Share

[09]: Tubig?

Author: xeniyaeh
last update publish date: 2020-09-23 09:56:23

Chapter 9

ALIANE'S POV

Tumayo ako saka binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita si Ethan na nasa labas. "Ethan!" Sa lakas ng pagkasabi ko, tinikop niya agad yung bibig ko.

Sumenyas siyang tumahimik ako saka hinila ako sa labas ng bahay. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko hindi ka na pupunta." Sumimangot ako. Akala ko talaga kasi hindi na siya aabot rito.

"Sorry baby, nahuli kasi ako sa trip eh. Last trip na yung nasakayan ko, may karera kasi kanina. Kaya yun. Wag ka nang malungkot, nandito na ako oh. Smile na." Suyo niya, saka hinawakan ng dalawang kamay niya yung gilid ng bibig ko saka inalsang may bumubuo ng ngiti.

Ngumiti ako ng konti at napansin niya rin yun. "Ngumiti na siya, oh! Hindi ka na galit?" Tinuroturo niya ako na may ngiti sa kanyang mga labi. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, Ethan. Alam mo yon." Ngumiti ako habang niyayakap siya. Sobrang mahal ko talaga ang lalakeng to. Buong buhay ko.

Nagusap kami hanggang sa nakaramdam kami ng antok. Iniyaya ko siya sa loob at nakita kong nakaligpit na pala yung lamesa. Tumingin ako sa aking relos, saka ko lang napansing mag-aalas dose na pala ng gabi.

"Nakakain ka na ba? Come, I'll ready the table for you." Maghahanda na sana ako ng inawat niya ako. Tumingin ako sa kanyang may pagtatakang tingin.

"Wag na, ayos na ako. Nakita na kasi kita eh." Kinilig ako sa sinabi niya. Mula noon, ganoon pa rin yung epekto niya sa akin.

"Sus. Nariyan ka na naman." Sinindot niya ako sa gilid, dahilan para isigaw ko yung pangalan niya. Patuloy niya akong sinisindot-sindot habang tumatawa na ako hanggang sa mawalan na siya ng hininga.

"Wag kang maingay! Tama na nga yan. Oh siya, matutulog ka sa kabilang kuwarto, tatabihan kita. Lika na." Saka ko kinuha yung kamay niya at hinila siya sa taas.

Isinarado ko na yung pinto saka kami nag-usap at umupo sa kama.

"Bakit ka ba natagalan? Dahil lang ba sa karera niyo kanina o may ibang rason pa?"

"Ah, eh. Eh kasi.. ah kasi.. kasi may, may aberya kanina sa.. sa bus station. Kaya yun." Nauutal-utal niyang tugon.

"Ok ka lang ba? Kanina ka pa ahh.. masakit ba ang katawan mo?" Tumango siya saka pumwesto ako sa likod niya at minasahe ito.

"Kawawa naman yung baby ko, pinagod sa byahe. Thank you pala babe ahh. Kasi kahit ganun, pumunta ka pa rin dito." Ramdam ko yung ngiti niya at dahil dun, napangiti rin ako.

Niyakap ko si Ethan mula sa likod, saka inamoy yung panglalakeng amoy niya. Kahit kailan talaga, hindi mawawala yung lambot na nararamdaman ko sa kanya.

Sinindot niya yung leeg ko, humarap sa akin saka kiniliti na ako ng patuloy.

"AHAHAHAHAHAHA! Ethan tama na, tama na! HAHAHAHAHAHAAHAHA!" Yung liwanag ng ngiti niya ang nagpapasaya sa kin, kahit anong oras.

"Ahahaha. Ha, ah. Tama na." Pareho kaming nakaramdam ng antok kaya pinagpasiyahan naming matulog na. Pumasok sa isip ko si Jenna, ok lang kaya siya?

RYDYER'S POV

Pagkatapos naming manuod ng movie ay nag-usap kami.

"So, why did you cried earlier?" Tanong niya sa akin. Hindi naman pwedeng sabihin kong siya yung rason, diba?

