LOGINCHAPTER 17:
Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
Natanaw ko si nameless extra number 13, na paakyat na sa may hagdan papunta sa main entrance papasok sa loob ng school.
I called him nameless extra number 13 dahil number 13 siya sa list ng students sa klase namin.
Hinabol ko siya, at tumakbo papunta sa pwesto niya. Napahinto at napalingon siya ng marinig na may paparating.
"Number 13!" sigaw ko sa kanya, tiningnan ko rin ang health watch ko ng makahinto ako.
Tumingin lang siya sa akin, at hindi kumikibo. Pipi ba siya at hindi binigyan ng writer ng pagkakataong magsalita? Sa comic book kasi hindi maayos ang pagkaka-drawing sa kanya.
Ang gwapo kaya ng mukha niya?
I shooked my head, and shrugged off my shoulders. Iniangat ko din ang isa ko pang paa, upang mas lalo ko siyang malapitan.
Nakangiti pa akong lumapit, at natigil lang iyon ng biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Nakita ko na naman ang story board! It will be me again and Claire. Sa may science lab ito mangyayari, at ako na naman ang sasalo ng kamalasan ni Claire.
Walang expression na nakatingin lang siya sa akin, hindi na ako nagsalita pa at hinatak ang kamay niya para sumunod sa akin. Pumasok na kami sa loob ng building, at dinala ko siya sa science lab.
Naghawi ako ng buhok, at nag-angat balikat, ng makapasok kami sa loob ng sci-lab.
Tiningnan niya lang ang kabuuan ng kwarto, at muling nagbaling ng tingin sa akin. Nagpakawala ako ng hininga at lumipat ng pwesto sa harapan niya.
"Okay," pamungad ko. "So, dito magsisimula ang stage. Baka hindi mo maalala mamaya pero sana please, tulungan mo 'ko."
Walang nabago sa reaksyon niya, at parang nagtatanong ang mga mata niya.
"Papasok kami ni Claire dito, at may dala kaming mga styro na box. Basta maa-out of balance ako, at masasanggi ko 'yon tapos matutumba ako. Kailangan mabago natin ang eksena, okay?" paliwanag ko. Wala man siyang reaksyon, ni tumango ay hindi niya ginawa.
Aissh, kakainis naman 'to!
Napahawak ang dalawang kamay ko sa may bewang ko, at tumitig sa mga mata niya. Ano nga kayang purpose niya sa comic book na ito?
"Wala ka ba talagang sasabihin?" saad ko dito. Iminuwestra ko rin ang kamay ko na parang nagsasalita at nagmimick dito ng tunog lalaki, "Tara, sabay nating baguhin ang kapalaran mo." Bahagya akong napa-irap at napa-crossed arms bigla.
*Clicking sound* (THE STAGE)
Nasa hallway ako, at nasa direksyon patungo sa science lab. Nakasuot din ako ng white laboratory gown, at naka gloves.
Natanaw ko si Claire, na may dalang styro box. Siguro naglalaman iyon ng chemicals na gagamitin mamaya sa science experiment. Ngumiti ako at sinalubong si Claire na papunta rin sa direksyon ko.
"Ako na magdadala ng isang box!" masiglang saad ko, at kinuha ang isa sa tatlong box na dala niya.
"Kaya ko na 'to, Alora," aniya, at umiling naman ako.
"Let me help, ako na magdadala ng isa." At kinuha ang box na nakapatong sa dalawa pang box na na yakap niya.
"Salamat Alora," aniya at ngumiti pabalik sa akin.
Sabay kaming pumasok ni Claire sa loob ng science lab. Ang iba naming kaklase ay nagsisimula na sa experiment at parang excited, ang iba naman ay walang pakialam.
Hinahanap agad ng mata ko si number 13. Nasa bandang dulo siya at nag-aayos ng iba pang gagamitin sa experiment, katulad ng mga test tube at microscope. Tumingin siya sa akin, at tumango naman ako. Alam niya na siguro ang susunod na mangyayari.
Ibaba ko na sana ang box na dala ko sa iba pang box na nasa lapag ng biglang masanggi ko si Jaxton at mahulog ang cellphone ko sa harap niya mismo.
"S-Sorry," napapahiyang tinig ko sa harap ni Jaxton.
"Pick it up." Ma-otoridad ang tinig nito.
Kukunin ko na sana ng biglang iharang ni Claire ang braso niya. Medyo itinabi niya rin ako sa likod niya at siya ang humarap kay Jaxton.
"Ikaw ang pumulot. Ikaw ang nakasanggi," lakas loob na saad ni Claire sa pagmumukha ni Jaxton.
Nanatili naman akong nakayuko, at hindi sumasagot. Nahagip din ng mata ko si Trevor, pero wala siyang pakialam.
"Are you trying to get my attention?" Inilapit ni Jaxton ang mukha nito kay Claire. "If yes, you succeeded." pagkasabi noon ay umiwas na ng tingin si Jaxton.
"Sa tingin mo ba, lahat ng tao dito mapapasunod mo?" Napatingin ang lahat sa sagot na ito ni Claire.
I'm hoping number 13 can get me out of this situation.
"Mukhang lumalaban at sumasama na ang ugali mo, ah?" seryoso ang tinig ni Jaxton, at inayos ang pagkakadikit sa mesa.
"Ang totoong masama ang ugali..ay..." Parang ang lahat ay nag-hihintay sa sagot ni Claire. "I-Ikaw!" Buong lakas nitong sigaw at napapikit pa dahil siguro sa hiya. Everyone's staring at us, nagulat ang lahat sa sagot na iyon ni Claire.
Umalis si Jaxton sa pagkakatukod sa mesa, at unti-unting lumapit sa amin ni Claire. Kami naman ay umuurong patalikod, at ang braso ni Claire ay nanatiling nakabakod sa akin.
"What do you say?" ani Jaxton, habang nakatuon ang paningin kay Claire.
Muli akong tumingin kay number 13, it's now the time.
Sa kakaurong namin ay nasagi ko na ang mga box na patong patong. Napatayo ang iba sa pagkakaupo ng makitang nasanggi ko ang mga box at mapapahiga ako dahil sa mga iyon.
Naramdaman kong sinalo kaagad ako ni number 13, at inialis ang mga box na posibleng tumama sa akin.
It's working! He definitely can change my fate.
Imbis na ako ang madisgrasya ay napaupo si Claire sa lapag at na-out of balance dahil sa mga kahon na nandoon. Nabubog pa ata siya nang lumabas mula sa isang box ang ang mga test tube na nasa loob ng kahon.
"Ouch," ani Claire, at tiningnan ang hintuturo na nagdudugo.
Agad namang umaksyon si Jaxton at nilapitan si Claire. Yumukod ito, at tiningnan ng masama ang mga nakatingin kay Claire, lalo na ang mga nagbubulungan.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jaxton, na parang nag-aalala at tinanguan lang naman siya ni Claire.
*Third person's POV*
Sa mundo na ginagalawan ng mga characters sa mundo ng comics na ito, ay may isang character na hindi napapansin ng mga nandito. Hindi rin niya alam, kung bakit nga rin ba siya nandito.
Natapos na ang eksena ng lalaking walang pangalan, at lumabas na ito ng science lab. Nilikha siya ng writer na mag-isa sa mundong ito, at palagi siyang nag-iisa at tumatambay sa library.
Matangkad siya, at maganda ang hugis ng mukaha. Maganda ang mapupungay na mga mata, at halos perpektong tangos ng ilong at isabay pa ang natural na mapula-pula nitong labi, lalo na ang malago at nakaayos na bagsak nitong buhok na mas nakakapagbigay ng kakaibang kagwapuhan nito.
Naupo ito sa isa mga upuan doon, at inilabas ang isang notebook. Puwesto siya sa may bandang dulo, at parang may isinusulat o iginuguhit. Hindi rin nito alam kung bakit nga ba palagi niyang nakikita ang babeng si Alora.
Makailang beses niya na rin itong iniligtas at hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa sa dalaga. Mapa-shadow or mapa-stage, ay malaya siyang nakakakilos nang hindi napapansin ng writer o ng iba pang tauhan sa eksenang nandoon siya.
Ang tanong ay ano kaya ang silbi o purpose niya sa mundong ito? Bakit biglang lumitaw ang lalaking binansagang nameless number 13?
CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.
CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)
CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
CHAPTER 13:*Claire's Pov*
CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala