로그인"YOU may sit there,"
Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah.
"Mr. Valdoria, go back to your chair." utos ni Ma'am pero umiling lang si Charles.
"First and one rule of this class, no transferees not unless Aly was the one who placed you here." sabi ni Iel.
"Second, the rule is prohibited not even the Admins are allowed to do so." sabi naman ni Margaret.
"And third, bawal umupo sa upuan ni Aly maliban sa amin na nakikiupo sa kung saan. Sa madaling
salita, sa likod ka uupo sa ayaw at sa gusto niyo." pagtatapos ni Charles."Excuse me? I'm your teacher now so I have my words!" Ma'am said pero walang nakinig sa kaniya.
"We told you already, rules are rules, kaya walang makikinig sa inyo, papalagpasin namin ang pagtransfer
niyan dito at hayaang si Aly ang umasikaso, but don't dare to break one single rule." seryosong sabi ni Iel.Bumuntong-hininga naman si Ma'am,"Hannah Mae, sit on the fourth row, right beside Angelo."
Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Hannah at doon na pumunta sa likod, agad namang bumalik sa upuan si Charles nang makitang nakaupo na si Hannah.
"Pare-parehas tayong mabubugbog nito bukas, pre." bulong ni Josh sa akin at umiling nalang ako.
Buong discussion ay halos laging si Hannah ang tinatawag pag recitation kahit hindi naman siya ang nauunang nagtataas ng kamay, kalaunan ay hinayaan nalang siya nila Iel.
"Bakit si Hannah lang nagre-recite? Hindi ba kayo nakinig sa lesson?" inis na tanong ni Ma'am, nagkatinginan naman kaming lahat.
"Teka, Ma'am, walang galit dito sa amin kaya huwag ka din galit. Nakakahiya naman siguro Ma'am kung magtataas pa kami ng kamay kung iyang si Hannah lang ang tinatawag niyo kaya mas mabuti nalang manahimik." defend ni Pia at sumang-ayon naman kami.
"Anong si Hannah lang tinatawag ko? Aba, magsitigil nga kayo! Hindi talaga kayo nakinig kaya ganiyan!" sigaw ni Ma'am.
"Ma'am, please lang," nagsalita na ako kaya natahimik na sila. "...You already broke the section's first rule, pati ba naman favoritism paiiralin mo po? That's literally unfair to us, if Aly's here, I know she would not hesitate to throw you out."
Parang may dumaan na anghel sa room sa biglang tahimik dahil maski paghinga ay hindi mo na maririnig maliban sa tunog ng aircon dito sa room.
"Whatever, class dismiss, quiz tomorrow, the highest gets excused for the exam." tuloy-tuloy na sabi ni Ma'am at lumabas na.
Naging maingay ang classroom dahil wala pang teacher, natural na sa amin ito kaya sanay na sanay na ako sa ganito.
"PUNYETA! BAKIT MO AKO BINATO? GAGO KA AH!"
Tahimik ang lahat at saktong nasa may pinto naman si Ma'am, ang adviser namin, nang biglang sumigaw si Hannah. Pahiya si ate ghorl.
"Language, Ms. Hidalgo, and what are you doing here in Genesis? I believe this section is a very private unlike your section." seryosong sabi ni Ma'am.
"Tri-" hindi ni Ma'am pinagsalita si Hannah.
"I don't want to hear your explanation, so shut up. Iel, will you do the honor, please?" Ma'am asked sweetly, ngumiti naman si Iel at pinaliwanag ng maigi.
Napahawak si Ma'am sa ulo niya matapos ang pagpapaliwanag, "Ayos ka lang po?" tanong ni Charles at binuksan ang tumbler ni Ma'am sabay inabot.
"Yes, Charles, iho, salamat, sumakit lang ang ulo ko." ngiti ni Ma'am at uminom. "...I would say, Aly will be stressed once she knew about this."
"What are we going to do?" tanong ni Margaret.
"You all know what are we going to do so what's the essence of explaining it? She'll go to school tomorrow a little late." paliwanag ni Ma'am.
Biglang tahimik ang classroom at gamit mata nalang ang pag-uusap namin, kulang nalang ay kunin namin ang cellphone namin at mag chat sa GC namin para walang makakaalam.
Kumilos si Iel at kinuha ang cellphone sa bulsa sabay basa, nanlaki ang mata niya nang matignan ito, "Aly said she'll visit."
"Ha?! Sabihin mo wag na! Bukas na!" sabay-sabay na sabi namin at halos magulat naman siya at si Ma'am.
"Kailangan talaga in chorus?" tanong ni Ma'am.
"Yes po! Para dama!" sagot ni Pia at natawa naman kami.
