Home / All / Look, I found you / IRREFUTABLE PROOF

Share

IRREFUTABLE PROOF

Author: iirrixx
last update publish date: 2020-10-20 14:40:13

CHAPTER9:

"Alora, come down quickly!" Dinig kong sigaw ni Daddy mula sa baba. Nag-aayos pa kasi ako, pati ng mga gamit ko.

Ilang minuto pa ay lumabas na rin ako ng kwarto ko, masaya pa akong bumababa ng hagdan hanggang makita ko si Trevor naghihintay. Hindi ko alam pero bigla nalang sumungit ang paligid.

"Ihahatid ka na raw ni Trevor. Sabay na kayo pumasok." Nakangiti din si Dad nang makababa ako.

"What are you doing here?" Napa-crossed arms ako at napangiwi.

"Anong bakit? Masama ba na puntahan kita?" Ang aura niyang iyon ang ayaw ko, He always distant himself, alam kong napilitan lang siya na pumunta dito or nasa stage siya kanina at dito natapos ang eksena niya.

"Aissh, sige na nga." Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon. Bumaling ako kay Daddy at niyakap siya para magpaalam at saka umalis ni Trevor.

Habang naglalakad kami ni Trevor palabas ng neighborhood ay bigla na namang nanikip ang dibdib ko. Ito ang ayaw ko, ang pagsumpong ng sakit ko.

Napayuko ako sa sakit, at tumutunog na naman ang health watch ko. Inilalayan ako ni Trevor, nanatili siyang nakahawak sa akin hanggang sa maging okay na naman ako. Tiningnan ko rin ang health watch ko na tumigil na rin sa pagtunog ng ma-relax ko ang katawan ko.

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Kahit na madalas na sinusungitan ako ni Trevor ay mababakas pa rin sa kanya ngayon ang pag-aalala. Umiling ako, at kinuha naman niya ang bag ko.

Kinuha niya ang lalagyan ko ng mga medications at iniabot sa akin. Kumuha ako ng tatlo, dahil tatlo na iba't ibang klaseng gamot at saka ko ito nilunok. Huminga ako ng malalim, at saka tumayo ng maayos.

"Tss, ingatan mo 'yung sarili mo ah?" Hindi ko alam kung pinag-iinitan na naman niya ako o nag-aalala na maulit ang nangyari. "Paano kung wala ako?" He sighed after at nagprisintang dalhin na ang gamit ko. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Sa school naman ay naghiwalay na kami ni Trevor, sumama na kasi siya sa ibang kaibigan niya at nilapitan na din ng mga babae. Natanaw ko naman si Zack na kinakawayan ako, hinintay niya ba 'ko?

Nilapitan ko siya, at sabay kaming naglakad sa papasok sa loob ng school sa hallway.

"Tssk," usal niya at parang may malalim na iniisip, hindi rin kasi maipinta ang mukha niya.

"Anong iniisip mo dyan?" tanong ko. kahit may ilang bumabati sa kanya ay hindi niya pinapansin.

"Kahapon kasi, nakita ko si Jaxton at Claire na magka-angkas sa motor. Huhu, ang masakit wala akong nagawa. Nakatingin lang ako sa kanila at parang kuntento lang na pinapanood sila." Napayakap sa akin si Zack, at nagdadrama. Kalalaking tao, iyakin.

"Aissh," inilayo ko ang sarili ko. "Edi habulin mo si Claire? Bakit ka magpapatalo kay Jaxton?"

"Hindi pa rin ako kumbinsido na nasa loob tayo ng comics. Samahan mo 'ko kay Curry fairy." Lakas loob na sambit ni Zack.

Tama nga naman siya, bakit andali ko rin nauto ni Curry fairy?

Nagpunta kami ng Cafeteria, at hinanap si Curry fairy, alam naming nasa kitchen lang siya. Naghahanda ng lulutuin o binabasa ang comic book.

"Anong ginagawa ninyong dalawa dito?" tanong nito. Napansin niya kami kaagad kahit hindi pa kami tuluyang pumapasok. Nakaupo lang siya at binabasa ulit ang comic book.

Lumapit naman kaming dalawa ni Zack sa kanya, at bigla naman siyang tumayo. Sinarado na niya ang comic book at itinabi malapit sa tray ng mga prutas.

Nakangiti siyang humarap sa amin, at itinaas ang sleeves ng coat niya. Napa-crossed arms din siya.

"Hindi ba't oras ng klase n'yo? Bakit kayo nandito?" tanong pa nito. Nagkatinginan kami ni Jaxton at nanatili ring nakatingin sa amin si Curry fairy.

"Gusto ko makasiguradong tama ang pinagsasabi mo sa'min ni Zack." Ako na ang nagsalita para sa amin ni Zack.

Sinamaan kami ng tingin ni Curry fairy, at saka umiling-iling. Alam kong nakukulitan na siya sa amin sa ilang beses na pagpunta dito.

"Ilang paliwanag ba ang kailangan at gusto ninyo, nang matahimik tayong lahat?" He still crossed his arms, at diretsong tumingin sa amin.

"Basta ako kailangan ko ng proof na totoo talaga ang mga sinasabi mo. At saka bakit Curry fairy lang ang pangalan mo?" si Zack. Hindi ko alam kung seryoso ba ang tanong niya o nagbibiro.

"Ang Writer ang tanungin mo, H-huwag ako. Malay ko rin bang ito ang gusto niyang itawag sa'kin?" sagot ni Curry fairy.

Pinagtawanan ko lang ang sinabi niya, at dahil na rin sa tanong ni Zack.

"Gusto niyo talaga ng matibay na paliwanag?" Curry fairy asked. Tumango na naman kaming dalawa ni Zack. "Tara sa may sky bridge, may ipapagawa ako sa inyo. Tingnan lang natin kung hindi pa kayo maniwala." Naka-ngisi pa siya pagkasabi no'n.

Sumunod naman kami sa kanya, at dinama muna ang hangin na dumadampi sa amin sa sky bridge. Nakangiti siyang bumaling sa amin at hinatak si Zack.

"Anong ginagawa natin dito?" Zack wondered. Pati ako ay ganun rin, anong ginagawa namin dito sa sky bridge?

"Tumalon ka." Utos ni Curry fairy kay Zack.

Napalayo si Zack kay Curry fairy, at tumabi sa akin. "T-tumalon? Anong kalokohan 'yan? Bakit ako tatalon? Ayoko nga." Napahawak din siya sa balikat ko.

"E, kung balian ko nalang ng paa si Alora? Ano kayang mas maganda?" Nakahawak pa siya sa baba niya na parang nag-iisip.

"A-ano? Si Zack nalang." At itinulak si Zack sa harap ni Curry fairy.

"Akala ko ba gusto niyo ng matinding paliwanag? Cellphone? Cellphone mo Alora, akin na." Nakalahad ang kamay niya at hinihingi ang cellphone ko. Napansin siguro niya ang palawit ng cellphone ko na nakalabas sa bulsa ng skirt ko.

"Psh. 'Wag mo sisirain ah? That's expensive." Pag-eenglish ko pa ng maarte ang accent.

"Panoorin niyo ang gagawin ko ah? Ewan ko nalang kung hindi pa kayo maniwala." Pagkatapos no'n ay malakas niyang itinapon ang cellphone ko.

Nagulat ako sa ginawa niya, pati na rin si Zack at nag-iwas pa kami ng tingin dahil ayaw kong makita na masira ang cellphone ko.

"Buksan niyo 'yung mga mata niyo at tumingin sa baba." Utos nito, lumapit naman kami sa hawakan ng sky bridge at nagulat. Nagkatinginan pa kami ni Zack.

Lumulutang ang cellphone ko! Hindi ito nag-diretso ng pagbagsak pababa sa semento. Inabot ni Curry fairy ang cellphone ko at muling ibinigay sa akin. I checked my phone, baka nasira or something pero maayos na maayos ang cellphone ko.

Sobrang namangha naman si Zack, at parang hindi makapaniwala.

"Wow, paano nangyari 'yun?" Zack said that with amazement, at the same time confused.

"Dahil nga nasa mundo tayo ng comics, kahit putulan ko ng paa si Alora o ihulog kita dito, Zack walang mangyayari. Babalik pa rin ang porma ng mga buto niyo sa stage. Ngayon, sabihin niyo sa'king hindi pa rin kayo naniniwala dahil puputulan ko talaga kayo ng paa!" pananakot pa nito sa amin.

"O-okay na, naniniwala na kami. Huwag lang 'yang putol, putol ng paa na 'yan." Sagot ni Zack kay Curry fairy.

"Hindi kayo mga tao, tayo lahat ng nandito. Mga characters lang tayong lahat sa mundo ng comics na ginawa ng writer." Curry fairy added.

Pagkatapos noon ay naghiwa-hiwalay na kami. Pumasok na si Zack sa klase niya at bumalik na din si Curry fairy sa trabaho niya.

Habang ng nagkaklase ay hindi ako maka-focus. Kahit kasi nagpaliwanag na si Curry fairy, ay hindi ko pa rin matanggap na isa lang akong character sa loob ng isang libro at lahat ng inaakala kong totoo ay hindi pala totoo kundi ilusyon ko lang.

Ano kayang mas masaya? 'Yung naging aware ako, o hindi ko nalamang tauhan lang ako ng isang comic book?

*STAGE BEGINS*

Nasa stage ngayon ang buong klase, pero parang wala akong pakialam. Nakanguso ako at nakayuko lang sa desk ko.

Naghaharutan ang iba, at nagkwe-kwentuhan, hindi nila alam dahil nga hindi sila self-aware.

Bigla kong narinig si Mia na nagsasalita, at nagtatawanan naman sila kasama si Gori, isa naming kaklase na ginagaya ang porma ni Jaxton kahit hindi naman bagay sa kanila. Nasa eksena din si Karl na hawak ang camera niya at nasa harap.

"Anong ginagawa mo? Kinukuhanan mo kami ng 'imej?'" Nakapamewang at maangas na tanong ni Mia kay Karl.

"Mali ka naman e," Karl shooked his head at naka-crossed arms na hinarap si Mia. "It's image," pagbigkas niya ng maarteng accent. "Image, not imej. Tssk." Nagpatuloy sa pagvivideo. Ganun naman si Karl, nasa stage man o wala ganu'n talaga ang ugali niya.

Sana ganyan nalang din ako sa kanila, ano? Walang alam kahit magbago man ang oras o panahon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Look, I found you   SECRET HERO

    CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.

  • Look, I found you   TRIVIAL HIM

    CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.

  • Look, I found you   PLANNING TO MARRY

    CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)

  • Look, I found you   FINDING MYSTERY GUY

    CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.

  • Look, I found you   TRYING A CHANGE

    CHAPTER 13:*Claire's Pov*

  • Look, I found you   LITTLE THINGS

    CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status