LOGINKabanata 9
"So tell me more about yourself, Isabel," ani Catalina habang nakain kami ng dinner. She's so pretty, para siyang girl version ni Carlos.
"Oh, I'm a tutor," nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yon kaya naman bigla akong naguluhan.
"Can you teach me too?" tanong niya kaya naman natawa ako. Kinacareer ko na ang pakikipaglandian sa kuya niya at ayokong career-in din ang pagiging tutor kuno.
"Cat," Carlos warned kaya naman napairap si Catalina at saka nagpatuloy sa pagkain.
"Kailan ka pala babalik sa Pangasinan, kuya?" tanong ni Catalina dahilan para bumukas ang dalawa kong tainga.
"Please bring Isabel ha if uuwi ka," ani pa niya kaya naman natawa ako at napalingon kay Carlos.
"I will show you my collection!" sabi niya at saka umirit pa. Napatango na lamang ako samantalang si Carlos ay umiiling sa akin nang mapalingon akong muli sa kanya.
"Catalina is a great kid," ani ko nang nasa sasakyan na kami ni Carlos. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ito hinalikan kayanaman napangiti ako.
"She's a spoiled brat," sarkastikong sabi ni Carlos na ngayon ay nakatingin sa daan.
"But, will you come with me to Pangasinan?" dugtong niya na siyang ikinagulat ko.
"I-uh. Depende siguro," ani ko at pilit na tumawa. Kung pupunta ako sa Pangasinan mas malalaman ko lahat ng baho niya pero my part sa akin na ayaw.
Hindi ko alam pero parang ayokong malaman kung sino talaga siya.
Piniprint ko ang mg pictures na nakuha ko sa kwarto ni Carlos nang biglang dumating si Bemedict sa opisina namin.
Agad akong tumalikod para hindi siya makita pero agad naman siyang nagparinig.
"Isabel, kamusta makipaglandian sa corrupt? Binibilhan ka na ba ng Chanel bags?" giit niya sabay tawa. Lumingon ako sa kanya bitbit ang mga printed pictures at saka siya sinamaan ng tingin.
Binato ko sa kanya ang mga litrato kaya nagulat siya at napatingin sa akin.
"What the—"
"Hindi ako nakikipaglandian kay Carlos dahil hindi ko siya gusto. Ayan na ang mga hinihingi mo, saksak mo sa baga mo. Leche," ani ko at saka umalis.
Bwiset na lalaking 'yon, ang aga-aga panira ng araw. Pumunta ako sa kitchen ng opisina namin at saka kumuha ng green tea at nagpainit ng tubig.
Maya-maya pa ay naramdaman kong nasa tabi ko na sa Benedict kaya naman napairap na lang ako.
"Alam kong hindi pa 'yam sapat para mapabagsak siya, huwag kang mag-alala marami pa kong—"
"Sorry for being a jerk," putol niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Nag-aalala lang ako para sa' yo," giit pa niya. Naglakad ako papunta sa lamesa at sumunod naman siya.
"Sorry," sabi pa niya kaya naman tumingin ako sa kanya at saka tumango.
"Let me make it up to you," ani niya kaya naman napakunot ako ng noo.
"Sumama ka sa'kin mamaya, may pupuntahan tayo," nakangiting sabi niya pero nilampasan ko lang siya.
Hindi ako pwede mamaya dahil papunta kaming Luneta ni Carlos.
Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang powerbank ko pero hinfi ko talaga makita. Fuck, low batt na ako.
Papalabas na ako ng building namin nang bigla akong hilahin ni Benedict. Nagulat ako dahil bigla-bigla niya akong hinigit. What the hell is wrong with him.
"Teka, ano ba!" sigaw ko kaya napatigil siya. Agad ko naman hinigit ang kamay ko pabalik at sinamaan siya ng tingin.
"Sabi ko di'ba babawi ako," ani niya kaya naman napairap ako. Hindi ko kailangan ng pagbawi niya, ang kailangan ko ay powerbank.
"Okay na nga di' ba?" sabi ko at akmang aalis na nang pigilan niya ako. Napasinghal naman ako at hinarap siya.
"Please, kahit ngayon lang," he pleaded. Napairap akong muli at saka tumango na lang. Agad namang umangat ang mga labi niya at saka ako hinawal sa kamay at sumakay sa bus na katitigil lamang sa harap namin.
Paulit-ulit akong nagtanong kay Benedict kung saan kami pupunta pero hindi naman niya ako sinagot nang maayos at puro 'basta' ang sinabi niya.
Halos isang oras din ang biyahe namin at alas otso na ng gabi nang makarating kami sa sinasabi niyang 'basta'.
