Share

Chapter 7

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:41:51

"NAGBABAON ka na pala ngayon, Aly?"

Nag-uusap habang kumaikain ang trip namin, and by the way, fail nanaman ang naging resulta nang paghahanap nila Iel, natapos na nila lahat ng upper level.

"Not my choice, sinasabay nalang ni Tita kasi may sobra pag naghahanda siya ng pagkain nitong dalawa." paliwanag ni Aly at tinuro ang dalawang pinsan.

"Pero may pera ka?" singit ni Tristan at tumango naman si Aly.

Spam yung ulam nila tapos yung ketchup dito nalang sa cafeteria, ang dungis na nga nitong sinusubuan ko pero walang paki, kain lang ng kain.

"Punasan mo nga iyang bibig ng anak mo," sabi ni Iel at binato ako ng tissue, nabilaukan naman si Aly kaya napainom ng tubig.

"Hindi marunong mag-alaga ng bata," comment ni Gino.

"Eh bakit ikaw? Marunong ka?" hamon ko at proud naman siyang tumango.

"Hey, enough, nasa harap ng pagkain eh." saway ni Aly kaya tigil kami.

Nang mag-uwian nagpunta kami ni Aly sa suki naming nagbebenta ng street foods, as promised, nilibre ko siya, ang lagi niyang binibili ay tig-limang fishball at kikiam kaya alam na agad kung magkano ibabayad.

"Congrats nga pala sayo Aly, successful ang endorsement mo." sabi ni Manong, ngumiti naman si Aly at tumango.

"Salamat po, ang sabi po nila ay susubukan na rin po nilang makipag partner sa company para daw po tuloy-tuloy na." pag kuwento ni Aly.

"Aba, magandang balita iyan, Aly! Mahal mo talaga ang trabaho mo ano?"

"Of course,"

Matapos ang pag-uusap na iyon, dumiretso kami ni Aly sa garden, nandoon pa naman sila Iel at tumatambay. Ganito kami kapag regular classes, hindi agad umuuwi.

"Oy, si Avery oh!" sabi ni Tristan at tumuro sa kung saan, sinundan naman namin ang tinuturo niya, wala naman.

"Siraulo ka!" inis na sabi ni Jasper at binatukan si Tristan, tatawa tawa naman ito.

Mukhang pinagtitripan nila si Jasper, pagkarating pa lang ay mukha nang masama ang mulha, pikon kasi eh.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Margaret.

"Wala pa naman service eh," sagot ni Gino at sumang ayon naman kami ni Iel.

"Nagco-commute lang naman ako." sagot naman ni Josh.

"Malapit lang bahay ko, pwede lakarin, pwede rin takbuhin." sabi ni Aly, hindi pa kasi sila nakakapunta doon maliban sa amin ni Iel.

"Nakakatamad pumasok bukas, may klase na ulit." ngiwi ni Josh, kahit kailan, ang tamad.

"Accident lang talaga yung nangyari sayo, Aly." sabi ni Gino, bumuntong-hininga at ngumiti naman si Aly.

"Ayos lang, as long I'm okay now, there's nothing to worry about." paninigurado ni Aly, nagkatinginan nalang kami at ngumiti sa kaniya.

At dahil tinatamad pa kami umuwi, tumambay muna kami sa mansyon nila Aly, makikikain lang naman.

"Ay gagi, ang laki! Sana all!" sabi ni Charles ay inuga si Jasper na nasa tabi niya.

"A-anak ng-!? Hoy! Nahihilo ako!" sigaw ni Jasper at tinulak si Charles.

"Nakakahiya kayo, ano ba!" saway ni Gino sa dalawa pero hindi siya pinansin at dumiretso sa loob.

"Oh, andito pala kayo?" natigil sila sa paglalakad nang marinig ang boses ni Mom, nasa may grand staircase ito at nakatayo.

"They don't want to go home so they stopped by to eat meryenda." singit ni Aly sa likod na nakabihis na, nauna kasi siyang pumasok kaysa sa amin.

"Oh? Go to the garden, I'll let the maids bring you some food." sabi ni Mom at dumiretso sa kusina, nagkibit balikat naman si Aly.

"You all heard her." she stated at sinenyasan kami na sumunod sa kaniya.

Parang gusto na ni Charles tumalon sa swimming pool nang makita niya yon, kulang nalang ay itulak siya ni Tristan, kaso wala naman siyang pamalit kaya sinabihan nalang siya ni Aly na next time.

Dumating yung meryenda kaya naman kumain na kami, nanghingi pa ng extra si Charles at Josh kaya nagpakuha ulit si Aly.

"Hey, hey, slow down, hindi naman kayo hinahabol ano?" pigil ni Aly sa dalawa dahil kung makakain ay akala mo nag-uunahan.

Red velvet cake kasi yung kinakain namin, hindi ko alam kung sino nag-bake basta ang masasabi ko lang ay masarap ang pagkakagawa, hindi matamis kundi sakto sa panlasa.

"Ang sarapSobra!" sabi ni Charles at napa facepalm naman si Aly.

"Oo nga, Charles, masarap, pero kalma ka lang, hindi pasko ang maghahabol sayo." sagot ko at nag pout naman siya, napaiwas kami ng tingin sa ginawa niya.

Nagpahinga kami matapos kumain, umuwi rin agad, pinahatid na kami ni Aly sa van nila, hindi na siya sumama dahil madami pa raw siyang gagawin.

Pagkarating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag online, nakipag chat lang ako kay Aly magdamag kahit medyo mabagal ang reply niya, nagpipirma kasi diya.

Kinabukasan ay maaga pa lang, nasa school na kami, mas maaga pa ata kami sa teachers dahil maga-alas sais pa lang, kami kami kang naman ng tropa.

Bukas na rin yung classroom kaya, habang naga-antay, naka aircon, yung iba ay natulog muna dahil maaga pa naman habang yung iba, natural, ML.

Bumukas ng kaunti yung pinto kaso biglang nahinto, sabay bukas at nagulat si Aly nang makita niya kami, "Ang aga niyo naman!" gulat na sabi niya.

"Ganun talaga pag early bird," sabi ni Usher pero inirapan lang siya ni Aly.

"Kaya nagtaka ako kung bakit naka open yung lights, akala ko naiwan lang kahapon na nakabukas, may tao pala." sabi niya at umupo sa desk niya

"Hindi, hayop kami," sagot ni Tristan, ngumisi naman si Aly.

"Sige, anong klase?" tanong niya.

"Aso!" sagot ni Tris, kumunot naman ang noo ni Aly.

"Bakit?"

"Loyal kasi kami sayo." sagot ko at natahimik naman siya.

Umiwas siya ng tingin at tumikhim, "Uykinikilig iyan." asar ni Iel at natawa naman sila.

Humarap si Aly at agad na umiling, "Hindi kaya, tigilan niyo nga ako, loyal-loyal tapos pag nakahanap ng iba iiwan rin naman, paasa."

Napamaang ako sa sinabi niya, "May pinanghuhugutan ka ba?" tanong ko.

"Wala, pero totoo naman, bakit? Natamaan ka?" tanong niya sa akin at agad naman akong nag cross arms.

"Hindi, bakit naman ako tatamaan? Wala namang iba diyan." sagot ko at tumayo naman siya.

"So you mean, pag nakahanap ka iiwan mo rin ako? What a nice answer, Jeziah Carter." sarcastic niyang sabi at nanlaki naman ang mata ko.

"Oh walang aawat, LQ toh." sigaw ni Charles sa pinto kaya napalingon kami sa kaniya.

"That's not what I meant, Aly," seryoso kong sabi sa kaniya at tinaasan niya naman ng kilay.

"But that's what you're pointing to, your statement said it." kalmado niyang sabi at napabuntong hininga naman ako.

"Hoy! Tama na LQ!" sigaw ni Gino.

"Ano bang paki mo?" sabay na tanong namin ni Aly sa kaniya, nagulat naman siya.

"Okay, look, I'm sorry, I forgot to clear my statement." sabi ko at umirap naman siya.

"Whatever, pumila na kayo, Friday Assembly." announce niya at lumabas, napailing naman ako at lumabas na.

"Away na yon? Kalma lang kayo, may pasok pa bukas." sabi ni Amir sa akin dahil magkatabi ngayon.

"Hay buhay," nasabi ko nalang.

Lumipas ang assembly wala namang ginawa, natural flag cem tapos bago bumalik sa classroom excercise at school hymn muna.

Pumasok ang first subject teacher kaya natigil kami sa pag aayos, "Sige go, calm yourselves, I can wait." sabi ni Ma'am kaya naman tinuloy namin.

"Ma'am, si Aly po?" tanong ni Pia.

"Ang sabi ni Dean may importanteng ginagawa kaya in-excuse for morning classes." sagot ni Ma'am.

"Sabi niya po day off siya." sabi ni Iel, umiling naman si Ma'am at ngumiti.

"About sa book publishing niya ang ginagawa niya ngayon, I understand na namimiss niyo siya at nag-aalala kayo, kaya naman niya humabol. So, let's start?"

Masaya ang naging klase ng first subject namin, hindi dahil sa boring ang discussion, nakikisali din kasi si Ma'am sa pakikipag kuwentuhan sa amin.

Active din ang lahat sa recitation, kapag mali ay dinadaan namin sa tawa o kaya naman itatama namin. Naglaro pa kami, girls versus boys.

For the nth time of classroom's history, boys nanaman ang nanalo, talo ang girls kahit sila ang nangunguna nung una, nakahabol lang kami.

"Lugi! Matalino iyan si Amir!" sabi ni Iel, natawa naman kami.

"Matalino ka rin naman," sagot ni Amir.

"Oo nga, tamo oh, tatlo na nga kayo diyan ni Naeumi at Isabel, sama mo na rin si Margaret at Ginelle." singit ni Aljoe.

"Hindi! Ma'am! Rematch po!" sabi ni Pia, nakatayo lang si Ma'am sa may pagitan ng mga upuan, tatlo sa girls ang nakatayo habang ako, si Amir, at si Josh naman ang nakatayo.

"Weh? Talo pa rin kayo!" sabi ni Basty, ngumisi si Iel at tinaas phone niya.

"Ma'am, rematch, I'll call Aly, saglit lang naman po eh, papayag po yun." pamimilit ni iel at napamaang naman ako.

"Eh di kami nalugi? Huwag ganon!" sabay ko pero biniletan niya lang ako.

Natawa si Ma'am at tumango, "Sure go, para buong class."

"Ma'am naman eh!"
"Nice!"

Umangal yung boys at tuwang tuwa naman yung girls, sinenyasan kami ni Ma'am na manahimik at narinig naman namin ang pag ring ng cellphone ng tinatawagan ni Iel. Naka loud speaker.

["Hello? Iel? Bakit ka napatawag? May klase kayo diba?"]

Napangiti si Ma'am nang marinig ang sinabi ni Aly, kami pa rin ang inaalala niya.

"Pwede pahiram kahit kaunting time mo lang? May board game kasi si Ma'am, kanina pa nananalo ang boys, actually, mula nung umalis ka eh. Lugi kami."

["Huh? Mas madaming matalino sa girls tapos natalo kayo ng boys? Kawawa naman kayo."]

"Aly naman eh!" sigaw nung girls.

["Ay, naka loud speaker pala, I was just kidding, sige I'll be there, wait lang."]

Nginisihan kami ni Iel pagkababa niya nang cellphone, ngayon pa lang inaamin ko na agad na talo na kami.

Dumating si Aly nang nakapamulsa lang, may marker pang hawak sa isang kamay, nagpipirma nga kasi.

"Ayon! Finally!" sabi ni Iel, napailing naman si Aly at humarap kay Ma'am.

"Nagbasa ka ba Aly?" natatawang tanong ni Ma'am.

Umiling si Aly, "Hindi po, busy po talaga."

"Ay wala palang binasa! Boys pa rin!" sigaw ni Charles, medyo nakahinga ako ng maluwag doon.

Bakas rin ang kaba sa mukha ng girls, "Okay then, good luck, let's start. May mauulit na questions galing kanina kaya dapat alam niyo na."

Bahagyang lumapit si Aly sa board, ibinulsa niya ang isang marker at kinuha sa kamay ni Iel ang white board marker, naupo na si Isabel kaya tatlo na sila.

"Hindi pala nagbasa ah?" sabi ko sa kaniya since nakasandal siya sa board, nginisihan niya ako at kinindatan.

"Baka kainin mo iyang sinabi mo?" sabi niya, hindi na ako nagsalita dahil nagsimula na si Ma'am.

"I want full description, tatlo ang kailangan ko, wrong spelling wrong. What is matter? Go!"

Agad namang binulong ni Amir sa akin yung isusulat ko, mabilisan kong sinulat ang tatlong descriptions, nauna si Aly kaysa sa akin.

Mabilis niyang naisulat ang tatlo na iyon pero maayos at malinis pa rin, walang kabura bura, kaya nung natapos ako ay prente siyang nakatayo habang nakatingin sa sagot namin.

Ito yung nakasulat,

What is matter?

• is anything that has mass and takes up space. 
• a minimum, matter requires at least one subatomic particle, although most matter consists of atoms. 
• the word matter is sometimes used to refer to a pure substance.

Aminadong parehas sagot sa una pero doon sa dalawa ay magkaiba na, binasa muna ni Ma'am ang mga sagot namin at ngumiti, "1 point for the girls!"

Nginitian ako ni Aly at inirapan ko naman siya, mukhang nagsisi ako sa sinabi ko kanina na nakahinga kami ng maluwag nang malaman na hindi siya nagbasa.

Maling mali, kapag matalino ka kahit hindi ka na magbasa ay alam mo pa rin sagot, partida, hindi na iyan umaattend ng klase tapos alam na alam.

In the end, girls ang nanalo, lunch nang naglalakad kami sa hallway papunta sa cafeteria, kasabay namin si Aly dahil gusto niyang sumabay.

Natigil kami sa paglalakad nang biglang may bumuhos na malamig na tubig at saktong-sakto kay Aly.

"Hala, Aly!" gulat na sabi nila Iel. Inabot ko jacket ko at hinatak siya papunta sa Admins.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status