LOGIN"MOM, I don't want to, si Nicole nalang."
"Minsan na lang tayo mag-mall, Aly Xanthé, ano pang inaano ano mo diyan?"
"Oh come on, Mom, ang dami ko ng dress ang such, all thanks sa mga ini-endorse ko, ano pang bibilhin ko?"
Palipat lipat ang paningin ko kay Mom tapos kay Aly, pinipilit kasi na bumili ng damit itong isa eh ayaw naman kaya ayan.
"Bakit ayaw mo atang bumili ngayon?" tanong ko nang tumalikod na si Mom.
"Ayokong
gumastos, not unless gusto ko talaga, ngayon alam mo na mangyayari kapag nagkatuluyantayong dalawa." ngisi niya at umirap. "...Whatever, let's go, samahan mo ako."Hinila niya ako palabas ng department store at dumiretso pumasok kami sa isang jewelry shop, wala naman ganoong tao, kaunti lang.
"Hi, Ma'am Aly," bati nung babae na mukhang naga-assist or what.
"Hi, Jen, we'll just look on something." nakangiting sagot ni Aly at may tinuro siya.
Tinignan ko iyon at sinubukan basahin ang nakasulat sa harap. Dalawang singsing iyon na nakalagay sa isang box tapos napapalibutan ng puting ribbon, simple lang.
Parehas may white na may pagka light pink yung bato na design, gold yung singsing at halos kumikinang pa, nang mabasa ang nakasulat doon ay ganoon nalang ang gulat ko.
"Ang ganda diba?" nakangiting tanong ni Aly at sinenyasan ang saleslady, kung ayun nga ang tawag doon.
JezAly - a ring to forever; eternal love
Ayan ang nakasulat doon, inabot nung babae kay Aly yung singsing at ipinasa sa akin, tinignan ko iyon na nakapatong sa palad ko. Sinenyasan ako ni Aly na isuot ko at medyo maluwag pa.
"Sa atin ito?" tanong ko sa kaniya, tumango naman siya.
"Sa kasal pa iyan," sagot ni Aly at ibinalik sa lalagyanan ang singsing.
Ibinalik ko rin at tinitigan nalang iyon, "Eh bakit..." hindi ko maituloy ang tanong ko.
"Si Lola nagpagawa
niyan, then dito muna hangga't hindi pa naman kasal, matagal-tagal pa na pag-aantay." paliwanag ni Aly.Nagpaalam rin kami pagkatapos at nagpunta sa ibang shops, may binili si Aly na panibagong phone case ng cellphone niya, clear lang iyon na ang design ay si Chimmy ng BT21.
Naglalakad lang ako nang hindi ko namalayan na wala na pala yung katabi ko, paglingon ko ay nandoon si Aly kausap si Jasper, may tinitignan ata silang dalawa.
Lumapit ako sa kanila, "Sigurado mo?" asar ni Jasper.
"Oo, pero sa susunod na," sagot ni Aly.
"Nandito ka pala," singit ko at sabay naman silang dalawa lumingon sa akin.
"Nagsimba kami ni Mama, sakto nagkita kami ni Aly," sagot ni Jasper, tumango naman ako.
"Una na kami, Jas, see you tomorrow nalang, ingat ka." paalam ni Aly at agad na rin kaming umalis.
Nagkita kami ni Iel at Ate Arielle sa may DQ, bumili kami ng ice cream, ako ang nanlibre dahil ako lang ang lalaki, nakakahiya naman kung sila pa manlibre.
"Nasa may labas na daw sila Mommy," sabi ni Iel kaya naman doon na kami dumiretso.
Pagkalabas namin ay sinalubong nila kami, "Well, mauuna na kami, may schedule pa si Aly Xanthé." nakangiting sabi ni Mom.
"Osya, paano ba iyan, bukas nalang ulit kayo magkita." sabi ni Dad.
Nagpaalam na kami sa isa't isa, hindi pa muna kami sumakay ni Aly sa sariling kotse, "I need to go, mali-late na ako."
"Ingat ka," sabi ko at ngumiti naman siya ng matamis.
"Of course I will," sagot niya at humalik sa pisnge ko. "...Bye hon, love you."
Sumakay na siya sa van nila at doon na umalis, ako naman ay sumakay na rin sa kotse, sa may shotgun seat tapos sila Iel sa may backseat.
"Sana all!" sabi ni Iel at pabirong tinulak ang braso ko.
"Manahimik ka diyan," saway ko at natawa naman sila.
"Oh Iah, magpunas ka ng pisnge mo," sabi ni Ate at binato ako ng tissue.
Tinignan ko yung mukha ko sa salamin at nagulat ako nang may bakas ng lipstick ni Aly doon, pinunasan ko naman agad, may pula pa pero hindi na gaanong kahalata.
"Mukhang madiin ah," asar ni Daddy.
"Daddy naman," sabi ko at tinawanan lang nila ako.
Hanggang makarating kami sa bahay ay inaasar pa rin nila ako, hinayaan ko nalang sila at dumiretso na sa kwarto ko, nag online nalang ako at nakipag chat sa tropa.
Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang biglang tumawag si Aly, agad ko namang sinagot iyon, facetime pala.
"You look... stressed, anyare?"
["Nothing, daming pinirmahan, puro endorse, haggard na ako, eh ikaw? What are you doing?"]
"Kakain sana sa baba kaso tumawag ka kaya hindi na natuloy."
["Ah, sige, kain ka muna, mamaya na ako tumawag, baka gutom ka na."]
"No, I mean, hindi, okay lang, pwede naman ako bumaba habang kausap ka."
["If you say so, then go."]
Sinalpak ko muna yung earphone sa cellphone at inilagay sa tainga ko bago bumaba, kaya habang kumakain ako ay kausap ko siya, may kinakain din siya kaya walang inggitan.
"Hi Aly!"
Sumingit si Iel, inabot ko naman sa kaniya yung isang earphone na agad niyang inilagay sa may tainga niya sabay naupo sa tabi ko since nasa kusina kaming dalawa.
["Hi, Iel."]
"Ano iyang kinakain mo?"
["Ah, eto? Mochi ito, may ice cream sa loob, something like that."]
"Korean food?"
["Yeah, gusto mo?"]
"Sige, subukan mo iabot sa screen baka makuha ko."
"Abnormal, bukas kasi, magdadala siya." binatukan ko si Iel at natawa naman si Aly ng mahina.
"Malay ko ba." irap niya.
["What? Yes or no? I'll bring one box then hati-hati nalang kayo."]
"Yes, syempre, sigurado mo na masarap iyan ha?"
["Kakain ba ako ng hindi masarap?"]
Boom barado.
Hindi nalang sumagot si Iel at iniba ang usapan, palihim akong natawa dahil wala talagang may kaya na makipag barahan kay Aly maliban kay Tristan, Charles, at Jasper.
Sa sobrang mapantrip ba naman nung tatlong iyon ay kaya na nila lahat gawin, mapa bara, asar, o kahit ano pa iyan, nahawa na rin si Aly.
["Daldal, dami niyong topic hahaha, sige na, bukas nalang, may gagawin pa ako."]
"Yung mochi ah?!"
["I know, no need to remind me."]
"Ingat ka, hon."
["I will, bye hon."]
Kumindat nalang siya at agad na pinatay ang tawag, nagpaalam naman na si Iel na pupunta na sa kwarto niya, nag text nalang si Aly na agad ko ding nireplayan.
Paakyat na sana ako nang maudlot, "Iah! Mag saing ka na!" sigaw ni Mommy.
Napabuga ako ng hangin at bumalik sa kusina para mag saing, nautusan pa nga. Sabagay, ayos na yung mag saing kaysa maghugas ng pinggan.
Hindi na rin ako naka akyat kasi kailangan bantayan yung sinaing, baka maging lugaw o kaya naman maging toasted ang kinalabasan noon kapag nagkataon na umakyat ako.
Bumaba si Ate para magluto ng ulam, nanood nalang ako TV tutal wala rin naman akong gagawin sa kwarto kaya dito nalang, tamang nood ng movie o kaya basketball.
Sa sobrang tutok ko sa panonood hindi ko namatalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa.
"Hoy! Kuya! Gising na! Kakain na!"
Nagising ako sa lakas ng boses ni Iel, agad akong bumangon at kusot-matang naupo sa lamesa para kumain, "Antok ka boi?" tanong ni Ate.
"Napagod lang ata ako," sagot ko at sumandok ng kanin.
"Kumain ka na at matulog ng maaga, may pasok pa kayo bukas, huwag na magpupuyat." sabi ni Mommy, tumango nalang ako at hindi na sumagot pa.
Nagpahinga lang ako saglit pagkatapos kumain at doon na naglinis ng sarili, binagsak ko sarili ko sa kama, hindi na akong nag abala pang i-text o i-chat si Aly dahil sure akong tulog na yun
~~~
"Puyat ka?"
Humikab ako at sumandal sa upuan ko, si Josh yung nagtanong at isang malupit na free time agad ang subject namin bago mag break time.
"Hindi naman, pakiramdam ko lang ay gusto ko pang matulog." sagot ko at saktong pumasok sila Aly na may hawak na starbucks. Sana all.
"Daya! Pahingi!" sigaw ni Charles, natawa naman si Aly at umiling.
Inabot niya yung isang box ng mochi kay Iel at yung isang cup sa akin, binigyan ko siya ng nagtatakang tingin, "Iced coffee iyan, kapapasok ko lang, free time naman kasi."
Uminom nalang ako at kumuha ng isa sa box, sabi nan ni Aly ay hati hati na kami kaya walang reklamo na mangyayati.
Nagising na ako dahil sa kape, nawala na ang antok ko kaya naman makikiburaot muna ako, kumakain nalang din kami, naging one-hour and forty-minutes ang break time namin.
"Shet! Ang sarap! Saan mo ito nabili?" tanong ni Daryll kay Aly.
"Fresh from Korea iyan," sagot ni Aly at halos mabilaukan naman si Gino habang si Margaret at Pia pinipigilan ang tawa.
"Gagi, legit?!" gulat na tanong ni Tristan.
"Oo nga, amoy eroplano pa nga yung box niyan kanina eh."
Napaisip naman ako bigla, kung galing Korea pa iyon, eh sino naman nagdala non papunta dito sa Pilipinas? Imposible naman kung si Mom, mas lalong si Tita.
"Sino nagdala?" tanong ni Jasper.
Umirap si Aly, "Ang dami niyong tanong, importante nakakain na kayo."
"Hindi nga, seryoso, sino nagdala?" singit ko, bumuntong-hininga naman siya.
"A friend, now stop asking." sagot niya.
Nagkatinginan nalang kami at nagkibit-balikat, hindi rin naman ni Aly sasabihin yung pangalan kung sino man iyong taong iyon kaya manahimik nalang.
Lumipas ang break time at dalawang subjects, lumch na at ngayon ay sabay-sabay kaming naglalakad papunta doon, shumortcut kami sa field papunta doon.
Natural ay si Aly ang um-order, siya naman lagi kaya hinahayaan nalang namin, nagtaka ako kung bakit ang tagal niyang nakabalik yun pala ay may kausap siyang kakilala.
Nag apir pa sila at nagtawanan, babae iyon, mamaya kung no ano nanaman nasa isip niyo sabihan niyong nagseselos.
Pagkabalik ni Aly ay hindi na muna siya umupo, "Sino yun, Aly?" tanong ni Josh habang nakalingon sa kung saan nanggaling si Aly.
"She's Nicole, best friend ko and a former classmate sa Korea, she went home for some matters, uuwi rin siya mamaya." paliwanag ni Aly.
Dumating yung order kaya naman kumain na kami, si Aly lang naman ang may baon kaya naiiba ang ulam niya, ewan ko kung ano trip nila basta samgyup yung pagkain niya.
"Pahingi, Aly, subo mo nalang," sabi ni Jasper.
Agad naman kumuha si Aly ng kapiraso at isinubo kay Jasper, naka chopsticks siya kaya nadadalian, magulo rin utak eh, minsan kutsara-tinidor, minsan hindi.
Nang matapos kami kumain ay nagpahinga lang din saglit, dumaan muna kami sa CR, siyempre hiwalay ang CR ng lalaki at babae kaya nag antay kung sino man ang unang matatapos.
"Uy, si Ate oh." sabi ni Iel at tumuro sa hindi kalayuan.
Dumaan na rin kami sa may lockers area dahil may kinuha si Margaret at Josh, ballpen lang naman pala dahil nadekwat yung bagong bili nila.
Mabibilis kasi kamay ng nga kaklase namin kaya isang matinding payo ko ay dapat laging hawak o kaya naman nasa bag o bulsa niyo ang ballpen niyo kung ayaw niyo mawalan ng panulat.
Naglalakad kami sa hallway nang sa hindi inaasahang pangyayari, sa pangatlong punyetang pagkakataon, nadulas si Aly.
Agad namin siyang nilapitan at tinulungan makatayo, pinaupo namin siya sa may corridor, mababa lang naman iyon at nasa first floor palang kami.
"Aly, ayos ka lang?" natatarantang tanong ni Iel, pero hindi siya sinagot ni Aly dahil sa iniindang sakit.
Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa kaliwang siko niya, shit, mukhang namali ang pagbagsak at nadali ang siko.
"M-masakit ba? A-Aly, sumagot ka." utal-utal kong tanong.
"A-ah, punyeta, natural masakit, ikaw kaya madu... aray! madulas!" inis niyang sabi.
Nagkatinginan kami at sabay-sabay na tinulungan si Aly, sinenyasan ko yung driver niya na dalhin kami sa GSHEH na agad namang sumunod.
Pagkarating doon ay agad siyang inasikaso ng mga doktor at nurse, nanatili kami sa may waiting area dahil dinala sa ER si Aly, naiwan sa school si Gino at Josh.
Si Iel ay tinawagan si Mom at si Marga naman ay Tita, ako ay prenteng nakaupo at inaalala ang magiging kalagayan ni Aly.
Lumabas yung doktor at bumuntong-hininga, "We'll put a cast on her arm."
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang