LOGIN"PO? What do you mean?"
Sumenyas yung doktor na kumalma kami, "Apparently, hindi naman sa nabali pero ganoon nalang din, she can't move it like the way we used to, namali ang pagkabagsak niya that resulted na yung siko ang tumama. So technically, lalagyan namin ang cast until gumaling na ulit."
Medyo nakahinga kami ng maluwag doon sa sinabi ni Doc, "Sige po, salamat po." sagot ni Iel at iniwan na kami ng doktor.
Paupo na sana kami nang sabay na dumating si Mom at Tita kaya nanatili na kaming nakatayo, "Where's my daughter?"
"Tita, kalma po muna kayo, Aly's fine." sabi agad ni Iel.
Pinaliwanag ni Iel lahat sa kanila, nang matapos ay nag-antay nalang kami, siguro inabot kami ng ilang oras bago lumabas si Aly.
Sinalubong siya nila Mom, hindi na namin narinig ang pinag uusapan nila medyo malayo sila sa amin, sunod ay umalis sina Mom at lumapit naman si Aly sa amin.
"Ayos ka na?" tanong ni Margaret.
"I guess so," mahinang sagot ni Aly at nag iwas ng tingin sa akin.
"Bakit ba kasi nangyayari sayo ito? Sino naman may kapal ng mukha na gumawa noon?" tanong ni Jasper.
"Who knows, but I might find it out soon," sagot nalang nito.
Sabay-sabay nalang kami bumuntong-hininga at hinintay na makabalik sila Mom, hinatid na muna nila kami sa school at umuwi kasabay si Aly para makapag pahinga.
Pagkarating namin sa tapat ng classroom ay kumatok muna si Iel sabay pihit at tuluyan nang binuksan ang pinto, wala naman silang ginagawa pero nandoon ang adviser namin.
"You're all back, pasok na muna kayo," sabi ni Ma'am kaya naman pumasok na kami at naupo sa sari-sariling upuan.
"Nasaan si Aly?" tanong ni Gino.
"Sinabay nila Mo- I mean, nila Ms. Kim pauwi, she's fine, but her arm was casted." sagot ko.
"Makakapasok ba siya bukas?" umaasang tanong ni Ma'am, nagkatinginan naman kami nila Iel.
"Hindi po... namin alam." mabagal na sagot ni Iel at napabuntong-hininga naman si Ma'am.
May tinanong pa si Ma'am pero hinayaan ko na sila Iel na sumagot noon, nakatingin lang ako sa cellphone ko, nag-aantay ng text o tawag, o kaya naman nagdadalawang-isip kung tatawagan ba o ite-text.
"Paano yung trabaho niya kung ganoon?" tanong pa ni Ma'am.
"Sabi niya po naka leave siya sa work for a week." sagot ko at napatango naman si Ma'am.
Natigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto, agad naman lumapit si Ma'am at binuksan iyon, si Dean, ngumiti siya sa amin at humakbang papasok pero sa may pinto lang.
"Good afternoon, Genesis, I'm so sorry for the inconvenience, so Aly won't be able to attend her classes tomorrow because of her arm, although left naman ang na-damage, she can't handle. I understand if you're all worry but I'm hoping to all of you to cheer her up the day after, are we clear?"
"Yes, Dean." sagot namin, tumango naman si Dean at nagpaalam na.
"And yeah, she's absent, kaya review for Science, we will have a group game, girls versus boys." kibit-balikat ni Ma'am, umangal naman kami.
"Ma'am! Lugi! Kahit wala si Aly ang daming matalino sa girls!" angal ni Aljoe.
"Hoy! Ang sabihin niyo, hindi lang kayo nakikinig! Tapos kapag may laban, magrereklamo, ano ka ngayon?" backfire ni Iel.
"Ohhh~ panis ka pala eh!" sabi namin.
"Eh kahit pa! Sa amin tatatlo lang may alam!" defend uli ni Aljoe.
"Try mo rin kasi magbasa at ipasok sa utak mo yung binabasa o yung lesson, hindi pasok sa kanan, labas sa kaliwa." atake ni Isabel, nag-make face nalang si Aljoe kaya natawa kami.
"Enough," natatawang pigil ni Ma'am. "...Isabel's right, sa iba diyan, alam niyo na. Kung alam niyo naman na madami palang matalino sa girls, go and review at home, huwag kayo umasa sa classmate niyo, huwag pa-dumbell, Genesis."
"Yan! Sino ba mga pabigat at pabuhat diyan?" parinig ni Basty, mag-kani-kaniyang turuan kami at nagtawanan.
Natigil ako nang biglang mag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong inilabas at binasa kung sino ang nag text.
From: Aly - Carter
Hey, sorry if I haven't sent you a message :( It's hard to type by using only one hand, but I'm fine. I heard Genesis has group game tomorrow, review hard :) don't worry about me, I'm fine, I'll take a rest tomorrow, see you on the next day, love you hon <3.
Kapag nag-text si Aly sa akin, asahan mong laging maayos ang typings, walang shortcuts o kung ano man na makikita sa typings niya.
To: Aly - Carter
Alright, I will :) get well soon hon, Genesis' is worried about you, we miss our GSHEU Princess already :( See you the next day, love you.
In-off ko na ang cellphone ko dahil alam kong hindi na magrereply si Aly, pagka-angat ko ng ulo ko ay lahat sila nakatingin sa akin na akala mo ay ay ginawa kang masama.
"What?" tanong ko at bigla silang nagtawanan.
"Sana all!" sigaw nila at napa-facepalm naman ako, nababaliw na ang mga kaklase ko.
Hindi na nag exchange subject nitong hapon kaya naman nag decide si Ma'am na maglaro nalang kami ng badminton sa may court na agad naman naming sinunod.
Nagpalit lang muna kami at doon nagpunta sa court, pati si Ma'am ay nakisali sa amin,malawak naman ang court kaya halos lahat nakapag laro, may iba kasing nasa may benches lang at nanonood.
"Lah si Ma'am, laging nagda-drop." reklamo ni Aljoe, kampi kami tapos kalaban namin si Ma'am at Iel.
"Aba natural, eh di hindi kami naka-score kung puro palobo." sagot ni Ma'am at nag serve.
Nagtuloy-tuloy ang rally, sinusubukan kong lakasan ang paghampas ko para maka score kami kaso nasasalo lagi ni Ma'am, sa may likod kasi nakabantay si Iel.
Hindi ko inaasahan na biglang magi-smash si Ma'am kaya imbes na tuloy ang laro, naka score sila at nanalo pa.
"Lugi Ma'am, masyado kang magaling," sabi ko at napakamot sa ulo.
"Well," kibit-balikat ni Ma'am at natawa nalang ako.
Nagpahinga ako sa bench habang nanonood, nilabas ko ang cellphone ko at vinideo silang naglalaro sabay sinend ko sa messenger ni Aly, akala ko natutulog siya pero biglang nag-seen.
Hon✨
: Sana all :)
Naglaro kami with Ma'am :
: Ma'am is good at playing badminton,
but I always win against her.
Sana nandito ka rin. :
: Kapag nandyan ako hindi kayo
makakapaglaro, discussion lang.
Okay, you win. :
: HAHAHA, sige na, enjoy ;)
Napapailing akong nag offline at pinatay ang cellphone, tumayo ako at muling nakipaglaro, this time, 1v1 kami ni Charles, magaling ang loko.
"Kalma ka lang, smash ng smash eh." sabi ko at umiling naman siya.
"Galingan mo kasi," nakangisi niyang sabi, napairap naman ako.
"Yabang," natatawa kong sabi at sumenyas naman siya na i-serve ko na ang bola.
Sa huli, nagpatalo nalang din si Charles, saktong nag bell nang matapos kaming naglaro, patakbo kaming nagpunta sa locker's area at kinuha ang kani-kaniyang gamit.
Pagkapasok sa room ay nag-aayos nalang ng sarili ang girls, humingi ako ng pulbo kay Gino at naglagay sa mukha ko, sabay kuha ng pabango sa bag at nag spray sa sarili.
"Tristan, pabato ng towel!" senyas ko at inabot niya naman ang tuwalya sabay pashoot na ibinato sa akin na nasalo ko naman.
"Hoy, lock niyo classroom!" utos ni Margaret at sabay-sabay na kaming lumabas ng room.
"Bili tayo kwek-kwek, nakakamiss." sabi ni Josh.
"Tara-tara, KKB ah?" paalala ni Iel at tinakbo na namin papunta sa may park.
Doon kami bumili sa suki namin ni Aly, "Oh, Iah, asaan si Aly?" tanong ni Manong.
Kumagat muna ako sa kwek-kwek at uminom ng palamig bago sumagot sa kaniya, "Naku, manong, nauna na pong umuwi, nadali yung siko nang madulas sa may hallway kanina."
"Oh, ayos na ba siya?" nag-aalalang tanong niya habang hinahalo ang pagkain sa kawali.
"Ayos naman po, nagpapahinga na po siya, bukas nga po ay absent para makapagpahinga pa." pagkuwento ko at napatango naman siya.
"Aba, eh kung ganoon, sino naman kaya ang gumagawa sa kaniya noon?" napapaisip na tanong ni Manong.
Ishinoot ko naman ang baso sa may plastic sa tabi ng stall ni Manong, "Yun nga rin po ang nasa isip namin, kung sino po ang may lakas ng loob na gawin kay Aly yun, pero kahit po CCTV ay hindi masabi kung sino."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako hindi sa sinabi ko, masyado naman sigurong malinis kumilos ang demonyong gumagawa noon.
"Oy, Kuya, tara, bumisita si Zari." tawag ni Iel kaya naman nagpaalam na ako.
"Asaan daw siya?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Sa may picnic area daw ng school, kasama niya daw si Lea eh." sagot ni Margaret.
They were our former schoolmates na lumipat na ngayon ng school, ngayon lang sila nagka-time bumisita. Of course, nang magkita ay nakipag batian at nakipag usap.
Pagkauwi sa bahay ay magdamag akong nakatutok sa libro, nagbabasa, baka sakaling may mai-ambag bukas sa group game bukas, chance na namin manalo kapag nagkataon.
"Hoy, Kuya, busy ka ba? May minessage si Ma'am Valdes sa GC, hindi ka nanaman nagbabasa." boses ni Iel sa may labas ng kwarto ko.
"Oo, titignan ko na," sagot ko at kinuha ang cellphone ko sabay open ng GC.
~ Genesis Familia ~
Ma'am Valdes:
I have something to say tomorrow,
same time, TLE subject.
Nag-like nalang ako sa mismong message at bumalik sa pagbabasa, wala naman akong pake, actually, kami, basta enjoy lang kaming lahat at dinadaan sa tawa kapag may nagawang mali.
Kinabukasan, sakto lang ang pagpasok namin ni Iel, siguro alam ko lang na hindi papasok si Aly kaya naman hindi na ako nag-abalang pumasok ng maaga.
"Ano nanaman yung sasabihin ni Valdesor?" natatawang tanong ni Basty.
"Bastos neto," sabi ni Iel at kinurot sa tagilirian si Basty.
"Tsk, lahat naman tayo,"
"Ewan ko, anong klaseng
pasabog naman yon? Alam niyo naman yung teacher na yun, kung ano ginawa, final na, kahit si Aly mismo ay hindi rin alam kung paano iha-handle yun eh." inis na sabi ni Margaret at umupo sa upuan ni Aly."What do you mean?" tanong ko.
Bumuntong-hininga si Margaret, "Kumikilos or nagde-decide siya without letting the Admins know."
Sabay-sabay kaming nagulat sa sinabi ni Marga, eh kung ganoon, bakit nandito pa yun? Dapat pinapatalsik na yun, nababagay lang na mawalan ng trabaho.
May pinagmanahan ang estudyante niya, adviser kasi siya ng last section or ng section III ngayong grade seven kami, kaya ayun, siguro nakuha ang ugali ng mga estudyante.
Wala namang nangyari ngayong araw, natural lang, sa group game ay olats kami, lamang ng isang puntos yung girls kaya natalo kami.
Parang inaabangan lang namin ang TLE time para malaman kung ano yung sasabihin ng magaling naming teacher, at nang dumating ay parang wala kaming pakielam sa kaniya.
"So Genesis, I believe you all know that I have something to say." panimula niya nang mailapag ang mga libro sa table.
Nagtaas ng kamay si Usher kaya tinawag niya, "Alam po ba ng Admins yan?" tanong niya at palihim naman kaming napangisi.
"I haven't told them yet, mamaya pa, it's not that important kaya hindi ko na sinabi muna." sagot ni Ma'am at pasimple kaming nagsulyapan.
"I won't be surprised if one day you'll get fired," biglang sabi ni Gino at kitang-kita namin ang pagpapalit ng ekspresyon ni Ma'am, from seryoso to galit.
"Excuse me, Ms. Tanza? That's disrespectful, do you want to go out?" striktong tanong ni Ma'am.
"I'm stating facts, my apologies kung natamaan ka Ms. Valdes."
sagot nito at mahina kaming natawa."Whatever," irap ni Ma'am at may kumatok sa may pinto. "...Okay class, meet your new transfer student, Hannah Mae, she's from the last section and now transferred here in Genesis because she's smart and her skills are advanced. Welcome her."
Sabay-sabay kaming nagulat at hindi agad naka-angal sa sinabi ni Ma'am, may pumasok na babae at ngumiti siya sa amin, siya yung babaeng nakabangga ko noon.
"Hi, Genesis, I'm Hannah Mae, I hope we can all be friends, thanks."
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang