Look, I found you

Look, I found you

last updateLast Updated : 2020-11-02
By:  iirrixxOngoing
Language: English_tagalog
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
17Chapters
49views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in story realm? Alora thinks that she is sick because she always hears something and somewhat don't remember some other things, that led her discover something. Alora found out that she lives inside a comic book, where the scenes can changed into a snap of a finger. She exists because of her character as love bridge between the two Characters named Jaxton and Claire, a 18 year old girl who suffers from heart disease and being a fiance of his long term crush, Trevor. A nameless extra guy became a spotlight in Alora's life. She believed that he can her fate by helping her change the scenes. They fell in love with each other and promise that they will change their fates together. A tragedy happens between their characters and the story, their love shouldn't be exist because of their pre-determined fate. No one can stop them even the writer itself. They promised one and only thing, they will remember and find each other weather in this world or the other. "I will find you and choose you, weather in this world or the other."

View More

Chapter 1

LAPSES

CHAPTER 1:

Naka-upo lang ako at matagal na pinagmasdan ang bulaklak na itinanim namin ni Mommy dito sa garden noong bata pa ako. Hinawakan ko pa ang sunflower dahil natuwa ako ng maalala ko ang pangyayaring iyon.

I felt someone's presence behind me, at hindi ako nagkamali. Dad is staring at me habang pinagmamasdan ko ang halaman. Kahit nakatayo siya ay tinapik niya ang balikat ko, I looked at him, at saka ako tumayo.

"Dad? Kanina ka pa dyan?" I asked, at pinagpagan ang kamay ko na nahawak sa lupa.

Umiling si Daddy at ngumiti, inakbayan niya ako at muling tinapik ang balikat ko. Lumingon pa ako saglit sa bulaklak bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Dumungaw ako sa bintana at nakita na madilim ang kalangitan, umuulan siguro sa ibang lugar.

"Dad?" I called him.

"Yes, Alora?" He answered quickly, Gumagawa ng tea si Daddy, ng tawagin ko siya.

"Do you think na Mommy is really happy up there? You know, naisip ko lang na baka nami-miss niya tayo." Naupo lang ako sa tapat ng bintana at naka-dungaw doon. I'm just reminiscing my childhood days.

Tumawa si Daddy at sinabing, "Syempre naman anak. Your mom is now very happy lalo na't lumaki kang kamukha niya," Biro ni Daddy, at umupo sa sofa na nakatapat sa pwesto ko.

"Eee, Dad naman e." umaarte ako kunwari, at inilagay ang nakalugay kong buhok sa tenga ko. "Syempre, I'm princess e."

"Haha, sige na at umakyat ka na," Malambing na utos ni Daddy. "May pasok ka pa bukas di'ba?"

"P-pero, mag-aala-sais pa lang e."

"Ang ibig kong sabihin doon ay ayusin mo na ang gamit mo para bukas, at mag-review ka na ng notes mo." Napakamot ako sa ulo at iminuwestra ni dad ang ulo na umakyat na ako. Ngumuso ako, pero walang effect.

"Okay, advance good night dad. I love you," Nasabi ko at umakyat na ng kwarto.

Mom died when I was a little, I clearly recall that moment, when Dad crying so badly. Nakakaawa si Dad noon habang nakasubsob sa kabaong ni mommy. After that we only have ourselves, hindi na rin nag-asawa si Daddy at itinuon ang isip sa pagpapalago ng business namin at ng pag-aalaga sa akin.

Inayos ko na lahat ng gagamitin ko bukas, at nag-review na rin ako ng mga lessons ko. Natulog na rin ako maaga, dahil kinasanayan ko na pag may pasok ay hindi ako nagpupuyat.

As soon as my alarm clock ticks ay bumangon na ako, nag-inat-inat sandali at kumilos na. Naligo, nagbihis at isinukbit ko na ang bag pack ko bago bumaba. Ganoon din sa Dad pagbaba ko na nadatnan ko naghahanda na ng breakfast, kailangan niya ring pumunta sa office ng maaga.

"Sit down Alora," Aya ni Dad, habang inilalapag ang niluto niyang fried rice, egg and bacon.

"Kaya pala maaga ako nagising kasi nagluluto ka ng breakfast." masigla kong bati nang makaupo ako. "The best cook ka talaga," I complimented him too.

"Okay, okay. Sige na at baka ma-late ka pa." Naupo na rin si Dad sa harap ko at kumain. Habang kumakain kami ay bigla siyang napatigil. Sa tingin ko ay may sasabihin siya. "Saka nga pala anak," humigop muna siya ng kape bago ituloy ang sasabihin.

"Yes dad?" Kumibo ako kaagad ngunit nagpatuloy ako pag-nguya.

"Pupunta mamaya ang pamilya ni Trevor, Alam ko gusto mo na nandito sila dito kaya nakiusap ako na pumunta sila mamayang dinner," Nang sabihin ni Dad 'yon ay mas natuwa ako, Si Trevor kasi ang lalaking gusto ko at okay lang naman iyon kay Daddy.

"Mmm! Thanks dad, excited na'ko mamaya." Agad kong sagot.

Si Daddy rin ang naghahatid sa akin sa school gamit ang kotse niya dahil pareho lang ng daan ang office niya sa school. Feeling ko, magiging masaya ang araw na ito lalo na't si Trevor ang unang nahagip ng mata ko ng makababa ako ng kotse.

"O, ayan na 'yung hinihintay mo." Inaasar pa ako ni Daddy bago siya nagpaalam.

Nang makababa ako at makapasok sa gate ay kumaway na ako kay Trevor. Kasama niya rin sina Jaxton at Zack. Sila kasi ang F3 ng school, madaming girls sa school ang nagkakagusto sa kanila lalo na kay Jaxton na siyang leader nila. But wala akong pakialam sa kanya, I only have eyes for Trevor.

"Alora!" Ginulat ako ni Becky at Karl at natawa pa sila sa ginawa nila. 

"Psh, alam niyo panira kayo." Medyo inis kong sagot dahil nakatitig pa ako sa tatlo.

"Pinansin ka na ba ni Trevor?" Tanong ni Becky, at nakiusyoso naman si Karl.

"Aah? Basta nilingon niya ko." Ngumuso pa ako at muling hinahanap ng mata ko si Trevor.

"Aiish, Alora. Hayaan mo huwag ka mawalan ng pag-asa kay Trevor. Simula elementary, crush mo na si Trevor so magugustuhan ka rin niya." Saad ni Becky at sinagi ang braso ko.

"Tara na, male-late pa tayo," Singit ni Karl sa amin.

Becky and Karl are my best friends. Becky also came from rich family, kaya naman maarte ang mga kilos niya. While Karl, I don't know much about him pero weird siya. He likes to video himself pati kami, He is nerd-like joker.

Nang makapasok na kami ng classroom ay biglang sumakit ang ulo ko, and in that moment I think parang nabingi ako bigla, hindi ko marinig ang mga kaibigan ko, I felt dizzy at napahawak sa ulo ko.

"Alora!"

"Alora, what happened!"

I know it's their voices, nakatayo ako pero nakahawak pa rin ako sa ulo ko. I hear this strange sound na parang nakakabingi, at parang may narinig akong nag-click sa utak ko.

"Alora!"

"Alora, hey!"

Nawala ang sakit ng ulo ko, at napamulat muli ang mga mata ko. Nakaupo na ako kaagad sa arm chair ko, kahit kakapasok palang namin ng room. May nangyari bang hindi ko alam?

"What happened? Sino nag-upo sa'kin?" Taka kong tanong kay Becky. Nagulat din ako ng makitang naka-one sit apart kami.

"Anong 'what happened?' Exam natin ngayon remember?" Sagot ni becky at nakita ko na lang ang table ko na may test paper na sa nakapatong.

What is exactly happened? Wala akong maalala. Hindi ko na lang pinansin ang nangyari at nagfocus sa exam. Hindi ako nakapag-review because I thought sa last week of the month pa kami mag-te-take ng exam.

Nang makita ko ang mga questions ay alam na alam ko ang mga sagot. Even though I don't read it ay nasasagot ko.

Biglang nahulog ang pen na ginagamit ko habang nagsasagot kaya pinulot ko muna iyon. Nang kukunin ko na ang ballpen sa sahig ay, once again I heard that strange clicking sound on my mind at napatigil ako sa ginagawa ko.

"Siguro, mataas ang makukuha mo ngayong exam." Narinig ko ang boses ni Becky sa gilid ko at muli akong nalito. Nakaupo na naman ako, at hindi kami naka-one sit apart. May teacher din sa harapan at isa-isang tinatawag ang pangalan namin para kunin ang test paper.

"Alora Daine V. Sebastian?" Tinawag na ang pangalan ko. Tatayo na sana ako nang si Karl ang magprisintang kunin ang exam ko.

"Woah, ikaw ata ang highest sa math." Nanlaki pa ang mata ni Karl ng makuha ang test paper at iabot sa akin.

Wala pa rin akong kamalay-malay sa nangyari. Nagulat din ako ng makita ang results ng test ko sa math, pasado ako? Alam ko nag-e-exam pa kami kanina e. Kumunot ang noo ko, at napakagat sa labi.

Pinalabas na kami ng teacher namin after ng exam. Tuwang tuwa pa si Becky at si Karl ng makalabas kami, hindi ko sila gets.

"Buti naman tapos na ang exam. We can relax na, what do you think, Alora?" Hindi ko namalayang ako na pala ang kinakausap ni Becky.

"Ha? Ano ulit 'yun? Sorry." I answered, pero wala ako sa sarili ko.

"Okay ka lang ba? Kanina pa dyan yung mukha mo," wika ni Karl habang naglalakad kami palabas ng school. "Ano pala gagawin natin ngayong weekend?"

Weekend? Friday na ba? Kanina pagtingin ko kaninang umaga sa Calendar, tuesday palang e. For me to be sure, I check again the date on my phone. I'm shocked ng makitang halos two weeks na pala ang lumipas?

"Anong nangyari? Naalala niyo bang sumakit yung ulo? After no'n, what happen?" Wala ata ako sa tuliro at hindi ko alam ang mga nangyari.

"Ha? Sumakit ba ulo mo kanina? Baka na-tense ka lang sa magiging result ng exam." Tinawanan lang ni Karl, ganun din si Becky. 

What happened to me? They don't remember that. That means, nalagpasan ko 'yung family gathering namin kasama yung family ni Trevor?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status