Mag-log inCHAPTER5:
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Is he telling the truth or nag-jo-joke time?
"Prove it," Wala sa sariling nasabi ko.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala? Tssk." Umiling ang ulo ni Curry fairy. Hallucination lang iyon, at hindi sapat na rason para paniwalaan ko siya.
"Hindi pa rin." Matigas na sagot ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at napa-crossed arms din kagaya niya.
"Sumama ka sa'kin sa library, may ipapakita ako." Saad niya, lumapit siya sa akin at hinatak ako palabas ng Cafeteria.
"T-teka, anong gagawin sa library?" Habang hinahatak niya na ako pa-akyat sa second floor kung nasaan ang library.
Nang makapasok kami sa loob ng library, may pinuntahan agad siya ng pwesto sa may bandang sulok. Hindi ko na siya sinamahan doon at naupo sa isa sa mga table. Tumuntong sa isang upuan at may inabot doon na babasahin. Pinagmasdan ko siya hanggang makarating sa puwesto ko.
Inilapag niya ng malakas ang isang libro. Itim ang cover nito, at may maliit na pamagat na nasa front ng libro. May disenyo ring bulaklak ito, hindi ko nga lang alam kung ano ang tawag.
Naupo siya sa harap ko, at binuksan ang libro.
"Sige, ikaw na ang magbasa ng makita mo." At inilapit sa akin ang nakabukas ng libro.
Sa may bandang gitna niya iyon binuksan at nagulat ako ng pahagip na binasa ko ang comics na libro na iyon.
"Ako 'to, di'ba?" Hindi ko mapaniwalang nasabi. Inilipat ko pa sa ibang pahina ang libro, at parang binalasa dahil sa nakita ko. "K-kamukha ko e, stalker ka no? Gawa-gawa mo lahat ng 'to."
"Ako, stalker? Stalker mo?" Aniya, at itinuro ang daliri sa sarili niya. "Tingnan mo mabuti, Alora. Isa kang character sa loob ng isang akda na isinulat at ginuhit ng Writer. Iyon ang kapalaran mo, at naiintindihan kita kung in-denial ka sa mga nakikita o nararanasan mo." Tinapik niya pa ako sa balikat at pumikit-pikit na kunwari ay naiintindihan ako. "Ganyan din ako nu'ng una."
"Oh!" Nasambit ko, naituro ko ng 'di inaasahan ang parte na nangyari sa shool noong exam day. Ang buong section namin ang naka-drawing doon, nakasulat din ang dialogue ng teacher namin sa amin. Sa paglipat-lipat ko, nakita ko rin ang ang scenario kung saan nagkita kami ni Trevor sa field.
"Ibig sabihin, totoo ang sinasabi mo?" Nailayo ko sa akin ang libro. Nasa loob nga kami ng isang comic book.
Tumayo siya, at pumunta sa gilid ko. Habang ako naman parang namamangha sa nakita ko.
"Oo, ang saya, hindi ba? Isa kang character sa loob ng isang comic book, at malay mo bigyan ka pa niya ng super powers." He also chuckled, na parang nang-aasar.
"N-nabasa mo 'yun?"
"Oo, at pansinin mo yung bandang huling mga pahina ng libro." Kinuha niya ulit ang comic book at inilipat sa may bandang hulihan. "Marami pang blangko, isinusulat at iginuguhit pa niya tayo."
"T-teka lang, ibig sabihin hindi ko nakikita ang future?" Napatayo rin ako sa pagkakaupo ko.
"Ang nakikita mo ay ang storyboard. Pinapakita ng writer kung ano ang susunod na mangyayari." Habang nagpapaliwanag si Curry fairy ay hindi ko alam kung matatakot ba ako o maa-amazed.
"Ibig sabihin, ako ang bida sa comic na 'to di'ba?" Excited akong malaman kung ako rin ba ang bida sa libro. "Alora, isang prinsesa na hindi alam na may sakit sa puso pero magugustuhan ng tatlong lalaki, ganu'n ba description ko?" Kukunin ko sana ang libro ng ipitin niya iyon sa kili-kili niya.
"Hindi mo na pwede malaman 'yan, alam mo na ang totoo, makakaalis ka na."
Napakadamot naman! Hindi naman siguro masamang makita ang description ko. Pinilit kong kunin sa kanya ang libro, ngunit nakikipag- hatakan din siya, hanggang may napilas akong isang pahina dahil sa pakikipag-agawan.
"Tssk, nasira na!" Inis na saad niya sa akin.
"Bakit ayaw mo kase ipakita?" Nakapamewang kong saad. Hindi ko pa rin naagaw ang libro.
*Clicks*
Biglang na namang sumulpot ang tunog, hindi ko alam kung kailan ito nangyayari ngunit bigla ka na lang mapapapikit, at madidilat na sa ibang lugar o oras ka na pala.
"Nandito na yung test results ng examination mo." Saad ni Kuya Vin.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng isang doctor, nasa ospital naman ako ngayon! Kasama ko rin si Dad na nag-aalala.
Seryoso? Hindi ko pa nakikita ang character ko, e. Bad timing naman.
"Maiwan ko na muna si Alora, Vin. Ikaw na ang bahala sa kanyang magpaliwanag." Saad ni Dad, malungkot siya at napaipit ang mga labi niya, na parang nadidismaya.
Tungkol ba 'to sa sakit ko? Bakit ba kasi may sakit ako?
"Dad?" I called him. Nasa may pintuan na si Daddy nang mapalingon ulit siya.
"Do what your doctor say, nasa labas lang ako." Sagot ni Daddy, napabuntong-hininga naman ako.
"A-anong result ng tests ko? Malala na ba ang sakit ko?" Nakayuko ako, at nakatiklop ang mga kamay.
Si Kuya Vin ay kuya ni Zack, sila ang apo ng may-ari ng Hospital na ito, at si Kuya Vin ay isa sa mga resident doctor dito.
"I'll be giving you a lot of medications, Alora. Naniniwala akong makakayanan mo 'tong sakit mo, okay." Pinapalakas niya ang loob ko, kahit alam kong baka malala na ang kalagayan ko.
Kinuha ang isang folder sa may drawer ng table niya at binuksan iyon. That file is my case, siguro.
"You'll do better, sa tingin ko hindi mo pa kailangan ngayon ng surgery." Pinakita nito sa akin ang x-ray ng puso ko. "Kahit you have an enlarge heart sa tingin ko, hindi nito maapektuhan ang pag-aaral mo."
Para akong nanlumo, at nawalan ng pag-asa. Pag lumalala ang sakit ko, magiging sagabal na ako, pati kay Daddy.
Pagkatapos ng conversation na iyon, ay bumalik na ulit sa normal ang lahat. Ako na ulit ito, at hindi character sa isang comics.
"Wait, wait! Doc Vin." Tawag ko ng akmang tatayo na siya.
"May itatanong lang ako, posible bang nababaliw na ako." Gusto kong makasiguradong hindi nga ako nag-ha-hallucinate. Let's seek professional advice, at hindi sa isang Curry fairy na iyon.
Natingin muna si Doc Vin sa akin, at saka bumalik sa pagkakaupo.
"Nababaliw?" Paglilinaw niya.
"Yes, like parang may nalagpasan kang araw, o may nakalimutan ka. Nararanasan niyo ba 'yun."
Tinawanan niya lang ako, at hindi alam ang isasagot, akala yata niya ay nagbibiro lang ako.
"Baka dahil lang 'yan sa puberty mo. Nag-iisip ka ng kung ano-ano. Alam mo na, maraming kabataan ang imaginative, haha." Napahawak pa siya sa kanyang baba.
A
"Aiish, hindi mo rin ako naiintindihan e," maktol ko. "Doktor ka pa naman." Naibulong ko na lang.
"Ano 'yun Alora?"
"Ayy, wala, hehe. Mauna na'ko kase naghihintay si Daddy sa labas e." Sagot ko sabay turo ng mga kamay sa labas. Tumango naman siya, at saka ako lumabas.
Nagdabog pa ako ng patalon ng makalabas. Talagang nakakasama ng loob dahil sa tingin ko lumipas na naman ang araw. Hindi kasi ako naka-uniform, at maaraw sa labas.
"You, you!" Nakatingin ako sa kawalan. "Bad writer, bakit kailangang mayroon akong sakit, tapos 'di ko pa nakikita yung character ko doon. Aiish!" I want to curse that author kung sino man siya.
Natigil lang ako sa ginagawa ko ng may mga dumaang pasyente at nurse sa hallway. Baka sabihin nasisira na ang ulo ko.
Habang naglalakad sa hallway upang hanapin kung nasaan si Dad, ay hindi ko inaasahang makikita ko doon si Trevor. Umikot ang mga mata ko, at napa-ngiwi, huwag niyang sabihing nasa stage na naman kami.
"Are you here for the stage?" Naka-crossed arms akong nakalapit sa kanya.
"Stage?" Takang tanong niya.
"Ayy, sorry. Hindi mo pala alam. E, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. May dala kasi siyang maliit na paper bag.
Iniabot niya iyon sa akin, at kinuha ko din naman agad.
"Para sa'yo 'yan, huwag ka ng magtanong kung para saan," Supladong aniya, at tinalikuran ako kaagad.
"Pumunta ka para lang dito?"
"Kung ayaw mo, itapon mo." At nagdire-diretso siyang naglakad papalayo.
"Yan, 'yan ba ang character na binigay sa'yo. Ubod ng sungit at kayabangan!" Nagmake face ako ng makalayo siya sa akin. "Really?!"
Binuksan ko ang paper bag at may laman iyong pink na stuff toy. Kahit paano ay marunong din pala mag-alala si Trevor.
Ang inaalala ko ay ang sakit ko, kung totoong nasa loob kami ng isang comic book, ibig sabihin ba no'n ay wala akong sakit kapag nasa shadow ako?
CHAPTER 17:Nauna na akong umalis sa cafeteria, at patakbong lumabas patungo sa school grounds. I need to find him, gusto kong malaman kong malaman kung kaya niyang baguhin ang kapalaran ko sa comic world na ito.
CHAPTER 16:Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala ata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.
CHAPTER 15:*Clicking sound* (THE STAGE)
CHAPTER 14:As usual, same routine ang ginagawa ko tuwing umaga. Ganu'n din si Dad, kung hindi ako sinusundo ni Trevor ay hinahatid ako ni Daddy papasok ng school. Dad is more protective than ever, dahil na din sa sakit ko makailang ulit na din sa pagsumpong. Mapa-shadow or nasa stage man.
CHAPTER 13:*Claire's Pov*
CHAPTER 12:Alora's Point of view*THE STAGE*"Mabuti at nagising ka na, kung hindi pa 'ko sinabihan ni Becky na nahimatay ka kanina habang nag-ge-general cleaning kayo, napa'no ka na naman?" Trevor mouthed as soon as I open my eyes.Tiningnan ko ang kabuuan kung nasaaan ako, and guess what? Nasa clinic na naman ako, at nagbabantay na naman sa sa akin si Trevor. Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan kung okay ba ang paa ko, inikot-ikot ito kung masakit ba."Sumumpong na naman daw ang sakit mo," He uttered. Ganu'n pa rin ang aura niya, ang mga mata niyang napupuno ng inis, pero hindi matago ang pag-aalala.Ibig sabihin, nabago ang eksena? W-wow, I can't believe it!"Sorry, Trevor. Nag-ala