Share

ZACK'S ROLE

Author: iirrixx
last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-20 14:37:09

CHAPTER 8:

*Zack's point of view:

-THE STAGE-

Napadaan ako noon sa room nila Jaxton, dahil mayroon kaming pag-uusapan kasama si Trevor. A3, syempre.

Natanaw ko sa bintana na naglilinis si Claire sa loob ng room. Hindi ko maiwasang hindi ma-amazed sa kanya. Kahit kasi madalas siyang nabu-bully ay hindi man lang siya gumaganti, masaya pa siyang naglilinis, at sumasayaw pa dahil na din siguro sa earphones na nakapasak sa tenga niya.

Mas inilapit ko pang mata ko na mga siwang ng bintana, at pinipigilan ang sarili na matawa at ngumiti ng husto dahil sa tuwa.

"I can't believe, Claire can be this beautiful." Nasabi ko, hindi ko talaga maiwasang hindi humanga sa kanya.

-END OF STAGE-

Nanatili pa akong ganu'n ang pwesto ko, hanggang sumulpot nalang si Alora sa gilid ko at naka-crossed arms. Sumilip din siya at saka tumango-tango.

"Ang ganda niya 'no?" Pati kay Alora, ay hindi ko maiwasang hindi mabanggit si Claire.

"mmm. Halatang halata nga na gusto mo siya e, nakahawak ka pa sa baba mo." Nag-poker face pa siya at saka ibinaba ang dalawang kamay.

Na-conscious ako bigla sa ikinilos ko at nag-seryoso sa harap ni Alora. Pero nanatili pa ring nakapako ang paningin ko ay Claire na nagwawalis pa rin.

"Nasa stage ka siguro kanina? Kase si Claire may liwanag sa ulo niya e. Hindi pa rin tapos 'yung eksena niya. Kawawang Claire." Saad ni Alora, at sa akin bumaling ng tingin. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.

"Ha? Ano, stage?" Her words are confusing to me.

"Huwag mo na alamin, hindi mo talaga ma-ge-gets. Pagbutihin mo 'yung set-up mo, okay. Mauuna na 'ko."

Minsan ay hindi ko maintindihan ang mga kilos ni Alora, may oras na parang ang bait niya lalo na pag nandyan si Trevor, minsan naman ay nagsusungit gaya ngayon.

*Clicking sound* (stage begins)

"Nandyan po si Doc Vin, sa loob. Pasok na po kayo." Saad ng Nurse sa akin.

"Aah, sige. Thank you ulit, tuloy na 'ko." I replied then smile to the nurse who just got out in my brother's office.

Nagtaka ako dahil may dala rin akong paper bag. Hindi ko alam kung anong nangyari, I know I was just in school, tapos ngayon nasa ospital na 'ko. Unbelievable!

I just shrugged it off and knocked twice, bago ako tuluyang pumasok. Nakaupo si kuya, at nagsusulat ng kung ano sa folder na nasa table niya. Tumayo agad siya ng makita ako, He tap my shoulders saka kinuha ang paper bag na dala ko.

What is exactly happen? I can't speak anything.

"The best ka talaga, lil' bro. Buti at naalala ni Mommy na ipadala sa'yo ang extra coat ko." He's looking what's inside the paper bag.

"Tss, wala 'yon. I got to go, bro. Mauuna na' ko." at saka lumabas ng pinto.

*Stage ends*

Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang pagkalito, napapailing man pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses nangyari ang ganitong sitwasyon sa'kin. Vin, even he's a doctor ay hindi alam kung ano ang nararanasan ko.

Pagbaba ko ng ground floor ng ospital ay nakita ko si Alora. She's wearing a hospital gown, siguro ay na-admit na naman siya dahil sa sakit niya. Nasa labas siya at nakaupo sa may waiting area. Pinuntahan ko agad siya.

"Alora!" I called her ng papalapit na ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Alora sa akin. I don't know what should I answer. I definitely don't know.

"Hindi ko rin alam, e. Alam ko nasa school pa 'ko, then I just found myself here." Nakamuwestra pa ang kamay ko ng nalilito.

"Anong sinabi mo?" Napatayo siya, at nagulat sa sinabi ko.

"Self-aware ka din? Oh my!" Napatakip pa siya ng bibig, hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.

"Ano?" My eyes narrowed.

"The stage! Hintayin mo 'ko dito, babalik tayo ng school," aniya, at patakbong bumalik sa loob ng ospital.

Magdidilim na noon at hindi ko alam kung ano ang plano niya. Paglabas niya ay nagpalit na ulit siya ng school uniform, She pulled me at wala na akong nagawa kundi sumunod palabas.

We grab a taxi, at nagpunta nga ng school. Pagpasok namin sa loob, ay parang alam niya na kung saan kami pupunta. Dinala niya ako sa Cafeteria at pumasok sa kitchen. Bumitaw siya sa pagkakahawak at parang may hinahanap.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Naabutan namin ang tinatawag na Curry fairy sa school na nakasuot pa rin ng chef's coat.

"Where's the book? Kailangan namin 'yung libro," saad ni Alora kay Curry fairy.

"Yung comic book? Kung saan nandoon," sagot ni Curry fairy.

Hinatak niya ulit ako at umakyat naman kami ng library. Agad siyang nagpunta sa may bandang ulo, at tumuntong sa isang upuan na parang may partikular na hinahanap.

"Anong hinahanap mo? Saka ano bang ginagawa natin dito?" I asked. She pulled a book, at saka bumaba.

"Tara na sa Cafeteria, may ipapakita kami sa'yo." Aniya, I have no choice but to go after her.

Bumalik kami ng Cafeteria, naupo kaming dalawa ni Alora at ibinaba niya ang libro na kinuha namin sa library.

Mayroon ding inilabas na parang doll house si Curry fairy, at may may mga display doong wooden puppet. Katulad ng school ang miniature na 'yun, pati ang mga puppet ay naka-uniform din tulad namin ni Alora.

"Ako na mag-e-explain." she conveyed. Nakatingin siya kay Curry fairy at tinanguan lang nito si Alora.

Umayos ng pagkakaupo si Alora, at iniipit ang buhok nito sa magkabilang tenga. Inilapit din niya ang miniature malapit sa kanya. Tiningnan ko lang ang ginagawa niya.

"Ito ang mundo natin." she refers about the miniature. "Ito tayo sa loob ng mundong ito. Nasa loob tayo ng comics na ginawa ng writer."

"Comics?" nasabi ko, subukan ko mang hindi matawa ay hindi ko kaya. Napatakip din ako ng bibig.

"Huwag ka mag-aalala dahil ganyan din kaming dalawa ni Alora nu'ng umpisa." saad ni Curry fairy at naupo sa harap namin ni Alora. "Kaya may pagkakataong hindi mo ma-kontrol ang sinasabi o ginagawa mo. Hindi mo alam kung kailan ka mapupunta sa ibang lugar. Iyon ay dahil nasa eksena ka, ginagawa mo ang set-up mo bilang character ng itinakda ng writer sa comic book na ito." Itinuro pa nito ang libro na kinuha namin sa library.

"I-Ibig sabihin, yung stage na sinasabi mo Alora, totoo 'yun?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, napansin kong lumulutang ang lampshade at iba pang gamit sa kusina. Bigla akong natakot at napatayo sa pagkakaupo.

"Y-yung mga gamit, lumulutang!" Napahawak pa ako sa braso ni Alora, at takot na takot.

"Relax." Pinaupo ulit ako ni Alora, hindi siya nagulat man lang na lumulutang ang mga gamit. "This is the shadow, Zack."

"Sh-Shadow?"

"Yup. Sa shadow pwede nating gawin ang lahat, pero sa stage limitado ang bawat galaw natin."

Hindi pa rin ako makapaniwala at binuklat ang comic book.

"N-Nandito ako. Naka-drawing yung nangyari kay Jaxton at Claire sa hallway. Pati ikaw, totoo nga!" I exclaimed.

Inilipat ko ito sa may bandang dulo, ngunit wala pang nakasulat, blangko pa ang maraming pahina nito. Bakit hindi tapos ang libro?

"Hindi pa tapos ang kwento, Zack. Madami ka pang gagawin sa kwento lalo na't isa ka sa pinakamahalagang tauhan sa kwento." paliwanag ni Curry fairy.

Inilipat ko sa unang page ang libro, nakasulat at nandoon ang illustration ko. Sa unang page naka-drawing ang mukha naming tatlo ni Jaxton, si Claire at Ako. Talagang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"S-Si Claire at Jaxton ang lead characters?" Napatakip ulit ako ng bibig at nanghinayang.

Gusto kong umiyak at magwala ng de-oras!

"S-Si Jaxton ang makakatuluyan ni Claire, at hindi ako. Second lead lang ako---" dugtong ko pa.

"Ikaw, ako mga extras lang tayo sa mundong ito." Alora declared. At saka tinapik-tapik ang balikat ko.

*End of Jaxton's POV*

Alora's POV

Parang bata na iiyak si Zack dahil sa mga reaksyon niya ngayon. Hindi rin siguro siya makapaniwala na nasa mundo kami ng comics, at isa lang siyang extrang character tulad ko.

Gusto ko ring maawa sa kanya, dahil alam ko na ang chracter niya ay umasa kay Claire kahit mayroon siyang kaagaw, at iyon si Jaxton. The writer is so cruel, 'di hamak naman na mas maayos ang character ni Zack. He is a very good man, funny pa.

"I-Ibig sabihin wala akong pag-asa ka Claire? E, bakit pipiliin ko pa rin siya?" Tanong ni Zack.

"Iyon ang set-up mo Zack, aayon ka sa gusto ng Writer at kung paano niya tayo ginawa." Seryosong saad ni Curry fairy dito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Look, I found you   SECRET HERO

    CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.

  • Look, I found you   TRIVIAL HIM

    CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.

  • Look, I found you   PLANNING TO MARRY

    CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)

  • Look, I found you   FINDING MYSTERY GUY

    CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.

  • Look, I found you   TRYING A CHANGE

    CHAPTER 13:*Claire's Pov*

  • Look, I found you   LITTLE THINGS

    CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status