LOGINCHAPTER 10:
*THE STAGE*
The sound that always leads us to go with our character can be a snap of a finger. Parang isang pitik, kayang kaya na ng writer na dalhin ako o kaming mga character sa isang sitwasyon o eksena na hindi inaasahan.
Ngayon naman ay nasa art class na namin kami, nagkakagulo ang iba, at ang iba ay nanahimik lang. My face looks so dissapointed, I am so unlucky to be part of this comic world.
Kanya-kanya kaming pwesto sa tapat ng mga sari-sarili naming drawing board. Nakangiting naglalakad si Claire papasok ng room, at pa-simpleng dumaan sa pwesto ni Jaxton upang mag-abot ng paint brush. Kinuha naman iyon ni Jaxton, at kahit nasa harap ko siya, alam kong palihim siyang nangiti sa ginawa ni Claire.
Parang akong tangang nakatingin lang sa kanila.
"So this whole place, this whole world is just for two of them? Psh." Suminghal ako, at napa-iling.
Umupo na si Claire sa tabi ko, at nakita kong may liwanag sa ulo niya. Parang maliwanag na spotlight, na sa kanya lang naka-sentro.
"Even sunshines glow her up, ano?" I said to myself. Tumingin at ngumiti siya sa akin at nginitian ko lang siya pabalik.
Nakaisip ako ng idea. I hope this works.
"Pwedeng tumabi sa'yo?" magiliw na ani ko at naisukbit sa magkabilang tenga ang buhok ko.
"Sige, walang problema." Nakangiting sagot nito. Masaya rin naman akong tumabi pagkasagot niya.
What? Nasa kanya pa rin ang ilaw?
"Pwede umurong ka pa ng kaunti? Konti lang, promise?" pakiusap ko at sumunod naman siya, hanggang sa mahulog na siya sa pagkakaupo.
"A-anong problema, Alora?" tanong niya, at nakatingin sa akin habang nakasalampak siya sa sahig.
"Ha? Wala naman, gusto ko lang dito. Pwede hanap ka nalang ng ibang upuan? Gusto ko kase yung view dito e, malapit sa bintana, hehe." Pagdadahilan ko.
Nice, nasa akin na ang spotlight.
Paglipat niya, ay sumabay din sa paglipat ang sunshine sa ulo niya. Nakita ko pang parang nag-glow ang mukha niya at hinangin ng maganda ang buhok kahit wala namang nakatapat na electric fan sa kanya.
"Psh, ano pa ba ine-expect ko? The spot light is hers. Sa kanila ni Jaxton." dismayadong saad ko sa sarili ko, at napa-poker face na tumingin din kay Jaxton na may liwanag din sa ulo niya.
Natapos na ang stage sa art class, pero hindi pa talaga tapos ang role ko bilang supporting or extra character sa buhay ni Jaxton at Claire.
Nasa harap naman si Claire, at pinagsasagot ng teacher namin sa harapan ng isang math problem. Sa pagkakakilala ko kay Claire, matalino din siya at magaling sa mathematics, pero ngayong nasa stage kami sa tingin ko sinadya ng writer na hindi siya makasagot.
"Who wants to help her?" Tanong ng teacher namin sa buong klase ngunit walang kahit isa ang gustong tumulong kay Claire, ang iba ay pinagtatawanan pa siya ng palihim.
Biglang nagtaas ng kamay si Jaxton, at cool na tumayo. Nagtinginan naman ang mga kaklase namin, at na-amazed sa ginawa ni Jaxton. Pumunta siya sa harapan, at tumabi kay Claire.
Dahil mas matangkad si Jaxton kay Claire, medyo pumunta ito sa likod ni Claire at nagkatinginan naman sila sa isa't isa.
Kailangan ba talagang masaksihan ko pati kung paano mabubuo ang lovestory nila sa harapan ko?
Kinuha ni Jaxton ang chalk sa kamay ni Claire, at easy'ng sinagutan ang math problem sa board.
"Correct! You may now sit." Utos ng teacher sa dalawa. Nagkahiyaan pa ang dalawa bago bumalik sa mga pwesto nila.
Pagdating kay Claire, bakit nahihiya ka Jaxton?
CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.
CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)
CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
CHAPTER 13:*Claire's Pov*
CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala