Share

Chapter 3

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:39:05

"AKO! Laban kami ni Aly!"

"You sure? Baka magsisi ka bigla."

"Sus! Easy!"

Pinanood kong maglaro ng badminton si Charles at Aly, nandito kasi kami ngayon sa court ng GSHEU, naglalaro lang kami dahil wala namang ginagawa. Nagpalit kami ng damit para hindi mangamoy pawis.

Well, except kay Aly, fresh pa rin at walang kapawis pawis, naka-uniform pati habang naglalaro, hindi rin naman kasi siya tumatalon, kapag hahabulin niya ang bola ay mabilis na lakad lang.

Yung ibang boys pala ay naglalaro ng basketball, may ibang girls na naglalaro ng volleyball, ganoon lang, kani-kaniyang buhay o kaya naman trip.

Mayroon din kasing hindi mahilig sa outdoor sports at nasa isang tabi naman sila, its either nag-uusap or nanonood ng mga naglalaro.

Sinalo ko yung bola na binato sa akin ni Aljoe at patakbong dumi-dribble sabay talon at shinoot sa ring ang bola.

Umapir ako kay Josh pagkatapos ko gawin yun, "Nice, galing pa rin talaga." sabi niya at tumango naman ako.

Lumayo ako nang makita ang paglapit ni Aly, pawis ako, samantalang siya ay fresh pa rin.

"Kung maka-iwas naman ito, tadyakan kita diyan eh." inis niyang sabi at pabatong ibinigay ang panyo na nasalo ko naman.

"Sa sobrang arte mo ba naman tingin mo papayag akong lumapit sayo na naliligo ng pawis? Ako na maga-adjust." sagot ko pero inirapan niya lang ako at umalis na.

Tumabi ako sa kanila Basty na nakatayo sa isang tabi, "Oh? Nag-away kayo?" tanong niya at nilingon si Aly, agad naman akong umiling.

"Hindi, asaran lang, ako na nga nag-adjust sa kaniya eh." sagot ko at natawa naman siya.

Nang mag-bell ay bumalik na kami sa classroom, hindi ko alam kung saan sila pupunta basta kami ni Aly diyan lang sa tabi-tabi para kumain ng street foods.

Pagkatapos ko magpalit ng damit ay ayun naman ang pagpasok ng girls, naka-uniform na ulit. Medyo nahuli si Aly dahil naka focus sa phone pero naka dress na.

"Hoy! Bakit may multo dito? ALES!" sigaw ni Aljoe kaya tinignan siya ni Aly.

"Sino tinutukoy mo? Sarili mo? Oh, alis ka na, nakabukas ang pinto." sabi ni Aly at bahagyang tumabi, natawa naman kami.

Napakamot nalang sa ulo si Aljoe dahil sa binara siya ni Aly, agad na rin kaming lumabas pagkatapos.

Pagkalabas ng school at lumiko kami, park kasi ang katabi nito at maraming nagtitinda doon, halos puro students lang din ang nandito.

"May puntahan ka ba?" tanong ko kay Aly, agad niya namang tinago ang cellphone sa bag.

"Trabaho, as usual, dito kasi ire-release, hindi ko lang alam kung kailan." sagot nito, hinila niya ako sa dati naming suki, o yung laging binibilhan.

"Oh, Aly, Iah, kamustaNgayon ko nalang kayo ulit nakitang

bumili dito." sabi ni Manong, nasa mid-30's lang din naman siya.

"Kababalik ko lang ho, manong, namiss ko yung luto niyo!" masayang sabi ni Aly at sumang-ayon naman ako.

"Oh s'ya sige, kumuha na kayo diyan," agad naman niya kaming inabutan ng plastic cup at stick kaya tamang kuha nalang.

Nang matapos ay agad kong inabot ang bayad, "Salamat

manong!" sabi ni Aly.

"Awsus, ikaw talaga, wala yun, sa uulitin." nagpaalam na rin kami at nagpunta sa isang bench at doon naupo.

Simpleng fishball at kikiam lang kinuha ni Aly habang sa akin naman ay puro fishball lang, hindi naman masyadong kumakain si Aly not unless favorite niya.

"Gusto mo bang sumama?" biglang tanong ni Aly at inisenteng tumingin sa akin.

"Saan?"

"Work."

sabi niya.

"Pwede ba? Baka naman bawal."

Umirap siya at pabatong hinulog sa basurahan ang plastic cup na ginamit niya, tapos na kumain, kumuha siya ng candy sa bag niya at kinain yun.

"Mabait manager ko," sagot nito at umiling, in the end, pumayag nalang din ako, tinext ko nalang si Iel na baka hapon na ako umuwi.

Bumalik kami ng sa gate ng school at doon sumakay sa van, nakita pa namin sina Josh at nagtanguan nalang. Malapit lang din naman pala ang pinagtatrabahuan nito.

Iniwan ko lang yung bag ko sa van at agad din kaming pumasok sa loob, company building lang din. Sumakay kami ng elevator at may pinindot si Aly sa kung saang floor.

"Dito ka lagi nagpupunta?" tanong ko at nakita ko siyang tumango through the mirror.

Nang bumukas ay hinila niya ako palabas, kumatok siya sa isang pinto at agad na binuksan, mukhang office ng manager niya.

"I'm here," sabi nito at inangat naman nung lalaki, na nasa mid-20's pa lang siguro, yung ulo niya.

"Eh di mabuti," sumimangot si Aly at umirap nang iyon ang sinagot sa kaniya.

"Si Iah nga pala," pakilala nito at pilit naman akong ngumiti.

"Hello, iho, I'm Manager Lee, upo muna kayo at may tatapusin lang ako saglit." sabi ni Manager kaya naman naupo kami ni Aly sa sofa.

Inabot ng isang oras bago natapos, "Oo, saglit lang, tsk tsk." iling ni Aly at napakamot nalang sa ulo si Manager.

Sinenyasan niya kami na sumunod na agad naman naming ginawa, sumakay ulit elevator at bumaba ng dalawang floor.

Mukhang dito sila nagsu-shoot dahil nay white platform tapos nakakalat ang mga camera at kung ano ano pa.

"Doon ka nalang muna, kaunting shoot lang naman." turo ni Aly sa isang bench, agad naman akong pumunta doon at naupo.

Habang nagsu-shoot sila ay pasimple kong pinapicturan si Aly sa cellphone ko, pandagdag man lang sa gallery ng cellphone ko. Sa totoo lang, puro pictures niya at naming dalawa lang ang laman noon eh.

Nang mag break ay agad akong nagpanggap na naglalaro lang, tumabi si Aly at uminom ng tubig, "Hmm? Break?" tanong ko at tumango naman siya.

"Kaunti nalang, mukhang hindi ka naman nabo-bored dahil nangi-stolen ka." napangiwi ako nang sabihin niya yun.

"Oo na, nakita mo na." sagot ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

May lumapit sa amin at inabutan kami ng pagkain sa tray, kumuha si Aly nang dalawang biscuit at inabot sa akin, "Go on and eat, busog pa naman ako."

Tinignan ko lang siya at pasimpleng kumain nung inabot niyang bisquit, "Pagod ka nanaman niyan mamaya." sabi ko at ngumiti naman siya.

"Lagi naman akong pagod, nakasanayan ko nalang din, don't worry, I can handle it." she assured, ngumiti nalang ako sa kaniya.

Tinawag rin siya kaagad kaya umalis na rin, sumandal ako at pinanood siya. Para akong nanonood ng sine dito dahil may hawak pang pagkain.

Inabot kami ng alas-tres bago siya matapos, dumaan muna kami sa fastfood at nag drive thru nalang para mabilis, inorderan niya din ako kasabay ng pasalubong pauwi.

Halatang pagod dahil nakasandal na ang ulo sa kamay niya, inabot naman nung driver niya yung order, pauwi sa amin ay kumakain siya, chicken and rice.

"Una na ako, ingat ka." sabi ko sa kaniya pagkababa ko, isasara ko na sana ang pinto nang lumabas sila Iel, nandito pala sila Josh.

"Hi, Aly!" sigaw nila, tumango naman at ngumiti si Aly sa kanila at simpleng nag wave ng kamay.

"I need to go, I'm kinda tired, bye guys." sabi niya at sinenyasan ako na isara na ang pinto, agad din namang umalis.

"Kanino yan?" tanong ni Charles at tinuro ang dala ko, nginisihan ko siya.

"Huwag kang

mag-alala, hindi para sayo ito." sagot ko at inabot kay Iel, natawa naman siya at pumasok sa loob.

Walang katao-tao yung bahay maliban sa amin nila Iel, kung hindi hapon at gabi na sila makakauwi, kung saan saan lang din naman si Ate, ang parents naman namin ay may trabaho.

Wala naman kaming ginawa kung hindi mag-ML o kaya naman maglaro ng COD, hindi na nga rin namin namalayan yung oras dahil masyadong nagfocus sa paglalaro. 

Napangiwi ako nang maalala na hindi nga pala ako nag-chat kay Aly, pero sana naman nakatulog na siya at nakalimutan niya para walang atraso.

"Iah, bro, una na kami! Bukas nalang!" tumango nalang ako kay Josh dahil nagda-dial ako sa cellpone ko.

"Ingat kayo!"

sigaw ni Iel at umalis na sila. Dumiretso ako paakyat sa kwarto at tinitigan ang cellphone ko.

Busy yung phone niya, mukhang may ibang tinatawagan o kaya naman kausap. Sinubukan ko ulit pero busy pa rin, sino naman kaya kausap noon?

Nag-antay ako ng ilang minuto at sinubukan tumawag ulit, pero this time, sumagot na siya, ang tagal noon ah?

["Hello? Iah? Sorry hindi ko nasagot yung call."]

"Where were you? Sino kausap mo?"

["I was talking to Dad, we had... some family problems."]

"Oh... sorry, may maitutulong ba ako? You know I'm always here for you."

["No, it's okay, I'm fine, I can handle. You don't have to worry."]

"Hon, you know you can trust me right? I'm worried, pagod ka galing trabaho tapos problema agad ang bungad sayo."

["Yeah, ayos lang talaga ako, sige na, sorry for missing your calls, bawi nalang ako tomorrow, love you, hon."]

Hindi niya na ako inantay na sumagot dahil pinatay niya na, napabuntong hininga nalang ako at tinitigan ang cellphone ko. 

Aly seems and looks like she's perfect but she's not, she uses her smile to hide the pain and problems she has deep inside.

Umiling nalang ako pumunta sa kusina, naabutan kong kumakain si Iel habang nanonood sa iPad, dis-oras ng gabi nandito nakatambay.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang mapansin niya ako.

"Ako nga dapat nagtatanong niyan eh, anong ginagawa mo dito?" napakamot siya sa ulo niya at sinara ang cover ng iPad.

"Ayokong tumambay sa kwarto kaya dito nalang ako, may pagkain pa. Eh ikaw?" sagot niya.

Kinuha ko yung gatas sa ref at nagsalin sa baso, pagkatapos ay naupo ako sa tabi niya, "I just talked to Aly."

Bahagyang kumunot yung noo niya pero tuloy pa rin sa pagsubo ng chips, "Oh? Tapos?"

"Family problems."

Napangiwi siya nang iyon ang isagot ko, hindi rin naman kasi gaanong nakakasama ni Iel si Aly pero mukhang naiintindihan niya dahil nagkukwento ako sa kaniya.

"Kawawa naman yun, pagod sa school, may modelling pa, tapos may problema pa sa buhay? Paano niya nakakayanan yun? Sana all." comment niya at natawa naman ako ng mahina.

"Pustahan, pag pasok nun bukas parang wala lang nangyari." sabi ko at tinungga yung gatas.

"Ano pa nga ba? Bwisit, regular classes na bukas, bitin yung dalawang araw ng walang klase." reklamo nito at tinitigan ko naman siya. 

"Talino mo niyan ah?"

"Aba? Kaming matatalino, nabi-bwisit din kami noh! Palibhasa ikaw puro ka kalokahan eh, ayan tuloy, walang nakukuha kapag recog na, ha! Hindi mo gayahin

gerlpren mo, daming ginagawa pero laging top one! Saan ka pa?"

 sermon niya at inirapan ko naman siya.

Tumayo ako at inilagay ang baso sa lababo, hinugasan ko na rin dahil malinis na, mahirap na, baka sermon ang maging almusal ko bukas.

"Matulog ka na 'yel, may bukas pa." sabi ko sa kaniya.

"May... bukas pa~ sa iyong..." at kumanta nga ang tukmol.

Iniwan ko nalang siya sa kusina, bahala na siya magpatay ng ilaw doon. Patakbo akong tumalon sa kama ko at nag-online, magpapa-antok muna ako.

Puro si Charles laman ng news feed ko sa facebook, mahilig kasi mag sharedpost kaya sakop na sakop, kulang nalang i-unfriend o kaya naman i-block ko siya para mawala yung pangalan niya sa feed.

Inistalk ko si Aly, wala siyang latest post pero yung huli ay yung picture naming dalawa. Tumingin-tingin pa ako ng iba at nang may makita akong isang post ay agad kong binuksan iyon.

Selos, umalis ka sa katawan ko kahit ngayon lang, picture niya kasi yun na may kasamang lalaki, selfie pa nga eh, mukhang nung graduation nila. Tss. In-exit ko nalang at lumipat sa instagram, nabadtrip ata ako doon ah.

Nanlaki ang mata ko nang si Aly yun, at mas lalo akong nagulat sa text na sinend niya. Tangina, Iah, anong ginagawa mo sa sarili mo?

From: Aly - Carter

Huwag ka na magselos sa picture na yun, we're just friends. Akala ko natutulog ka na, nangi-stalk pa pala, don't think about that. Ikaw lang naman, sweet dreams, hon, good night, i love you :)

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status