LOGIN
Kabanata 10
Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.
Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal ako.
From: Carlos Fuentes
I'm at your apartment, where are you?
From: Carlos Fuentes
Pumunta na akong Luneta.
From: Carlos Fuentes
Echo said you aren't home yet.
From: Carlos Fuentes
I'm worried, Isabel.
Bumaba ang balikat ko nang mabasa ko ang ilang mga text niya kaya naman agad kong dinial ang number niya pero napupunta lang palagi sa voicemail niya.
Hinagis ko palayo ang phone ko at saka nahiga. Damn, bakit ko ba nararamdaman 'to?
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod at pagkagising ko ay agad akong naligo at nag-ayos para pumasok.
Tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring message galing kay Carlos. Binitbit ko ang bag bag ko at saka lumbas sa unit ko.
Habang naglalakad na ako papuntang kanto ay bigla kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Benedict. Geez, sana hindi maging awkward.
"The informations you get in Carlos' room was a list of businesses," ani Kirsten. Inayos ko ang salamin ko at saka tumango sa kanya.
"Connected ang mga business na 'yon kay John Lim na kasosyo niya," dagdag pa niya. Napatingin naman ako sa paligid ng café dahil wala pa rin si Benedict.
"Nasaan si Benedict?" tanong ko kay Kirsten. She was bummed when I asked her kaya naman nagulat ako sa reaksyon niya.
"I-uh, I don't know but he texted me earlier. Hindi raw siya makakapasok," napatango naman ako. Oh, geez. Sana naman ay hindi ito dahil sa nangyari kagabi sa amin.
"How's Carlos?" tanong niya kaya nagkibit balikat ako. I already message him but he still not replying. I already said my sorry at hindi ko alam kung anong klaseng pagpapatawad kailangan kong gawin para sa kanya.
"What do you mean?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin kaya naman napasandal ako sa upuan at huminga nang malalim.
"Well, we aren't in good terms because something happened," paliwanag ko na dahilan para mamilog ang mata ni Kirsten sa gulat.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Yesterday, Benedict brought me to Tagaytay," sabi ko. Nakita kong bumaba ang balikat ni Kirsten but I just ignored it.
"Nakalimutan kong may lakad kaming dalwa ni Carlos dahil masyado akong naaliw. Pag-uwi ko nasa apartment ko siya but he didn't said anything!" reklamo ko.
"I texted him, I said I'm sorry pero siya itong ayaw makipag-ayos," ani ko at saka hinubad ang salamin ko.
"Then, surprise him," ani Kirsten. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. I don't do surprises, I hate surprises.
"Go big! Show him that you're really sorry," giit pa ni Kirsten kaya inirapan ko siya. No way, I won't give effort for a guy, never. Projects ko nga 'nong college di ko mabigyan ng effort, lalaki pa kaya?
"Don’t make that face, bitch. Para sa career mo 'to, remember?" sabi niya kaya agad ko siyang inirapan. Kinuha ko ang salamin ko at saka tumayo at umalis. What the hell, Carlos!
"1275 po, Ma'am," ani cashier at saka iniabot sa akin ang isang bag ng mga pang arts and crafts. I can't believe I will do this bullshit!
Agad kong binitbit ang bag at saka lumabas ng National Bookstore. Pagkalabas ko ng mall ay agaf akong pumara ng jeep at hirap na hirap na sumakay.
"Para sa jowa mo ba 'yan, Miss?" ani ng katabi kong lalaki. Napalingon ako sa kanya at saka ngumiwi sa kanya.
"Wala kang pake," ani ko at umirap. Narinig ko naman siyang bumulong bulong pero hindi ko na lang pinansin at hinakan na lang nang mabuti ang bitbit kong paper bag.
"Ate! Tulungan na kita," ani Echo nang makita akong hirap na hirap sa bitbit ko. Agad naman niyang kinuha ang bag at saka iyon binitbit.
"Para saan ba 'to, ate?" tanong niya nang makapasok na kami sa loob ng unit ko.
"Wala, salamat pala," sabi ko at saka siya nginitian. Napansin kong parang may gusto pa soyang sabihin kaya naman napakunot ang noo ko.
"Ate, pwede mo ba akong turuan? Hindi kasi ako nakapag-aral," ani Echo habang kinakamot ang batok niya.
"Gusto ko kasing matuto magbasa, Ate," ani niya kaya naman bahagya akong napangiti.
"Oo naman, kung gusto mo sumama ka sa amin ni Kuya Carlos mo tuwing Sabado sa Luneta para may mga makilala kang mga bata," ani ko kaya naman napatingin siya kaagad sa akin at bigla akong niyakap.
"Salamat, Ate," ani niya at saka umalis. Nakakatuwang may mga batang gustong makapag-aral, nakakalungkot lang kasi wala silang kakayahan para magawa 'yon.
Napatingin ako sa kama ko at nakita ang paper bag na puno ng mga pinamili ko kanina.
I need the creative side of me! Please! Huminga ako ng malalim at saka 'yon nilapitan.
Inilatag kong lahat sa kama ko at tinitigan ang mga ribbons, colored papers at kung anu-ano pa. So, what now?
Sinubukan kong gumawa ng bulaklak gamit ang mga colored paper pero nagmukhang papel na ginupit gupit ng bata ang kinalabasan.
Hinagis ko ang gunting sa gilid ng kama ko at saka nahiga. Hindi ko na kaya! Ayoko na!
But maybe meron sa YouTube na mga tutorials. Agad akong bumangon at kinuha ang phond ko sa side table at agad nagsearch sa YouTube.
I was about to add glitters on my explosion box when someone suddenly knocked on my door. Dahil sa gulat ko ay nabuhos ko sa mukha ko ang mga glitters.
"Ugh! What the fuck!" sigaw ko nang makita ang sarili ko sa salamin. Biglang may kumatok muli sa pintuan ko kaya naman agad ko iyong binuksan at halos manlumo ako nang makita kung sino 'yon.
"What the hell happened to you?" nakakunot ang noong ani ni Carlos habang tinititigan akona ngayon ay balot na balot ng glitters.
Tumingin siya sa likuran ko at nakita ang mga nagkalat na papel doon at muling tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya pa kaya naman napairap ako.
"I was about to give you an explosion box," mahinang sabi ko. Ugh! This is why I hate arts and crafts!
"What the fuck is an explosion box?" tanong niya na ngayon ay halatang nalilito.
"It was a sorry explosion box, okay! Please stop asking, I'm too embarrassed!" ani ko at saka pumasok sa loob at naupo.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin at maya maya pa nga'y nasa harapan ko na siya.
"I won't accept something like that," ani niya na ngayon ang nandidiring nakatingin sa explosion box kong ginawa.
"I know its not pretty! Wag mo nang ipamukha, okay?" sarkastikong ani ko. Well, hindi ko naman 'to gagawin kung hindi kita kailangan, duh.
"But the effort, I think I'm starting to like you," ani niya na nakapagpabilog sa mga mata ko. What the hell did he say? He likes me?
Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang epekto ng sinabi niya sa akin. Hindi na naman ako makahinga ng maayos.
"I will only accept your apology if you’ll go with me," ani niya nang maupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.
"Sumama ka sa akin sa Pangasinan."
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a