong maipaliwanag sa kanya ang lahat, alam kong maiintindihan niya yun pero hindi ito ang tamang panahon para dagdagan ang mga problema niya. Mahirap na siguro pag may malaman siya tungkol samin. Ayokong makita siyang masaktan ulit. Nagbago na ako, hindi na ako ang Rydyer na nakilala niya noon. Tumino na ako, at handa na ako para sa lahat.
Naudlot ang pag-iisip ko ng may lumapit na babae. "Hi kuya, ikaw lang bang mag-isa? Tara, samahan mo ko. I'm Ayela, by the way." Tinignan niya ako ng may pang-aakit sa mga mata niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
Tinignan ko siya ng walang gana. Wala akong oras sa mga ganito, si Jenna lang ang nais kong tirahin.
"I'm not interested, please leave." Sabi ko sabay laklak ng alak. Dinemonyohan ko siya ng tingin na para bang makakamatay yung titig ko sabay salita ng walang emosyon.
Nadismaya ang mukha niya, pero pinalitan niya ito ng ngiti. Kadiri. "No. Hindi ako aalis pag hindi ka sumabi ng 'oo'." Pilit niya.
Naubos ko ang isang bote at binuksan ang pangalawa. "Edi wag kang umalis." Sabi ko sabay inom. La akong panahon sa mga landi ng babaeng to. Ang ikli ng shorts niya at nakamake-up pa ng makapal. Gabi na ahh, para siyang pokpok magdamit. Hindi katulad ng Jenna kong hindi mahilig dumamit ng mga ganyan, sobrang ganda na niya pag nakadress siyang wala namang kaiklian, minsan konti. Kapag nakadamit siyang hindi kita ang kaano-ano niya, sobrang ganda na niya. Alam kong sakin niya lang yun ipapakita. Dahil kahit ano man ang histura niya, mahal ko siya.
"Really?! Pwede ako tumabi sayo?" Sabi niya sa matinis na tono. Nakakadiri, pinanlibutan ko siya ng mata ng sobrang inis. Lumaki ang mga mata niyang hindi makapaniwala. As if namang patatabihin ko siya sakin noh.
Kinuha ko ang isang bote at tumayo. Hinawakan niya ang braso ko. "Sinabi kong wag kang umalis, hindi ko sinabing tumabi ka sakin. Kung hindi ka aalis, ako ang aalis." Pinilit kong bitawan niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak.
Nagsimula na akong lumakad papalayo ng hinarap ko ulit siya. "Wag ka nang gumanon sa susunod, you looked absolutely cheap." Sabi ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Tinalikuran ko siya at nakitang papunta si Jenna sa tindahan. Bakit siya nandito? Ano na lang pag nakita niya ako?
Huli na para umiwas ng makaramdam ako ng yakap mula sa likuran ko at hinahalik-halikan ang balikat ko. Napansin kong napansin kami ni Jenna at nakatitig siya sa mga kamay ni Elena? Elena ba yun? Ah basta. Pinilit kong pinabitay ang kamay niya at nakita kong walang emosyon ang mukha ni Jenna.
Nilagpasan niya kami at pumasok sa loob. "GO THE FUCK AWAY! YOU'RE PISSING ME OFF!" Galit kong sigaw sa babae. Nalaglag ang boteng hinahawakan ko dahilan para sumigaw siya ng malakas.
Hindi ko siya pinasalita at nagsabi. "Either you leave me alone or I'll call the cops for you in a case of harassing me." Nandilim ang mukha ko na para bang makakapatay ako ng tao at dahil dito, natakot na ata siyang saktan ko siya saka umalis na sa harapan ko.
Bumugtong hininga ako at pumasok ulit sa convenience store. Hindi pwede, baka iba ang iisipin niya. Kailangan kong magpaliwanag.
Pinuntahan ko muna ang cashier at bumulong. "Please clean up the shattered bottle outside." Saka ko siya binigyan ng dalawang daan.
Inayos ko muna ang buhok at sarili ko ng makakita ako ng konting salamin saka iniisa-isa ang mga istanteng hinanap si Jenna.
"AY BASTOS KA!" Gulat niyang sabi. Para kaming magnet na ibinaliktad at pinipilit idikit ang isa't-isa pero tumalbog pabalik. Nagulat akong nakita ko siya agad, gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Tinignan niya lang ako sa mata at nilampasan na para bang hindi niya ako kilala, nilingon ko ang hinahawakan niya. Mogu-mogu. Haha, di ako makapaniwalang paborito niya pa rin pala yon.
Hinintay kong matapos siyang magbayad at lumabas na siya kaya sumunod ako sa kanya.
"Hey, hey, hey!" Tawag ko sa kanya. Huminto siya pero hindi siya humarap.
"Ano?" Tanong niya saka lumingon.
End of Chapter 12
Hello po, I'm really sorry sa slow update.. hindi niyo po talaga maiimagine kung ano ako ka busy ngayon sa buhay ko.. pasensya na kung ganon.
Chapter 15JENNA’S POV
Chapter 14RYDYER'S POVKinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa
Chapter 13JENNA'S POVAlas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane di
Chapter 12RYDYER'S POVWednesday na at apat na araw na lang, babalik na
Chapter 11ALIANE'S POVAyun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pe
Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta