Share

Chapter 8

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:42:57

"THIS is the second time that happened to you, Aly Xanthé, what the hell is happening?"

"Look, Mom, I don't know, okay? I wasn't expecting that a bucket full of ice water will fall on me! How should I know?"

Ayan ang agad ang usapan ni Mom at Aly pagkarating namin dito sa office. Aly's at the bathroom habang si Mom ay nakatayo, si Dean naman ay tinitignan lang sila.

"Do you have enemies in this school, Aly? If yes I would not hesitate to bring you back to Korea."

Agad na lumabas si Aly suot ang simpleng maong shorts at hoodie na white, nakasuot rin siya nang three-inch white heels, maayos na rin yung buhok niya.

"Why me? Bakit hindi yung gumagawa sa akin nito ang paalisin? Ako pa talaga nag adjust para sa kaniya, how lucky that person is." inis na sabi ni Aly at nagsuklay.

"Then who do you think is the person behind this? Maski CCTV ng school ay hindi makalap kung sino yung taong yun, my goodness, Aly Xanthé, isa pang maulit ito sayo, ewan ko nalang."

"Ate, Aly doesn't have an idea kung bakit nangyayari ito sa kaniya, kung sino man ang may lakas ng loob na gumawa

niyan ay kapwa student niya lang, faculty and staffs won't do such thing lalo na't alam nila ang mangyayari sa kanila." Tita defended, nabuntong-hininga naman si Mom at napaupo nalang.

Biglang natahimik ang office at naputol lang nang magsalita ulit si Mom, "Go and take your lunch, we'll handle it."

Sabay kaming tumayo ni Aly at lumabas, halos magkapantay na kaming dalawa dahil nakasuot siya ng heels.

Kumain kami pagkarating sa canteen, yung ibang students nagtataka kung bakit ganoon ang suot ni Aly, mabuti nalang at wakang gaanong estudyante kanina nang mangyari ang aksidente.

"Para kang pupunta sa shooting, Aly." comment ni Josh, umirap naman si Aly.

"Ito na yung last extra ko na damit dito, tsk." sagot nito at sumubo sa pagkain. "...On a second thought, may shooting nga pala ako mamaya sa playground ng EMT."

"Manonood kami!" sabay na sabi ni Iel at Gino, nag apir pa silang dalawa.

Hindi sila sinagot ni Aly dahil busy sa pagkain, nagsimula na rin kaming kumain, natural ay sinasabayan ng kwentuhan para hindi awkward.

Lumipas ang ilang oras at uwian na, pero sumunod kami kay Aly, manonood ng shooting niya, "Oh, Aly, uniform mo," sabi ni Ate Alex at inabot ang isang paper bag kay Aly.

"Thank you, where's Manager Lee?"

"Aba, ewan ko sa kaniya, baka late lang, hayaan mo na siya, bilisan mo na at nang matapos na agad."

Sa may playground kami nakatambay, si Tristan at Charles na mukhang timang na nagsa-slide, sila Iel puro pictures.

Maya-maya pa ay dumating na si Manager Lee kasunod ang isang photographer ni Aly, nag usap pa sila saglit at doon na nagsimula ng shooting.

Dumating si Mom at nahagip niya ako ng paningin niya, ngumiti siya sa amin at lumapit kay Manager Lee, may pinag usapan sila at mukhang damay ako doon dahil nilingon nila ako.

"Iah, come here." pagtawag ni Mom, agad naman akong tumayo at patakbong lumapit sa kanila.

"Bakit po?" tanong ko.

"Picture, kayo ni Aly, isasama kita sa brochure, model ng school in short." paliwanag nito at napamaang naman ako.

"What's happening?" singit ni Aly na naka uniform na.

Agad naman pinaliwanag ni Mom sa kaniya pero tango lang ang naging sagot niya, walang gulat o kahit anong ekpresyon na mababasa sa mukha.

Ako nauna, individual muna since tapos na si Aly, hindi ako nahirapan dahil mahilig lang din naman kami ni Iel mag picture nang mag picture kaya sanay na.

Sumunod ay kami ni Aly, ang daming pose na pinagawa nung photographer, kulang nalang ipalit ko si Iel sa kaniya pero joke lang yun.

"Naks naman! Nasama!" sabi ni Iel nanag makabalik ako sa pwesto namin kanina.

"Napilitan lang naman," sagot ko at tumawa sila.

"Ang cute niyo kayang dalawa! Sa last quarter pa mari-release yung brochure ng school eh, pero excited na ako." comment ni Josh.

"Iah," lumingon ako nang tawagin ako ni Mom. "...Hindi na nakapag paalam si Aly pero nauna na siyang umuwi, may nausea siya dahil sa nangyari kanina."

"Ayos lang po," sagot ko at tumango, ngumiti naman siya at nagpaalam nang umalis.

"Oo nga pala noh? Mabilis

magka-sipon si Aly." sabi ni Charles.

"Allergy ba yon?" tanong ni Tristan at kibit-balikat lang ang isinagot namin, hindi rin alam eh.

Kinabukasan, half day lang, masaya kasi wala ring gaanong lessons, kaya buong half day ay naglaro lang kami sa science time.

"Ma'am, si Aly po? Hindi ko po siya nakita magdamag." tanong ni Iel, oo nga, mula pa kaninang pagpasok ay hindi ko rin nakita.

Ngumiti si Ma'am at nag cross arms, "Absent ata siya ngayon eh, sarado kasi office niya kanina, ask niyo si Dean later pag dismissal."

"Po? Bakit naman po?" tanong ko.

"Hindi ko lang alam, baka masama pakiramdam, alam niyo naman yung nangyari sa kaniya kahapon diba? Baka ayun yung dahilan."

Nagkatinginan nalang kami at nagpatuloy sa paglalaro, akala namin mananalo ang boys, hindi pala, masyadong ginanahan ang girls at sunod sunod nanalo.

Mukhang nagbasa sila kaya halos lahat nakuha ang tamang sagot, nagkamali kaming isipin na mananalo na kami ngayon, hindi pa rin pala.

"May tinatago ba kayong kapangyarihanNalulugi na kami eh." reklamo ni Aljoe pero tumawa yung girls.

"Ay Ma'am, ganito nalang po." sabi ni Margaret at pinaliwanag ang gagawin.

Si Ma'am ang pipili ng magkalaban, bali boys versus girls pa rin naman pero 1v1 na. Para daw hindi lugi, matalino sa matalino, at hindi sa hindi, si Ma'am na rin magde decide kung sino magsasagot sa board.

"Iah at Iel."

"Sayang absent si Aly, dapat Iah versus Aly." pang aasar ni Pia.

"Lugi kami! Ang talino non!" sagot ko agad at tinawanan niya naman ako.

"Best title — Labanan ng Mag-Jowa."

dagdag ni Iel at nag apir sila.

"Ang corny niyo," sabi ni Basty, tatawa tawa naman si Ma'am at sinenyasan kami na maging ready.

"Madali lang ito, identify if it is Substance or Mixture."

sabi ni Ma'am.

"Game!" sabi ni Iel.

"Powdered juice and water."

Inisip ko pa kung ano isusulat ko but ended up writing Mixture, hindi ko alam, tinignan ko sagot ni Iel at ganoon rin, in the end, parehas may score.

Nag stay kami sa room kahit break time, tinamad na kami lumabas dahil sobrang init kaya dito nalang kami, naka aircon lang din naman.

I tried calling Aly pero hindi niya sinasagot, nakailang missed calls na ako pero wala pa rin, for the last time, sinagot niya rin.

["Hello?"]

"Where are you?"

["Hmm? Sino toh?"]

Halatang nagising lang ata, hindi ako kilala eh.

"Si Iah toh."

["Ha? Bakit ka napatawag? Natutulog yung tao eh."]

"Asaan-"

["Mamaya na, inaantok pa ako. Love you."]

Napabuga nalang ako nang ibaba niya ang tawag, mukhang kulang na kulang sa tulog, "Oh? Bakit ang sama ng mukha mo?" pansin ni Gino.

"Hindi man lang ako sinagot eh, inaantok daw siya." sagot ko at natawa naman siya.

"Hayaan mo nalang, tanong natin kay Dean tapos puntahan natin mamaya." sabi niya at tumango nalang ako.

"Iah, COD daw! Sali ka?" tanong ni Usher sa likod.

"Geh!" sagot ko at binuksan ang cellphone ko.

Naglaro kami hanggang sa matapos ang break time, nakisali pa nga si Iel sa amin nung last game na, nang dumating si Ma'am ay hinayaan niya kaming maglaro dahil wala namang gagawin.

Kaya para hindi mabored si Ma'am, habang naglalaro kami, nakikipag kuwentuhan kami sa kaniya, kami yung klase na chill chill lang lagi at walang iniintindi.

"Next month na birthday ni Aly diba? May plano kayo?" pag open ni Ma'am.

"Wala pa po, minsan po kasi ay nagpapadeliver nalang si Aly at dito na kami kakain sa room, yung kami kami lang po kasama adviser." sagot ni Margaret.

"Eh Ma'am, ang sabi-sabi po ay isasabay ang birthday niya sa mismong Acquaintance Party." sabi naman ni Naeumi.

"Ano ba birthday ni Aly?" tanong ni Ma'am.

"Friday po." sagot ko at saktong pinatay ako ni Tristan, nilingon ko siya at tatawa tawa naman ang loko.

"Aba, sakto naman pala eh, kaso may chance na i-cancel yung AC ngayon kasi naging busy yung Admins."

"Para saan po?" takang tanong ni Gino.

"Oh? Hindi niyo alam? Narelease na yung mga libro ni Aly kaya may chance na mag held sila ng book signing, basta yun ang alam ko."

"Sana all!" sabi namin at natawa naman si Ma'am.

Nang mag uwian ay nagpunta kamii ng tropa sa Dean's Office pero ako lang ang pinapasok sila, napakabuting mga kaibigan nga naman oh.

"Oh, Iah, napunta ka." sabi ni Dran at tinignan ako.

"Ah, Tita, si Aly po?" tanong ko at ngumiti naman siya.

"Ah yeah, she's at home, probably resting as of this time, absent siya kasi masama ang pakiramdampupuntahan mo ba?" tumango ako at nagpasalamat.

Pagkalabas ko ay sinabi ko agad sa kanila Iel kaya naman halos takbuhin na namin papunta sa mansyon nila Aly, mahingal hingal pa kami nang makarating.

Saktong pagdating ay lumabas si Dad sa pinto, "Oh, Iah, nandito pala kayo, pasok."

Ngumiti at tumango kami sa kaniya at pumasok sa loob, "Dad, si Aly po?" tanong ko sa kaniya.

"Tulog pa siya eh, gumising lang siya kanina para kumain at uminom ng gamot. Wait niyo nalang, bababa rin yun, niluluto pa lang naman ang lunch." sagot nito, tumango naman ako sa kaniya at naupo.

"Uy Iah, kay Aly lahat yun?" turo ni Josh sa mga awards na nakalagay sa unahan.

Maliban sa family photos, sa tabi nang mga iyon ay may mga meda, siguro mga awards na nakuha nila as family, hindi lang iyon, may mga trophy at kung ano pa na nasa cabinet sa baba.

"Ayun lang, yung nasa tabi nang picture frame niya tapos iyang lahat sa divider." sagot ko at tinuro, may nakita akong familiar na picture kaya lumapit ako at tinignan iyon.

A4 sized picture iyon na nakalagay sa picture frame tapos nakapatong sa divider, picture namin ni Aly nung grade one, buhay pa pala ito? Matagal na kasi.

"Kuya, tara dito, may photo album si Aly."  tawag ni Iel kaya bumalik ako.

"Hala, gagi, ang cute." sabi ni Gino at tinuro ang baby picture ni Aly.

Nakatingin siya sa camera at nakasubo ang biscuit sa bibig, may laway pa nga sa bibig niya pero natural naman sa baby iyon kaya hindi naman dapat ikahiya.

"Ikaw ba ito, Jasper?" natatawang tanong ni Josh sa picture ni Aly at Jasper.

"Inangyan, mukhang itlog

ampota." comment ni Jasper.

Sa playground iyon ng Pre-School Building tapos parehas sila kumakain sa may bench, hindi naman kasi kami magkaklase ni Aly noon, schoolmates lang.

"Ay, ay, ito yung first picture niyo Kuya diba?" tanong ni Iel at tinuro yung picture namin ni Aly na nagdo-drawing.

"Ah oo, yan yung pumunta sila sa bahay noon tapos tinuruan ko siya mag drawing, hiya pa siya eh." sagot ko, naalala ko tuloy yung pinaggagawa namin noon.

Dumating si Dad na may kasunod na maids, may inilapag sila sa center table na dalawang tray ng pagkain, it was a sliced strawberry cake, mukhang binake.

"Kain muna kayo kahit kaunti para hindi kayo magutomantayin niyo lang si Aly bago kumain ng lunch." bilin ni Dad at dumiretso sa garden.

Nagkatinginan kami at agad na kumuha nang tig-iisang platito at nagsimulang kumain, masarap ang cake, not too sweet, sakto lang, katulad nung nakaraan.

"In fairness, ang sarap, sana sa susunod blueberry cheesecake naman." sabi ni Charles at binatukan naman siya ni Gino.

"Choosy ka pa, ikaw na nga itong pinapakain." sabi ni Iel at uminom nang juice, may isang tray kasi na apple juice.

"Naks, parang tatagay lang ah?" natatawang sabi ni Tristan at nag cheers sila ni Josh.

"Ano ito? Fresh? o yung tinimpla?" tanong ni Margaret.

Tinikman ko yung juice at nagkibit balikat, "Fresh iyan, iba lasa kapag yung tinimpla eh."

Natigil kami sa pagkain nang makita si Aly pababa, nagulat din siya nang makita kami dito, "What the hell?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status