LOGIN"G-GOOD morning everyone."
Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang, "Oh, Aly, you're here," bati ni Ma'am.
Nagkataon rin kasi na nasa may harap si Hannah na nakatayo habang nage-explain si Ma'am kaya ganoon nalang din ang reaksyon niya.
"Excuse me, Ma'am, can we talk?" pilit na ngiting tanong ni Aly.
"Sure," sagot ni Ma'am at humarap sa amin. "...Okay class, review, I will give a short quiz after I talk with Aly."
Lumabas si Ma'am at sinara nila ang pinto, nagkatinginan kami nila Iel, "Like what we said yesterday." kibit-balikat nito.
Bilang mababait na estudyante, nag review kami kaya tahimik ang classroom, pero may iba pa ring nagbubulungan.
Pagkapasok ni Ma'am ay akala ko susunod si Aly pero wala, "Okay, get a one-fourth sheet of paper."
Naglabas kami, I mean sila, nakihingi lang ako ng papel at mababait naman sila kaya namimigay, papel ng isa, papel ng lahat.
Nang matapos kami ay may kumatok nanaman sa may pinto, binuksan ni Ma'am at may tinanggap siyang one-fourth din na papel.
"For having the highest score," announce ni Ma'am habang tinitignan isa-isa yung mga papel. "...Aly got it."
Nagtaas ng kamay si Hannah kaya naman tinawag siya, "Paano po siya nakakuha ng mataas na score kung wala po siya?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Josh at nakita ang pasimpleng pagpigil ng tawa nila Iel nang itanong ni Hannah iyon.
"She scored perfect, ten over ten, through her earpiece, naririnig niya ang discussion at sinabi dito ng mga teachers, for lessons." paliwanag ni Ma'am.
Kaya naman pala nakakahabol sa mga lessons dahil doon, actually, ngayon lang namin nalaman iyon, hindi rin naman kasi halata na may earpiece si Aly.
"Ayy, kaya naman pala nakakahabol Ma'am eh." sabi ni Pia at natawa naman si Ma'am.
"Anyway, tomorrow, don't forget, I will announce the groups. So for those who will have the same group with Aly, lucky for you." nakangiting sabi ni Ma'am. "...Wait for your teacher, dismiss."
Sabay-sabay kaming nagsipag-kilusan pagkalabas ni Ma'am, naupo ako sa desk ng armchair ko patalikod kay Josh.
"Ilan score mo, Iel?" tanong ko.
"Bwiset, nagkamali ako sa dalawa, eight lang." natatawang reklamo ni Iel.
"Si Amir naka-perfect!" singit ni Jasper.
"Luh, seven lang ako." sagot agad nito.
Nagulat naman kami dahil nataasan pa siya ni Iel, kadalasan kasi ay si Amir lagi ang may nataas na score kasunod ni Aly, sumunod naman sa kaniya ay si Naeumi at Isabel.
"Asan na nga pala si Aly?" tanong ni Charles.
"Ewan, baka-"
"Guys, gusto niyo tobleron?" napailing si Charles dahil biglang sumingit si Hannah, hindi tuloy nasagot ni Margaret.
"Baka may lason yan ah?" sabi ni Basty at natawa naman kami.
"Wala, ang sama ko namang tao kung ganoon." sagot ni Hannah at pabatong inabot sa amin ang maliit na pack ng tobleron.
Tinitigan ko iyon kung kakainin ko ba o hindi, kalaunan ay nilagay ko nalang din sa bulsa ng bag para itago, hindi pa naman break time.
Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto at si Aly lang pala, akala ko naman kung sino, nagsalubong ang paningin naming dalawa at tinaasan niya ako ng kilay.
"Busy? I'm calling you for how many times already, but you're not answering." sarcastic niyang sabi at nagulat naman ako.
"Lagot!" sigaw nilang lahat.
Natignan ko tuloy ang cellphone ko at tama nga siya, mahigit twenty missed calls ang nasa notifications ko, napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Sorry, hon." nasabi ko nalang at umirap naman siya sabay tuluyang pumasok.
"Whatever," sabi niya at napailing naman ako. "...Anyway, Sir Rivera will be very late so I'll be the one discussing. You better listen carefully because I can't write on the board."
Lahat nakinig kay Aly at active naman kapag nagtatanong siya, walang labis, walang kulang ang dini-discuss niya at halos lahat detalyado.
Hindi siya naka-uniform ngayon, simpleng three-fourth sleeved white polo shirt partnered with black skater skirt and three-inch white wedge.
Saktong natapos ang discussion niya nang dumating si Sir, agad naman siyang naupo sa upuan niya.
"Kung may naintindihan kayo sa diniscuss ni Aly, get a one-fourth sheet of paper, short quiz." seryosong sabi ni Sir at agad naman kaming nanghingi.
"Sir," pagtaas ng kamay ni Hannah, halos lahat kami nakatingin sa kaniya.
"Yes?"
"Wala po akong naintindihan sa diniscuss ni Aly, masyado pong magulo." dahilan niya.
Lumingon si Aly pero seryoso lang siya, sabay tingin kay Sir at nagkibit-balikat, "If you'd listen very carefully you could've understand, but don't play shits with me because you kept on reciting a while ago, proceed, Sir."
"Oh burn." bulong ni Aljoe at pasimpleng tumawa.
Nagtuloy ang quiz and happy to say, tatlo lang ang mali ko kaya naka-seven ako, nag-exchanged papers kami at nag check sabay pasa sa unahan.
Inayos muna ni Sir ang pagkaka-sunod-sunod at nang maayos ay doon niya in-announce ang highest, "Very well, Iah, nataasan mo ang kambal mo."
"Ha? Anak ng-" reklamo ni Iel at biniletan ko naman siya.
"For getting the highest, as always, congrats Aly." nakangiting sabi ni Sir.
"Sir! Ilan po score?" tanong ni Charles.
"Perfect."
sagot ni Sir."Sana all!" sigaw namin at natawa naman si Sir.
"You may all take your break, class dismiss."
Tumayo ako at nag-stretching, nay inilapag na box si Aly sa may desk ko na agad ko namang binuksan, "Pambawi, for being absent yesterday."
"Lah? Paano kami?" reklamo ni Jasper.
Umiling naman si Aly at inabot ang isa pang box, dunkin' donuts iyon at hindi ko alam kung saan niya binili, mukhang ngayon lang din kasi bago pa.
"Hanggang kailan daw yan Aly?" tanong ni Josh at sinenyas ang cast sa may braso nito.
"I don't know eh, pero sabi one week lang naman kasi hindi naman fully damage." sagot nito.
"Eh bakit hindi ka naka-uniform?" tanong ni Tristan at binatukan naman siya ni Iel.
"Sige nga, isuot mo yung uniform nang may ganiyan! Abnormal!" sermon pa nito.
"Guys!" halos mapatakip na kami sa tainga namin dahil sa tinis ng boses na iyon.
Pumasok si Hannah at patalon-talon pa, tumigil siya sa unahan, sa harap pa mismo ni Aly, "...May biniling ticket ang Daddy ko! Concert ng Ben&Ben!"
Tuwang-tuwa pa siya niyan tapos ipinakita ang mga tickets sa kamay niya, with 's' kasi madami, "Talaga?" tanong ni Pia at tumango naman siya.
"Kaso pili lang ang i-invite ko!" malungkot na sabi niya.
Pansin kong napailing si Aly at nag focus nalang sa cellphone niya, "Eh sino naman?" tanong ni Tristan.
"Kailan ba iyan?" tanong naman ni Josh.
"Sa Saturday!" sagot ni Hannah.
"Stop fooling Genesis, Hannah Mae." inis na sabi ni Aly kaya natahimik sila.
"Ha? Bakit? Anong ginawa ko?" inosenteng tanong ni Hannah.
"Walang concert ang Ben&Ben sa sabado," mariing sagot ni Aly at napamaang naman si Hannah.
"Huh? What are you saying? Nakalagay sa ticket oh! Hello?" saad ni Hannah at ipinakita pa ng malapitan ang ticket.
"ExB ang may concert, now stop placing fake news here in Genesis, hindi healthy."
Biglang natahimik si Hannah, siyempre mas paniniwalaan namin si Aly, laging may ebidensya kapag alam niyang may maling nangyayari.
"Genesis," sumilip si Sir sa pinto. "...Five minutes before break time ends, make sure to wear your MAPEH PE uniform, we will play badminton."
"Sir, paano si Aly?" tanong ko at tinuro.
"Kaya mo ba? It's okay if you can't." worried na tanong ni Sir.
"I can handle, Sir, right naman po ang gagamitin ko. I'll be careful." sagot ni Aly at ngumiti.
"That's nice to hear,"
Pagkaalis ni Sir ay agad kaming tumayo at nagpunta sa lockers area, kinuha namin ang mga pamalit at nagpunta sa dressing room para magpalit.
Agad din namang lumabas pagkatapos, naabutan kong nakasandal kang si Aly sa locker, magkatabi kasi ang locker namin.
"Hindi ka magpapalit?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang laman nung locker ko.
"I can play kahit ganito damit ko," sagot niya.
Nagpunta din kami ng Gym at doon kinuha ang mga raketa, may locker din kami doon na kung saan nakalagay ang mga sariling sports instruments.
"Aly versus Charles, and Iah versus Hannah."
announce ni Sir kaya naman pumwesto na kami.Magkalayo rin ang dalawang court, in-assign na rin ni Sir yung ibang classmate kung saan maglalaro, palipat-lipat din ang pinapanoodan ni Sir.
"Iah! Ang daya!" sigaw ni Hannah at natawa naman ako.
Kanina pa kasi ako nakaka-score at sunod-sunod na habang siya ay one points pa rin, "Pagbibigyan na nga kita." natatawa kong sabi at ginawa ko naman.
Kalaunan ay ako pa rin ang nanalo kaya naka pout siya pagalis namin ng court, "Ang daya, ang galing mo."
"Try again next time, Hannah, magaling ang trainor ko eh." nakangising kong sabi at hinampas niya naman ako sa braso ko na ikinatawa ko.
Nag-usap lang kami sa may bench habang pinapanood ang ibang kaklase na naglalaro, well, madali lang naman pala pakisamahan itong si Hannah.
I can't say na close na kami agad, pero it looks like ganoorin na rin dahil halos nagkaka-sundo kaming dalawa, mapa-biro o kahit anong kalokohan.
"Hon," natigil kami sa pagtatawanan nang tawagin ako ni Aly, nilingon ko naman siya.
"Hmm? Yes, hon?" tanong ko, ngumiti naman siya.
"We will go to the cafeteria to get juice, do you want to come?" mahinahong tanong niya.
"Ikuha mo nalang ako, kawawa naman si Hannah kapag naiwan dito mag-isa." sagot ko.
"Hindi siya nag-iisa, Iah, half of the class are here." malumanay na sabi ni Aly.
"I mean, hindi niya pa naman ka close sila kaya wala siyang kausap." paglilinaw ko at bumuntong-hininga naman siya.
"Daryll," pagtawag ni Aly at lumapit naman si Daryll.
"Bakit, Aly?"
"Sumama ka sa amin sa cafeteria, ikaw na ang bumili ng juice ni Iah." sagot naman ni Aly.
"Bakit hindi ikaw?" singit ko.
Umiwas si Aly ng tingin at humarap kay Daryll, bahagya niyang nilingon ang ulo niya, "I have duties to do, I will also talk to Makulets and to VAG."
Napatikom nalang ako at tumango, nagpaalam na rin sila kaya nag-usap na kami ulit ni Hannah, ang saya rin pala niya kausap, para kasing ang daldal niya at kumukuha lang ng atensyon nung nasa classroom kami but no.
"I wanted to apologize about our actions and words from yesterday and earlier." nakangiti kong sabi.
"Ayos lang, ano ka ba, sorry rin kung may pagka-bida
bida ako." sabi niya naman."I'm sure matatanggap ka din nila, ngayon lang kasi kami ulit nagkaroon ng panibagong classmate." sabi ko.
Bahagyang kumunot ang noo niya, yung tipong anytime magtatanong siya about sa kung bakit bawal ang magdagdag sa section namin every year, umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya.
Mukha namang nakuha niya iyon kaya tumango nalang siya, dumating si Daryll at inabot ang juice ko, inalok ko si Hannah pero umiling siya.
Nag mag-lunch ay nasa cafeteria kami, sinama ko si Hannah at madali naman siya napakisamahan nila Iel, kalaunan ay maayos na ring nakipag usap.
"Kuya Iah!"
Lumingon ako at nakita ko si Nicole kasunod si NJ, tumakbo sila palapit sa akin at yumakap, "Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Where's unnie, Kuya?" tanong ni Nicole.
Bahagya naman akong nagtaka, "Ha?"
"Ay, si Ate po, I mean." humahagikhik na sabi niya.
"Wala dito si Aly eh, tignan niyo sa office niya." sagot ko at nawala naman ang ngiti niya.
"Bakit po? Akala po namin magkasama kayo palagi." sabi ni Nicole.
"Busy si Aly ngayon kaya hindi kami gaanong nagkasama, sorry." buntong-hininga ko.
"Ah sige po, mauuna na po kami, hanapin po namin si Ate."
paalam niya at hinawakan ang kapatid."Nakita niyo ba ang Kuya Jasper niyo?" singit na tanong ni Iel pero umiling si Nicole, umalis din naman agad.
"Naka-off cellphone ng sister niyo." sabi ni Gino.
Sinubukan kong tawagan pero naka-off talaga, nagbasa ako ng messages, nag text pala siya.
From: Aly - Carter
Won't join you today :)
MAAGA kami ni Iel pumasok pero sa totoo lang ay may inaantay ako, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at diretsong nakatingin sa unahan."Good morning!"Pumasok si Hannah at nakataas pa ang dalawang kamay,
"NAG-text pala siya, hindi ko nabasa."Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang sabihin ko iyon,"That's the second time this day, kanina lang dinumagaay hindi mosinasagot
"G-GOOD morning everyone."Gulat na bati ni Aly na nasa may pinto pa rin, pilit siyang ngumiti at bahagyang tumango pero ulo lang,"Oh, Aly, you're here,"bati ni Ma'am.
"YOU may sit there,"Agad lumipat si Charles at umupo sa upuan ni Aly nang iyon ang isenyas ni Ma'am na uupuan ni Hannah, napatigil naman si Hannah."Mr.
"PO? What do you mean?"Sumenyas yung doktor na kumalma kami,"Apparently, hindi naman sanabalipero ganoon nalang din, she can'tmove
"MOM, I don't want to, si Nicole nalang.""Minsan na lang tayomag-mall, AlyXanthé, ano pang