Share

Chapter 4

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:39:44

"GIVE examples of superstitions, anyone?"

Early in the morning, science subject agad, mabuti nalang ay madali pa ang lesson namin ngayon, basta related sa mga pamahiin kung totoo ba talaga o hindi.

Tamang recite lang, plus points daw sa recitation sabi ni Ma'am eh. Pala-recite kasi ako, basta pag alam ko yung sagot nagtataas agad ako ng kamay.

"Eh, Ma'am, diba bawal raw yung kapag

magwawalis ka tapos palabas?" sabi ni Basty, tumango naman si Ma'am, tamang kwentuhan lang.

"Ayun din ang sinasabi lalo na kapag gabi, kapag daw kasi palabas ng pinto ang walis mo ay itinataboy mo ang swerte sa loob ng bahay niyo." paliwanag ni Ma'am.

"Totoo yun Ma'am?" tanong ni Aljoe.

"Superstition nga eh, malamang hindi ka sigurado kung totoo o hindi."

Nagtawanan kami dahil sa sinagot ni Ma'am, oo nga naman, paano magiging totoo yun eh puro paniniwala lang naman, wala ka ring kasiguraduhan.

May kumatok sa pinto kaya naman lumapit si Ma'am at binuksan iyon, "Oh, Aly, nandito ka na pala."

"Yeah, I'm sorry for being late, ang daming

gawain." sagot ni Aly at tumango sa klase, sinenyasan rin siya ni Ma'am na maupo na.

"So? May iba pa ba kayong paniniwala or paniniwalaanIkaw Aly?" tanong ni Ma'am at sumandal sa table. "...Our topic is all about superstitions, any examples?"

"Mom said bawal raw po mag-cut ng nails kapag gabi, masama raw po." sagot ni Aly at pumikit naman si Ma'am.

"That's also one reason,"

Nagtaas ng kamay si Usher kaya tinawag siya, "Eh bakit masama Ma'am?"

"Aba'y hindi ko alam, itanong mo sa nagpasimuno noon baka masagot ang katanungan mo." sagot ni Ma'am at nagsimula na sa topic namin.

Nag explain lang siya harap, natural na classroom scene, may ibang patagong kumakain, yung iba naman ay nakikipagdaldalan sa katabi, habang yung iba naman ay nakikinig at nagsusulat sa notebook.

"True or False. Is Science everywhere?" tanong ni Ma'am.

"True!"
"False!"

"Yes, Science is everywhere. Sa mga nagsagot ng False bagsak sa first quarter." sabi ni Ma'am kaya agad nilang binawi ang mga sagot nila.

Tumungo ako nang nakaramdam ako ng antok, makatulog nga, hindi naman siguro tayo mahuhuli nito.

Hindi pa man ako nakakatulog ay may bumatok na agad sa akin kaya napaangat ako ng tingin only to find out na si Aly pala iyon, naka side siyang nakaupo at bahagyang nakaharap sa akin.

"Nagseselos ka pa rin doon? Stalk pa." sabi niya at umayos naman ako ng upo, pinaglaruan ko yung ballpen ko sa kamay ko.

"Hindi ah, sino nagsabing

nagseselos ako doon? Sino ba yun? Masapak nga." sabi ko at napamaang siya, hinampas niya ako sa hita ko kaya napaiwas ako.

"Sira, he was just a friend, nasa Korea siya gusto mo ba puntahan?" natatawang sabi niya at agad naman akong umiling at tumingin sa harap.

Nang magsulat si Ma'am sa board ay agad ko na ding kinopya, panggap nalang para kahit man lang ay may kaunting laman ang notebook ko.

"Akala mo naman talaga nagsusulat, pero hindi naman talaga." sabi ni Aly kaya natigil ako, tinignan ko siya at tinignan niya lang ako. Sa iPad kasi siya nagsusulat gamit stylus eh.

"Walang laglagansobra ka na ah? Parang walang problema eh." sagot ko at napailing naman siya.

"Those were just problems, tao ako, hindi ako matitibag ng mga iyon not unless bibigay ako, do you get it? I hope you do kasi ginagamitan ng utak yun, hindi mo pa naman

ginagamit yung sayo mahirap na."

Pasmado ata bibig nito at walang preno, masyadong mabilis to the point na lumagpas na, below the belt na yun sa akin ah?

Hinayaan ko nalang siya at hindi na sinagot, baka mas lalo lang ako mabara, mahirap na. Tinuloy ko nalang yung pagsusulat at hindi na pinansin ang mga nasa paligid ko.

Lumipas pa ang isang subject at nag-break time na, tambay lang kami sa cafeteria, minsan nakain minsan ay wala lang.

Pero dahil hindi naman kami kakain, bumalik si Aly na may dalang chuckie, naka-higop pa sa straw at yung isang kamay nasa bulsa ng coat. Nahagip ng mata ko yung kwintas at mabuti nalang hindi niya tinanggal.

"Aly!"

Agad na nagpaalam si Aly at lumipat sa table nila Vanesa, tinawag kasi siya ni Ginelle. Hinayaan nalang dahil hindi niya na rin naman nakakasama.

"Napaka-normal ng araw ngayon, wala akong maramdaman na thrill, bwisit." reklamo ni Gino habang nagpu-pulbo, nasa cafeteria tapos... tsk.

"Bitin yung dalawang araw na walang discussion, para akong tinatamad, pero alaws

magagawa." sagot ni Iel.

Hindi ako nakikisali sa kanila dahil hindi ako makarelate, parang araw araw naman ay normal kung tutuusin, o sadyang wala lang akong ginagawa? Bahala na.

"Josh, bili mo nga ako siomai," utos ni Marga at inabutan ng bente si Josh, agad naman itong tumayo at pumila.

Nahagip ng mata ko ang pagtayo ni Aly at mukhang may kausap sa phone, patakbo siyang lumabas at nawala na sa paningin ko.

"Uytignan niyo oh," sabi ni Charles at pinakita sa amin ang cellphone niya.

May isang article na ini-endorse ni Aly, ah, ito ata yung sinasabi niya kahapon na ngayon ang release, iyan rin ata ang dahilan kung bakit siya lumabas.

ANE's Eyewear.

Ayun ang pangalan, nakauot siya ng salamin, mukhang anti-rad lang naman, obviously color white pero sa ibang pictures ay white and gold, pink and gold, then black and gold na ang kulay.

"Shete, ganda oh! Saan ka pa makakakuha

niyan? Tsk tsk!" sabi ni Josh habang nakaturo sa picture, ngumisi naman ako sa kaniya.

"Wala na, taken na yan, sorry ka." sabi ko at sinapak niya naman ako ng mahina sa braso, natawa nalang ako.

Umingay yung cafeteria kaya napalingon kami sa pinto, si Aly lang pala, akala mo naman nakakita ng artista, eh model iyan. Ha? Ano daw?

Patakbo siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ko, "Come with me, bilis." nagmamadaling sabi niya at hindi na ako pinasagot dahil hinatak niya na ako.

Hanggang sa makarating kami sa Dean's Office, halos hingalin pa ako pero mabuti nalang pinaupo niya ako agad.

"Iah, iho, pwede ba kayo mamaya ni Iel? Kung pwede ay isama niyo na rin parents niyo, dinner lang sa resto niyo." sabi ni Tita, Aly's Mom, agad naman akong tumango.

"Yes po, Tita." sagot ko natatawa naman siyang umiling.

"Call me Mom, thank you by the way, sige na, you may go, classes are about to start." nakangiti niyang sabi at ngumiti naman ako at tumango.

Sabay kaming lumabas ni Aly, shumortcut nalang din kami para mabilis na makarating sa room, ang init din kasi, mas malamig sa room kasi aircon.

Masaklap nga lang ay MAPEH ang sunod, hindi ko alam kung saang area ang unang topic namin dahil random ang ginagawa ni Sir, last year ay Arts agad.

Sunod sunod na nagsipagdatingan ang mga kaklase namin, saktong nagbell ay yon naman ang pagpasok ni Sir, natahimik kaming lahat, palibhasa strict kaya takot.

"For today's topic area, PE. I also borrowed your Filipino time kaya two hours tayo ngayon, our focus is Arnis, go on and change, let's all meet at the gymnasium." sabi ni Sir at lumabas na, agad naman kaming nagsikilusan kahit tinatamad at nagpunta sa locker area.

"Sa office ako diretso, see you later." paalam ni Aly at nauna nang umalis.

Yung PE dito ay may dalawang klase, kapag sa subject ay tshirts at shorts. Sa lalaki ay above the knee habang sa babae ay yung natural na short, pero hindi naman ganoon kaiksi.

Kapag naman ay PE day, or Thursday, jogging pants, sa lalaki ay partner ng tshirt lang sa babae naman ay polo style shirt.

Parang sa uniform, kay Aly at sa akin ay color white na coat, tapos sa mga regular students ay black na coat. May pagkamaiksi nga lang yung skirt nung kay Aly compared sa regulars.

Maiksi lang din ang necktie naming dalawa habang sa mga regular students ay mahaba, at panghuli ay ang medyas ng regulars ay itim habang sa amin ni Aly ay puti.

Ayun ang mga pinagkaiba ng nga uniform dito, may sariling uniform naman ang mga clubs pero ngayong high school ay wala na iyon, hanggang elementary lang.

"Okay class, kunin niyo nalang doon sa lalagyanan ang sarili niyong arnis." utos ni Sir kaya agad naman kaming lumapit doon.

Aly's still not yet here, mukhang may ginagawa pa at mali-late, sa totoo lang ay hindi naman talaga siya late, excused nga siya hindi dahil sa SSC President at madaming inaasikaso, may school works din siya.

Tinuro ni Sir kung paano gamitin ng tama ng arnis, may tinuro din siyang basics hanggang papahirap, naturo na ito nung grade five kami, hindi ko alam kung bakit naulit nanaman.

Iniwan muna kami ni Sir at hinayaan na magpractice, binabatayan niya rin daw kasi ang grade ten dahil absent ang subject teacher dito.

"Galing, sana all." natigilan kami at lumingon sa pinto ng Gym, si Aly, nakatayo at nakacross arms.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Charles, lumapit naman siya at pinanood kami.

"Daming inaasikaso," sagot niya at uminom sa hawak na tumbler.

"Hindi ka nga naka-PE eh." sabi ni Tristan, natawa naman si Aly at umiling.

"I already know that, napag

aralan ko na yan last year, naituro lahat lahat." nilapag niya ang tumbler sa bench at lumipat sa harap.

"Really?" ngisi ko sa kaniya at napairap naman.

"Try me." mapang hamon na sabi niya, at pasugod ko siyang hinampas ng arnis pero agad siyang nakailag at umikot sa likod ko.

Tumalikod ako at hinarap siya, ganoon nalang ang gulat ko nang makita na may hawak na siyang arnis habang prenteng nakatayo.

"Masyado kang mabilis." saad ko at siya na ngayon ngumisi at pinaikot sa kamay ang arnis na akala mo nagme-majorette.

"I told you, try me." she repeated kaya naman binato ko ang isang arnis sa kaniya na mabilis niyang naiwasan at nasalo.

Binitawan niya iyon at sinenyasan akong sumugod, hinampas ko mula sa baba ang arnis na agad niyang nasanggi, hinawakan niya iyon at ipinaikot kaya nasama ang kamay ko.

Hinarang niya ang arnis sa kamay ko at itinulak ko, "Eh di ikaw na." sabi ko at natatawa niya namang binitawan ang hawak.

"Good job, Aly," comment ni Sir sa hindi kalayun, mukhang nanood katulad ng mga kaklase namin.

Tumango si Aky at ngumiti sabay ngisi sa akin, "Satisfied now, Iah? Kaya kung gusto mo matuto, lumapit ka lang sa akin."

"No thanks, I can learn on my own." sabi ko at tumalikod, tumawa naman siya.

Hinayaan nalang muna kami ni Sir at sinabing huwag lalabas hangga't hindi pa nagbe-bell for lunch time, kaya ang ginawa namin, naglaro ng chinese garter.

May dala kasi si Gino kaya naman patalon talon nalang kami dito, tinanggal namin ang medyas at sapatos para hindi madulas, pang-basketball kasi ito pero mayroon din naman sa labas.

"Oy, si Aly?" tanong ni Ginelle at nagkibit balikat naman ako.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko pero wala, oo nga noh, hindi man kangnamin naoansn na nawala na yun bigla.

"Hoy, Aly! Nasaan ka?" sigaw ni Aljoe.

"Lah? Bulag?"

Kung saan saan kami tumingin nang magsalita si Aly, lumingon ako sa may upper part ng gym, may parang terrace kasi doon at may gamit ang din na nakalagay.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Iel pero umiling lang si Aly.

Nang mag bell ay agad na kami lumabas, hindi na muna kami nagpalit ng damit at dumiretso sa room para kumuha ng pera, may iba namang may sariling baon kaya hindi na pumupunta sa cafeteria.

Dito nalang din ako kumain at mabilis lang din ako natapos, nagpunta ako locker at kinuha ang uniform sabay diretso sa CR para magpalit.

Pagkatapos ko magpalit ay nagpunta ako cafeteria, nandoon sila at kumakain pa rin, namburaot nalang ako, buti naman hindi nagreklamo.

"Anak ng? May baon ka diba?" inis na tanong ni Iel pero inirapan ko siya.

Tinawag ako ni Aly kaya sumunod ako sa kaniya, papunta kami College Building, may inutos raw sa kaniya kaya dinamay niya ako, sa may locker area kami dumaan para mabilis.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang matigil dahil sa nangyari,

"Oh my gosh!" react ni Aly at hindi naman ako nakakilos agad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status