"Oh shems, bakit daw, ano sasagot ko dito oy?" natatarantang tanong ni Iel at pabatong ibinigay ang cellphone sa akin.
Muntik ko lang mabitawan, mabuti nalang ay nasalo ko agad kaya safe pa, sayang screen kapag nabasag, pagawa nanaman.
Nagreply lang ako ng simpleng, 'magkikita naman tayo bukas' at pabatong ibinalik kay Iel, nasalo niya naman kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Hindi nanaman makaka-attend ng klase iyon si Aly," sabi ni Tristan.
"Bakit naman?" tanong ni Ma'am.
"Eh Ma'am, sigurado may gagawin agad iyon once na malaman niya, we all know her, I mean, except one na hindi naman siya lubusang kilala." parinig na sagot ni Tristan.
Nananahimik lang si Hannah sa upuan niya, pasimpleng nagsusulat lang at parang walang paki sa paligid niya, hindi pwede iyan dito eh.
"Okay," bumuntong-hininga si Ma'am at ngumiti ng pilit sa amin. "...Since we don't have a choice na rin naman, make her feel comfortable in this class."
"Po?" sabay-sabay na tanong namin.
"Ako ng bahala mag-explain kay Aly tapos sa admins, then I'll talk to Ma'am Valdes, are we clear Original Genesis?"
"Yes Ma'am." sagot namin.
"Hannah," pagtawag ni Ma'am at umangat naman ang paningin niya. "...Get along well with them, lalabas lang ako and I'll be back."
Walang nagsalita pagkalabas ni Ma'am, katulad kanina, mata ang ginagamit namin na nakikipag-usap. Para kaming nagsesenyasan kung sino ang mag first move.
Kalaunan ay si Iel lang din ang gagawa, no choice siya eh, pasimple siyang tumayo sa upuan niya at lumipat sa unahan, doon siya nauna sa may teacher's table.
"Ehem. So, Hannah, may section two naman bakit dito ka pa sa amin nalipat?" diretsong tanong ni Iel at napamaang naman kami.
"A-ah. Hindi ko alam kay Ma'am eh." sagot ni Hannah.
"Hindi alam pero pumayag," bulong ni Charles pero rinig naman ng lahat. "...Aray! Gagi ka!" binatukan siya ni Jasper.
"Alam kong ayaw niyo na nandito ako pero sana naman pakiayos ng trato sa akin, nakakabastos kasi eh," tumayo pa si Hannah nang sabihin niya iyan, nakatingin lang kami sa kaniya. "...Akala ko ba highest section ito pero bakit puro bastos naman pala estudyante dito? Favoritism? Kasi kayo lang gusto ni Aly maging classmate?"
"Anong grade ka nag aral dito?" seryosong tanong ni Margaret.
"I transferred in third grade, noon may limang sections at nasa pangatlo ako, sa one sana kasi doon din ako nanggaling bago ako magtransfer dito, kaso sabi puno na daw." paliwanag niya.
"Ayun naman pala eh, mas nauna pa nga kami nabuo kaysa sa pagdating mo." sagot ni Josh.
"And so? Kung bawal
magdagdag sa section na ito then she's selfish."Napatingin sila Iel sa akin pagkatapos sabihin ni Hannah ang mga katagang iyon, tumikhim ako at umiling, "If you can't understand us, then leave, tinanggap ka na nga namin kung ano-ano pa sinasabi mo, but let me tell you this, kung sa kaniya mo sinabi ng diretso iyan, tatalikuran ka lang niya, she doesn't care."
"Why? Totoo naman ang sinabi ko eh, and tatalikuran? Bastos niya naman kung ganoon." natatawa niyang sabi.
"Your words wastes time, can you just be nice? We're trying to treat you nicely, hindi talaga tayo magkakasundo nito." inis na sabi ni Iel at umirap naman si Hannah.
Dumating si Ma'am at sinabi na pwede na kami lumabas, hindi pa naman literal na uwian, wala na kaming last subject dahil martes naman kaya ganoon.
Nauna nang naglakad sila Iel dahil dumaan pa ako sa CR, panigurado nasa may picnic area na sila kaya medyo binilisan ko ang paglalakad ko.
"Jeziah," lumingon ako nang may tumawag sa pangalan sa ko.
"What do you need?" tanong ko.
"I wanted to apologize," mahinang sabi niya.
"Okay," sabi ko at tumalikod na.
Nagulat ako nang hinablot niya ang braso ko at pinaharap niya ako sa kaniya, inis ko naman siyang tinignan.
"Yan lang talaga sasabihin mo?" taas-kilay niyang tanong.
"What do you expect me to do? Explain? As if I care." sagot ko.
"Ang sungit mo, at huwag mo nga ako englishin, nakaka nosebleed puta." umayos ako ng tayo at hinablot ang braso ko.
"Ang arte mo, kung magso-sorry ka, wala na kaming pakielam, we don't trust words, we trust actions. I'm sorry about the cafeteria incident, if you want to fit with us, fix yourself, I'm hoping for a good change, Hannah, nice talking to you, I have to go." tuloy-tuloy na sabi ko at bahagyang tumango sabay tinalikuran ko na siya.
Pagkarating ko sa picnic area ay halos bugbugin na ako nila Iel sa sobrang kabagalan ko, kinailangan ko pang lumayo para hindi nila ako mahampas.
Agad naman akong nagpaliwanag at simpleng irap at iling lang ang sinagot nila, sa una talaga ganito kami mag-react, pero kapag tumagal naman ay mag-iiba na.
"Tara, milktea!" yaya ni Charles.
"May pera ka?" tanong ko at pinakita niya naman yung laman ng wallet niya.
"Aba, himala, may allowance ka ata ngayon? Tipid na tipid." pansin ni Jasper.
"Ganun talaga," tango ni Charles.
"Libre niyo ako, pang pamasahe lang pera ko." naka-pout na sabi ni Margaret.
"Palibre tayo kay Aly," natatawang sabi ni Tristan at binatukan naman siya ni Josh.
"Kuripot naman nito," comment ni Iel.
Natawa kami dahil napakamot si Tristan sa ulo niya, "Try niyo tawagan, auto send sa gcash yan." suggest ni Tris.
"Sira, nagpapahinga yung tao tapos mangi-istorbo ka." sabi ko.
"Oo na, gagastos na," he gave up kaya naman dumiretso na kami sa infi.
Dahil KKB kami, yung iba milktea, yung iba naman ay frappe, ganun kami, pero kapag librehan, hanggang milktea lang.
"Oy, si Aly ba yun?" turo ni Charles sa may mansyon dahil halos malapit lang yung mansyon dito sa school.
Tumingin kami sa tinuro ni Charles at si Aly nga, may kausap siya sa may labas ng gate nila at kalaunan ay mukhang nagpaalam nalang din sa isa't isa.
"Sino yon?" tanong ni Gino.
"Aba malay ko," sagot ko.
Mukhang napansin kami ni Aly na nakatingin sa kaniya dahil kumaway siya sa amin, agad din siyang pumasok sa loob ng bahay nila.
Mabilis lumipas ang oras, yung tipong katutulog mo lang, nag-alarm na agad yung cellphone mo, wala naman akong choice kung hindi ang kumilos at pumasok nalang.
Pero yung totoo, papasok na kasi si Aly ngayon kaya maaga kami ni Iel, "Iah, ML, tank ka!" bungad ni Tristan pagkapasok niya kasunod si Usher.
"Geh geh, tara." sabi ko ata agad na tumutok sa cellphone ko.
Tamang Hylos lang tapos si Tristan nag-Fanny, "Ay gagi ka Usher, huwag ka manguha ng buff." sabi ko at agad na tinakbo ang hero papunta doon.
"Daya talaga, ang lakas ni pareng Tristan." reklamo ni Usher dahil napatay siya ni Tris, tatawa-tawa naman si Tris.
"Good morning!" natigil kami sa paglalaro nang may sumigaw, napatingin tuloy kami sa may pinto and there's Hannah.
"Panira naman ito," bulong ni Basty.
"What are you guys doing?" tanong ni Hannah at sumilip sa cellphone namin, hindi namin siya pinansin at naglaro nalang.
"Uy Iah, nakasalubong ko si Aly," sabi ni Gino pagkapasok niya.
"Saan?" tanong ko.
"Sa gate, medyo late daw siya mamaya," sagot nito, tumango nalang ako.
Nang dumating si Ma'am ay tinago na namin ang cellphone namin, natural morning scene siyempre sabay nag bell, meaning, start ng first subject.
Nagrecitation din kami at halos lahat may points, hindi naman sa nag review, madali lang kasi ang lesson kaya enjoy.
"So class, we'll be having a group project, and I'll announce the members tomorrow." sabi ni Ma'am.
"Kasama si Aly, Ma'am?" tanong ni Basty.
"Natural," sagot ni Ma'am.
Nage-explain si Ma'am about sa project nang may kumatok sa pinto, agad naman binuksan ni Daryll dahil mas malapit siya sa pinto, then there's Aly.
Kitang-kita ko ang pagbakas ng gulat sa ekspresyon niya dahil sa nakita.
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang