LOGINMAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan.
"Good morning!"
Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay, "Morning!" bati namin pabalik.
Lumapit siya sa akin at tinignan ang mukha ko, "Bakit ang seryoso mo? Kung about sa kahapon, hayaan mo na."
"Hindi, ayos lang ako, umupo ka na." pilit na ngiting sagot ko, nagkibit-balikat naman siya at naupo nalang din sa upuan niya.
Tumayo ako at sumandal sa likod ng upuan ni Aly, "Oh? Antok na antok ka pa ah." pansin ni Margaret.
"Nagpuyat lang," sabi ko.
Napuyat lang naman kakaisip, niyaya pa ako nila Usher na mag COD pero tinatamad ako maglaro, kaya naman nila kalabanin sina Charles.
Napalingon ako nang bumukas ang pinto at walang emosyon na pumasok si Aly, humarap ako at napatigil naman siya sa may harap mismo ng upuan niya.
"What the hell are you staring at?" inis niyang bulong.
Nag-init bigla ang ulo ko at sinampal ko siya, walang bakas na gulat sa mukha niya, napasinghap ang mga kaklase namin sa nasaksihan.
Tinignan niya ako na parang walang nangyari, "Anong ginawa ko sayo at bakit mo ako sinampal?" diretso niyang tanong.
"Isn't I should be asking that? What the hell is wrong with you?!" inis kong tanong.
"I didn't do anything to make you act like that, Iah, it's you, not me." malumanay na sagot niya.
"Oh come on Aly, stop pretending!" iling ko.
"Ako pa? Ako ba talaga? As far as I can remember, wala akong ginagawang masama sayo for you to act like that! Now tell me! What have I done?!" naiiling na sabi niya.
Inis akong bumuntong-hininga at sinamaan siya ng tingin, "Fine, let me ask you, bakit mo sinampal si Hannah sa CR ng girls kahapon?"
Tinignan niya ako as if hindi siya makapaniwala at lumingon sa likod, sabay balik ng tingin sa akin, "Huh, so it's me who slapped her? or baka naman nabaliktad nanaman ang mundo, you know me Iah, I'm a honest person, baka siya ang sumampal sa akin!"
"Pwede ba?! Huwag kang mag-maang-maangan! Si Hannah na mismo nagsabi sa akin na sinampal mo siya!" sigaw ko, she clicked her tongue then released a sigh.
Everyone's attention is on us kaya tahimik ang classroom, mabuti nalang at nakasara ang pinto kaya hindi rinig sa labas.
"Does she even have proof na ako mismo ang sumampal sa kaniya?" tanong ni Aly at bahagya naman akong natahimik. "...None, so don't dare to accuse me ng ganiyan lang, kung ganito lang naman matatanggap ko sayo sana hindi na ako pumasok."
Ngumisi ako nang tumalikod siya,"Why are you leaving? You're guilty?"
Tumigil siya at bahagya akong nilingon, may kinuha siya sa sling bag niya at binato iyon sa may desk at tumalbog kaya naman napunta sa sahig, sinundan ko ng tingin at nakitang singsing iyon.
"Pakitapon, trust ring, wala na. And I'm not guilty, it's just useless if I'm going to argue with your nonsense words." saad niya, pero bago niya pa buksan ang pinto ay mabilis akong nakalapit at hinatak siya.
"Aly!" sigaw nila Tristan at mabilis na hiniwalay ako kay Aly.
Sinamaan ako ng tingin ni Aly kahit bakas na nasasaktan siya, "Sinampal mo na nga ako, pati ba naman yung braso ko? Gawin mo munang magtanong bago ka magsabi na ginawa ko ang isang bagay. Tsk. Gusto mo malaman? Fine, I will tell you, kahit sobrang sakit ng bali ko ay sasabihin ko. Sinampal lang naman ako ng Hannah na iyan sa CR kahapon, I won't elaborate what she said because nonsense lang naman. I was embarrassed in front of my grandparents yesterday, as well, nung family dinner because they were expecting that you would come, but hell no, you didn't, that was a fucking embarrassment that ever happened in my life."
Natahimik ako sa sinabi niya, nagulat, oo, hindi ko alam na nandoon ang lolo at lola niya sa family dinner kaya naman tumanggi ako, pero dahil alam kong simple lang naman, sumama nalang ako sa pagpunta sa mall.
"You're so selfish," sabat ni Hannah. "...Sarili mo lang iniisip mo! Paano naman ang mga gusto ni Iah kung sunud-sunuran lang siya sayo? Wala diba?"
"You know 'nothing' so you better shut your mouth,"
"Ikaw nagpatanggal kay Ms. Valdes? Bakit? Dahil inilipat niya si Hannah dito?" tanong ko. "...Hannah was right, though, you were selfish, we didn't let any student enter this section, that's unfair."
Tinignan niya ako, yung tipong sinasabi niya na alam naman namin ang dahilan bakit pa nagtatanong.
Umiling siya at ngumiti, "Diyan naman kayo magaling, kung maka-confront akala niyo alam ang buong dahilan. I was expecting you to say sorry but I was wrong, sorry for my mistakes, from now on I won't join your class, minsan nalang ako pupunta. Have a blessed day everyone, I apologize for the scene."
"W-we understand, Ms. Park." sagot ni Basty, tumango naman si Aly at ngumiti sabay lumabas kasunod yung tatlo.
Biglang pumasok si Ma'am kaya naman napaayos kami at agad na naupo ng maayos sa upuan,"Nakasalubong ko si Ms. Park, what happened? Sabi ni Charles sumakit daw yung braso niya."
Walang sumagot kay Ma'am kahit isa kaya naman napabuntong-hininga siya at tumalikod na para magsimula magturo.
In announce yung groups and such at nanibago ako dahil ibang iba sa dati naming grupo na ginagamit.
Halos buong araw ay kasama namin si Hannah, masaya naman siyang kasama, minsan ay lumalapit si Aly pag may sasabihin sa akin at tumatanggi naman ako dahil may nakaplano na.
Halos araw-araw ay ganoon ang ginagawa at nangyayari na eksena kaya halos nasanay nalang din ako, totoo rin ang sinabi niya na hindi na siya aattend ng klase pero kapag may quiz, long test, at exams, ay perfect niya.
Grade seven recognition, top one siya at kasunod niya si Amir, pangatlo sa ranking si Hannah, medyo nagtampo pa siya dahil ang target niya ay one talaga kaya naman sinabihan ko siya na galingan niya pa.
Eight grade at katulad lang din nung grade seven ay wala pa ring panibago, Aly would usually talk and ask me for some things at wala naman akong ginagawa kung hindi ang tumanggi dahil sunod-sunod ang plano namin nila Hannah.
"Ma'am! Si Aly?" tanong ni Daryll.
Oo, kami-kami pa rin ang magka-kaklase, mula noon hanggang ngayon ay walang pinagbago, maliban sa last year na dumating nalang bigla si Hannah sa section namin.
"I don't know, Daryll, hindi ko na siya nami-meet these past few days except nung meeting namin, she's always present kapag may meetings and SSC stuffs." paliwanag ni Ma'am.
Hindi na siya yung adviser namin pero teacher pa rin namin siya sa Science subject, mas close lang talaga kami sa kaniya, unlike last year, second morning subject na namin siya ngayon.
"May events po ba?" tanong naman ni Pia.
"Yes, of course, I guess that's the reason why busy si Aly, but I won't tell you, I'll let your adviser and Aly take care of it. Anyway, lesson na?"
Nag discuss si Ma'am, more on elements na kami ngayon, medyo mahirap pero kaya naman, madaming kung ano-ano, palibhasa magti-third grading.
Nag break time at tambay sa cafeteria, tamang usap lang, dahil wala namang magawa maliban sa kumain ng kumain.
Pagkabalik namin sa room, hindi namin inaasahan na si Sir Calvez ang papasok, he's our adviser, pinaayos niya kami kaya naman umayos na.
"Okay, so I borrowed your Math time just to discuss the upcoming events," sabi ni Sir at nagsulat sa board.
Pinakopya niya sa amin para daw hindi kami tanong ng tanong, nakakaistorbo daw kasi yung mga magulang na laging nagtatanong kahit nasabi naman sa mga anak.
"Sir! Ano po yung University Event?" tanong ni Hannah nang matapos magsulat si Sir.
Sakto namang pumasok si Aly na nakaayos, hindi siya naka uniform, hindi ko alam kung saan siya nanggaling dahil bihira na talaga kami mag usap.
"I'll let Ms. Park explain what does UE means." sabi ni Sir, ngumiti naman si Aly at tumingin sa phone.
Pinaliwanag niya lahat ng impormasyon about sa UE, walang labis walang kulang, lahat malinaw, "But since, UE nga, the other representative of the other universities will go here since this is the venue for the first time in GSHEU history."
"Ilan ang representatives?" tanong ni Basty.
"Two, opposite genders, but in JHS Department only, they excluded the EMT, SHS, and College." sagot ni Aly.
"May representatives naman na Ms. Park, right?" sabi ni Sir.
Tumango si Aly si ngumiti, "Yes, so there's nothing to worry about."
"Sino?" tanong ni Aljoe.
"I will." sagot nito.
"Tapos si Iah?" dagdag ni Gino, nang asar yung iba pero natigil nang umiling si Aly.
"Admins, staffs, including I apologized for not choosing him, I didn't decide or so about that, it's not Mr. Carter," napaka-pormal niya, talagang apilyedo ang ginagamit. "...He's a friend of mine and he's from the second section, and it's finalized already."
"Aww."
May sinabi pa silang kung ano-ano about sa ibang events pero hindi na ako nakinig doon, napaisip ako bigla kung bakit hindi ako ang pinili na maging partner ni Aly sa UE.
"So, anyway, that's the events all about, it was nice seeing you all again though. Well, I need to go, have a blessed day GSHEians." bahagyang siyang tumango at ngumiti sabay lumabas na.
University Event came at si Dominic pala ang partner niya, they both looked so closed to each other kaya naging kampante nalang din ako, hindi ko rin naman pinanood ng buo dahil nagyaya si Hannah na magmilktea.
Of course, if Aly would not show up inside the class, kadalasan ay sa hallway kami nagkikita, she would try to approach me and ask for permissions in such but naturally, I would always refuse her because I already had plans na hindi naman pwedeng bawiin.
That continued until we reached ninth grade, I don't know kung maaawa ako sa kaniya dahil hindi siya napapagod na gawin iyon kahit bakas na ang pagod sa katawan niya.
Recognition of eight grade and she was still first, Amir's always the second and obviously, Hannah's the third one, muntik na umiyak dahil hindi niya na nagawang taasan si Amir.
Nanibago ako ngayong grade nine na kami dahil bigla nalang tumigil si Aly sa pangungulit, nasanay kasi ako na halos oras-oras ay ayun ang ginagawa niya pero bigla nalang nawala.
"Congrats, may assignment kayo!" sabi ni Hannah at nag cheers kami ng juice, lunch time kasi at nandito kami sa cafeteria.
Hindi na rin gaanong sumasabay sa amin sina Charles, Tristan, at Jasper, kadalasan naman kapag naglalaro kami ay lagi kaming magkakalaban na noon ay hindi naman.
"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang." sabi ni Iel at uminom ng juice.
"Ganun talaga, mas mabilis pa sa break up niyo." banat ni Gino at binatukan naman siya ni Iel.
"Gaga ka, huwag ka manggulo ng lovelife na may lovelife. I'm happily single." natatawang sagot ni Iel.
"Tara na nga, Science na oh, excited na ako sa group work." yaya ni Margaret kaya naman tumayo na kami at bumalik sa classroom.
Naabutan namin silang nagbabatuhan ng papel, ganiyan na sila araw araw dahil wala ng nagsasaway, nagpupunta nalang kasi si Aly dito kapag may sasabihin o kaya naman kapag may pinabibigay.
"Okay class, listen up!" bungad ni Ma'am pagkapasok niya ng room.
"Madali lang ba iyan Ma'am?" tanong ni Charles.
"Para sayo oo, kagrupo mo si Ms. Park eh." natatawang sagot ni Ma'am at pumalakpak naman sa tuwa si Charles.
In-announce yung groups, hindi kami magkagrupo ni Hannah ngayon dahil group three siya at group five ako.
"Group five at the back, Iah, Jasper, Vienne..."
Nagkataon pa na nagkatabi kami ni Jasper kaya nakaramdam ako ng ilang, like what I said, hindi na kami nag-uusap at nagkakasama.
Natigil kami nang biglang pumasok si Aly na nakaayos na akala mo may lakad, bumati siya at naki upo sa grupo niya, bigla silang nagtawanan, ang laki ng pinagbago niya.
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang