Mag-log inChapter 7
ALIANE'S POVNagdaan ang isang araw at nakalabas na si Jenna sa ospital at eto kami ngayon, nagiimpake ng mga gamit papuntang Tagaytay. Napagkasunduan namin ni Rydyer na siya ang magdri-drive samin. Nang maayos na ang lahat, lumarga na kami.Flashback"Last na lang to Rydyer ah. Pagkatapos natin sa Tagaytay, wala ka ng pagkakataong lumapit pa kay Jenna. Lubus-lubusin mo na't umalis ka na sa Pilipinas at umalis ka na rin sa buhay niya. Isipin mong paglayo mo sakanya, ay para na rin sa kaligtasan niya. Alam mo yon." Tama na to. Kailanganng awatin ko na to. Isang pagkakataon na lang at babalik na rin sa lahat ang dati na parang wala lang may nangyari."Pangako, panghuli na to. I'll travel back to France and never come back to the Philippines. Sasama ako sa pamilya ng kaibigan ko dun." Pagsisiguro niya."Good luck kay Jenna ah. Saka wag kang bumalak na ibalik ang alaala niya dahil malilintikan ka sa'king bata ka. Para sa kaligtasan niya to, tandaan mo." Patawa kong babala."Mas matanda kaya ako sa'yo. O siya, mauuna na ako. Kailan pala kayo pupunta sa Tagaytay?""Hindi ko alam. Pero siguro bukas na." Nginitian ko siya at siya'y lumapit kay Liah at hinalikan ito sa noo. Naghintay ako ng ilang minuto at lumabas na rin ang doktor."Kamusta si Jenna? Ok lang ho ba siya? Ano po bang nangyari?" Dere-deretso kong tanong."Ok lang si Jenna. Pero sa ngayon, matulog muna siya at baka bukas pwede na siyang umalis kung maayos na ang kalagayan niya."Ngumiti ako ng konti at nagtanong ulit. "Bumalik na po ba ang memorya niya? Ngayon lang kasi ulit nangyari to ehh.""It's possible that she may remember something from her past na nagpasakit ng ulo at dibdib niya. Nagtanong nga siya kanina kung sino si Rydyer, kilala niya ba siya?" Hindi niya alam ang tungkol kay Rydyer at Jenna. Konti lang ang nakakaalam na may relasyon nila. Posibleng sa kasal ni tito Lauro, babahain siya ng tanong ng mga kamag-anak namin. Sana naman hindi. Baka kung ano naman ang mangyari sa kanya.Napatigil ako sandali saka nagsalita rin."Hindi po. First time nilang magkakilala." Pagsisinungaling ko. Siya'y tumango at umalis na."Jenna, sana naman hindi na bumalik ang dati mong alaala. Hindi ko gustong bumalik ang dating ikaw at ang mga nakaraan mo."End of FlashbackPaulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kahapon. Maraming posibilidad ang mangyayari kapag isasama ko ang dalawa ulit. Katulad na lang ng dati na ako rin ang dahilan kung paano sila nagkakakilala."Huy! Ok ka lang ba, Aliane? Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo ng juice, pero wala ka sa sarili mo." Alala ni Jenna.Lumingon ako sa kanya at nagsalita."Asus! Ok lang ako noh, may iniisip lang.""Sigurado ka? May problema ba sa inyo ni Ethan?""Oo nga. Wala kaming problema. Antok lang to." Tipid kong tugon. Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana, hoping that she wouldn't bother me. Hindi pa rin ako mapakali sa nangyari kahapon, tama kaya ang desisyon ko?"O sige. Hindi na kita iistorbuhin." Makikita ko sa gilid ng mata ko ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata. Inilagay niya ang earphones sa kanyang tenga at ipinatong ang ulo sa aking balikat saka natulog.Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Kapag bumibyahe kami, palagi siyang natutulog sa balikat ko. Mas sobra pa kasing magtrabaho ang batang 'to kesa sakin. Kawawa naman.Nakatulog rin ako sa sobrang dami ang iniisip, maya-maya lang, nakarating na kami sa Tagaytay. Sa harap ng isang tahanan. Tahanan ni Lola Esther at ni Lolo Nicolo noon. Magagabi na rin pala."Jenna! Gising na." Niyugyog ko ang aking balikat at patuloy parin siyang ginigising. "Nandito na tayo! Sige ka, iiwan kita rito." Wala paring tugon.Tumawa ako ng konti ang kinuha ang ulo niya sa balikat ko, saka diretsong lumabas ng van. Sila mommy ay nakapasok na sa loob habang si Rydyer at dad ay kumukuha pa rin ng bagahe sa van papasok."Si Jenna nasaan?" Tanong ni daddy."Nasa loob pa dad. Napagod ata sa kakahanap ng apartment ng mga nakaraang araw. Yaan niyo na po,gigising lang siya." Tinulungan ko sila at pumasok na kami sa loob."Gisingin mo na siya.""Eh dad hindi ko siya magising eh. Ipabuhat ko na lang kay Rydyer." Dumeretso na ako ng makasalubong ko sa Khairo, may nakalimutqn ata sa kotse. Salbahe akong bestfriend, katulad na lang nung iniwan ko si Jenna sa loob. Yan kasi, ang bigat matulog. Hahahahahaha.RYDYER'S POVPunyeta, si Sella hindi pa ipinasok sa loob. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Lumabas ako at pinuntahan siya sa kotse."Haha. Tulog pa rin ang Sella ko, di parin nagbago." Tinawanan ko lang ng konti at akmang papasok na sa loob, lumabas sila Aliane."Khai, lalabas muna kami ni Althea sandali, bibili lang kami ng Ice Cream. Magmomovie night kami, nandoon pala si Jace sa loob wag ka nang magulat." Nagseselpon lang si Althea, at ngumingiti pa na parang aso. Si Althea ang pangalawa sa kanilang tatlo saka si Athena ang bunso. Lagot ang lalakeng kachat nito. Tsk.Tinignan ko siya ng masama, hayss Khairo na naman. Aalis na sana sila, ng may nakalimutan siya at hinarap ako ulit. "Hala! Si Jenna pala, muntik ko ng kalimutan. Pabuhat pala ha! Pahatid sa kuwarto, o siya, aalis na kami baka masarahan kami ng tindahan. Papayagan kita sa ngayon lang. Pagkatapos naming bumalik, bawal na ha." At sila'y umalis na."Bakit ka ngumingiti? Sino yang kachat mo, ha Thea?" Dinig na dinig ko pa ang inuusapan nila. Kawawang Althea, magcocollege na rin naman siya."Wag na wag kang magboboyfriend sa batang edad mong yan. Kundi, lagot ka sakin." Banta niya. "Eh ikaw rin naman eh! Nagboyfriend ka nga noong second year college ka. Magcocollege naman ako ah..""College na yun noh, iba kapag bago ka palang. Bata ka pa at hindi ka pa pwede."Hayss, ang magkapatid talaga palagi lang nagbabanatan."Bro! Si Jenna ba yan? Ano ka ba Jace, si Jenna nga yan eh." Nagtanong pa ang gago, sasagutin naman ang sarili. Eto si TJ, from Tylanturien Jace pero tinatawag namin siyang Jace kasi mas gusto niya yun. (A/n: Credits pala ang pangalan sa bestfriend kong si Yan2. Thank you!❤)"Hep, hep, hep. Saan ka pupunta?" Pilig niya sakin at tinignan ko siya ng masama."Ok, sa kuwarto nga eh. Pagkatapos mo dun, usap tayo." Di na ako tumugon at nagdere-deretsong umakyat. Siya naman ay dumeretso sa kusina, nagluto ng makakakain. Walang yaya sa bahay kaya sila ni tita Lisa ang magluluto ng hapunan.Nagpatuloy ako sa kuwarto ko. Oo, doon ko siya ihihiga sa kama ko. Wala namang masamang mangyayari. Gusto ko lang siyang pagmasdan habang natutulog. Sandali, bakit sa kuwarto ko? Ewan ko nga rin basta dinala lang ako ng mga paa ko rito.Inilapag ko siya sa kama at tumabi sa gilid niya. Ito ang mukhang gusto kong makasama habang buhay. Tumagal ako sa kama at tinignan ang maamo niyang mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito. Binatawan ko ito at pumasok ng banyo. Pagkabalik ko nawala na siya! Wala na si Jenna.Iniwan na naman niya ulit ako. Ayokong mawala siya sa tabi ko! Hindi siya pwedeng mahiwalay sakin hanga't nabubuhay pa ako.Kaagad akong lumabas ng kuwarto at hinanap siya. 'Saan na siya?' Habang naghahanap ako, ay nakarinig ako ng ingay mula sa kuwarto ni Aliane."Aray! Aray, aray, aray. Masakit." Narinig ko na nasa banyo nanggaling ang ingay nung pumasok ako ng kuwarto. Nahanap na niya yung kuwarto nila. Ambobo mo Red, bakit kasi sa kuwarto mo pa siya dinala?Kawawa naman ang mahal ko, regla na naman niya ngayon. Kaya dali-dali akong tumakbo papasok at tinulak ang pinto. "Aliane, painit ng hot compress ko sa bag please." Tugon niya habang nakapikit ng maiigi at ang kamay ay nasa tiyan saka puson. She's sitting in the closed lid of the toilet bowl. Hindi nga niya alam na hindi si Aliane ang kausap niya.Hindi ko na inabala pa ang hot compress, binuhat ko na lang siya at dali-daling inilagay sa kama. Para siyang caterpillar na posisyon sa kama, napakahapdi sa puso na makita siyang ganito.Ginawa ko na ang dati ko pang ginagawa, tumabi ako sa kama at hinawakan ang puson niya. "Imamasahe ko to ah." Sabi ko ng malambing ang tono. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na siya umawat dahil sa sakit ng puson niya."Wag! Wag na." Awat niya ako gamit ang kamay niya. Tinulak tulak niya ang kamay ko papalayo."Don't worry, I won't do anything." Wala siya atang ganang awayin ako. She's gonna suffer again, I'm worried."Pero-" Tutugon pa sana siya pero sumulpot ako. "Hayaan mo na, shh. Awayin mo lang ako pag ok ka na." Hindi na siya nagsalita.Ilang minuto ang lumipas at nagsalita rin siya. "B-bakit mo ginag-gawa to? I m-mean h-hindi mo t-to k-kailanga-ang g-gawin." Nauutal utal niyang tanong. Dati nung ginagawa ko to noon, ok lang sa kanya. May saysay pa ang lahat, ngayon iba na."Ginagawa ko rin to sa ate ko noon. Pareho kayong may dysmenorrhea." Tukoy ko. Yung amoy niya, hindi maialis sa ilong ko. Yung buhok niya, walang makakapantay sa ganda kahit na nakahiga siya. At yung balat niya, hindi maitutulad sa mga kutis ng mga artistang nakilala ko. Inamoy-amoy ko siya ng natural, matagal-tagal narin akong nakalapit sa kanya nang ganitong kadikit.Ipinikit ko ang aking mga mata habang patuloy pa rin sa pagmamasahe ng kanyang tiyan saka puson. Umungol siya ng konti. "Hahaha. So naaawa ka pala sakin. Pasalamat kang unggoy ka, hindi kita maaaway ngayon." Napatawa ako ng konti sa sinabi niya. Humarap siya sa akin at halos magkadikit ang aming mga mukha. Umadjust siya ng ilang metro dahilan para mahulog siya sa kama, pero nasalo ko siya agad at hinila pabalik sa pwesto niya.Pinikit niya ang kanyang mga mata, dahil ata sa hiya. Haha. Hindi pa ako nakuntento dahil alam kong hindi pa sapat yung ginawa ko, kaya sa ilalim naman ng likod niya ang minasahe at sinusuntok-suntok ito ng mahina. Lumapit ako ng konti para maabot yung likod niya. Yung ilong niya ay malapit na sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Nakaramdam naman siya ng hiya kaya yumuko siya at sa dibdib naman tumuon ang ilong niya.Pesteng ilong niya, hindi talaga nagbabago ang nararamdaman ko kapag ginagawa niya to. Pinilit ko ang sarili kong hayaan na lang at wag pansinin."Tama n-na, ok na ako. A-awat na. S-salam-mat." Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero hindi niya magawa. Namumutla na ang kanyang mga labi at nararamdaman kong lumalamig na rin ang kamay niya. Kawawa naman ang Jenna ko, hayss."Ate Jenna! Ate Jenna! Kain na po tayo!" Sigaw ni Athena mula sa labas at saktong bumukas ang pinto saka nakita kami nilang nasa ganitong posisyon."Oops! Ate ano po yung ginagawa nila?" Tukoy ni Athena sabay turo. Hininto ko ang pagmasahe at umupo ng kama. Hindi ako tumingin sa mga mata ni Aliane dahil alam kong papagalitan na naman niya ako."Wala, wala. Wag mong sabihin kay daddy saka kay mommy to ah. Shh. Mauna ka na susunod lang kami." Ani Aliane. Athena giggled a little and walked away."Ate sunod kayo ah." Rinig kong pahabol ni Athena.Biglang bumangon si Jenna at tumayo. Nang makita niya si Aliane, dali-daling siyang nagsalita. "Aliane, walang kaming may ginagawang masama. Maniwala ka. Sorry, sorry. Walang may nangyayari sa aming dalawa." Pagmamakaawa niya.Bumaba ako sa kama at tumayo din. "Wala kang kasalanan, bakit ka nagso-sorry?" Kumunot ang tingin ko sa kanya."Eh kasi-" Magsasalita pa sana siya ng sumulpot ako. "Wala naman kaming ginagawang masama. Period niya ngayon at alam mo namang may dysmenorrhea siya, inditihin mo man lang ang ginawa ko sa kanya." Pagkatapos kong sabihin yon, umalis na ako ng kuwarto at naunang bumaba."Hoy Khairo hindi pa tayo tapos mag-usap!!" Pahabol niyang tugon. Hayss.. Khairo na naman."Wag mo siyang pagalitan, tinulungan niya ako habang wala ka. Wag kang mag-alala, aawayin ko siya mamaya. Hindi pa ako tapos sa kanya." Rinig kong pakiusap niya. Ang cute niyang magpaliwanag, at dahil don ay ngumiti rin ako ng patago.End of Chapter 7Kamusta? Maganda ba ang mga pangalan ng mga katauhan? Ibahagi niyo po yung iniisip niyo sa comments! I'll be super duper happy to read them. 'Till next time!Chapter 15JENNA’S POV
Chapter 14RYDYER'S POVKinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa
Chapter 13JENNA'S POVAlas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane di
Chapter 12RYDYER'S POVWednesday na at apat na araw na lang, babalik na
Chapter 11ALIANE'S POVAyun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pe
Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta