LOGINChapter 6
JENNA'S POVIminulat ko ang aking mga mata at kinusot ito. Naglapat ang tingin ko sa kanang kamay kong may dextrose na nakasabit at inilibot ang aking tingin sa buong kuwarto.'Ospital?' Bumangon ako, kinuha ang dextrose na nasa kamay ko at pumunta sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang putla ko na pala. Para akong multo kaputi na parang wala na akong dugo.Lumabas ako mula sa loob nang makaramdam ng gutom. 'Ilang araw na kaya akong tulog?' Naghanap ako ng pagkain pero wala akong makita kaya hinanap ko na lang ang cellphone ko."Saan na ba yun?" Sabi ko habang patuloy pa rin sa paghahanap. Maya-maya lang nakaramdam akong gumalaw si Aliane sa sopa."Jenna? Anong ginagawa mo? Bakit ka bumangon? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Direderetso niyang tanong. Huminto ako sa paghahanap at hinarap siya."Ano bang nangyari? Bakit ako'y nasa ospital?" Tumayo siya at nilapitan ako. Pinaupo niya ako sa kama at hinarap ako."Hinimatay ka sa sobrang sakit ng ulo at dibdib." Sagot niya."Ha? Bakit? Ano ba ang nangyari?" Tanong ko ulit."Ewan ko kung bakit ka hinimatay pero ang huling ginawa natin ay tumingin sa isang litrato.""Picture? Kaninong litrato?" Naguguluhan na ako."Picture namin ni Khairo, yung cousin ko. Nung tiningnan mo ng mabuti ang picture, sabi mo sumakit agad ang dibdib mo tapos sumunod ang ulo mo. May naalala ka ba?""Hindi ko alam pero sigurado naman akong natatandaan ko lahat. Parang nakita ko na siya kasi noon eh. Hindi ko alam kung kailan, matatandaan ko kung ano ang itsura ng lugar pero di ko alam kung saan.""Sige-sige, take your time na lang. Tatawag muna ako ng nurse saka si mommy na nagising ka na." Lumabas siya ng kuwarto at naiwan ako sa loob. Ay hala! Nakalimutan kong tanungin si Aliane kung nasaan yung cellphone ko.Lumabas ako saka nagulat na wala si Aliane. 'Akala ko nandito lang siya?' Nakasalubong ako ng isang pamilyar na tao habang ako'y naglalakad papunta sa nurses' desk. Pinabayaan ko lang at nagderetsong lumakad."Miss, can I make a call?" Tanong ko sa nurse."Yes. Go ahead." Saka itinuro ang telepono. Ilang ring at hindi pa niya sinasagot. Siguro kausap pa niya si tita Lisa.Tumawag ulit ako ng ilang minuto at salamat naman na sinagot na niya. "Aliane? Nasaan kayo? Nakalimutan ko ang cellphone ko, saan mo inilagay yun?"(Ay Aliane! Bakit ka lumabas? Papunta na kami ng doctor sa kuwarto mo. Oobserbahan ka pa kung pwede ka nang lumabas ng ospital. Mamaya ko na lang ibibigay ang cellphone mo.) Alala niya."Ok, thank you." Ngumiti ako ng tipid at ibinaba na ang telepono. Nagpasalamat ako sa nurse at bumalik ulit sa kuwarto ko.Nauna pala ako sa kanila kaya humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. 'Sino ba ang lalaking bumibisita sa panaginip ko gabi-gabi? Sino ba siya? Kaano-ano ko ba siya? Isa ba siyang importanteng tao sa buhay ko? Makikilala k--' Naudlot ang aking pag-iisip ng may pumasok sa pinto."Jenna, ok ka na ba? Kaya mo pa rin ba? Wag na lang kaya tayo pumunta sa kasal." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pwedeng hindi kami umattend sa kasal ni tito Lauro noh."No! Wag, hindi pwedeng hindi tayo makapunta. Di naman sumasakit yung ulo ko. Pwede pa naman tayong pumunta sa kasal, may apat na araw pa naman eh." Tumango na lang siya."O sige, basta magpagaling ka ha." Aniya saka ako ningitian."O, hija, ayos lang ba ang pakiramdam mo? 'Di ka naman ba binabangungot ng panaginip mo? Natukoy sa akin ni Aliane na may lalakeng nagapapakita sa panaginip mo. By the way, I'm Dra. Celina, Calissa's sister. " Tanong ng doktora sa akin."Siya yung tinutukoy ko na kapatid ni tita Calissa." Magkatulad sila ng mukha, para silang kambal. Tumango lang ako."Ahh, okay naman ho. Di naman ho sumasakit ngayon. Nung nakita ko po yung picture, ewan ko po pero biglang sumakit ang ulo saka dibdib ko po. Namimigat siya na parang hinulog yung puso ko at kinutsilyo ng ilang beses." Paliwanag ko."Alam mo hija, yung nararamdaman mo ngayon ay isang pangulila lang ng mahal sa buhay. Sa ngayon ay wala pa naman akong nakitang mal--" Naudlot ang sinabi ni doktora ng may pumasok ulit sa pinto."Hi po." Lumingon kami lahat sa pinto at bakas sa mga mata niya ang gulat nung nakita niya ako."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aliane sakanyasaka siya hinila palabas ng kuwarto."Sino ho siya?" Tanong ko. Sumakit ng konti yung ulo ko, katulad nung sakit nung nasa kuwarto ako ni Aliane."Ahh. Si Rydyer yun, pamangkin ni Lauro na kapatid ng tatay niya. Pamilyar ba siya?" Nakatulala parin ako hanggang ngayon."Ahahahaha. Maraming nagsasabing para raw siyang artista, na may kamukha raw siya. Pero ewan namin kung sino." Tinawanan lang niya. Kumirot ang ulo ko na parang may pinipigang ugat saka hinawakan ito at ipinikit ng maigi ang mga mata ko."Jenna, are you okay?" Nilapitan niya ako, kinuha yung stethoscope at inilagay sa dibdib ko.Pumasok si Aliane at ang lalakeng pinalabas niya kanina. Pinindot ng doktora ang red button sa taas ng higaan ko at nagsalita. "Alexa, pumunta ka ngayon sa VIP room no. 7. Emergency." Kalmado niyang utos pero ramdam ko ang kaba niya."Ayos ka lang ba, Jenna?" Nagpapanic na tanong ni Aliane sakin tapos lalapitan ako pero nakapasok na ang nurse at inawat siya."Sorry maam, lumabas ho muna kayo. Bawal po kayo sa loob." They have no choice kaya lumabas na lang sila.ALIANE'S POVPumasok na ang mga nurse sa loob at wala kaming magawa kundi maghintay sa labas."Bakit ka ba nandito?" Lingon ko kay Rydyer."Gusto ko lang naman makita si Sella ulit.""At ano? Mapapahamak lang siya sa ginagawa mo! Bakit kasi di mo na inawat yun noon pa? Kundi sana hindi tayo ganito ngayon." Tumahimik siya at hindi na nagsalita pa. Matagal ko na siyang sinasabihang lumayo na siya sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo neto eh! Ewan ko kung anong nakita sakanya ng kaibigan ko. Hindi ko siya masisisi pero para nag-aalala ako para sa kaligtasan ng lahat.End of Chapter 6See you next week! Sorry maikli lang kasi nagmamadali po akong ipublish to. Salamat at naghihintay pa rin kayo para sa susunod na kabanata.Chapter 15JENNA’S POV
Chapter 14RYDYER'S POVKinabukasan ay kasal na ni tito Lauro. Hindi pa
Chapter 13JENNA'S POVAlas-nuwebe imedya na, wala na naman si Aliane di
Chapter 12RYDYER'S POVWednesday na at apat na araw na lang, babalik na
Chapter 11ALIANE'S POVAyun. Nagsinungaling na ako sa bestfriend ko, pe
Chapter 10JENNA'S POVAlas-nuwebe na ng nagising ako. Punyeta, hindi ta