Pagkababa ko ng bus ay bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Tumingin ako sa paligid at napalingon muli kay Benedict na ngayon ay ngiting ngiti.
Nalaglag ang panga ko nang makumpirma kung nasaan nga kami nang mabasa ko ang sign sa isang jeep na dumaan.
Nasa Tagaytay kami.
"It's been a very tough time so naisip kong we need to relax," hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero agad ko na lang siyang niyakap sa tuwa.
I was so stressed these past few months and I really need this. Hinila niya ako papunta sa nasa taat lang naming mall at pumasok doon. Para bang saulong-saulo niya na ang lugar na 'to.
Hinila niya ako papunta sa dulo ng mall at lumabas kami doon. Nagulat ako nang makitang may malawak na landscape garden doon. Napatingin ako sa kanya nang ngiting-ngiti kaya naman napangiti rin siya.
"Thank you," ani ko habang nakaupo kami sa isang bench dito. Ang lakas din ng hangin kaya nililipad ang buhok ko.
"For what?" tanong niya na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. Napangiti ako dahil sa sobrang tuwa. Gumaan ang pakiramdam ko at para bang wala akong problema.
"For bringing me here, salamat," ani ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at saka iyon hinalikan. Nagulat ako dahil sa ginawa niya pero nginitian ko na lamang siya.
"Want to ride in a ferries wheel?" tanong niya na siyang nakapagpalaki sa mata ko. Agad akong tumango sa kanya kaya naman agad din siyang tumayo at saka ako muling hinila.
"Thank you, Benedict," ani ko habang nakasakay kami sa jeep. Ngumiti lamang siya at saka mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Oh! Are you serious?" natatawang tanong ko kay Benedict habang kumakain kami ng popcorn. Nasa Skyranch kami ngayon at papasakay pa lang sa ferries wheel.
"Totoo nga HAHAHA," tawang tawa niyang sagot dahilan para mas matawa pa ako. I never laughed this hard in my entire life!
"So, let's go?" tanong ni Benedict nang nasa tapat na kami ng ferries wheel. Tumango ako kaagad kaya naman iniabot niya sa akin ang kamay niya at agad ko namang tinanggap 'yon.
"Look there's Taal," ani Benedict na ngayon ay nakaturo sa labas. Agad naman akong lumingon at nakitang napakaganda ngayon ng Taal dahil full moon at nagrereflect sa tubig ang ilaw dahilan para makita ito.
"She's so beautiful," ani ko at napalingon kay Benedict na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"Just like you," ani niya at saka hinawakan ang pisngi ko at mas inilapit pa ang kanyang mukha. Nang mas lumalapit pa ang mukha niya ay agad akong natauhan dahilan para maitulak ko siya.
What was that? Oh, God! We were about to kiss! Anong iniisip ko?! Geez!
"Sorry," ani niya habang nasa bus kami pabalik sa Metro. Nginitian ko lang siya at saka sumiksik sa gilid ng bintana para magkaroon ng space sa pagitan namin.
That was really awkward! He was my friend and hanggang doon lang 'yon. Ayokong isipin niya na may gusto ako sa kanya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ko naramdaman ang pagod. Naalimpungatan ako nang bigla akong tapikin ni Benedict.
"Nandito na tayo," ani Benedict kaya naman kinusot ko ang mga mata ko at sumunod sa kanya sa pagbaba.
"Sorry kanina. I didn't mean to—"
"No," sabi ko habang umiiling. "It's okay."
"Thank you for tonight, I had fun."sabi ko bago pinara ang paparating na taxi at ngumiti muna kay Benedict bago ako sumakay.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang mag aalas dos na pala ng madaling araw. Nang makarating ako sa apartment ko ay nagmamadali akong pumasok sa gate dahil gusto ko nang matulog.
Pero nabigla ako nang makita si Carlos sa dilim sa likod ng sasakyan niya.
"Carlos," ani ko. Nawala ang pagkaantok ko nang makita siyang seryosong nakatingin sa akin.
Naalala kong dapat pala ay pupunta kaming dalwa ngayon sa Luneta para magpakain ng mga bata kaya agad akong napahawak sa noo ko.
"I am sorry, nalowbatt ako kaya hindi kita natext," ani ko. Nakita ko namang tumango siya.
"I am really—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong talikuran at pumasok sa sasakyan niya.
Pinaandar niya ang makina nito kaya naman agad akong tumabi. Pinanood ko siya habang nilabas niya ang kanyang sasakyan at tuluyang umalis.
What the fuck, Isabel.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a