"Namatay yung asong nakilala ko sa park last two years. Wala siyang tirahan, kaya inampon ko siya at ibinalik sa condo ko. Maraming kaming nagawa nang magkasama. Simula nang mawala yung girlfriend ko, hindi na ako nakaramdam na saya ulit. Nakakita ako ng asong gumala-gala at tumitingin sa mga batang naglalaro. Lumapit siya sakin ng makitang may dala akong pagkain, kaya binigyan ko ito at dinala siya pauwi. Inalagaan ko siya at pareho silang ugali ng girlfriend kong mabait saka makulit rin. Mahilig kasi siya sa mga aso, pero minsan natatakot siyang hawakan ito, muntik na kasi siyang kagatin ehh. Hahaha." Ngumiti ako habang inaalala yung nangyari sa kanya noon. Pero kahit muntik na siyang kagatin ng aso, mahal parin niya yung mga kauri niya.

"Pwede bang malaman kung bakit siya nawala? Sorry pala kung ganon." Ganun pa rin siya mula noon. Ang daldal pa rin niya, kahit hindi na maganda ang sitwasyon, magtatanong pa rin siya. Ahahahaha kulit.

"Namatay siya dahil-"

"Pwede bang wag mong sabihin yung salitang 'namatay'? Nakakasakit kasi sa dibdib eh." Pagpuputol niya habang nagsasalita ako. Bumuntong hininga ako, hindi ko kasi kaya eh. Para na kasi akong matatawa sa kadaldalan niya pinipigilan ko lang.

"Okay. She's gone because of the accident in Pampanga. There's a fire in a supermarket, she's with her family, buying groceries for their camping on Saturday night. To make the story short, she's dead with her family inside the burning mall." Atleast I've said the truth about her family. Masakit sa pusong isiping hindi na siya yung Jenna na nakilala ko. Even though she is this bubbly, I know that she's not herself anymore unlike before.

"Sorry, masakit talaga siguro sa mga kaibigan niya na nawala na siya." Wika niyang may lungkot na tono.

"It's okay. By the way, can I ask you a question?" Tumango siya.

"Aren't you afraid that I might do something to you? I mean, a girl and a boy in a same room, on a same bed." Imagine, may isang babae't lalake sa iisang kuwarto at kama tapos gabing-gabi na saka nanuod pa ng movie. Sa tingin niyo ba walang masamang mangyari?

"Actually, no. Hindi ako natatakot sayo because to be honest, I really do have the familiar feeling with you and it makes me comfortable. Bahala na kung anong isipin mo, malilintikan ka talaga sa kin kung may gagawin kang masama. Sumasama kaya ako kay Aliane pag pumupunta siya sa boxing court. Sige ka." Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko, tumibok ng mabilis yung puso ko. Ipinakita niya sakin yung kamao niya. Kumportable siya, kasama ako. Nakakagaan sa pusong masabi niya ang mga salitang yon. Kahit ganun man lang ay may naramdam siya kahit konti.

Tumawa ako ng konti at nagtitinginan lang kaming dalawa ng ilang segundo saka siya bumitaw nang napansin na naiilang na siya sa aming dalawa.

"Good night. O, siya lumipat ka na sa kuwarto mo, matutulog na ako." Aniya saka lumipat siya sa headboard at tinabi ang kumot.

Ipinatay ko yung tv saka tinignan siya nang may pumasok sa isip ko. Kumuha ako ng isang basong tubig at dinala ako ng mga paa ko pabalik sa kuwarto niya.

I went in and walked to the bed, placed myself on top of her and I know that she's kinda confused of what I'm doing. Hindi ako gumalaw at nanatili lang. Kinuha niya ang kumot na nakatakip sa mukha niya. Sa lakas ng pagkuha niya, ay na nasagi niya ang kamay ko dahilan para bumagsak ako sa itaas niya.

"Umalis ka dyan! Bakit ka ba gumanyan? Unggoy ka! Aawayin na kita ngayon! Bakit ka ba gumanon? Alis! Ang bigat mo. Uugghhh." Aniya. Sinusubukan niyang itulak ako paalis sa ibabaw niya pero hindi gumagana.

Ako na lang ang umalis at humiga sa gilid niya.

"Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?!" Reklamo niya saka tinulak ang balikat ko. Tumungin lang ako at hindi nagsalita. Umupo siya sa kama at hinarap ako.

"Ano, ha? Bakit ba?!" Giit niya. Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya.

Nagagalit na siya base sa mukha niya. "HAYS!! BWISIT KA! Makatulog na nga! Umalis ka na! Manyakis ka." Aniya. Tinakluban niya ako ulit ng kumot saka natulog.

"Bakit ka ba na nununtok? Huy, hindi ako manyakis noh. Eto, na. Uminom ka ng tubig, sasakit yang lalamunan mo dahil sa tamis ng kinain mo." Nilambing ko siya at niyugyog ang kaniyang balikat.

Di niya ako pinansin. Baka nakatulog na nga siya. "Okay. Good night, sleep tight." Inilapit ko yung mukha ko sa buhok niya at hinalikan ito. Umalis ako sa kama at binuksan na ang kuwarto para lumabas na ng may naramdaman ako.

"Hoy! Bakit ka nang hahalik!? Ikaw ang lalake ka!" Tumayo siya sa kama at tumakbo papunta sakin. Tinulak niya ako ng malakas dahilan para mawala ang balanse ko at bumagsak sa sahig.

Nagtinginan kami ng konti at bigla siyang bumangon ng marealize niya ang nangyari. "Ah bwisit ka! Ang sakit! Gago ka kasi." Sinipa niya ang paa ko at sinuntok ang tiyan ko. Tinignan niya ang tuhod niya dahil sa hapdi. "Sipa dahil sa ginawa mo kanina. Pero thank you pa rin. Manyakis."

"Aray! Ang sakit ah. Mas masakit nga yung likod ko. Bakit ka ba kasi nanunulak ng biglaan?" Umupo ako ng maayos at hinayaan ang hapdi ng likuran ko.

"Ikaw!? Bakit ka ba nanghahalik? Bastos kang kapre ka! Manyakis! Gago!" Tinignan niya ako ng masama saka tinulak ako ng malakas papalabas sa kuwarto. Nawalan ako ng balanse sa pagkakaupo at nung lilingon ako sa kanya, isinarado niya ang pinto sa harap ng mukha ko. Tsk, ang babaeng to ang cute niya. Hahaha.

JENNA'S POV

Isinarado ako ang pinto sa mukha niya. Bwisit ang lalakeng yon 'Ano ba talagang klaseng taong yun?' Nanghahalik na lang siya ng basta-basta, hindi man sa labi pero kahit na! Sino ba siya para gawin yun sa akin? Bago pa nga lang kami nagkakakilala tapos ginaganyan niya na ako? Nanyayansing ah. Ano ba ang karapatan niya? Akala ko pa naman matino siyang tao, hindi pala. Simula ngayon hindi na ako lalapit sa kanya. Kahit na type ko siya, hindi pa rin ako mahuhulog sa ginagawa niya. Nakakabwisit, UGH!

Itinabid ko sa mukha ko ang tiniklop kong kumot. Umupo ako at pumunta ng banyo, bahala na kung madilim.

Tinignan ko ang sarili ko sa banyo. 'Ano ba ang meron sakin? Bakit ba ako nagkakaganito 'pag nandyan siya? Nababaliw na ba ako?' Ewan ko. Dapat lumayo ako sa kanya. Nababaliw ako sa kakaisip kung bakit. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Humilamos ako at lumabas na ng banyo.

Papalapit ako sa kama at kinapkap ko ang lampshade. May nasagi akong baso at alam kong tubig yun. 'Is this the water he's talking about?' How thoughtful of him. I smiled sweetly and drank it, went to bed, and sleep. Ngumiti? Ako? Potek, nandidiri na ako ahh. Bwisit.

*Cricket sounds*

HINDI AKO MAKATULOG!! Paulit-ulit lang nagrereplay ang mga ginawa niya sa kin kanina. POTEKS! UGH! Hindi ko na kilala ang sarili ko. Isang araw palang kaming magkasama pero bakit nagaganito na ako?

End of Chapter 9

Hello po.. actually, nahihiya na ako sa inyo. Ewan ko kung bakit, kaya sorry ulit pag hindi ako consistent mag-update in the near future. Para na po kasi akong mamamatay sa pagod at cramming sa school eh. Trabaho dito, print doon. I Love ya'll!! Mwah ❤

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status