LOGINKanabata 12
"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.
Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbit ko.
"Ate, sasama po ako ulit sa susunod ha," giit ni Echo habang pinupunasan ko ang likod niya. Tumingin siya sa akin kaya naman tumango ako sa kanya at ngumiti.
Nang matapos ko siyang mapunasan ay agad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Carlos. Nang matapos sa pagliligpit si Carloa ay lumapit muna ito sa akin.
Pawis na pawis din siya kaya naman pinunasan ko ang noo niya gamit ang isa ko pang towel. Napangiti naman aiya at dahan-dahang pinulupot ang kanyang mga kamay sa baywang ko.
"Cat was so excited when I told her that you’ll come with me," Carlos said as I continue to wipe his sweats. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa tuwalya at marahan itong hinalikan dahilan para mas mapangiti ako.
"Kailan ba tayo aalis?" tanong ko.
"The day after tomorrow," pabulong niyang sabi at saka ako biglang hinalikan sa tungki ng ilong ko kaya naman agad akong natawa.
Ngayon lang ako nakaranas makipaglandian in public at ganon pala 'yong pakiramdam. Now, I understand those people who are making out in jeeps. Talaga nga palang nawawalan ka ng pakialam sa paligid mo.
"Sasama po ulit ako sa inyo sa susunod na linggo ha," ani Echo at saka nagmamadaling bumaba sa sasakyan.
Natatawang pinapanood ko siyang papunta sa Lolo niya na nag-aabang sa amin. Ang saya-saya niya at ang saya-sayang makitang napasaya namin siya.
"Isabel," napalingon ako nang biglang tawagin ni Carlos ang pangalan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong hinagkan dahilan para mapangiti ako.
"Good night," bulong niya at saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit naman ako ng gawin niya ito. Tumingin ako sa kanya at matipid na ngumiti.
Hindi dapat ako mahulog sa kanya pero hindi ko maintindihan kung bakit kahit pigilan ko ang kakaibang nararamdaman ko ay hindi pa rin 'to mawala.
Bumaba ako sa sasakyan at hinintay na makaalis si Carlos bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. I just can't stop thinking about Carlos. Hindi ako naging ganto para sa isang lalaki ever in my whole life.
Dahil hindi pa rin talaga ako makatulog, I grabbed my phone on my side table and dialed Lola Isyang's number. Hope she's still awake.
"Hi, La!" masiglang bati ko. I really miss her so much, I want to be with her.
"May tanong ako, La,"ani ko sa kalagitnaan ng kwentuhan naming dalawa.
"Ano iyon?" tanong niya naman. Umupo ako at saka huminga ng malalim.
"Paano ko ba malalaman kung nahuhulog na ko para sa isang tao?" tanong ko. Narinig ko namang natawa si Lola kaya napakunot ang noo ko.
"Simple lang, hija. Kapag palagi mo aiyang iniisip, masaya ka kapag magkasama kayo at may napaparamdam siya sa'yong kakaibang sensasyon," ani Lola.
"Hindi mo maipaliwanag ang mga nararamdaman mo kapag nakatingin siya at bigla ka na lamang hindi makakagalaw," dagdag pa niya.
"At higit sa lahat, nararamdaman mong ligtas ka sa tuwing kasama mo siya," agad akong natigilan sa sinabi ni Lola. Do I feel safe with him? Honestly, no. Thinking about his illegal doings, I don't feel safe with him at all.
Matapos ang usapan namin iyon ni Lola ay nagpaalam na siya dahil lumalalim na rin ang gabi. Nahiga akong muli at pilit na pinatulog ang sarili.
Kung ano man itong nararamdaman ko para sayo, Carlos. Maybe it'll go away.
"Oh, bili na kayo," ani Grace—workmate ko na nagbebenta ng mga kung anu-ano. Nasa gitna siya ngayon ng mga iba ko pang katrabaho habang nagbebenta ng mga lotion at shampoo.
"Isabel! Lika dito!" sigaw niya nang makita ako. Uwian na namin at gusto ko na ring umuwi kaya naman umiling na lang ako sa kanya at ngumiti.
Halos magkagulo ang lahat sa floor namin dahil sa mga tinitinda ni Grace. May mga taga ibang department din ang dumayo pa talaga dito sa amin para lang bumili kaya naman siksikan sa loob ng opisina.
I was close to the elevator nang bigla akong may maramdamang malamig na bagay na dumadaloy sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naging kulay orange na ang puti kong damit.
Napatingin agad ako sa harapan ko at nakitanl si Kirsten na ngayon ay gulat na gulat na rin. Huminga ako nang malalim at saka muli siyang tiningnan.
"Oh, God! I am so sorry, Isabel," kabadong ani ni Kirsten at akma pa sanang pupunasan ng tissue ang dibdib ko pero agad ko naman siyang pinigilan.
I am wearing a white polo shirt! Geez! Ang hirap labhan nito!
"I-it's fine, don't worry," ani ko at tinapik nang bahagya ang balikat niya sabay ngiti. Agad ko naman siyang nilampasan para makauwi na pero sa hindi kalayuan ang nakita ko si Benedict.
He was staring at me but I just nod to him. Agad naman siyang naglakad palayo kaya naman dumiretso na lamang ako papuntang elevator.
"Hey, Isabel? The elevator's out of order," mahinhing sabi ni Flor nang makita akong nasa harap ng elevator.
Tumango naman ako at saka ngumiti. I guess I should take the stairs? Agad akong naglakad palapit sa fire exit at binuksan ang pintuan 'non.
Hindi naman siguro ako hihikain. Pero para sure, I get my inhaler inside my bag and start to walk.
Napahawak ako sa dingding at nakitang nasa 5th floor pa lang ako. Agad kong tinapat sa bibig ko ang inhaler ko dahil hindi na ako makahinga.
Damn that elevator. Damang-dama ko ang pagtulo ng pawis ko kaya naman sandali muna akong nagpahinga.
Maya-maya pa'y bigla akong nakarinig ng mga paghikbi. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa takot. Fuck, what was that.
Tuloy-tuloy ang mga paghikbi na naririnig ko kaya naman mas kinilabutan ako. Dahan-dahan akong lumapit sa hagdan at sumilip nang bahagya sa baba.
Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang babaeng nakasubsob sa tuhod niya habang umiiyak. Wait, this is not a ghost. I think, I know her.
Agad akong bumaba para makalapit sa babaeng umiiyak and I was right. I know her.
"Robin?" mahinang sabi ko dahilan para mapalingon siya sa akin. Halatang gulat na gulat siya kaya naman agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Hi!" masiglang bati niya pero may halo pa ring panginginig ng boses niya dahil sa pag-iyak.
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Nanatili siyang nakangiti hanggang sa maya-maya ay umiyak na naman siya kaya naman napairap ako.
We are not close but something is urging me to talk to her. So, I did.
"What happened—"
I didn't finished what I was supposed to saywhen she suddenly hugged me and cried like a baby. I was stunned so I just tapped her back.
"Your EIC! He is the worst! Are you aware of that?" giit niya nang medyo mahimasmasan sa kakaiyak. Napatango naman ako. Oh, I'm right that something fishy is happening between her and Anton.
"Gusto ko siyang sakalin!" nanggigil na sabi niya habang sinasakal ang hangin kaya naman napatawa ako na siyang kinasama ng tingin niya sa akin.
"Don’t laugh, Isabel!" ani niya kaya naman napatigil ako sa pagtawa at umupo ng diretso.
"I just wanted him to like me at hindi niya ako nagustuhan!" reklamo pa niya at saka sumandal sa railing ng hagdan.
"I am a likeable person, Isabel. No ozne disliked me! EVER," dugtong pa niya kaya naman napailing ako.
"What?" mataray niyang tanong sa akin saka ako tinaasan ng kilay kaya naman tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Hindi lahat ng tao magugustuhan ka," mahinahong ani ko. Nagmukha siyang litong lito dahil sa sinabi ko kaya naman napairap ako.
"Well, no one ever disliked me, Isabel!" reklamo pa niya sa akin.
"But Anton doesn't like you so your hypothesis is denied, Robin," ani ko at saka ngumisi na siyang dahilan para lumungkot muli ang mukha niya.
"Can you come with me somewhere?" tanong niya kaya naman nailing ako. I need to pack my things dahil paalis na kami ni Carlos bukas papuntang Pangasinan.
"I need to do something," sabi ko.
"Then, I'll come with you instead," giit niya na nakapagpangiwi sa akin.
"You should bring this, and this, and that. And oh! This too!" napairap ako nang ipaghahagis ni Robin ang mga dami ko sa maletang nakabukas sa taas ng kama ko.
We are here in my apartment and she's helping me to pack my things for tomorrow.
"Hindi ko naman kailangan ng maraming damit," naiinis na ani ko at saka nilabas ang mga damit na nilagay niya sa maleta ko.
"Trust me, you'll need this," nakangising sabi niya at saka nilagay muli ang mga inilabas kong damit. I groaned at her and rolled my eyes.
Hindi ko alam pero para bang bumagal ang oras. Halos sumabog ang eardrums ko sa kadaldalan ni Robin. And after 3 hours of packing, natapos din kaming dalawa.
"I really appreciate ypur kindness to me, Isabel," ani niya nang nasa gate na kami ng apartment ko. Bigla naman niya akong yinakap ng mahigpit kaya hindi ako nakagalaw.
"Ingat ka sa lakad mo," sabi pa niya kaya naman tumango ako at ngumiti rin. Well, she's not that bad after all.
Nang makaalis na si Robin ay agad naman akong bumalik sa unit ko at naghanda na sa pagtulog.
Kalalabas ko lang sa CR nang biglang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong binuksan at nakitang si Carlos ang nagmessage.
From: Carlos Fuentes
Can't wait to go to Pangasinan with you.
At sa sandaling 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, nahuhulog na talaga ako sa kanya.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a