LOGIN"BAKIT hindi nila alam or nakita? Imposible naman yun."
"Ha? Bakit? Wala silang nakita?"
Hinayaan kong mag usap sina Iel habang pabagsak akong umupo sa upuan ko, yes, we started searching and asking our schoolmates about the situation yesterday.
Apparently, first attempt was wasted, isang section pa lang ang napupuntahan namin pero sinabi nila na wala silang nakita na naglagay ng paint doon sa locker area.
"Eh diba sila Vanilla laging sa locker area nakatambay?" tanong ni Josh, nagkatinginan naman kami ni Iel.
"Absent raw sila kahapon sabi niya kaya hindi nila alam." sagot ni Iel at sakto namang pumasok si Aly na nasa balikat ang bag.
"Who's absent yesterday?" bungad na tanong niya at lumapit.
"Sila Vanilla." sagot ni Gino at umiling namn siya, may pinindot siya sa cellphone niya at pinakita sa amin.
"They're not," sabi ni Aly. "...That's the attendance of Mark Section yesterday, I even saw them at the field pagkalabas namin ni Iah ng Admin's Building."
Binalik niya yung cellphone niya sa bulsa ng coat niya at nag cross arms, "Baka naman nasa field sila nung nangyari ang aksidente, kung aksidente nga ba iyon." sabi ni Margaret.
"Mom and Tita are reviewing the CCTV cameras, but as far as I can remember, they told me last night that walang trace sa nasabing
pangyayari. Sumakit kasi ulo ko kaya hindi ko na din pinansin." paliwanag ni Aly agad ko naman idikit ang likod ng palad ko sa noo niya."Uminom ka gamot?" tanong ko at tumango naman siya.
"So? What's our plan?" singit ni Josh.
"Continue pa rin, Matthew na sunod natin, tapos upper level." sagot ni Iel at nagkatinginan naman kami.
Tinignan ni Aly relo niya at tumikhim, "Well, I have to go, may aasikasuhin pa ako sa EMT, I'll see you all later." paalam niya at nauna nang lumabas.
Maya-maya ay dumating sila Aljoe, tinanong namin sila at bigo, wala pa rin, napakahirap naman nito. Kapag wala kaming nakuhang sagot, aksidente lang talaga iyon.
"Iah, punta na kami Matthew, sasama ka ba?" tanong ni Margaret pero umiling lang ako.
"Kayo nalang, para akong nahihilo sa init tapos biglang lamig," sagot ko at tumango naman sila, agad ring lumabas.
Kaunti lang din kaming natira dito, yung iba rin ay lumabas at ginawa ang dapat na gawin, yung iba nagbabasa, naglalaro, o kaya naman nag uusap.
Tumungo ako sa desk ko at pinikit ang mga mata ko, itutulog ko nalang siguro muna ito para mawala.
~~~
"Iah? Iah, hon, wake fucking up."
Nagising ako sa boses ni Aly, kinusot ko ang mata ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko at bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Hey, are you okay? Iel told me na nahihilo ka daw." nag-aalala niyang tanong.
Umayos ako ng upo at bahagyang tumango, "Oo ayos lang ako, medyo
nahihilo lang." sagot ko at napabuntong hininga naman siya.May kinuha siya sa bag niya at inilapag sa desk ko, "Drink that at uminom ka ng maraming tubig, tsk."
Agad ko naman siyang sinunod, inabot niya sa akin ang tumbler niya at naubos ko naman ang laman noon, "Eh di wala kang gamot?" tanong ko at napairap naman siya.
"Of course, wala, but I'm fine, sakit ko na yun kaya nakasanayan ko na. Ikaw, huwag mo pabayaan sarili mo, oh sige na, may gagawin pa ako, matulog ka nalang diyan." inis niyang sabi at nagmamadaling lumabas, tumungo nalang ulit ako at natulog.
Nagising ako nang marinig ang kaunting ingay, pagkadilat ko ay break time na, nagpahinga lang ako saglit at tumayo.
"Sila Iel?" tanong ko kay Steven.
"Sa cafeteria," sagot niya, agad naman akong tumango at nagpunta doon.
Malayo pa lang ay kitang-kita na kumakain sila, pagkarating ko ay agad nila akong inabutan ng lunch box, "Pinabibigay ni Aly, kainin mo daw." sabi ni Jasper.
"Kakainin ko yung lunch box? Galing naman." sagot ko at sumimangot naman siya.
"Raulo, natural yung pagkain sa loob." sabi ni Iel, natawa nalang ako at binuksan iyon.
Nanlaki ang mata ko nang korean dish ang laman noon, puro seafoods pati, may kanin din naman, "Sarap
niyan ah? Pahingi naman." sabi ni Josh habang nakatingin sa pagkain ko."Basta kakain ako," sabi ko at nagsimula na.
Masarap naman, hindi sa ngayon lang ako nakakain, pero ngayon lang ako ulit kumain nito after years.
Nang matapos kumain ay inabutan ako ni Gino ng gamot na kailangan kong inumin, ininom ko naman yun at inubos ang laman ng tumbler ko, tumayo at nag refill.
Pabalik na ako nang may mabangga ako, nahulog yung notebook niya kaya agad ko iyong pinulot at inabot sa kaniya, "Sorry."
Pilit siyang ngumiti at yumuko, "Ayos lang, hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko." sagot niya, bahagya akong tumango sa kaniya at bumalik na sa table.
"Diba taga-Matthew yon?" tanong ni Margaret kay Iel.
"Oo, balita ko matalino daw yan." sagot naman ng kakambal ko.
"Katulad ni Aly?" singit ni Josh, umiling naman si Iel bilang sagot.
"Consecutive top three siya, may matatalino rin sa Matthew, alam ko sa Mark ngayon si Karyl na ang nasa top two na pumalit kay Avery." pagkuwento ni Iel.
Hinayaan ko nalang sila at hindi na ako nakinig, nahagip ng paningin ko ang pagpasok ni Aly na may kasamang bata, mukhang pinsan niya iyon, lumapit siya buhat-buhat iyon.
"Oh? Sino yan?" tanong ni Gino, iniabot ni Aly sa akin yung bata at kinalong ko naman.
"Pinsan ko yan," sagot ni Aly at inabutan ng biskwit ang pinsan, kinuha naman at agad na kinain.
"Pangalan?"
"NJ, kaya rin ako nasa EMT dahil binantayan ko iyan habang nagkaklase ang Ate niya." paliwanag ni Aly at nagpunas ng pawis, tinignan niya ako. "...Ano? Magaling ka na?"
"Oo, galing nung nag-alaga eh." sagot ko at napailing lang siya.
"Kamusta pala yung paghahanap niyo?"
Agad na nagkuwento sila Margaret at napabuntong hininga ako nang bigo pa rin ang resulta, mukhang aksidente nga lang iyon at hindi pinasadya.
Pero sino naman kaya ang taong maglalagay ng paint doon at sumakto kay Aly nung dumaan kami? Hindi lang kami ang dumadaan noon eh.
"Ate!"
Natigil sa pagsasalita si Aly at lumingon sa pinto, napahawak siya sa salamin niya at agad na sinalubong ang pinsan, pati tuloy yung ibang estudyante dito sa cafeteria naagaw ang atensyon.
"Pinapahiya mo talaga ako, loka ka." mahinang sabi ni Aly dito, ngumiti lang ang pinsan niya at nag wave sa amin.
"What's your name bibi?" tanong ni Iel.
"Nicole nalang po," sagot naman nito.
Nagpalipas pa muna kami ng ilang minuto dito hanggang sa mag bell, nauna nang umalis si Aly kasama ang dalawa niyang pinsan habang kami naman ay bumalik sa classroom.
Para kaming nasa bahay dahil wala ng upo-upo sa upuan dahil sa sahig na dumiretso, yung iba nakaupo habang yung iba ay diretsong higa, malinis naman.
"May upper level pa," sabi ni Iel at dumaba.
"Pwede ba maya-maya na? Kaunti pahinga
kang naman." tanong ni Basty."Baka pagalitan tayo." sabi naman ni Ginelle.
"Hindi iyan, alam naman nila." defend ni Gino.
Yung iba natulog kahit saglit lang, habang kaming iba ay naglalaro sa cellphone, antay lang ng oras.
Sa sobrang kalalaro ko biglang may tumawag kaya nawala, si Aly pala, hindi ko alam kung magagalit ba ako hindi, natawa tuloy sila Tristan.
"Hello? Bakit? Naglalaro ako!"
["Oh, maglaro ka na, malay ko ba."]
"Hindi, joke lang, bakit nga?"
["Pinapatawag ka ni Tita sa office niya."]
"Ha? Bakit daw?"
["Aba malay ko, sabi niya - Nicole! Huwag mo habulin! Madadapa yan! - Sorry, basta sabi niya tawagan kita at pumunta ka doon, yun lang, bye, 143."]
"Buti nalang panalo, tsk." sabi ni Basty at napakamot naman ako sa ulo ko.
"Labas muna ako," paalam ko at agad na tumayo.
Nilagay ko sa bulsa ng coat ko yung cellphone ko at tumakbo palabas, grabe ang init, bakit nga ba dito ako sa field dumaan? Ah, mas mabilis kasi kapag dito.
"Iah, you're here," sabi ni Tita pagkapasok ko, tumango muna ako at naupo sa upuan sa harap ng table niya.
"Pinatawag niyo raw po ako," sabi ko at tumango naman siya.
"Yes, about doon sa CCTV, well, wala talagang trace, kayo ba?" sagot niya at napamaang naman ako.
"Ganoon din po, pero start po kami sa upper level maya-maya, hindi po ba imposible yun? Bakit po wala?" naguguluhan kong tanong at napabuntong hininga naman siya.
"We don't know as well, pero kapag wala talaga, accident lang talaga yun."
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko yung nabangga ko sa cafeteria kanina, nagtanguan lang kami at nagpalitan ng ngiti.
Pagkadating ko sa room, gising na yung mga natutulog, "Tara na sa upper level, para matapos na ng maaga." sabi ni Margaret, tumango naman si Iel.
"Kayo nalang, puntahan ko si Aly sa EMT." sabi ko at tumango naman sila.
Sabay-sabay kaming lumabas at agad din naghiwalay ng landas dahil paakyat sila, habang ako papunta ng kabilang building.
Malayo pa lang ay kitang-kita ko na siya sa may playground, nakaupo sa bench habang nagbabasa, yung dalawa niyang pinsan ay naglalaro hindi kalayuan sa harap niya.
Nang makita ako ni NJ ay agad siyang tumayo at lapit kay Aly, natawa ako nang yugyugin niya ito, ayaw pa naman ni Aly na ginugulo siya habang nagbabasa.
"Ate! Ate!"
"Ano?! Maglaro ka nalang dun, tsk." inis na sabi ni Aly at pipit na tinatanggal ang kamay ng pinsan.
"Ate, si Kuya."
sabi ni NJ at gulat naman na nag-angat si Aly at napatikom."Ikaw pala, kung makayugyog naman kasi ito akala mo may kalamidad na paparating." sabi ni Aly at tumabi naman ako sa kaniya.
"Ano ba iyang binabasa mo?" tanong ko at tinignan ang libro niya, pinakita niya naman.
"Nire-review ko lang yung published book, magre-reprint na sila." sagot niya at inilagay ang bookmark sa gitna.
Magsasalita na sana ako kaso biglang tinawag ni Nicole si NJ, agad naman sumunod yung kapatid at lumapit sa kaniya, "Babysitter ka pala ngayon." sabi ko.
"Pinabantayan sa akin since wala namang klase, uwian na kasi ni Nicole simula break time, si NJ naman ay puro laro lang." paliwanag ni Aly at bumuntong-hininga.
"Day-off mo ngayon diba? Libre kita fishball mamaya." sabi ko at bahagya namang lumiwanag ang mukha niya
"Really? Salamat."
sabi niya at tumango, nagulat naman ako."Ngayon ko lang narinig tagalog ng thank you mo ah?" pang-aasar ko at natawa naman siya.
"Pagod ako eh, walang gana mag english." natatawang niyang sagot at binuklat ang libro.
Patapos naman siya kaya hinayaan ko munang matapos niya, saglit lang ang lumipas nang isara niya nang tuluyan ang libro, mabilis kasi magbasa.
"Ano yun?" tanong ko nang may hinahanap siya sa bag niya.
"Pahiram ballpen, nakalimutan ko ballpen ko sa office." sagot niya, kinuha ko naman sa bulsa ko at iniabot sa kaniya.
Pinirmahan niya ang first page ng libro pati na rin ang bookmark, agad niya ring binalik nang matapos pirmahan ang dalawa.
"Para kanino iyan?" tanong ko at ngumiti naman siya.
"Ibibigay ko ito kay Vanesa," saad niya at itinabi ang libro.
"Eh kailan ba release ng re-print?" tanong ko ulit.
"Bukas, sa office ko na ididiretso yun, yung iba sa mansyon, pipirmahan ko pa kasi yun at pang giveaway, may iba na sa bookstores na." paliwanag niya at napatango naman ako.
Napatayo kaming dalawa nang masubsob si Nicole, agad ni Aly nilapitan ang pinsan at chineck kung ayos lang ba at nakahinga kami nang maluwag na ayos naman.
"NJ, huwag mo itulak ang Ate, bad ka." sermon ni Aly sa pinsan, tahimik lang naman at nakatingin sa lupa.
Nang mag lunch at pumunta kami ng canteen, natural kasama pa rin ang dalawang pinsan ni Aly, pinatabi niya si Nicole kay Iel habang si NJ naman kay kinalong ko.
Si Aly na rin nag order ng pagkain namin at pagbalik niya ay may hawak siyang tatlong lunch box, yung dalawa sa pinsan niya at yung isa sa kaniya.
Isa lang masasabi ko. Sana all.
Sinubuan ko si NJ at palakain naman, marunong naman na si Nicole kaya siya napang kumain mag isa, left handed pala siya dahil kaliwa ang gamit niya.
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang