LOGINCHAPTER 11:
Zack's Point of View
*THE STAGE*
"Ang galing mo naman mag violin." Puri sa akin ni Claire.
I just smiled at her, at patuloy pa rin ako sa pagtugtog ko. She stares at me, I feel like She adores my music.
Tumigil ka na Zack, malungkot naman ang tinugtog mo e!
Gusto ko nang huminto pero ang katawan ko ay ayaw sumunod sa gusto ng utak ko. This is so hard, I can't move on my own, even a little bit.
Natapos ko na ang pyesa ko, at inilapag sa tabi ko ang violin. Sa iglap ay nandito na ako sa rooftop ng school at kasama ko pa si Claire. Gusto ko manlumo ng de oras, pero hindi ko magawa.
"Zack," Claire muttered. "Salamat sa pagsama sa'kin dito, Alam kong isa ka maituturing kong kaibigan."
Kaibigan? Ang sakit naman nu'n marinig kay Claire.
"Gagawin ko ang lahat para mabawasan 'yung nararamdaman mo." did I just console her, now?
Anong ginagawa mo Zack, magtapat ka na!
"Alam mo, Ikaw ang mighty angel ko." Napatiklop ang dalawang kamay niya, at ngumiti sa akin.
*THE STAGE ENDS*
Nakakakilos na ako ng ayon sa gusto ko, pero natatakot pa din akong umamin. Walang ideya si Claire sa nangyayari, at ayaw ko rin magulo ang isip niya.
"Zack," muli siyang nagsalita. Umayos siya ng pagkakaupo at tumagilid ng pwesto upang magtama ang paningin namin.
"Mmm, ano 'yon?" sagot ko. What the hell is wrong with me, nasa shadow or nasa stage man ay hindi ako makapagsalita.
"'Yung tungkol sa'min ni Jaxton.." Nahihiya siyang mag-open ng tungkol sa kanila. "Kung ikaw o siya, ikaw ang pipiliin ko."
Her words are so unexpected. Ngayong nasa shadow kami, hindi rin kontrolado ng writer ang nararamdaman niya. Nabuhayan ako ng pag-asa.
*Clicking sound*
THE STAGE
Ngayon naman ay nasa private room ako ng A3. Pinasadya talaga ito ng Mommy ni Jaxton, dahil gustong gusto nito na magkakasama kami.
Nandito si Trevor, at nakaprentang nakaupo sa couch habang pinaglalaruan ang tennis ball. Habang ako ay hawak pa rin ang violin ko.
What the heck did just happen? Hindi ako masasanay ng ganito ang author.
Biglang pumasok si Jaxton, at hangos na lumapit sa pwesto namin ni Trevor. Hinablot niya ang kwelyo ng uniform ko, dahilan para tumayo ako.
"Huwag mong lalapitan si Claire, naiintindihan mo." banta niya.
Ang cool ni Jaxton, grabe. Bagay talaga sa kanya maging bida sa comic world na 'to. Kahit karibal ko siya kay Claire, ay humahanga talaga ako sa kanya.
"Anong problema mo, Jaxton? Anong ikinagagalit mo dyan?" Ngumisi pa ako, at dinaan sa biro ang sinabi niya.
"Gusto mo ba si Claire?" diretsong tanong niya at pabatong binitawan ang kwelyo ng uniform ko.
"E, ikaw! Aminin mo na, You have feelings for her. Kilala ka namin Jaxton, 'wag ka magkaila." tanong ko pabalik.
Hindi siya agad sumagot, at nag-iwas ng tingin. Kahit hindi naman siya sumagot ay alam ko naman dahil alam ko naman ang kakahinatnan ng pag-aasam ko kay Claire. Hindi basta kung sino lang ang kaagaw ko, kundi si Jaxton.
Tumayo si Trevor, at inilapag sa side table ang tennis ball. Lumapit siya sa'min at pumagitna, bumaba saglit ang tension sa pagitan namin Jaxton. If Trevor is not here, alam kong mas lala ang sitwasyon.
"Dahil ba sa babae, masisira ang pagkakaibigan n'yo? Tssk." Trevor acting like he's the leader between us.
"Tama si Trevor. Hindi tayo dapat masira, A3 will be A3 no matter what." Jaxton Declared.
Inilahad ni Trevor ang kamay at ganu'n din ang ginawa namin. Ipinatong ko ang kamay ko kay Trevor na ginaya naman ni Jaxton.
*STAGE ENDS*
Ako ang unang nag-alis ng kamay. Grabe hindi ko maiwasang maisip kung gaano ka-lame ang story plot ng writer. Tama si Alora, masyadong childish ang comic book na iyon.
Alam kong pagkatapos ng stage na iyon ay babalik na sila sa dati ngunit hindi katulad namin ni Alora. Wala silang kamalay-malay sa nangyari.
"Ang lame ng stage na 'to, bro." nadidismayang saad ko, kahit hindi naman nila ma-ge-gets.
"Ha? Stage? Anong sinasabi mo?" tanong ni Trevor. Masungit lagi ang approach niya pero sanay na kami doon.
Si Jaxton ang pinaka cool sa aming tatlo, si Trevor ay ay maangas at masungit na parang laging may problema, at ako naman ang pinaka good boy. Kumbaga ang friendly sa aming tatlo ay ako lang. Kaya siguro naging magkakaibigan kami ay dahil iba iba ang personality namin.
"Tsk, wala. Sige na, mauna na 'ko. Sorry nga pala Jaxton. Susuportahan ko kayo ni Claire, nandito lang ako para sa inyo." At tinapik sa balikat si Jaxton bago lumabas ng pinto.
Wala siyang ideya bakit ko iyon ginawa, pero kahit hindi niya alam ay ako pa rin ang nagpakumbaba.
*CLAIRE'S POV*
*THE STAGE*
"Tawag ka daw ni Jaxton sa sci-lab, gusto niya makipagkita." ani Becky, kasama sina Ella at Yuna.
Sa tingin ko ay gusto na nilang makipag-kaibigan sa'kin. Kahit mas madalas na naiinis sila dahil lagi kong nakakasama si Jaxton.
Pribiheliyo ang makapag-aral ng libre sa isang mamahaling eskwelahan tulad ng Serienne highschool. Lahat ng nag-aaral dito ay mayaman at talagang may kaya sa buhay. Isa ako sa pinalad na makapag-aral dahil napili akong scholar ng school dahil na din sa palagi akong nasasama sa top students.
"Ah, gano'n ba? Pakisabi papunta na 'ko." sagot ko naman agad.
Wala ng tao sa loob ng room ng pumasok sila. Nagre-review na kasi ako para sa darating na exam.
"Go, mamaya ka na mag-review! Ayaw mo ba makita si Jaxton, ngayon?" Si Ella naman ang nagsalita.
Sumunod na ako sa kanila, at pinauna nilang naglalakad sa hallway papunta sa sci-lab. Nakakaramdam na ako na baka niloloko nila ako, pero isinantabi ko iyon. Alam ko rin kasing maaring inutusan din sila ni Jaxton na hanapin ko, ganu'n kasi si Jaxton kaya niyang pasunurin ang lahat. Gaya nalang ng ginawa sa'kin.
Pumasok na kaming apat sa loob, at hinanap agad ng mata kung nandoon nga ba si Jaxton sa loob. Nagkamali nga akong pagkatiwalaan sila.
"Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Jaxton ang isang tulad mo? Asa." Naka-crossed arms na lumapit si Becky sa akin at nasa gilid naman niya si Yuna.
Nasa labas lang ng room si Ella, at nagbabantay.
"W-wala naman pala si Jaxton. Mauuna na 'ko sa inyo." Saad ko at akmang aalis na pero hinawakan ako ni Yuna sa braso para hindi ako makapalag.
Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa'kin. Hindi ako makalaban sa kanila kahit gustuhin ko.
Tinulak ako ni Becky ng malakas, dahilan para matumba at sumalampak ako sa sahig. Tiningnan din nila ang kabuuan ko, at saka sila ngumisi.
Nakatingin sila sa white na sneakers ko at inapak-apakan ito. Wala akong magawa kundi umiwas. Hindi nila ako hinayaang makatayo kaagad, at saka nila ako tinalikuran. Agad silang lumabas ng pinto.
Inayos ko ang sarili ko, at patakbong pumunta sa tapat ng pinto. Hindi ko mabuksan ang pinto, at alam kong ni-lock nila ako labas.
Sobra na ang ginagawa nila!
"Palabasin n'yo ko!" Hinampas ko ng malakas ang pinto na parang nakikiusap na palabasin ako. "Becky, Yuna!"
"Wait for your knight and shining armor to save you, kung maririnig ka niya?" Narinig ko ang tinig ni Becky at tumawa pa sila.
Napasigaw ako sa inis, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak dahil sa kahihiyan.
*END OF STAGE*
May narinig akong nagbubukas ng pinto mula sa labas. Nakaupo't nakayuko nalang ako. Hindi ko rin alam kung sino ang pumunta para sagipin ako, o lalo akong pahirapan.
"Jax--" naputol ang sasabihin ko ng makita kong ang nagbukas ng pinto ay si Zack.
"A-anong ginawa nila sa'yo? Halika, Claire. Tutulungan kita." nag-aalalang wika ni Zack ng makita ako sa sahig.
Hindi ko inaasahan ang gagawing iyon ni Zack. Nang makita ko siya ay may hindi ako maipaliwanag. Bakit may pagkakataong si Jaxton ang naiisip ko samantalang nandito naman talaga ang lalaking gusto ko.
CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.
CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)
CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
CHAPTER 13:*Claire's Pov*
CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala