Share

Chapter 9

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:43:39

"AYOS na ba pakiramdam mo?"

"I'm fine."

"Sigurado ka?"

"I'm fine, enough of the questions, what are you all doing here?"

Nagkatinginan kami at humarap kay Aly na naka cross arms at nakataas isang kilay, ang taray talaga, "Binisita ka namin, sino kaya magugulat na bigla ka nalang aabsent." sagot ko.

"I told you, I'm fine."

Sakto biglang dumating si Dad, nagulat pa siya nang makita ang anak, "You're awake, let's eat lunch, iinom ka pa ng gamot Aly Xanthé." striktong saad nito.

Umirap si Aly at sumunod sa ama, sumunod nalang din kami at naupo, hinain ang pagkain at nagsimula na kami sa pagkain.

"Where's Mom?" tanong ni Aly.

"Company, board meeting." sagot ni Dad.

May pagka awkward rin dahil walang gaano na nagsasalita maliban nalang kung magtatanong o kaya sasagot.

Pagkatapos namin kumain, inabot ni Dad kay Aly ang gamot nito na agad namang ininom, hindi ko na nabasa kung ano pangalan ng gamot pero mukha namang neozep iyon.

Tumambay kami sa kwarto ni Aly dahil tinatamad daw siyang lumabas ng bahay, mas gusto niyang mag stay sa kwarto ngayon.

"Ang dami naman niyan!" sabi ni Josh nang makita ang karton karton na mga libro sa tabi nang study table ni Aly, masyadong malawak ang kwarto niya.

"Pinagpuyatan ko yan kagabi, tapos na lahat." sagot ni Aly at naupo sa kama niya.

"Kaya pala masama ang pakiramdam," iling ko at napatango naman siya.

"Pabasa, Aly," paalam ni Iel.

"Huwag niyo lang lamugin," tango ni Aly.

Naupo ako sa tabi niya at inabot ang kamay niya, napangiwi ako nang maramdaman ang init dito, tinignan ko siya at nagbigay naman siya ng nagtatanong na tingin.

"May lagnat ka?" tanong ko at idinikit ang likod ng palad sa leeg niya, tsk, mainit nga.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko at hinaplos ito, "I told you, I'm fine, sinat lang iyan, sinipon kasi ako kaya ganoon."

"Tsk."

"Hey, look, I understand if you're worried but I really am fine, basta makapagpahinga lang ako." paninigurado niya, bumuntong-hininga naman ako.

Humiga siya sa kama at tumutok sa cellphone niya, humiga nalang din ako sa paahan niya, nang dalawin ako ng antok ay pinikit ko ang mga mata ko at nakatulog nalang.

~~~

"Oy, Kuya, gising,"

Nagising ako nang may tumapik sa braso ko, dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang mata ko, "Anong oras na?"

"Alas dos pa lang naman," sagot ni Margaret.

Nilingon ko si Aly at tulog din pala siya, bahagya akong lumapit at idinikit ang likod ng palad sa noo at leeg, mainit pa rin kaunti.

"May sinat ba yan?" tanong ni Charles, tumango naman ako.

Nahagip ng mata ko ang cellphone ni Aly kaya naman dahan-dahan ko itong kinuha, bubuksan ko na sana kaso biglang nag ring, may tumatawag.

Hindi ko na nabasa kung sino iyon dahil agad kong naibalik sa pwesto nito kanina, nagising si Aly at kinapa ang cellphone sa tabi niya.

Nang mahawakan ay nakapikit niya itong sinagot at itinapat sa tainga, "Hello?"

Bakas sa boses na inaantok pa siya, mukhang ganito rin siya noong tumawag ako sa kaniya kaninang umaga.

"...Hmm? ...Oh, it's you, I was sleeping. ...No, it's fine, what made you called? ...Sin- weh? ...Is this legit? ...Alright, next month then. ...Yeah, bye."

Pinatay niya ang tawag at kinusot ang mata, pagbangon niya tinignan niya kami, agad kinuha ang cellphone at may di-nial.

"Hello? Mommy Scarlette? ...Padala po meryenda dito sa room, pasama na rin po yung Neozep at Paracetamol. ...Thanks po."

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Margaret, humikab si Aly at pabatong inilapag ang cellphone.

"I'm fine," sagot nito at napairap naman ako.

Pang-ilan na kaya yung I'm fine niya na yan? Mula pa ata noong dumating kami kanina ay iyan ang lagi niyang sagot sa mga tanong namin.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang maid na may hawak ng tray ng pagkain, pinalapag naman si Aly sa may maliit na lamesa sa carpet banda at agad ding umalis ang mga ito.

"Kumain muna kayo, ano oras ba kayo uuwi?" tanong ni Aly at bumaba ng kama.

"Mga five siguro, nakakatamad din sa bahay eh." sagot ni Iel.

Kinuha namin ang tig-iisang platito, hindi katulad kanina, ang kinakain namin ngayon ay graham cake, malamig-lamig pa ito, may kasama ring baso ng coke at isang baso ng tubig.

"Sino gumagawa ng mga desserts niyo, Als?" tanong ni Tristan.

"Minsan si Mommy, kadalasan si Mommy Scarlette." sagot ni Aly at uminom ng tubig.

"Eh anong ginagawa ni Dad dito?" tanong ko naman, inabot niya sa akin ang coke na agad kong tinanggap.

"Minsan talaga nandito si Daddy to check on me, may iba na siyang priorities kaya bihira, he's here kasi wala si Mom, siya ang nag-alaga, he'll go home when Tita arrives." paliwanag niya at napatango naman ako.

Pinanood ko siyang uminom ng gamot at nang matapos ay inilapag ang pinagkainan sa tray, tapos na rin naman ako kumain, inuunti unti ko lang yung coke.

"Nood tayo! May movie ka ba Aly?" suggest ni Charles.

Tumayo si Aly at sumenyas sa amin na sumunod, may binuksan siyang pinto na katabi ng hagdan since may pa second floor style ang kwarto dahil may mga libro pa sa taas, open lang naman.

Pagkabukas ay movie room ang tumambad sa amin, malawak, tapos yung mga upuan parang massage chairs, sa unahan isang malaking TV at sa baba noon ay may divider.

"Search for the movie you want to watch there at the drawers, I'll go down to get something to drink." sabi ni Aly at lumabas, agad naman lumapit si Charles at Jasper doon habang kaming iba ay naupo sa mga upuan.

Pataas ang design kaya para kitang-kita, kaoag kasi plain flat lang, natatakpan ang mga nasa likod, kaya ganoon. Binuksan ko yung isang cabinet at puro pagkain, particularly chips and chocolates.

"Nood tayo Endgame!" sabi ni Charles habang nakataas ang kamay na may hawak na CD.

"Walang kasawaan, napanood na natin yan eh." comment ni Iel.

"Oh eto, barbie nalang," natatawang sabi ni Jasper at nilabas ang tatlong CD.

"Gago, kabaklaan mo rin noh?" sabi ni Tristan at nakisali sa kanila.

"Fifty Shades oh," sabi ni Charles at nilabas yung CD, tumili yung girls at umiwas ng tingin.

"Siraulo, under age tayo!" sabi ni Josh.

"Bakit nga ba may ganiyan diyan?" curious kong tanong, kibit-balikat ang isinagot nila, sakto namang napalingon ako sa pinto at parang naistatwa si Aly doon.

"Damn, huwag kayo magkalkal diyan! Puro R-18 iyan lahat!" pigil ni Aly at agad na lumapit sabay itinulak pasara ang drawer.

"Eh bakit may ganiyan diyan?" tanong ni Gino.

Bumuntong-hininga si Aly at bahagyang nag-ieas ng tingin, "Cousins."

sagot niya at naintindihan naman namin agad.

Pero isa kng talaga yung tanong sa isip ko kaya itatanong ko sa kaniya, alam ko namang sasagutin niya.

"Napanood mo na?"

Biglang naging gulat yung ekpresyon niya nang itanong ko iyon, napamaang siya at dahan-dahang umiling. Bahagya rin niyang nakagat ang ibabang labi.

"Yes, but not the R-18 parts, Kuya covers my eyes." buntong-hininga niya.

Natahimik ang buong movie room, nabasag lang nang biglang magsalita si Jasper na may nahanap siyang movie, tanghaling tapat horror ang pinapanood namin.

Tamang kain ng chips tapos may kasamang medium-size C2 sa sa may handle ng upuan nakapatong, chill lang, The Grudge lang naman pinapanood namin.

Sa sobrang tutok ko sa movie, nagulat ako nang biglang sumandal yung ulo ni Aly sa balikat ko, sinubukan kong silipin ang mukha niya at tulog siya.

Uminom kasi ng gamot kaya mukhang inantok, umayos nalang ako ng upo at inayos nalang din ang ulo niya para hindi masakit, hinayaan ko siyang nakasandal sa balikat.

"Nood tayo Bird Box!" sigaw ni Charles, agad ko naman siyang pinatahimik.

"Huwag kang sumigaw, may natutulog." sabi ko, bumaba siya at sumilip.

"Ano ba yan, nanonood tapos tulog naman." reklamo niya.

"Hayaan mo si Aly, Charles, uminom ng gamot, mabuti na yun at makapag-pahinga siya." singit ni Iel.

Napabuntong-hininga nalang si Charles at kinuha yung remote ng TV, binuksan niya yung netflix at sinearch yung Bird Box, nang mapindot ay agad niyang inilapag ang remote at bumalik sa upuan.

Nasa kalagitnaan ng movie nang magising si Aly, kinusot niya ang mata niya at umayos ng upo, inabutan ko naman ng tubig na agad niyang tinanggap at ininom.

"Ayos ka na, Aly?" lingon ni Margaret, tumango naman si Aly dahil umiinom.

"I'm fine," sagot niya at napangiwi naman ako.

Tinignan niya ang cellphone niya at agad din namang pinatay, "Alas-kwatro na," sabi niya pa.

Tumayo si Iel at pinatay ang TV sabay bukas ng ilaw, tuloy ay nagteklamo si Charles pero wala ring nagawa.

"Nakakaantok!" sabi ni Josh at nag stretch.

"Mag-ayos na kayo, maya-maya ay uuwi na rin naman kayo, sabihan ko lang driver namin." sabi ni Aly at tumayo.

Tumayo nalang din ako at tinulungan siyang maglinis nang pinanggalingan, pagkalabas ay agad naman namin tinapon sa trash can.

Bumaba kami ng living room at doon nalang tumambay, Dad offered us a drink na agad pero tumanggi nalang kami dahil ang dami na ding nainom.

Nagpaalam si Aly at lumabas, mukhang sasabihin sa driver nila na ihatid kami, Linggo na pala agad bukas, magsisimba muna sa umaga at lunch with the family sa labas.

Nang makauwi ay bagsak na agad ako sa kama ko, lumabas lang ako ng kwarto nang tawagin para kumain ng dinner, hindi na kami pinagalitan dahil alam naman nila na sa kanila Aly kami galing.

Patulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko, sign na may nagtext, agad king tinignan at binuksan ang message, napangiti ako nang mabasa iyon.

From: Aly - Carter

Goodnight, pray before you sleep.
iloveyou, xoxo.

ps. I feel better already :)

Nireplayan ko siya at doon na ako pumikit, pero nag dasal muna ako bago ako tuluyang makatulog.

Linggo. Nandito na kami ngayon sa resto namin at kumakain ng lunch, kagagaling lang din namin sa Church.

Nag samgyup kami, libre naman kaya kain lang ng kain, palibhasa sariling resto kaya feel free to eat whatever you like.

Lumapit sa amin yung manager ng resto, "Excuse me, Ma'am, Sir, Park Family is here."

Bahagyang nagulat si Mommy at tumayo, "Oh? They're here? Where?"

Manager pointed outside the window and nandoon si Ms. Kim, beside her is Dean kasama ang dalawang anak nito, akala ko wala si Aly but she's also there, nakatayo habang focus sa iPad na hawak.

She's wearing casual off-shoulder white dress together with her sling bag sa balikat niya, at complete jewelry set na sigurado akong gamit naming dalawa, naka heels din siya at nakasalamin, ang buhok ay naka-waterfall braid.

Lumabas si Mom at sinalubong sila, Aly nodded and smiled a little dahil naka focus sa iPad, hindi ko alam kung ano ginagawa niya.

Pasimple kong tinuloy ang pagkain nang makita ko ang paglapit nila dito, pagkapasok nila ay agad kaming tumayo at nakipag batian.

"Good afternoon," bati ni Aly at humalik sa pisnge ko sabay upo sa tabi ko.

"Busy ka talaga?" tanong ko at doon niya naman in-off ang iPad niya sabay tingin sa akin.

"I'm writing, sa notes, hand written." sagot niya at umirap.

"Para saan?" singit ni Iel.

Bumuntong-hininga si Aly at inabot ang chopsticks, hinati niya iyon sa gitna at ginamit sabay kuha nang samgyup na nasa ihawan, tinignan niya muna iyon bago isinubo, that was mine.

"Story," tipid na sagot ni Aly.

Nagkatitigan kami ni Iel at sabay na nagkibit-balikat, nagpatuloy nalang kami sa pagkain, busy ang sila Mommy na nag uusap, si Ate wala, kasama mga kaklase niya.

"Saan kayo galing, Aly?" tanong ni Iel.

Umayos ng upo si Aly nang matapos uminom nang juice na nasa harap niya, "We went to the publisher, then to Church, then to the mall, and lastly, we stopped by here to eat."

"Iah, Iel, Aly," Mommy called kaya napalingon kami sa kaniya

"Why po?" we asked.

"We're all going to the mall, so finish all your food and we're leaving, sasabay na tayo sa kanila."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status