LOGINCHAPTER 14:
As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
"Bye, Dad!" Kumaway pa ako ng makababa ng sasakyan, at saka tuluyang pumasok sa loob ng school.
Daddy nodded his head, then smiles at me nang makapasok na ako. He's the sweetest man, I know.
Si Zack ang una kong natanaw. Nasa tapat na naman siya ng classroom namin at nakapamulsa pa. Is he waiting for me again or not?
"Hhmm? Nandito ka na naman? Waiting for me?" pinangunahan ko na siya. Nakahawak din ang dalawang kamay ko sa strap ng bagpack na nakasukbit sa likod ko.
"W-what?" Parang nanlaki ang mata nito, at tila dumistansya ng kaunti. "May nilalaman ng iba 'to," saad niya sabay turo sa dibdib niya.
Akala ko ba, full ka ng sense of humor?
I have a goal today, dapat magawa ko 'yun kahit nasaan man ako. Mapa-shadow or nasa stage man.
"Tumalikod ka nga, dali!" at iniharap ang likod ni Zack sa akin, tinapik-tapik ko pa ito.
"Anong gagawin mo?" agad naman nitong tanong. Gusto niya sanang humarap pero muli ko siyang tinatalikod.
"I know it's not you pero gusto ko lang makasiguro." Tinapik-tapik ko ulit ang likuran niya, at saka ako tumalikod.
Bumwelo pa ako, at saka biglaang sinanggi ng likod ko ang kanya. I bumped my back against his back. He had a broad shoulders too, but this time siguro na akong hindi siya.
"Why did you hit me? Para saan 'yun?" At kunwari ay nag-iinat siya ng likod.
"I'll find him no matter what!" confident kong sagot, at iniangat ang kamao ko that symbolizes fighting.
"F-find that guy, yung kinwento mo?" Napatakip pa siya ng bibig na parang 'di makapaniwala.
"Yup, at lahat ng lalaking makikita ko sa campus gagawin ko 'yun." At iniwasiwas pa ang buhok ko patalikod.
Habang nag-uusap kami ay natahimik kaming pareho ng makita naming naglalakad si Trevor papunta sa direksyon namin.
"Baka ayan na 'yung mystery guy mo!" aniya, sabay sagi sa balikat ko. Umalis na siya, nang makitang papalapit na si Trevor.
"Alora," bungad nito sa akin ng makalapit. Nakapamulsa ito at diretsong nakatingin.
Ang aga-aga nakanuot noo agad? Palihim akong umiling at napasinghal.
"'Di'ba' may klase na? Bakit nasa labas ka pa?" muling salita niya sa akin.
Napa-crossed arms ako, at saka nagsalita. "Aiish, may kailangan akong gawin ngayon na importante din kaya sige na, pumasok ka na."
Hindi na siya sumagot at tinalikuran ako. Nasa may pintuan na siya, ng bigla kong hatakin ang strap ng shoulder bag niya na nakasukbit sa katawan niya.
"What are you up to?" tanong niya. Hindi ko siya hinayaang makaharap sa akin at ipinirmi ko ang likod niya na naka-ateady.
"Relax mo lang 'yung likod mo ah? I'll just check on something." saad ko at saka bumwelo. I bumped my back against him, medyo napayuko siya pero umayos din ng pagkakatayo.
I knew it, it's not Trevor.
"Para saan 'yun?" muli niya akong hinarap.
"Psh, basta! Sige na pumasok ka na. I'll continue what I started."
Hindi ko na siya pinansin pa at hindi rin ako pumasok ng klase. I know the writer will bring me back if kailangan ako sa stage, for now I'll just search for him.
Paano ko pala gagawin 'yun? Tiningnan ko ang mga lalaking nandito sa hallway, dito palang ay siguradong kulang ang isang araw.
Hindi pala madali ang gawin ito. I should think a solution, para madali kong ma-identify kung sino ang lalaking iyon. All I remember is his back, He has a strong back and broad shoulders.
I focus my sight on the hallway, tiningnan ko na ang mga target ko at tiningnan din ang healthwatch ko. Bumwelo ako, at patakbong sinalubong mga lalaking madadaanan ko. Sasanggiin ko sila, gamit lang ang likod ko kagaya ng ginawa ko ay Zack at Trevor. I'll lean against them, I'll check if one of them is the guy who help me change the scene.
Nagsimula na ako sa mission ko ngayong araw, wala ng hiya-hiya lahat ng makita kong nakatalikod ay tinatama ang likod sa kanila.
This is hard, pero ramdam ko na wala pa sa kanila ang hinahanap ko. Most of them are not strong enough when I bumped my back against their backs. Sana naman ay malaman ko kung sino iyon.
*Clicking sound* (THE STAGE)
Stage. Again.
Nasa garden ako ngayon, at may hawak na paso ng isang bulaklak. Tiningnan ko ang paligid, nakatingin sina Mia, Yuna at Ella sa direksyon ko mula sa second floor, parang may gagawin na naman silang hindi maganda.
Nakita ko si Claire na nagdidilig ng mga paso na malapit na entrance ng first floor kung saan nasa taas ang tatlo.
Psh, I'm here again as the savior of the heroine.
"Claire!" magiliw na tawag ko at saka lumapit sa pwesto niya. Lumingon naman siya kaagad at kinuha ang paso na hawak ko.
"Salamat, Alora." aniya, at itinabi sa mga iba pang halaman ang binigay ko.
"Mmm, wala 'yun." Nginitian ko pa siya bago tinalikuran.
Nahagip ng mga mata ko na bubuhusan nila ng tubig si Claire. So this is my role here, hindi ko dapat hayaan na mabasa si Claire.
Tiningnan ko ang paligid, kung mayroon akong makikitang pananggi sa gagawin nila. Nakita ko ang isang payong na plastic at clear na nasa gilid ng puno.
Paano naisusulat at na-i-draw-drawing ng mabilis ng writer ang eksenang 'to?
Patakbo ko iyong kinuha at binuksan, pinayungan ko agad si Claire the moment na bubuhusan na nila ito ng tubig. Saktong pagbukas ko ay may sira pala ang payong at tumagos pa rin ito kay Claire.
Shocks. It's useless.
Narinig kong humagikgik sila dahil sa nangyari. Nag-offer ako ng panyo kay Claire, para maipunas niya sa katawan niya.
Ultimo panyo, in one second nasa kamay ko na?
"Ang bait mo talaga, Alora palagi mo 'kong tinutulungan." aniya, at hinawi ang nakasaboy na buhok sa mukha.
"Wala 'yun, I'm your friend kaya maasahan mo 'ko." sagot ko naman agad.
Friend?
Here in the stage, I'm a naive, friendly and stupid girl. But in the shadow, I'm determined, I am not an ill girl with a heart disease, I am free and can do anything.
*End of stage*
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang eksenang iyon. Umalis na rin ang tatlo at patuloy pa rin si Claire sa pagpunas sa sarili niya.
Nilingap ko ang paligid, ang payong na hawak ko kanina ay nakaipit na sa may sanga ng puno. How is that happen? Baka kasi tapos na ang role niya, kaya naman ibinalik lang siya ng writer sa kung saan talaga siya nakalagay.
Lumapit ako sa punong iyon, at iniaabot ang payong na ginamit ko kanina. Kahit tumingkayad at tumalon ako ay hindi ko iyon maabot. Masyadong mataas at isa pa hindi naman ako ganoon katangkad para maabot ng mabilis ang payong na nasa sanga ng puno.
Isang presensya na naman ang naramdaman ko. May lalaking nakatayo sa gilid ko, at kinuha ang payong na naipit sa sanga.
May health watch is beeping. Hindi sumasakit o sumusumpong ang sakit ko, pero alam kong hindi tumitigil sa pagtunog ang relo ko.
Sinandig niya ang payong sa tabi ng puno, at naglakad palayo.
It's him. I know it's him. Now, that I found you I will never let you go, this time. Never.
"Sandali!" Pigil ko sa kanya, naglakad siya patungo sa direksyon papunta sa may field. Tumigil siya sa staircase.
Hindi ko alam ngunit bigla ko nalang kinuha ang payong, at patakbong sinundan siya.
Napalingon ito, at kasabay noon ay ang pagbukas ko sa payong na basa pa dahil sa nangyari kanina. Pag-angat ko ng payong ay nakita ko ang hitsura ng mukha niya.
"Oh, wow." Namangha ako sa mukha niya, napatakip din ako bigla sa bibig ko dahil sa reaksyon ko.
His face is amazing, I can't believe there is man like him that existed in this world.
Pakiramdam ko tumigil ang mundo, naibagsak ko ang payong at nanatiling nakatingin sa kanya. Ganu'n din siya, nakatingin lang siya at hindi kumikibo.
I feel that my health watch is still beeping. I can't explain what I'm feeling, kumakabog ang dibdib ko hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa lalaking nasa harapan ko.
CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.
CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)
CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
CHAPTER 13:*Claire's Pov*
CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala