Share

[08]: Ice Cream

Author: xeniyaeh
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-11 18:16:08

Chapter 8

JENNA'S POV

Masaya kaming kumakain sa harap ng lamesa. Heto ngayon, kaharap ko si Rydyer. Sabi ni Liane, kahit masakit raw yung tiyan ko, kumain dapat ako para may laman yung tiyan ko. Wala akong choice kaya kahit masakit pipilitin ko. Nagtitinginan kami kanina pa, siguro nga napansin na nilang lahat.

"Hep, hep, hep. Kanina pa kayo nagtitinginan ahh. Di ba nangangalay ang mga mata niyo?" Tukoy ni Jace, bestfriend ni Rydyer. Napansin na pala nila. Tinitignan ko kasi siya ng masakit, pero nagpatuloy na lany ako sa pagkain.

"Yaan mo na sila Jace. May nangyari kasi kanina." Sabi ni Althea.

"Jace? Bakit walang kuya?" Sulpot ni Aliane.

Pareho kaming hindi umiimik. Tumingin kaming lahat kay Thea. Wala sila mommy, Athena at daddy, nandoon sila kabilang bahay matutulog. Sa bahay raw ni tita Ysah, asawa ng kapatid ng tatay ni Aliane.

Bale, lima kaming nandito. "Ate Liane, hindi mo ba iimbitahin si kuya Ethan? Wala siya rito ngayon ah." Pagiiba ni Althea ng usapan. Pagkatapos niyang magtanong, akmang bubuka na ang bibig ni Aliane para sumubo nang may kumatok sa pinto.

"Ako na ang bubukas." Tukoy niya at umalis ng hapagkainan. Nakaramdam kami ni Rydyer ng konting harutan at ngitian sa harap namin, dahilan para bumati ang aming mga mata.

"Anong ginagawa niyo?" Tinanong sila ni Rydyer.

"Wala po." Sulpot ni Althea.

"May nangyayari ba sa inyo?" Tanong ko ng may nakaalsang kilay.

Si Jace naman ang nagsalita. "Wala."

"Ang totoo?" Giit ni Rydyer.

"Sige na, tayo lang naman ang nandito. Wala naman yung ate mo." Pilit ko.

Nagtinginan silang dalawa then they nod. Yung tinginan nila, sobrang sincere. "Kami na." Saka inalsa ang kamay nilang maglahawak.

"Sabi na nga ba." Saka umalsa ang labi ni Rydyer sa isang gilid saka tumawa ng konti. Ang gwapo niya kapag gumaganyan siya.

"Alam mo?! Kailan pa?" Sigaw nilang dalawa.

"Shh! Hinaan niyo ang mga boses niyo baka marinig ni Aliane. Your secret is safe with us, right Rydyer?" Tapos binalingan ko ng tingin si Rydyer na nakatitig rin pala sa akin.

"Yes, you're right." Nailang ako sa tingin niya kaya bumaling ako sa pagkain ko at tinapos agad.

"Wag na wag niyong sasabihin kay ate Liane ahh! Mapapatay niya ako pag malaman niyang meron na ako." Kita ang pag-alala sa mga mata niya. Kawawa naman ang batang to. Tumango kaming dalawa at nagpatuloy ulit sa pagkain.

Ilang minuto ang lumipas at natapos rin kami sa pagkain pero wala pa rin si Aliane. "Bakit ang tagal ni ate/Aliane?" Tukoy ng dalawang lalake.

Niligpit muna namin ang pinagkainan namin. Pinuntahan nila ang pinto at kami ni Thea ay pumunta na sa kuwarto.

"Musta?" Pagsisimula ko ng komunikasyon.

"Ok lang."

"Kailan pa?" Tanong kong may ngiti sa labi.

She stopped using her phone and looked at me sincerely. Kinuha niya ang unan at niyakap ito.

Ngumiti siya ng matamis saka nagsalita, "Noong nasa grade 12 pa po ako. Katapusan na nung school year nung sinagot ko si Jace." Matagal-tagal na rin pala.

"Paano kayo nagkakakilala?" Tanong ko. Nakaupo kami sa kama at pansin kong hindi maitanggal ang ngiti sa mga labi ni Aliane mula nung pumasok kami ng kuwarto.

"It started when ate Liane invited me to join her in the restobar. Si Jace ang naggigitara kapag hindi niyo gig ni ate. Birthday ng kaibigan niyang si Lara at naimbitahan kaming dalawa. Awkward nga doon kasi naiiba ako sa kanila. Nung natapos silang kumanta, pumunta sila sa table namin saka si Jace yung unang pumansin sa akin." Patuloy siyang nagsasalita at nakikinig naman ako ng aktibo.

Naputol ang kanyang pagsasalita at nagulat kami nang may nagsalita. "Psst, anong ginagawa niyo?" Sabi ni Jace na nakapasok lang yung ulo sa pinto.

"Jacee!" Sigaw niya sabay lapit sa kanya. "Wag kang maingay, maririnig ka ng ate mo." Babala ni Jace. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanilang dalawa at tinanong siya.

"Si ate niyo Aliane na saan?" Tanong ko.

"Nasa pinto pa ho. Pinuntahan nga ni Rydyer sa baba ewan ko kung anong nangyari sa kanila." Tugon niya. Nagpaalam na sila at iniwan na ako. 'Hay jusko, mga bata talaga.' Pamiliar ang eksenang ito ah, parang nagawa ko na to dati.

Humiga ako sa kama at nagbuntong hininga. 'Sino ba kasi yung Rydyer na yun? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagtitinginan kami? Ewan ko, baka kaba lang yung nararamdaman ko.' Isip ko. Posible bang may nararamdaman ako para sa kanya? Pamilyar talaga siya eh. Hindi, bago pa lang nga kaming nakakakilala, imposible naman yun. Wala naman... diba?

Umidlip ako saglit pero nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa konting ingay sa ibaba, 'Magaalas-onse na pala ng gabi' saka pumasok sa utak ko si Aliane kaya pinagpasyahan kong lumabas ng kuwarto at bumaba sa kusina.

"Wag kang maingay! Tama na nga. Oh siya, matulog ka na sa kabilang kuwarto, tatabihan kita. Lika na." Rinig kong sabi ni Aliane galing sa sala. Nagtago ako sa isang pader sa likod ng isang malaking vase, ewan ko kung bakit tapos pinakinggan ang kanilang pag-uusap.

"Huy!" Sindot ni Rydyer sa bewang ko at ginulat ako ng mahinang tono. Lumaki ang mata ko at muntik nang sumigaw pero mabilis niyang tinakpan ang aking bibig at nagsiyensang tumahimik.

Tinampal-tampal ko ang kamay niya at kumawala rin ang kaniyang kamay sa labi ko at ihinilamos ito sa mukha niya. Nagsilapit ang kilay ko dahil sa ginawa niya pero nakatutok ang mukha niya sa kanilang dalawa. 'Did he just brushed his hand from my lips to his face?' Lumaki na naman ang mga mata ko dahil sa biglang ginawa niya. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil sa posisyon naming dalawa. Kinocorner niya ako sa pader, syempre, sino ba ang hindi magugulat sa ginagawa niya?

Nakatitig ako ng maigi sa mga mata niya, yung mahabang pilikmata niya at ang mala-chestnut brown niyang mata, ang ganda. Gusto ko ang korte ng kilay niya, ang ilong, katamtaman ang tangos tapos ang labi niya, nakakagigil.

"Ang bango mo." Halos tumalon ako sa sinabi ko. Nasabi ko ba talaga yon? Putek. Nakakaadik kasi yung amoy niya. Sa sobrang lapit niya, hindi ko mapigilang amoyin siya ng todo. Sana wala niya narinig yon, AISH! Nakakahiya!

"Ano?" Lingon niya sa akin.

"Ah, eh, sabi ko ang bango ng sunflower." Great! Bakit yon pa ang nasabi ko. Pagsisinungaling ko na nakatuod parin ang posisyon.

Lumapit ang kaniyang mukha sa gilid ng mukha ko. Nararamdaman ko ang kiliti sa tenga ko pababa sa tiyan ko saka siya bumulong. "Sunflowers have no scent." Oops, wala nga ba? Hala lagot ako neto. Anong irarason ko? He smirked and said, "Silly." When he turned his head to them they're already gone.

Nahihiya ako pero naaattract talaga ako sa ngiti niya. Para siyang batang binigyan ng ice cream. Hinila niya ako papunta ng counter at pinaupo.

Binuksan niya yung ref at kumuha ng pitsil na may lamang tubig. "Ano palang ginagawa mo rito? Maghahating gabi na rin ah." Tanong niya, saka inabot ang isang basong tubig.

"Ah, eh. Eh kasi si Aliane wala pa. Nakaidlip nga ako sa kwarto tas paggising ko wala pa rin siya. Nag-aalala ako kaya bumaba ako rito. Ikaw, bakit ka nandito?"

"Nauuhaw ako." Tugon niya. Wow ha, ang tipid. May mas tipid pa ba dyan?

"Ahh, okay." Awkward. Walang ni isa sa amin ang naglakas loob para magsalita ng ilang minuto. Nakatayo parin siya habang iniinom yung tubig ng matagal habang ako naman ay nakaupo pa rin.

Tumayo ako at pumunta sa likod niya, binuksan ko yung ref at humanap ng makakain. 'Hmm? Ano kaya ang pwede?' Nakita ko ang paborito kong ice cream at inilabas ito saka inalapag sa gilid niya. Hindi pa nabuksan ah, ayos! Bahala na kung kay sino to, babayaran ko na lang.

Kumuha ako ng kutsara at binuksan ang ice cream. Tumabi ako sa gilid niya na nakatayo rin. "Kukunin ko to ahh. Ahh! Ang sarap talaga!" Ngayon lang ulit ako nakakain ng ice cream sa loob ng isang buwan, hmm.. heaven.

Nakatingin siya sa ginagawa ko, "Gusto mo?" Sabi ko sabay tuon ng kutsara sa kanya. Di na siya umawat pa, isinubo niya kutsara sa bibig nito. "Thank you." Saka ngumiti siya abot hanggang taenga.

Bumilog na naman ang mata ko. Teka, kanina pa lumalaki ang mata ko ahh! "Huy! Kumuha ka ng isa dun, kutsara ko to noh." Umisol ako papalayo sakanya dala ang tub ng ice cream at umupo sa harapan niya.

Tumitingin lang siya sa akin at pansin kong nakatutok ang mata niya sa mga labi ko. 'May dumi ba?' I reach out for my lips when he leaned in and landed his thumb to remove the dirt from the ice cream on the side of my lips and he smiled.

Parang lumukot ang mukha ko dahil sa ginawa niya tapos nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan ko.

Umikot siya sa counter at humakbang papalapit sa akin. Ako'y tumayo at lalakad na papalayo ng nagsalita siya, "Wag kang umalis, please." Pagkatapos non ay lumapit siya ng konti sa akin iniyakap niya ako. Natuod ako sa posisyon kong to at humintay para siya'y bumitaw.

"Wag ka munang gumalaw, just let me hug you for a couple of minutes." Maya-maya lang, naramdaman ko siyang humikbi. 'Umiiyak siya?' Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero automatikong umalsa yung kamay ko at hinagod ang likod niya. Humigpit ang kaniyang kapit sa katawan ko, kawawa naman siya. Siguro sobrang hirap yung pinagdadaanan niya.

Bumuntong siya ng hininga at unti-unti ng humihina ang paghikbi niya. Kumawala siya sa yakap at tinignan ako sa mata pero wala siyang masabi. "Huy! Okay ka lang? Care to share what's going on?" I asked.

Hindi siya tumugon at patuloy parin akong tinitingnan. "Halika, manuod na lang tayo ng horror para naman mawala ng kaunti yung bigat sa dibdib mo." Kinuha ko ang tub ng ice cream saka hinila ang kamay niya papunta sa kwarto namin ni Aliane. Ewan ko kung bakit ko siya inanyahan basta nagsalita na lang ako bigla. Wala nang atrasan, Jenna. Walang tv sa sala dahil wala namang gaanong tao ang pumupunta saka naninirahan rito, sabi ni Aliane sa akin.

Pinaandar namin ang tv saka binuksan ang pinto sa balkonahe. Umupo siya sa kama at ako naman ay naghahanap ng movie na pwedeng panoorin.

"Anong horror yung gusto mo?" Tanong ko sakanya na nakatalikod.

"Anything will do." Nakita ako ang 'Pet Sematary' and I haven't watched it yet kaya pinindot ko yung play button at nagstart na.

Nagbounce ako ng konti sa kama at umisol sa headboard. "Anong movie yan?" Tanong ng katabi ko. Dumapa ako sa kama at initungtong ang ulo at kamay ko sa unan.

"Manood ka na lang." Itinuon ko ang atensiyon ko sa tv saka nanuod. Maya-maya tumabi siya sa gilid ko na nakaganoon ring posisyon.

Inabot ko yungtub ng ice cream saka ipinatuloy ang pagkain. 'Salamat naman at hindi pa tunaw kundi masarap pang kainin to.' Umabot na yung movie sa part na nagbanggaan na. Naawa ako sa bata dahil patay na talaga siya.

Kinain naming dalawa yung ice cream hanggang sa maubos na yung laman. "Gusto mo pa? Sandali lang ah, kuha lang ako ulit." Bumangon ako at sumuot ng tsinelas ng hinawakan niya ulit yung kamay ko.

"Wag ka nang kumuha. Ayos na ako. Ikaw, gusto mo pa ba?" Tanong niya balik sa akin. Sumenyas akong ayaw ko na, "Edi wag ka nang kumuha ulit don." Tumango ako at bumalik sa posisyon ko. Inilagay ko sa sahig yung tub saka itinuon yung atensiyon sa movie.

End of Chapter 8

Sorry po talaga sa delay. Hindi ko na talaga kasi minsan kayang magsulat dahil sa pagod sa school (noon). Pasensiya na po. Thanks for your consideration. Hintayin niyo ang next update ahh! 😘

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status