Share

Chapter 14

Author: bubbly_aly
last update publish date: 2020-08-20 17:46:31

"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."

Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon, "That's the second time this day, kanina lang din umaga ay hindi mo sinasagot ang mga tawag niya." sabi ni Iel.

"Naka-silent kasi ang phone ko." buntong-hininga ko at sumubo sa kinakain na lunch.

"Punta tayo sa mall mamaya, libre ko!" singit ni Hannah.

"Sigurado mo?" tanong ni Josh.

"Oo naman! Kahit ano!" desididong sagot naman nito.

"Oh sure! Wala naman kaming gagawin eh, ikaw Kuya?" umiling ako at ngumiti, senyales na wala din akong gagawin.

Pumalakpak sa tuwa si Hannah kaya naman natawa kami, nang mag bell ay bumalik na kami sa classroom, kaunti pa lang naman silang nasa loob at mukhang nasa labas pa ang iba.

"One hour free time," announce ni Basty pagkapasok niya.

"Legit?" tanong ni Iel.

"Oo, si Ms. Park na mismo

nagsabi." sagot ni Basty.

"Bakit 'Ms.Park'? Anyare?" natatawang tanong ni Aljoe.

"Wala lang, namiss ko lang, yun daw tawag ko sa kaniya kapag nasa Admin's Building eh."

Totoo nga at free time lang, halos natulog nalang ako sa buong isang oras dahil wala naman silang ginawa kung hindi ang magkwentuhan o kaya naman maglaro.

"Iah! Time na!"

Umayos ako ng upo at halos kinusot ko pa ang mata ko, nahimasmasan naman na ako pero medyo inaantok pa rin, kinulang ata tulog ko.

Pumasok si Jasper, kasama si Charles at Tristan, kasunod sina Vanesa, Apreal, at Ginelle, at walang pasabing dumiretso at naupo sa upuan nila.

Sunod ay si Aly na seryoso lang at walang pansinan na naupo sa harap ko, hindi ko nalang kinausap dahil mukhang badtrip, baka ako mapagbuntungan ng galit niyan at mabugahan ng apoy, mahirap na.

Maya-maya pa ay pumasok nalang din si Ma'am at imbes na bumati ay iba ang sinabi, "Get a one-half crosswise for your twenty-items quiz about yesterday's lesson."

"Ma'am, paano si Aly? Absent siya!" sabi ni Usher.

"That's not my fault, she didn't study at hindi man lang nagtanong sa inyo about sa ginawa natin kahapon so take the risk." striktong sagot ni Ma'am, bahagya namang umiling si Aly.

Nagsimula ang quiz at numero uno pa lang ay halos sumabog na ang utak ko kaiisip kung ano ang sagot, buong quiz pa naman ay identification.

Napaka linis ng papel ko kung tutuusin, siguro lima lang ang nasagutan ko sa buong quiz, bagsak nanaman ako nito kaya bahala na.

"Highest," sabi ni Ma'am habang tinitignan ang mga papel, at bumakas ang pagkagulat sa mukha niya. "...Ms. Park, the usual, perfect score."

"Sana all nalang talaga." sabi ni Charles at natawa naman sila.

"Hannah, Jeziel, Amir, Naeumi, and Isabel got nine over ten, and the rest, low scores."

Tumikhim si Aly at napatingin naman sa kaniya lahat, nakatingin lang siya sa cellphone niya na akala mo may inaantay na oras.

Nang makita kong sumaktong mag-alas dos sa cellphone niya ay tumayo siya at sumandal sa may board, sabay harap kay Ma'am at bahagyang tumango gamit ulo lang.

"You may go," seryosong sabi nito at agad naman ng umalis si Ma'am.

"Bakit mo pinaalis?" takang tanong ni Iel.

"I let her finished the quiz before she can leave, hmm, she's fired." bored na sagot ni Aly at naupo sa unahan.

"Ano?!" gulat na sabi namin.

"Anong 'ano'?! Tanggal na siya trabaho, anong nakakagulat doon?!" inis na tanong niya.

"Hindi, ano kasi, bakit?" tanong pa ni Gino, napahawak naman sa sintido si Aly.

"Ask her yourself, I just did what is right." sagot nito.

"Bakit hindi pa ikaw? Nandito ka naman." sabi ni Hannah, umangat naman yung ulo ni Aly at tinignan ako.

"Who are you to ask me that way? Close ba tayo? No, so don't question me. I didn't know you're close with that attitude, hon." mahinahong sabi niya, bahagyang natahimik naman si Hannah.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na wala nalang narinig, bakit ka pa kasi sumagot Hannah? Yari ako nito eh.

"Ay, Aly, may gagawin ka ba mamaya?" biglang tanong ni Tristan.

"I'm on rest day, so technically, wala."

Tumunog yung cellphone niya kaya naman tinignan niya iyon, nag type siya at pagkatapos ay tinago lang din ulit.

"...Anyway, early dismissal, ingat. Girls, boys, let's go. Bye hon."

Lumabas na siya kasunod sina Charles at sina Vanesa, mukhang may gagawin pa, nagsipag-tayuan na kami at lumabas na, at katulad kahapon, tambay lang din sa picnic area.

"Josh, bili nga kayo ni Gino ng pagkain, tambay tayo dito." utos ni Margaret.

"Maka-utos

dai, sumama ka." sabi ni Gino.

"Ehhdali na, please?"

"Ambagan?" tanong ni Josh, agad naman kami nag-abot ng bente sa kaniya.

Umalis din sila ni Gino dahil napilit ni Margaret, "Saan sila bibili?" tanong ni Hannah habang tinatanaw sina Josh.

"Diyan lang iyan, may bilihan kasi kami ng pagkain." sagot ni Iel at uminom ng delight.

"Uy, sila Aly oh," turo ni Margaret.

"Oo nga, bakit wala na yung cast sa braso niya?" takang sabi ni Iel.

Naglalakad silang pito, walang cast pero naka-cross arms siya, mukhang inaalalayan ang braso para hindi magkaroon ng damage.

Tumigil sila, mukhang itinuro ako ni Tristan dahil lumingon si Aly sa akin, at hindi nga ako nagkamali dahil lumakad siya palapit.

"Bakit mo tinanggal?" agad na tanong ni Margaret.

"May biglaang shoot kaya pinatanggal na, alalay nalang daw." mahinang sagot ni Aly at nilingon ako. Ngumiti siya at tumango,"...Are you busy? You can come with me sa shoot, for school papers."

"Hindi na, inaantay lang din namin si Josh at Gino, may gagawin pa din kami." sagot ko, bumuntong-hininga naman siya at tumango.

"Alright, have fun, I got to go." paalam niya at ngumiti nalang.

Tinanaw ko lang siya, nag-usap pa sila at doon nalang din naglakad papunta sa EMT Building, sakto din namang dumating sila Josh kaya kumain nalang kami.

"Hannah, naglalaro ka ba ng COD?" tanong ni Josh dito, tumango naman ito.

"Oo, kaso kanser lang, hindi ako magaling eh." sagot ni Hannah.

"Ayos lang yun! Tara laro tayo." sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

"Sali kami," sabi ni Gino.

Naglaro kami, ako, si Hannah, at si Iel, tapos sina Josh, Margaret, at Gino naman ang magkakakampi.

"Uy, naglalaro si Charles at Tristan oh." sabi ni Iel at tinuro yung account nung dalawa, nage-ML na kami ngayon.

"Invite niyo," sabi ni Josh.

In-invite ko sila pero ni-refuse, "Ayaw eh, ikaw nga Josh." sabi ko.

"Ayaw rin, baka naman hindi maglalaro, nagche-check lang ng account."

Kibit-balikat nalang ang isinagot namin at nag-laro nalang, Dyrroth gamit ko at Miya naman kay Hannah, "Huy, Hannah, roam ng roam!" natatawang sabi ni Gino.

"Ikaw nga nang-aagaw ng buff eh." backfire ko at inirapan niya naman ako.

"Push na!" inis na sabi ni Josh, napatay ko siya, nag push sila sa top lane habang nasa bottom lane, eh di wow.

Sa huli, sila pa rin nanalo, lamang ang score namin pero naunang maubos ang mga tore kaya talo, MVP ako, habang si Iel at Hannah naman ay parehas gold.

"Nice game," sabi ni Hannah at nakipag apir.

"Lakas talaga, naka triple kill." iling ni Margaret at natawa naman kami.

"Balita ko bago daw adviser ng last section ah," panimula ni Iel habang nakatingin sa kung saan.

"Eh? Bakit daw?" takang tanong ni Hannah.

Kumunot yung noo ni Iel at nilingon siya, "Kasasabi lang ni Aly kanina na tanggal trabaho na si Ms. Valdes eh."

Oo nga, tanggal na nga, ang hindi ko naman maintindihan ay kung bakit tinanggal, hindi naman sa gusto naming mawalan ng striktong teacher, nakakapagtaka lang talaga.

"Oh? Sino daw pumalit?" tanong ko naman.

"Ewan, wala pa naman ata, baka si Dean muna." sagot ni Iel.

Nagkatinginan nalang kami at sabay-sabay na nagkibit-balikat, "CR lang ako guys, I will be back." paalam ni Hannah.

"Samahan kita?" alok ko at umiling naman siya.

"Salamat, pero ayos lang." sagot niya at tumalikod na.

Nagkwentuhan lang kami habang nag-aantay, nahagip ng paningin ko sina Charles, Tristan, at Jasper na magkakasamang naglalakad papunta sa kung saan.

Hindi sila lingon dito, mukhang hindi naman nila napansin kaya hindi na nag abala pa. Muntik na ako matawa nang makitang madapa si Jasper, tinawanan siya nung dalawa at agad din namang tinulungan.

"I'm back." sabi ni Hannah at naupo sanka inang inuupuan.

"Ang bilis mo naman," sabi ni Gino at natawa nalang si Hannah.

Muntik na ako mahulog kinauupuan ko nang may biglang paakbay na umamba sa akin, "Bro! Iah, nandito ka lang pala."

Sinubukan kong lingunin kung sino iyon at si Usher lang naman pala, kasama niya si Basty, Aljoe, at si Daryll.

"Bakit?" tanong ko.

"ML daw sabi ni pareng TK," sagot ni Basty, si Tristan ang tinutukoy niya.

"Sino-sino?" singit na tanong naman ni Josh.

"5v5. Iah, Basty, Daryll, Jasper, at Aljoe laban sa kanila Tristan, Charles, ako, Yuri na taga-section two, tapos si Aly."

sagot niya.

"Lul," binatukan ko siya. "...Lugi, puro kanser

kakampi ko."

"Hindi ako kanser, ang sama ng ugali mo." singit ni Daryll.

"Sa amin si Tristan para hindi lugi," dagdag ko pa.

"Hindi pwede, taga-buhat na nga siya, kaya niyo ni Basty iyan." sagot niya.

"Oh siya, sige." sabi ko at nag apir naman sila.

Draft pick kami, naka on mic sa team ko, umalis na rin sila Usher pagkatapos, hindi ko alam kung saan sila tumatambay.

"Ban Natalia," sabi ko.

["Sino gagamitin mo Iah?"] - Basty

"Sino ba tank? Wala pang tank, gagi, ako na nga, Tigreal."

Nang matapos pumili at mag ban ng mga hero, nag load na din agad, Guinevere gamit ni Aly, malupit din ito eh, skill two sabay ss tapos biglang skill one. Hindi siya pro, yun lang talaga ginagawa niya.

Nag-start yung game at nagku-kwentuhan naman sila Iel, hindi nila ako in-istorbo dahil baka matalo, mahirap na.

["Owshet! First blood! Sana all!"] sigaw ni Aljoe, naka open mic kaya naririnig.

["Eh di wow, namatay ka lang eh."]

Mukhang magkakasama sila sa isang lugar dahil narinig ko ang boses ni Aly.

"Si Aly yun? Paano nakapag ML kung may bali yung

kaliwa niya?" tanong ni Gino.

["Siko yung nadali, Iel, hindi kamay."] pambabara ni Aljoe at tumawa pa sila, maski ako rin natawa.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Tristan sa akin, palibhasa Fanny ginamit kaya malakas eh, main kasi kaya ganon.

"End na nga," sabi ko at ayon, ending, defeat.

Si Basty MVP, pangalawa lang ako, in-exit ko lang din agad app at tinago na nasa bulsa ang cellphone, malo-lowbat na eh.

"Uy sakto, nandiyan yung van namin." sabi ni Hannah.

"Ayun naman pala eh, let's go." sabi ni Iel kya naman tumayo na kami.

Nag-antay lang kami ng ilang minuto bago dumating yung van, pasakay na sana ako nang may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako.

"We have a family dinner, I thought you don't have plans." sabi niya pero ang paningin nasa van.

Napamaang ako, "I'm sorry, hindi ako makaka-attend, tell your parents next time nalang, sorry."

Bumuntong-hininga siya at ngumiti, "It's okay, hindi ko rin naman sinabi agad. Where are you going?"

"Sa mall, nagyaya kasi si Hannah eh." sagot ko.

And speaking of, "Iah, tara na, nag-aantay si Kuya."

"Oo, wait lang," sagot ko.

"Ah, ganun? Okay then, enjoy," sabi ni Aly.

Nagpaalam na ako sa kaniya at ngumiti naman siya, pagkasakay ko ay sinara ko na rin yung pinto nung van, nahagip ng paningin ko sa labas ay may lumapit kay Aly na hindi ko naman kilalang lalaki.

Gustuhin ko man na bumaba pero nakaalis na yung van, "Ano daw yun, Iah?" tanong ni Margaret.

"Family dinner daw eh, sabi ko hindi ako makaka-attend." sagot ko at umayos ng upo.

"Lagot ka niyan," pananakot pa nila.

"Eh di wow." sabi ko at tumawa naman sila.

Masaya kaming naglibot sa loob ng mall, totoo rin ang sinabi ni Hannah na ililibre niya kami sa kahit na ano, mayaman pala siya kaya ganoon.

Nagkataon na natira kaming dalawa dahil nag-CR yung apat, "Iah, may sasabihin ako, wag ka magagalit ah?"

"Ano yun?" tanong ko at pilit naman siyang ngumiti.

"Since we're close already, I'll tell you, si Aly kasi..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status