Share

Chapter 5

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:40:28

PARA akong napako sa kinatatayuan ko sa nangyari, masyadong mabilis, at nang matauhan ako ay agad kong nilapitan si Aly.

"Bwisit." bulong niya at pilit na tinatanggal ang nasa mukha.

"Tara sa office ni Tita, Aly, mapupunta iyan sa mata mo." kalmado kong sabi at hinawakan ko na agad ng kamay niya at hinila.

Pagkarating ay agad na napakilos sina Mom at Tita, bigla silang nataranta, agad na sinamahan ni Mom si Aly sa CR habang si Dean ay may hinahanap.

"Iah, iho, yung phone ni Aly nasa sofa, can you call Alex? May name naman yan." kalmadong utos ni Dean, agad naman kong sumunod.

Mabilis kong nahanap dahil nasa unahan lang din naman halos, dinial ko yun at agad naman nag ring, "Hello po?"

["Hello? Aly?"]

"Ah, h-hindi po si Aly ito, si Iah."

["Iah? Ah yes, yes, Aly's boyfriend, may I help you?"]

"Ah, Ate, pwede po ba pumunta ka ngayon dito? I think Aly needs your help."

["Bakit?"]

"Accidentally, bigla nalang po siyang nabuhusan ng pink paint sa ulo."

["WHAT?! Shit. I'm coming, on the way na, GSHEU right? Yes, yes, see you."]

Pinatay niya na yung tawag, mukhang nagmamadali nalang din, "Mom, I can't see."

Napatayo ako nang marinig ang boses ni Aly, kalalabas lang ng CR. Nakapag palit na rin siya ng damit, basa ang buhok.

"Open your eyes."

"Mahapdi, mamumula ito."

Napabuntong hininga nalang si Mom at pinaupo si Aly, naupo naman ako sa tabi niya. Ang gulo ng buhok niya, probably hindi basta-basta natanggal yung paint.

Maya-maya ay dumating si Ate Alex, ang bilis niya naman. Agad niyang nilapitan si Aly, napailing siya nang makita ang nangyari sa buhok nito.

"Can you, Alex?" tanong ni Dean, tumango at ngumiti naman si Ate.

"I'll handle it, Aly, tara." sabi ni Ate, agad naman sumama sa kaniya ito.

Nakapikit ang isang mata ni Aly, ayaw niya idilat dahil namumula raw, mukhang nalagyan ng paint nung nahulugan siya. I don't think accident yun, parang plinano eh.

"Iah, where did the accident happened?" tanong ni Mom.

"Sa may locker area po, when we are walking papunta ng College Building." sagot ko at nagkatinginan naman sila ni Dean.

"I'll go check the security systems," sabi ni Dean at lumabas, sumandal naman ako at inilabas ang cellphone ko.

"Tsk. Mahapdi nga Ate, akin na yung salamin ko." inis na sabi ni Aly pagkalabas at kinuha yung salamin niya, sinuot niya ito pero nanatiling nakapikit ang isang mata.

Maayos na yung buhok niya compared sa kanina, bumalik lang din sa dati, "Try mo lang naman, hindi naman pwedeng magdamag na ganyan mata mo."

"No, I'll open kapag hindi na masakit." sagot ni Aly at kinuha yung bag niya, napabuntong hininga naman si Ate.

"Hayst, go back to your classes na." sabi ni Mom kaya agad na kami ni Aly lumabas at nagpunta ng classroom.

Pagkakatok ay binuksan ni Ma'am, afternoon classes na pala, nagulat pa siya nang makita ang lagau ni Aly, "I heard nabuhusan ka ng paint." sabi ni Josh pagkaupo namin.

"Tsk, bwisit, may interview pa naman ako mamaya." inis na sabi ni Aly

"Can't you skip that?" tanong ni Ma'am sa unahan, natigil ang discussion.

"I can't, sa endorsement po yun," sagot nito at tumungo.

"You go rest, kaya mo naman makahabol sa discussion natin since madali lang naman." sabi ni Ma'am at nag discuss na ulit.

Values subject ngayon kaya literal na madali, sana all natutulog tulad ni Aly. Tinignan ko siya dahil nakatungo pero nakasuot ng salamin, masisira yon.

"Bro, tingin mo, sadya o aksidente?" bulong ni Josh, mukhang tinutukoy niya ang nangyari kay Aly.

"Hindi ko rin alam, bro eh, napapaisip nalang ako na sadya yun kasi ang imposible naman kung accident." sagot ko pero ang paningin ay nasa harap para mukhang nakikinig.

"Baka naiwan lang sa taas ng locker tapos nakalimutan, then may tumabig tapos saktong nandoon kayo kaya sapul kay Aly." umiling ako at pinaglaruan nalang ang ballpen sa kamay.

"Eh anong paint ba ginamit?" singit ni Margaret sa likod, mukhang nakikinig sa usapan.

Sinubukan kong isipin kung ano nga ba iyon, mabuti nalang napunta sa kamay ko yung paningin ko at may bahid ng paint doon, "Pintura na ginagamit sa bahay, hirap tanggalin nun."

Natigil kami sa pag-uusap nang magpaalam na si Ma'am, "I'll try to ask my students kung may alam sila sa nangyari, anyway, see you all tomorrow."

Nagkatinginan kaming lahat at hindi alam ang gagawin, parang may dumaan na anghel at walang nagsalita. Nag-uusap kami gamit mata dahil puro titigan.

Nag ring ang cellphone ni Aly kaya nagpanggap kami na nag-uusap, "Hello?"

Pasimpleng sulyap lang ako dahil nakaharap ako kay Josh, nakatungo siya pero bahagyang nakatagilid at nakapikit ang mata.

"...Bey- what?" bigla siyang bumangon at tinignan ang cellphone niya. "Inangyan, anong kailangan mo, 'sen? ...Hmm? Ano? ...Where? ...Tsk. I'm busy. ...Class. ...Drive yourself. ...Kagigising ko lang. ...You already asked too many questions. ...Free time. ...Whatever, I'm on my way."

Napahawak siya sa ulo niya at umayos naman ako, "Who was that?" tanong ko.

Nilingon niya ako at umiling, sinenyasan ko siya na idilat ang isang mata pero agad siyang umiling, "Namumula, ang pangit

tignan."

"Try mo lang, baka mas lalong

mamula yan kapag nanatiling

nakasara." gatong ni Josh at yumuko naman siya.

Pagka-angat ng ulo niya ay sinubukan niyang buksan pero hindi buo, maliit lang pero bakas ang pagkapula nito, bigla niyang pinikit at may luha na lumabas, mahapdi nga.

"Mahapdi ba?" tanong ni Apreal sa tabi niya.

"Natural, gusto mo palit tayo?" sagot ni Aly at agad naman umiling ang katabi.

"Paano yan? Hanggang

kailan yan?" singit ni Margaret.

Kibit-balikat lang ang isinagot ni Aly at nag ayos ng gamit, "Hindi ko alam, bahala na, alis muna ako."

"Where are you going?" tanong ko.

"Airport, may susunduin lang ako, I'll be back, baka dumaan nalang din ako optical mamaya." sagot niya at tumingin sa relo.

"Ingat." sabi ni Josh, tumango naman si Aly at humalik sa pisnge ko tapos umalis na rin pagkatapos.

Hindi namin namalayan ang paglapit ni Iel at Gino, "Magtanong kaya tayo sa mga students bukas kung may nakita ba sila about sa nangyare." suggest ni Iel at naupo sa upuan ni Aly.

"Pwede, pero paano kung hindi naman pala nila napansin?" tanong ni Josh.

"Parang imposible naman ata iyon, may CCTV rin sa locker area kaya sure naman na makikita yun doon." sagot ni Gino, nagkatinginan naman kami.

Natahimik kami nang bumukas ang pinto, bahagyang sumilip si Dean at ngumiti ng pilit, "Good afternoon, so far we have no trace kung sino ang may pasimuno about the accident earlier."

"Na read na po ba yung CCTV?" tanong ni Charles at tumango naman si Dean.

"Yes, halos pinaulit ulit namin mula this morning at hanggang sa mangyari ang aksidente but still no trace."

"Po? Paano po nangyari yun?" naguguluhan na tanong ni Margaret at bumuntong-hininga naman si Dean.

"I don't know Margaret, but I'm guessing that you have plans to do about that, take action as soon as possible kung pwede, hindi lang si Aly ang naaapektuhan

kundi pati kami at ang trabaho niya." paglilinaw ni Dean at tumango naman kami.

"Paano po kung wala talaga?" tanong naman ni Basty.

"Then we'll conclude na accident lang talaga iyon, we'll try to communicate with the teachers as well, anyway, where's Aly?"

Tumingin sila sa akin na para bang ako lang ang nakakaalam, "May susunduin raw po sa airport, babalik rin naman siya, sabi niya po." sagot ko at kumunot naman ang noo niya.

"Oh? Ah, baka si Janssen, sige, salamat, thanks for your time Genesis."

sabi ni Dean at umalis na.

"Ayos mukha," sabi ni Josh sa akin.

"Ha?"

"Selos ka? Sus, baka kaibigan lang ni Aly yon, Kuya, lukot na itsura mo." sabi ni Iel at inirapan ko naman siya.

Nag-isip pa kami ng kung ano anong pwede gawin, marami rin silang sinuggest pero nag stick pa muna kami sa pagtatanong tanong sa mga students, since JHS Building ang nandito kaya hiwalay na kami kung saang grade.

Kami nila Iel sa kaparehong grade level, habang yung iba ay sa upper levels na, napaka imposible ng gagawin namin pero bahala na.

"Free time until dismissal." sabi ni Aly, ha? ni Aly?

Lumingon ako sa pinto at natatawa siyang umupo sa upuan niya, lumipat na rin kasi si Iel sa sa sahig, ganoon trip namin dito.

"Pero di nga? Free time?" tanong ni Aljoe.

"Kailan ba ako nag biro?" pabalik na tanong ni Aly at tuwang tuwa naman sila, ayaw kasi magklase.

"Aly, may gagawin ka ba bukas?" tanong naman ni Gino, kumunot naman yung noo niya at dahan-dahang umiling.

"Wala naman, siguro sa office mayroon, one week day off ako sa work." sagot ni Aly kaya nagkatinginan kami. "...Bakit?"

"Wala, nagtatanong lang, masama?" sabi ni Gino pero inirapan lang siya nito.

"May plano kayo about sa nangyari kanina, of course I know, kilala ko kayo eh." turan niya at napakurap nalang kami.

Puro kwentuhan nalang kami, pinipilit pa rin namin si Aly na idilat ang isang mata pero ayaw niya talaga, kapag ayaw niya ay ayaw niya talaga, hindi mo basta basta napipilit.

"Bilis na, malay mo wala na." pamimilit ni Margaret pero umiiling lang si Aly.

"No thanks, ayoko talaga." sagot niya kaya napabuga sila ng hangin.

"Just try it, wala namang mangyayari." pilit pa ni Iel kaya napabuntong hininga si Aly.

Tinanggal niya ang salamin at walang ano-ano ay idinilat niya ang isang mata, kaunting pula nalang ang mayroon at kaya nang idilat ng buo, it looks fine unlike earlier, "See? Okay naman na, mahapdi pa ba?" tanong ni Iel.

"Slight," sagot nito at isinuot ang salamin.

"Try mo dumilat sa tubig, baka mawala." sabi ni Margaret.

"Hindi kaya, ayos lang, may eye dropper naman, pawala naman na eh." sabi ni Aly nang nakatingin sa cellphone.

"Eh sino yung sinundo mo sa airport?" singit na tanong ni Charles kaya umangat ang paningin niya.

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ni Iah nung nagtanong si Dean."

Tinignan niya ako at nginisihan, "It was a friend, the one Iah saw yesterday nung nag-stalk siya."

"Stalker naman pala~" sabi nila sa akin at tinulak ko naman sila palayo.

"Malay ko bang napindot ko yung react, tsk. Eh sino nga ba sinundo mo? Yung pangalan ha?" tanong ko kay Aly at umiling naman siya.

"Si Janssen yon, just a friend." sagot niya at hindi nalang ako nagsalita.

Nang mag-uwian ay naghiwalay na kami ng landas ni Aly, may interview pa raw siya at ako ay dumiretso na pauwi, sinabihan niya ako na panoorin nalang ang live sa instagram kaya ayun agad ang ginawa ko pagkauwi.

Ilang oras din yung interview, akala ko saglit lang, hindi pala. Ang dami lang din kasing tanong, ramdom pati, mix about sa pagmo-model at sa pagiging writer, sana all.

"Kuya! Kakain na!" sigaw ni Iel sa labas.

"Susunod na!" sigaw ko pabalik at agad na tumayo sa kama

Pinatay ko muna ang electricfan at sinalpak ang dalawang earphone sa magkabilang tainga ko, pagkababa ko ay ako nalang ang hinihintay kumain.

"Kakain na tapos cellphone pa rin," sabi ni Mommy at nag paawa effect naman ako.

"Mommy naman, live ni Aly ito eh." sabi ko at bahagya naman siyang nagulat.

Kalaunan ay hinayaan niya nalang ako manood habang kumakain, saktong natapos akong kumain nang matapos na rin ang interview, ako ang nakatokang maghugas ng pinggan kaya naman hinugasan ko na.

Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto at humiga, biglang pumasok si Iel at naupo sa paahan ko, "Maaga tayo bukas?" tanong niya.

"Sa? PaghahanapNagpa excuse si Aly for free time bukas, kaya anytime." sagot ko at napatango naman siya.

Bigla siyang humiga kaya naitaas ko ang paa ko, may sarili namang kwarto dito pa humihiga, "Ngayon pa lang ramdam ko na walang aamin."

"Iel naman, sinong

shunga ang aamin kung alam nila na sila ang may kasalananWala."  natatawa kong sagit at hinampas niya naman ako.

"Baka nga aksidente lang yon." sabi niya.

"Sana nga aksidente lang yun eh, pare-parehas tayo maaapektuhan kapag hindi, hope so."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status