LOGINChapter 13
JENNA'S POV
Alas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane dito at alam kong hindi naman siya matutulog dito, kaya lumabas ako ng kuwarto. Dinala ko yung pitaka ko at kumatok ako sa kuwarto nila Aliane.
"Aalis muna ako ahh, pupunta lang ako sa convenience store na nadaanan natin kahapon." Hindi na ako naghintay na tumugon sila Ethan, umalis na ako kaagad sa bahay.
Malapit na ako sa convenience store ng makita ko si Rydyer na may kasamang babae. Parang may gumalaw sa tiyan ko at biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hala?
Bakit ako nagkakaganito? Normal bang isang araw ko pa lang siyang nakilala pero sa tingin ko may nararamdaman na ako para sa kanya..?
Hindi. Hindi to tama, ayokong maging Anna sa Frozen na isang araw palang niyang nakilala si Hanz pero gusto nang magpakasal.
Syete! Hindi ko alam ang rason kung bakit ako nagkakaganito! Naguguluhan na ako! Imposibleng gusto ko siya. Jenna, isipin mo, pinsan yan ng bestfriend mo. Ang weird naman kung magkakainlaban kami niyan noh! Teka.. bakit ba yan ang mga iniisip ko? Ang lawak na.
Nilampasan ko silang dalawa at ramdam ko ang titig ni Rydyer sakin kaya dali-dali akong pumasok sa loob.
Sinampal ko ng mahina yung mukha ko, "Jenna, ano ba yang iniisip mo!? Baka kung saan na yan aabot yung imahinasyon mo! Pinsan yan ni Aliane, wag mong pagnanasaan." Bulong ko ng mahina sa sarili ko.
Kumuha ako ng mogu-mogu, syempre lychee paborito ehh, isang fishda, paborito rin namin yan ni Aliane, tsaka dalawang cup noodles. Hindi talaga ako mabubuhay pag walang noodles, ang sarap kasi sa tiyan kung may mainit na sabaw. Tapos nakakabusog, bale favorite ko yung may mga pasta.
Papunta na ako sa cashier ng, "AY BASTOS KA!" Speaking of the devil. Andyan na siya, potcha. Eto na naman, yung heart ko, para akong hinahabol ng magnanakaw ehh.
Tinignan ko lang siya sa mata at nilampasan siya ulit. Anong magagawa ko, ehh ang lakas ng tibok ng puso ko! Baka matunaw ako sa titig niya, amoy alak pa naman siya.
Pagkatapos kong magbayad, mabilis akong lumabas at dinalian yung paglakad ko na parang tatakbo na ako. Delikado na pag magsama kami pauwi, nakainom pa naman siya baka kung ano ng gagawin niya sakin.
"Hey, hey, hey!" Sabi niya. Yung heart ko potcha. Dumeretso ako ng lakad at hindi siya muna pinansin. Tumingin ako sa paligid ko kung ako ba talaga yung kinakausap niya. Shet, naabutan niya ako.
"Ano?" Sabi ko ng may iritadong tono. Unit-unti siyang lumalapit sakin. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko, mas mabilis pa ata kaysa sa pag-interview ko sa school para makakuha ng scholarship.
"Ops, ops, ops. Wag kang lumapit, amoy alak ka." Pahinto ko sa kanya. Huminto rin siya at ipinagkrus ko yung kamay ko sa harap. Tinaas ko yung isang kilay ko kahit parang sasabog na yung puso ko sa kaba.
"May nakita ka ba kanina?" Tanong niya. Yung may kasama siya kanina?
"Ang alin?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod rin siya.
"Yung may kasama ako kanina." Sabi niya.
"Ahh yun ba? Babae? Ehh ano naman?" Tanong ko.
"Hindi ka ba nagseselos o ano? May nararamdaman ka ba?" Ramdam ko ang titig niya sa mga mata ko dahilan para hindi ako makapagsalita agad.
"Nagseselos ka?" Tanong niya ulit. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa paglakad.
"Huyy.. nagseselos ka ba?" Tanong niya na naman.
Natauhan ako saka nagsalita. "Aluhh, bakit naman ako magseselos? Hindi ako selosa noh." Hindi nga ba? Oo, may nararamdaman ako pero sino ba siya para tanungin ako ng mga ganyan?
"Hoy, ano yan?" Nakita ko yung ngiti niyang nakakaloko.
"Wala.. ako nang magdadala niyan." Tinignan niya ang plastik kong dala saka tumakbo ng mabilis papalayo. Kaya lang.. ahahahahaha nakainom siya!
"HALAA! YUNG PLASTIK KOOO!" Sumunod ako sa kanya sa pagtakbo. Poteks. Regla ko pala ngayon kaya huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga.
Ang bilis niyang tumakbo. Nakainom ba talaga to? "Ha..ha..ha..ha..ha.." Hinahabol ko pa rin ang aking hininga saka lumunok ng laway at nagsalita ulit. "Gago talaga ang lalakeng yon. Ha..ha..ha.."
"Hoy! Bastos ka! Hintayin mo ko!" I shouted.
Huminto siya sa pagtakbo tapos naglakad ako papunta sa kanya at sinuntok ng malakas ang tiyan niya.
"Aray! Sakit nun ahh." Napahiyaw at napaungol siya sa sakit.
"Iyan kasi." Pinanlibutan ko siya ng mata at hinablot ang plastik niyang dala.
Papasok na ako sa loob ng bahay ng niyakap niya ako mula sa likod habang hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga.
"Namiss kita.." Rinig kong bulong niya. Nagsilapitan yung mga kilay ko. Namiss? Sinuntok ko ulit yung tiyan niya gamit ang braso ko at napaungol ulit siya ng mahina sa sakit.
I smirked and went inside the house. Dumeretso ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Naglakad siya sa harap ko at amoy ko pa rin ang alak sa kanya. Napaubo ako sa tapang ng amoy at nakita kong napansin niya yon.
"Are you okay?" He asked.
"Well, do you think that I'm okay? Ang tapang ng amoy mo." I said with digust. Ibinalik ko yung baso at naunang pumasok sa kuwarto ko.
Hala! Nakalimutan ko palang lagyan ng maiinit na tubig yung cup noodles. Kaya bumaba ako ulit para lagyan ng hot water.
Tahimik akong naglakad para kumuha ng tubig. Buti na lang at wala dito si Rydyer. Nagpatuloy ako sa pagkuha saka natapos rin.
"Ay! Jusko maryosep!" Nagulat ako biglaang pagpakita ni Rydyer na nakasandal sa pader malapit sa banyo. Nagbanyo pa siya ata noong pumasok ako sa kuwarto kanina.
Napaso ng kaunti yung kamay ko dahilan para mapaungol ako ng mahina sa sakit. Jusko ang sakit talaga. Ay hala ambobo ko kasi, hindi kasi ako kumuha ng pinggan para lagyan ng cup noodles ehh.
"Cup noodles?" Tanong niya.
Pinanlibutan ko siya ng mata at nagpatuloy sa paglakad kahit sumasakit parin yung pagkapaso ko.
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan at sumunod rin siya. Binilisan niya ang pag-akyat, akala ko'y papasok na siya sa kuwarto niya.
Nakatuon yung atensiyon ko sa cup noodles na dinadala ko. Malapit na ako sa kuwarto ko nang binuksan niya yung pinto para makapasok ako. Pagkatapos nun, ay walang imik siya pumasok sa kanyang kuwarto.
Good night, Rydyer..
Inilapag ko yung cup noodles at pinaluto muna. Humiga ako sa kama nagisip-isip.
Bakit ako malungkot?
Kahapon nagkwe-kwentuhan pa kami, noong umaga pinagalitan niya ako, tapos kanina parang ang saya pa namin pero bakit ngayon kabaliktaran na? Bipolar ba siya?
Hinaplos-haplos ko yung higaan. "Mag-isa na naman ako sa kuwartong to. Kasal na pala ni tito Lauro bukas." Ani ko sa sarili ko. Grabe alas-onse na pala ng gabi. Maaga pa pala ako bukas. Kinain ko na yung cup noodles ko.
Dinalian ko ang pagubos ng cup noodles ko. Heaven talaga basta makakakain ako ng cup noodles, kulang pa sakin yung kinain ko kaninang hapunan.
"Magagandahan kaya siya sakin bukas?" Mahinang sulpot ko. Teka, teka. Bakit ba yun ang iniisip ko? Potek naman ohh, crush ko nga siya ng konti pero ugghhh. First time kong magkacrush noh.
End of Chapter 13
Haayyss nakatapos rin. Paulit-ulit na akong nag-ssorry sa inyo.. pero salamat pa rin sa mga patuloy na nagbabasa 'pag nag-aupdate ako ahh.. huhu..
Chapter 15JENNA’S POV
Chapter 14RYDYER'S POVKinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa
Chapter 13JENNA'S POVAlas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane di
Chapter 12RYDYER'S POVWednesday na at apat na araw na lang, babalik na
Chapter 11ALIANE'S POVAyun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pe
Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta