Home / All / Look, I found you / DOING MY ROLE

Share

DOING MY ROLE

Author: iirrixx
last update publish date: 2020-10-19 15:44:38

CHAPTER 7:

"Trevor!" Tawag ko habang nasa field silang tatlo kasama si Jaxton at Zack.

Nasa stage ako, at sumusunod ayon sa character ko. Tama si Curry fairy, malapit na nga ang magsimula ang stage, at ito na 'yun.

Sa tingin ko gagawin ko ang character ko bilang Alora sa buhay ni Trevor o para kay Jaxton naman ngayon. Gusto ko mapa-iling ngunit ayaw ng labi kong tumigil sa pag-ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Trevor asked me. Kahit hindi naman siya ang leader, ay madalas siya ang nauunang magsalita.

"I'm just checking on you hihi," I chuckled. At biglang inabot sa kanya ang isang bottled water.

Sporty kasi silang tatlo, at iba-iba rin ng personality. Si Jaxton ay bussiness-minded na tao, namana niya marahil sa family niya; Si Zack ay mahilig sa musical instruments bukod sa soccer at si Trevor naman ay isang tennis player.

"Alora," napalingon ako ng tawagin ako ni Jaxton.

Mabuti sana kung ako ang gusto mong makausap e?

"Mmm? Ano 'yun?" Napabaling na ang attention ko kay Jaxton. Napatingin din ako bigla sa likuran ko ng biglang dumating ang ibang mga babae para humanga sa tatlo.

Campus heartthrobs lang ang peg ng author? Clíche, old story line.

Nahagip ng mata ko si Claire na nahihiya at palihim na tumitingin kay Jaxton. Kumaway ako sa kanya, at ngumiti naman siya sa akin. Napansin kong napatitig din si Jaxton kay Claire dahil sa ginawa ko.

*End of stage*

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong tapos na ang stage. Nakasimangot akong nag-walkout at umalis doon, patuloy pa rin ang iba sa ginagawa nila at walang kamalay-malay sa mga nangyari.

Habang naglalakad ako paalis sa field ay nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo. It's like the first time, that I became aware of myself. Nakita ko ang storyboard! It's about Jaxton and Claire, at kasama na naman ako sa eksena nila.

Habang nagka-kaklase ay napapatingin ako kay Claire. Natatanaw ko siya dahil hindi malayo ang agwat ng pwesto namin. Nakapalumbaba ako at natitingin kay Claire, paano kaya kung ako ang bida sa kwentong 'to?

Sinabihan kami na magka-klase sa room ng art class, at need naming pumunta ngayon doon dahil nandoon na ang teacher namin. Nag-ayos na ang lahat ng mga gamit nila. Iniwan ko muna si Becky at Karl, at lumipat sa pwesto ni Claire. Napangiti agad siya ng makitang papalapit ako.

"Hello! Kamusta?" Nag-wave pa ako ng kamay, at magiliw na bumati.

"Hello, Alora." Ngitian pa ako ni Claire, nang makalapit ako. Kaya siguro siya ang napili ni Writer dahil maamo ang mukha niya. Tapos na siya mag-ayos ng gamit at isusukbit na dapat ang bag niya ng bigla kong hablutin ito. She just looked at me.

"Ako na magdadala ng gamit mo," ani ko at isinukbit ang isang strap ng bagpack niya sa braso ko.  "This is part of my role, so I'll do a great job." I also chuckled too.

"Salamat, Alora! Napakabait, at napakaganda mo rin." mahinhin niyang saad. Inilagay din niya sa tenga ang buhok niya.

Magkasama rin kaming pumunta sa Art class. Magkakahiwalay na kami ng pwesto dahil sari-sariling gamit ang gagamitin namin sa klase.

Habang nagka-klase ay napansin kong napapatingin sa akin si Trevor at parang naiirita. Hindi ko na siya pinansin at inismiran na lang. Hmmp! I hate my character in this comic world.

*Clicking sound*

Napapikit at napadilat na naman ako ng hindi sinasadya, nasa stage na naman ako.

Aissh, Heto na naman po tayo!

Naglalabasan na ang lahat sa classroom at naglalakad na kami sa hallway, nakasuot kami ng apron at may dalang mga artwork at mga ibang art materials. Kami ang magkasama ni Claire habang naglalakad.

Oh my goodness, it's happening. The storyboard.

Medyo nauna sa paglalakad si Claire, at masayang naglalakad. Na-salubong din namin ang A3 sa hallway. Hindi napansin ni Claire na nabangga niya si Jaxton. Biglang napatigil ang mga nakakita, Nagulat din si Claire dahil nabangga niya si Jaxton at natapunan ng paint sa uniform.

Nakapamulsa si Jaxton na naka-abante ng kaunti kay Trevor at Zack. Tumahimik na ang lahat dahil alam nilang ang tatawa ay malalagot. Lumapit siya kay Claire, na parang ipinapamukha ang ginawa nito sa kanya.

"S-sorry, Jaxton." Nakayuko lang si Claire na parang nahihiya. Kinuha din niya ang panyo niya sa bulsa ng uniform niya at ipinunas sa natapunan na uniform ni Jaxton.

"Alam mo 'yung ginawa mo?" Jaxton's baritone voice goes serious. Tiningnan lang nito ang ginawa ni Claire. Inialis din nito ang kamay sa uniform niya. "Alam mo naman sigurong may parusa ang ginawa mo, 'diba?"

Hindi alam ni Claire ang gagawin, nakayuko lang siya dahil pinagtitinginan sila sa hallway. Napababa din ang kamay niya, at nailamukos ang panyong hawak niya.

"S-sorry talaga, Jaxton. Kung gusto mo babayaran ko nalang ang uniform mo kahit gaano kamahal." Claire answered.

Jaxton smirked at her, at looked directly into Claire's eyes. Lumapit ito, at inilapit ang mukha niya kay Claire. Bumaling siya sa mga nanonood sa kanila, at tiningnan kaming lahat.

"From now on, Claire will be..." Nag-aabang ang lahat sa sasabihin ni Jaxton. Ang grupo nila Mia, ay inis na inis at parang mamumula sa selos. "Claire, will be my errand girl." Pagkasabi nito, ay nagbulung-bulungan ang mga estudyante.

Dumistansya din siya kay Claire, at pabatong inihagis dito ang bag niya. Agad din itong nasalo ni Claire. May iilang estudyante ang nagpipigil ng tawa dahil kaharap nila si Jaxton.

"Wala nang puwedeng mambully sa kanya kundi ako lang. Naiintindihan? Claire will be my errand girl hanggang 'di niya ako nababayaran sa ginawa niyang pamamahiya." Maangas na binalaan ni Jaxton ang lahat.

"B-babayaran?" Nagulumihang tanong ni Claire.

"5,000 pesos."

What? Dahil lang sa uniform. Ibang klase talaga kapag anak ka ng may-ari ng school, kontrolado mo ang lahat.

Naunang nag-walk out ang A3 at sinundan naman agad ni Claire si Jaxton.

*End of stage*

"Grabe ka talaga, Writer! Wala naman akong ginawa ee? Ano 'yun, I'm there because I need to be there sa protagonist? Awit sa'yo." Para akong tangang kinakausap ang author at nakatingin pa sa kisame.

Nilapitan na ako ni Becky at Jaxton. Si Becky ay parang hindi maka-get over sa nangyari, at naka-sumalmal pa rin hanggang ngayon. May crush kasi si Becky kay Jaxton, acquaintance din kasi ng family niya ang family ni Jaxton.

"Ayos lang 'yan, Becky! Bakit ba kasi naghahabol ka kay Jaxton." Advice ni Karl at ni-tap pa ang balikat nito. "Hindi naman ganu'n ka-gwapo si Jaxton e, lamang lang siya ng dalawang paligo sa'ken!" Pang-aasar pa nito kay Becky.

"Siraulo! Si Jaxton lang ang gusto ko, wala ng iba." Becky becomes a crying baby. Napasandig din siya sa balikat ni Karl, at ngumangawa.

"Tama na 'yan at kumain na tayo, doon tayo sa mga tent kumain. Nag-crave ako sa strawberry drink e." Ani ko, at sumunod naman silang dalawa.

Pagdating namin sa school ground sa mga may nagtitinda ng mga streetfoods ay madaming estudyante ang nakapila sa coin operated vending machine. Napako ang tingin ko sa pila, at tinansya ng kamay ko kung paano makaksingit.

"I can do this! Dito lang kayo ah? I'll grab my drink." I also rub my hands, at patakbong sinanggi ang iba para mapunta sa harapan.

*Clicking sound* (The stage)

Hindi ko rin pala ma-eenjoy. Wrong timing talaga ang Writer! Nakakapikon na.

Masaya akong nakakuha ng straw drink sa vending machine, at tutusukin ko na sana ng straw ang hawak kong inumin ng matanaw ng paningin ko si Claire na naka-upo lang sa isang sulok.

Napatingin ako sa hawak kong strawberry drink na may halong panghihinayang. So, ito pala ang plano ng Writer? Strawberry drink ko 'to e?

"Para sa'yo, Claire!" Dalawang kamay kong iniabot ang strawberry drink. Kahit ayaw kong ibigay na kinuha ito ni Claire.

"Salamat, Alora. Pinapagaan mo ang pakiramdam ko." aniya, at itinusok na ang straw sa strawberry drink, She began to sip in it.

*End of stage*

Matamlay kong iniwan si Claire, at parang gusto ko na ring ngumawa. Ako nagke-crave doon ee, nakakainis naman. Kung nandito lang ang Author, kukunin ko na sa kanya yung panulat niya!

Nang nag-uwian na ay nag diretso na ako sa bahay. Dahil sa role ko ay hindi na kami masyadong nag-uusap ni Daddy, at dahil na rin sa busy siya.

Nang gabing iyon, ay bumaba ako ng kwarto para sana uminom ng tubig. Naabutan ko si Dad na nasa dining area, nakaupo at hawak ang picture ni Mommy. He is Crying and talking to it.

"Please help her, honey. Tulungan mo rin ako kay Alora. Nahihirapan ang puso ko dahil sa sakit ng anak natin." Nang marinig ko iyon kay Daddy, ay natigilan ako. Naawa ako bigla sa Daddy ko.

Pinatunog ko na ang paglalakad ko sa kitchen, at ibinaba naman ni Dad ang picture frame at bumaling sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Look, I found you   SECRET HERO

    CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.

  • Look, I found you   TRIVIAL HIM

    CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.

  • Look, I found you   PLANNING TO MARRY

    CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)

  • Look, I found you   FINDING MYSTERY GUY

    CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.

  • Look, I found you   TRYING A CHANGE

    CHAPTER 13:*Claire's Pov*

  • Look, I found you   LITTLE THINGS

    CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status