Beranda / Semua / Her Whimpers / Ikalabing-apat na Kabanata

Share

Ikalabing-apat na Kabanata

last update Tanggal publikasi: 2020-09-24 14:30:27

Kabanata 14

"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.

Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.

"I'm a tutor po," magalang kong sagot. I wiped my lips using the napkin in my lap.

"Oh, that's nice," sabi naman ni Mrs. Fuentes. Naramdaman kong hinawakan ni Carlos ang kamay ko sa ilalim ng lamesa kaya naman napalingon ako sa kanya.

Tuloy pa rin siya sa pagkain at hindi ako tinitingnan kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa iba pa naming mga kasama sa lamesa.

Mabilis na natapos ang hapunan at ako naman ay hinila ni Carlos papunta sa garden nila. Ang laki ng bahay nila at mas malawak naman ang garden nila.

Umupo kami sa isang duyan sa tapat ng pool nila. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang siya naman ay pinaglalaruan lang ang mga daliri ko.

Ayokong matapos ang gabing ito at sana palagi na lamang kaming ganito.

"What are you thinking?" tanong niya kaya naman tumingin ako sa kanya at umiling. Napapikit naman ako nang marahan niyang hagkan ang noo. I'm starting to love this feeling. 

"May pupuntahan tayo bukas," sabi niya kaya naman tumango ako. Ilang oras pa kaming nanatili sa ganong posisyon hanggang sa makaramdam na ako ng antok. 

Nagyaya naman si Carlos na umakyat na kami para makatulog na. 

"I badly want to sleep beside you," he said with his low voice. Natawa naman ako sa kanya at saka siya inirapan. 

Biglaniyang hinapit ang baywang ko dahilan para mapalapit ako sa sobra sa kanya. Napakabilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. 

He slowly tilted his head and closed his eyes. Ginaya ko naman siya at hindi pa nagtagal ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko. 

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso ko kaya naman agad kong pinutol ang halik at tumingin sa kanya na ngayon ay halatang gulat na gulat. 

Napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay damang dama ko ang puso kong halos sumabog na. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya saakin kaya naman inirapan ko siyang muli. 

I entered my room and damn, wag na wag kang makikipaghalikan kung may hika ka. 

Kinabukasan, maaga akong nagising at agad naligo. Habang nag-aayos ako ay biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman agad ko itong binuksan at nakita si Carlos na ngayon ay bihis na bihis. 

"You're done?" tanong niya kaya naman napangisi ako at umiling. Agad kong sinara ang pinto at mabilis na nag-ayos. 

Pagkabukas ko ulit ng pinto ay nandoon pa rin si Carlos. Agad naman niya akong hinawakan sa aking baywang nang makalabas ako at inaya pababa. 

May nakaabang na SUV sa front door nila. Agad kaming sumakay ni Carlos doon. Napansin ko ring may mga nakapaligid sa aming apat na iba pang mga sasakyan. His security is no joke hmm. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at hinalikan ang likod ng kamay ko. 

"You’ll see, baby," ani niya kaya naman tumango na lamang ako. 

Mahaba-habang biyahe ang tinahak namin hanggang sa makarating kami sa isang liblib na barrio. 

Napatingin naman ako kay Carlos at kinunot ang noo para magtanong kung nasaan kami. Nginitian niya lang ako saka siya lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pinto. 

"Magandang umaga, Gov!" ani ng isang ale nang makasalubong kaming dalawa ni Carlos. 

Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin dahil sa pagkakahawak ni Carlos sa kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. 

Buti na lamang at may suot akong cap at hindi nila gaanong makita ang mukha ko. 

Nang makapasok kami sa loob ng gym ay agad nakipagkamay si Carlos sa mga mamamayan. Napairap ako sa isip ko dahil sa sobrang kaplastic-an ng corrupt na opisyal na ito and I can't believe that I am with him. 

Sa bandang kaliwa ng gym ay nakita kong may mahahabang lamesa na may mga nakapatong na malalaking kaldero. Sinabitan si Carlos ng mga bulaklak sa leeg bago kami tuluyang makapunta sa harapan. 

"Magandang umaga, mga kabarangay!" masiglang sabi ng Barangay Captain na ngayon ay nakatayo sa stage. 

"Nais i-welcome ang ating butihing gobernador, Governor Carlos Fuentes!" giit pa niya. Tumayo naman si Carlos at saka lumaway sa mga mamamayang nasa likuran namin. 

Naglakad si Carlos paakyat sa stage saka ibinigay sa kanya ng Barangay Captain ang mic. Tumingin muna siya sa akin kaya naman napatingin din sa akin ang iba pang mga tao. 

Agad niyang iniwas ang tingin niya at saka nagsimulang magsalita. Katabi ko ngayon ang ilang mga barangay officials at rinig na rinig ko ng mga usapan nila lalo na ang mga tao sa likod ko. 

"'Yan ba ang bagong nobya ni Governor?" 

"Baka nabuntis niya lang." 

"Bumaba ata ang standards ni Gov." 

"Maputi lang pero hindi naman maganda." 

"Mas maganda pa rin si Mayor Filomena." 

Lumingon ako sa likuran ko dahilan para tumigil sila sa pagtsitsismis. Ibinaba ko ang suot kong shades at saka sila tiningnan nang masama. 

How dare them to gossip me? And what the heck? I am beautiful. And whoever that Filemona girl, wala akong pakialam. 

Hinubad ko ang shades ko at ang cap ko dahilan para bumagsak ang buhok ko. Lumingon akong ulit sa kanila at nakitang gulat na gulat sila nang makita ang itsura ko. 

I told you, I'm beautiful. 

Ngumiwi ako sa kanila at saka umirap. Humarap ako kay Carlos na ngayon ay patapos na ang speech. Agad naman akong pumalakpak nang magpasalamat na siya. 

Nang makabalik sa upuan si Carlos ay agad niya akong hinalikan sa noo kaya naman napalingon akong muli sa likuran ko at tinaasan sila ng kilay. Now, who's ugly, bitches? 

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang Feeding Program at isa ako sa mga nagbibigay sa mga bata ng lugaw. Nakakatuwang makita na sa simpleng bagay na ito ay sumasaya na sila. 

Sa kabilang side ng gym ay may nagbibigay naman ng mga school supplies dahil malapit ng magsimula ang klase. Pinapanood ko lang ang mga bata na ngayon ay sobrang sasaya dahil sa munting regalo na ito. 

Sana lang talaga, makuha nila ang mga bagay na nararapat mapasakanila at hindi ito angkinin ng mga mapang-abusong buwaya ng pamahalaan. 

"Are you having fun?" nagulat ako nang biglang yumakap sa akin mula sa likuran si Carlos. Tumingin naman ako sa kanya at nakangiting tumango. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi ko at tumakbo papunta sa kabilang side ng gym para asikasuhin ang iba pang mga bata. 

"Hija, nobya ka ba ni Governor?" tanong ng isang matandang ale sa gilid ko. Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano kami. Well, we kissed pero hindi naman 'yon ang patunay na kami na. And he never courted me. 

Ngumiti na lamang ako kay Lola at muling tumingin kay Carlos na ngayon ay nakikipaglaro sa mga bata. 

"Mabait na bata 'yang si Carlos. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit siya nasangkot sa korapsyon," sabi pa ni Lola kaya nakuha niyang muli ang atensyon ko. 

"Pero naniniwala ako na napagbintangan lang siya at hindi totoo ang mga bali-balitang iyon," dugtong niya. Oh, I will prove that he is really a corrupt official, Lola. 

"Alagaan mo si Carlos, hija," sabi ni Lola. Tinapik niya pa ang balikat ko bagp ako tuluyang iwan. 

Napalingon ako kay Carlos at nakitang nakatingin siya sa akin kaya naman agad akong ngumiti sa kanya. 

At sa mga oras na 'yon, napaisip ako. What if inosente naman talaga siya? 







Itutuloy...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Her Whimpers   Ikalabinlimang Kabanata

    Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran

  • Her Whimpers   Ikalabing-apat na Kabanata

    Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.

  • Her Whimpers   Ikalabintatlong Kabanata

    Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa

  • Her Whimpers   Ikalabindalawang Kabanata

    Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi

  • Her Whimpers   Ikalabin-isang Kabanata

    Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.

  • Her Whimpers   Ikasampung Kabanata

    Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status