Home / Lahat / Look, I found you / TRYING A CHANGE

Share

TRYING A CHANGE

Author: iirrixx
last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-22 11:49:25

CHAPTER 13:



*Claire's Pov*


THE STAGE



"Jaxton!" nasabi ko nang makita ko si Jaxton sa harapan ko, at buksan ang pinto.



"Claire," Patakbo niya akong nilapitan para tulungang makatayo.



Napahagulgol ako sa kanya, at niyakap siya. Iniligtas na naman ako ni Jaxton sa pambubully na ginagawa sa'kin.



"Ssshh." Tinatatapik ni Jaxton ng marahan ang balikat ko habang nakasandal ako sa kanya. "Nandito na 'ko, no one will harm you again."



"S-salamat, Jaxton. Kung hindi dahil sa'yo, baka kung ano nang nangyari sa'kin." Kumalas ako sa pagkakayakap ko, at humawak sa magkabilang braso niya.



Nakatingin lang siya ng diretso, at inilagay sa tenga ko ang nakalaylay kong buhok. Ang seryosong mukha niya ay talagang kakaiba, napangiti ako pagkatapos no'n.



*End of stage*



Napatingin ako sa mga paa ko, hindi ko rin alam kung bakit ko tiningnan ang sapatos ko. Parang may nangyaring hindi ko maalala.



"Tara na, Claire." Aya sa akin ni Jaxton. Inilalayan pa rin niya ako palabas ng pinto.



Paglabas namin ni Jaxton, ay nakita kong nasa labas si Zack. Bigla akong napatingin sa kanya, ngunit bigla ring nag-iwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit ako napatingin, wala akong maalala kundi ang ginawa ni Jaxton sa akin.



*Alora's Pov*



Nasa library lang ako at nagbabasa ng mga notes, napapalumbaba din ako kung minsan dahil sa pagkabagot. I need to review my notes and read books, dahil malapit na naman ang examination. After naman no'n, will be a good time dahil foundation day na ng Serienne Highschool, one week din 'yun kaya sulit lang konting tiis ng pag-re-review.



Napansin ko si Zack na kumukuha na din ng libro sa shelf, seryoso ang mukha nito ngayon kumpara sa histura niya kahapon. Did he do a great job kahapon or not?



Papunta naman si Claire sa harap na ng shelf, kung saan naghahanap ng libro si Zack. Naghahanap din ito ng libro, at hindi nila alam na magkaharap na sila, na ang tanging bakod na lang ay ang shelf na nasa harap nila.



Kawawa naman si Zack, Hopeless romantic na ata talaga siya kay Claire.




Hindi ako makapag-focus ng maayos, at natingin na ang atensyon ko sa kanila. Parang nanonood ako ngayon ng telenovela ng live, dahil sa kanilang dalawa.



Tumigil sila sandali, malamang nakita na nila ang isa't isa. Parang natameme si Zack, at nangiting parang na-istatwa sa harap ng shelf, habang paalis na naman si Claire dala ang isang libro.



"Psst!" sinitsitan ko si Zack para makuha ang atensyon niya. Hindi kasi maaring mag-ingay lalo na't maraming nag-aaral.



Natinag naman siya, at napalingon sa akin. Naglakad na siya papunta sa pwesto ko, at naupo sa harap ko.



His face annoys me. Para kasing hindi pa rin naalis ang ngiti niya, malakas talaga ang tama niya kay Claire.



"D-Did you see that?" He looks like a kid, sobrang excited niyang magsalita.



"Mmm! Parang tuod ka nga e, ganyan nakangiti ka pa kanina," saad ko at ibinaba ang binabasa kong libro.



"She smiles at me. Naalala kaya niya 'yung ginawa ko?" Naitukod pa niya ang dalawang siko, at saka umayos ng pagkakaupo.



"I hope so. Thanks to me, ako pa talaga ang inutusan mong bumili ng sapatos e!" kunwari'y nagtatampo ako. I rolled my eyes, and sighed.




*Sound Clicks*



Nasa music class ako ngayon, ang buong klase ay nasa music room. Lahat ay may hawak ng copy ng lyrics ng isang kanta, at unison na umaawit.



Binitawan ko ang papel ay nagpasak ng earphones sa tenga ko, nagpatugtog ako ng malakas at saka sumayaw-sayaw.



Let see if I can do anything, If I can handle my life.



Naririnig ko pa rin naman sila, at ramdam kong nakatingin na silang lahat sa akin, pero wala akong pakialam. The writer can't dictate what I want to do!



*Sound clicks* (The stage)



Naulit ang scenario, I'm in the stage once again. Now, I'm singing with my classmates, hindi ko na rin magalaw ang katawan ko. Nakapako na ang mata ko sa papel na hawak ko at sumasabay sa kumpas na ginagawa ng teacher namin.



*Clicking sound*



I don't know when or where will I open my eyes when I heard that clicking sound, gaya ngayon, nasa classroom na muli kami, nagtuturo ang teacher, at lahat ay nakikinig. Tiningnan ko ang paligid, lahat ay umaayon sa gusto at itinakda ng writer para sa kanila.


Aissh!



Imbis na basahin ko ang libro na naglalaman ng topic ngayong araw ay nagbasa ako ng isang romance novel book, at parang timang na dinadamdam ang binabasa ko.



"Alora, what are you doing?" mahinang anas na ni Becky na nasa harap ko lang. Napalingon siya sa akin at hindi ko naman siya pinansin.



"Alora Sebastian? Could you please read page 31? The introduction part about philippine history?"



Napatayo naman ako, at ipinagmalaki ang romance novel book na binabasa ko. "You should teach this kind of book, sir. Grabe, ang matutunan mo sa history dito. Bravo!"



"Alora? A-anong nangyayari sa'yo?" Becky uttered, nakaangat ang ulo niyang nakatingin sa akin.



*THE STAGE*



"Alora Sebastian? Could you please read page 31? The introduction part about philippine history?" naulit ang sinabi ng teacher namin ngayon lang.



Great, I'm in the stage again.



Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Tumayo ako, at binasa ang page na pinababasa sa akin.



Mukhang tama si Currry fairy nang sabihin niyang hindi ko kaya baguhin ang kapalaran na iginuhit na ng writer. Ang set-up ko ay set-up ko na, He's right I can't do any thing by myself kapag nasa stage ako. Bumabalik ang lahat sa kung ano talaga ang dapat mangyari, ilang beses ko mang subukang baguhin ang eksena sa stage.



Natapos na ang klase, at ganu'n din ang stage. Nakapagpakawala ako ng hangin, at malamyang naglalakad kasama sina Becky at Karl. Kailangan kasi naming tumulong sa pagbabalik ng mga libro na ibinaba namin kanina, dahil puspusan na nag pag-re-review namin para nalalapit na exam.



"Ayos ka lang, ba?" tanong ni Becky, dahil hindi ako umiimik habang umaakyat kami.



"Palit kaya tayo ng dala? Mas madami 'yung nakapatong na libro sa'yo kesa sa'kin e." Pagpriprisinta ni Karl, at akmang kukuha sana ng libro na nakapatong sa dalawang braso ko.



"Psh, ayos lang ako." maikling tugon ko, at nagpatuloy na kami sa pag-akyat.



Halos pare-pareho lang naman kami ng bilang ng dalang libro, nagprisinta na din kasi kami sa iba naming kaklase na kami na ang mag-aakyat ng mga kinuha nila kaya dumami tuloy ang iaakyat namin pabalik ng library.



Sa dami ng librong dala ko ay hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko. Nasa hallway na kami, at hindi ko alam kung kasama ko pa ba si Becky at Karl o nauna na sila.



"Nagsisisi na ako na mabuting loob na ginawa ko ngayong araw, aissh." nasabi ko at patuloy pa ring naglalakad papunta sa library.



Iniiwasan ko na lang ang mga estudyanteng malapit sa akin, at ako na ang ume-excuse para hindi ako makasanggi.



Dahil sa dami ng nakapatong na libro sa braso ko ay nakakaramdam na ako ng panghihina. Tssk, I forgot I am a weak Alora in this story. Hindi ko na ma-balance ang mga libro, lalo na't nahahati ang paningin ko sa libro at sa hallway na dinadaanan ko.



"Oh-- Oh my!" I uttered, hindi ko na nakayanan ang bigat at may nahulog na akong mga libro sa sahig.



Sinusubukan kong yumuko, at abutin ang mga nahulog kong libro pero nahihirapan na ako. Sinubukan ko ring maupo, pero feeling ko ay mas lalong mahuhulog ang mga bitbit ko pang libro.



Habang pinipilit kong abutin ang mga libro, ay may nakita na akong kamay na pumupulot ng mga librong nahulog ko. Napansin ko lang ang braso niya, at ang kamay niya.



I'm sure it's a guy, nahagip ng mata ko na lalaki nga iyon. Hindi ko lang makita ang mukha nito.



I see the scar in his palm. His hand, are familiar. I know saw that hand before.



"Thank you." saad ko, ng maipatong niya ang mga libro. Hindi ito kumibo at nag-diretso lang na daanan ako. Nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang maabot ko ang library. 



His presence is familiar. Did I already met him? Hindi kaya, siya ang nagbago ng scene ko?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Look, I found you   SECRET HERO

    CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.

  • Look, I found you   TRIVIAL HIM

    CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.

  • Look, I found you   PLANNING TO MARRY

    CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)

  • Look, I found you   FINDING MYSTERY GUY

    CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.

  • Look, I found you   TRYING A CHANGE

    CHAPTER 13:*Claire's Pov*

  • Look, I found you   LITTLE THINGS

    CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status