LOGIN"Come over here in my house Zandaia, my parents are not here. I'm feeling lonely." tinig mula sa telepono ni Zandaia.
Hindi nya naman mapigilan ang makaramdam ng excitement dahil inaya siya ng taong gusto niya. Si Theo. Theodore Salvador. 6 months na siyang nililigawan nito at makikita talaga sa kanya na nagpupurgsigi siya makuha lang ang matamis na 'oo' ni Zandaia.
"Yeah? Ano naman ang gagawin ko dyan Theo?" nakasilay na ang ngiti ni Zandaia sa kanyang labi, masaya siya na kausap nya ang taong nagpapasaya sa kanya.
She knew Theo one year ago. Napanood nya itong maglaro ng basketball noong nakaraang sportsfest. Varsity si Theo sa kilalang eskwelahan malapit sa school ni Zandaia, nakalaban na din ng University nila ang University ni Theo. At doon sila unang nagkakilala.
"Were going to watch a movie, then were going to eat a dinner in our restaurant." sagot ni Theo sa kanyang tinatanong.
Natahimik si Zandaia, at nag-isip kung ano ang kanyang isasagot. Hindi nya alam kung papayag ba sya dahil kung pumayag siya, magsisinungaling muli siya sa kanyang Ama. Ilang beses na syang nagsisinungaling makasama lang si Theo. Hindi pa kasi siya pinapayagang magkaroon ng manliligaw o kaya magkaroon ng boyfriend kahit na 4th year High School na sya. Nakakasama lang siya kay Theo sa tulong ng kanyang kaibigan na si Agatha. Iniisip niya kung ano nanamang kasinungalingan ang sasabihin niya sa kanyang Ama makasama lang si Theo ngayong araw na ito.
She's guilty everytime that she lied to her father. Hindi naman siguro mawawala iyon kapag nagsisinungaling ka. Huminga ng malalim si Zandaia. She says to herself that this is the last one, and then she will introduce Theo to her Dad.
"Yeah sure. We go watch movie and eat in your restaurant. Sounds great!" napahagikhik si Zandaia pagtapos nyang sabihin ang kanyang mga linya.
"I'll wait Zandaia." masayang sagot ni Theo.
Ibinaba ni Zandaia ang kanyang cellphone at saka tinignan ang Teddy Bear na nasa kanyang higaan na animo'y kanina pa nakikinig sa usapan ng kanyang manliligaw. Kinuha nya ito at nagtataka nya itong tignan. Natanggap niya ito noong nakaraang Valentine's Day, nakalagay ito sa kanyang locker nang makuha nya ito. Dalawang taon na din na may nagbibigay sa kanya ng mga gamit at pagkain tuwing may event na dumadating pero ni isang beses hindi nya pa nakikita ang taong nagbibigay ng mga regalo sa kanya ni hindi niya pa nga nakakausap. It was Valentine's Day and she was in 2nd year high school when she received the first gift. Turon ang ibinigay sa kanya ng so called admirer nya, noong una ayaw nya itong kainin ngunit pinilit siya ni Agatha.
Hindi pa man tapos ang pag-alala nya sa nakaraan ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
"Zandy? Anak? Can i come in." tinig ng kanyang Ama.
"Yeah, sure." mahinang banggit ni Zandaia.
Inayos ni Zandaia ang kanyang kama at naupo sa tabi ng kanyang Ama, inaasahan niya na may sasabihin itong importante because her father won't go to her room if it's not important, mostly kasi siya ang pinapatawag nito sa study room ng kanyang Ama.
"What is it?" tanong ni Zandaia, ngumiti naman ang Ama nito na inaasahan ang pagtatanong ni Zandaia.
"You know that Camille and I are already engaged. So i decided that, today is the day that she and her kids will move in our house today. I'm telling you this because i want you to be prepared for them." sagot ng kanyang Ama na talaga namang ikinagulat nya.
Hindi niya alam ang kanyang isasagot kaya napatigil sya at tumitig sa masayang mata ng kanyang Ama. Iniisip pa lang nya na makakasama nya na ang magiging bagong asawa ng kanyang Ama, nawawalan sya ng pag-asa na magkabalikan ang Mommy nya at ang kanyang Dad. Noong una njyang malaman ang relasyon nila ni Camille, tumutol sya dito pero wala na syang nagawa dahil mahal na mahal ng kanyang Ama si Camille, lalong nawalan sya ng pag-asa ng malaman nya na engaged na sila, at dumoble ang kawalan nya ng pag-asa ngayon.
Ngumiti sya ng mapait at iniwas ang kanyang mga mata sa mata ng kanyang Ama.
"Dad, you ruined my dreams. I always thought you and mom will come back together. My dream is to have a complete family, hindi mo ba ako pagbibigyan? Hindi mo na ba babalikan si Mommy?" hindi nya mapigilan ang pagka-inis sa kanyang boses, nasasaktan siya.
"Me and your Mom is happy what we have right now. Hindi ako ang unang nagloko Zandaia." pilit na ipinapaintindi ng kanyang Ama.
Natawa si Zandaia at napa-iling sa sinabi ng kanyang Ama, hindi niya maisip na nasasabi niya ito sa kanyang Nanay. Laging sinasabi ng kanyang Ama na hindi siya ang unang nagloko, pero sa katunayan sinabi sa kanya ng kanyang Nanay na ang Ama nya ang unang nagloko. Naniniwala sya sa kanyang Ina dahil nakita nya itong nahirapan noong bata pa siya. Ibinigay lang siya ulit ng kanyang Ina sa hindi nya alam na dahilan.
"Yan ang lagi mong sinasabi sa akin." tinignan nya ito sa mata.
"Because it's the truth Zandy. Your mom is lying to you all the time." nainis si Zandaia sa sinabi ng kanyang Ama, parang sinisiraan niya ito sa kanya.
"Oh yeah." walang ganang sagot nya dahil sawa na sya sa mga explanation ng kanyang Ama.
"Just be prepared and be a nice girl, okay?" nakangiti na ang kanyang Ama.
"Don't be so happy and nice girls doesn't exist." sagot nito at tinalikuran ang kanyang Ama.
Narinig niya naman na bumuntong hininga ito at saka sinarado ang pintuan. Naalala niya si Theo, nag-alala siya dahil baka napaasa nya ito, biglaan naman kasi ang pangyayari. Hindi niya ito inaasahan. Tinext nya si Theo para sabihing hindi siya makakarating.
Hey, sorry hindi ako makakapunta today. May biglaan kasing nangyari ngayon lang. I tell you tommorow. Bye.
Wala pa man 30 seconds ay natanggap niya na ang reply nito.
"It's okay. I'll be out with my friend."
Tinitigan niyang mabuti ang text nito. Nagtaka sya dahil parang kanina lang ay nag-plano ito ng Movie Date kasama sya pero ngayon ay may plano na agad ito kasama ang isang kaibigan. Ano yan? Option B? sa isip-isip ni Zandaia. Nagtaka na talaga sya dahil hindi ito ang unang beses na hindi sya nakapunta sa Date nila pero sa tuwing sinasabi nya ito, nagkakaroon na agad si Theo ng ibang plano. Sino naman kaya ang kasama niya sa panahong ito?
Mabagal ang paghakbang niya sa mga hagdan, iniisip si Theo at kung sino ang kasama nito at the same time iniisip nya din kung ano ang mangyayari sa buhay nya kung kasama nya na si Camille at ang kilalang Night Axel sa eskwelahan nila.
Nakikita ni Zandaia si Night Axel sa eskwelahan nila, hindi bilang estudyante kundi bilang isang member ng dance group. Hindi naman nya kasi nakikita ito sa common places ng school nila tulad ng hallway, canteen, library at iba pa. Dahil tsismis na din na hindi sya mahilig kumain sa canteen ng school bagkus lumalabas sila kasama ang kaibigan nya. Madaming nagsasabi na sobrang attractive ni Night Axel lalo na pag sumasayaw ito. Pero hindi ito nakikita ni Zandaia, para sa kanya ang lalaking magaling magbasketball at magaling kumanta ang pinaka-attractive sa kanya, also smartness and looks.
Nakarating sya sa main door nila at nakita niya ang Daddy niya na masayang-masaya. Inilapag ng mga maids nila ang gamit ng mga bagong salta sa bahay nila.
"Hi, welcome in our house. Tara pasok kayo." paanyaya ng kanyang Ama.
"This is Zandaia Alonso, my one and only daughter. Greet them Zandy." pagpapatuloy ni Peter at saka tumingin sa kanya.
"Im Zandaia Alonso. Please don't call me Zandy." banggit nito na nagpatawa sa kanyang Ama.
Una, ayaw nya talagang tawagin siya bilang 'Zandy' dahil naaalala nya si Zandy Cheeks ng Spongebob Squarepants, eh hindi naman siya squirrel.
"Why don't you want to call you Zandy?" nagulat sya sa pagtatanong ni Night Axel, ngayon nya lang narinig ang boses nito dahil hindi naman sila close. Napaka-manly ng boses nito at sobrang kalmado.
"Because we're not close." yan ang sinabi niya, ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan, dahil sa isip niya magmumukha siyang tanga.
"Omg, kuya. Of course, your not close to her tas tatawagin mo syang 'Zandy' By the way I'm Yna Anne Lorente, 17." masayang bati ng babae sa tabi nito.
Tinignan ni Zandaia si Yna, seventeen years old lang ito ngunit mukha siyang matured, aakalain mo na college na siya. Almond ang kulay ng mata nito, samantalang black na black ang kulay ng mata ni Axel, matangos ang ilong at perfect ang shape ng lips nito, hanggang bewang ang buhok at sobrang straight nito. Hindi niya maiwasang mainsecure sa nagtataglay nitong ilong, napahawak sya sa ilong nyang hindi naman pango at hindi din naman ganon katangos. Sakto lang. Para kasi kay Zandaia, ang ilong natin ang mas lalong nagpapaganda sa mukha natin pero syempre ang ngiti natin ang sobrang nagpapaganda sa atin.
"Night, introduce yourself to them." banggit ng kanyang Ina.
"No need to introduce myself. Now, where's my room?" sabi nito at inikot ang mata sa buong bahay.
Nagulat si Zandaia sa inasta ni Night. Hindi niya inaasahan iyon. Para sa kanya ay pinapahiya nya ang kanyang Ina. What a jerk! sa isip-isip ni Zandaia. Itinuro naman ni Peter ang kwarto nito at tuluyan ng umalis at dumaan sa gilid niya.
"Sorry sa inasta ni Night, nabigla kasi sya na lilipat na kami ngayon dito. Eh he's from practice yesterday and he's not having a good sleep. Kaya siguro sya ganon." pagpapaliwanag ni Camille.
Nainis si Zandaia sa sinabi ni Camille, sobrang babaw kasi ng dahilan kung bakit nya kailangan umasta ng ganon. You know if your a person with manners kahit na pagod ka or what, gagalangin mo pa din yung mga tao sa paligid mo. Good manners are just a way of showing other people that we have respect for them. Pero parang hindi naman nag-aral ng good manners ni Night.
"Oh, he left his bag. Zandy, please take this bag to his room." napabaling si Zandy sa kanyang Ama at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili dahil sa inutos nito.
Tinignan naman ni Peter si Zandaia ng 'pleasingly look' hindi naman sya makatanggi sa kanyang Ama. Yun nga lang padabog nya itong kinuha. Habang naglalakad sya patungo sa kwarto ni Night, iniisip nya ang sarili nya kung kasama nya na lang ngayong araw si Theo. Masaya siguro ang naging araw nya ngayon.
Nakarating siya sa kwarto nito at ininda ang bigat ng kanyang dala, hindi niya sinasadya na mabagsak ito dahil nangalay ang kanyang kanang kamay habang bitbit ito. Gulat sya ng marinig nya na mukhang may nabasag mula sa loob nito, kinabahan sya at inangat ang tingin. Naroon si Night Axel na halatang may inis na sa kanyang mga mata.
"What the hell?"
"Hindi ko sinasadya, napakabigat naman kasi nitong bag na ito. Ano ba laman nyan?" bubuksan sana ni Zandaia ang bag pero kinuha ito ni Axel sa kanyang kamay. Nasaktan pa ito dahil sa mahaba nitong mga kuko. Napaisip si Zandaia, lalaki ba talaga sya?
"Don't you dare touch my things again, sino ba kasi nagsabi na dalhin mo sa akin yan? Ang dami nyong maids pero hindi mo mautusan? Nagtitipid ba kayo?" pabalang nitong sabi na sobrang ikinainis ni Zandaia.
She bite her lower lip. Sya na nga itong tinulungan, sya pa ang may ganang magsalita ng ganyan. A man without manners. Nakakaturn-off. Gwapo nga wala namang galang. Tska ano ba ang ikinagagalit nya? Ang pagbagsak ng bag nya?
"You. A man without manners. Kanina pa ako nagtitimpi sayo. Kanina pa sa baba. If i were you, i'll tell your mom to stop flirting with my dad. Can't you see? I don't want to live with a man without manners. Tska lalaki ka ba talaga? Ang sakit ng kuko mo ah." hindi na napigilan ni Zandaia ang gusto niya pang sabihin kanina pa.
"What? Flirting? You see them flirting only? They're inlove with each other. Ang babaw mo." tumaas ang boses ni Night Axel ng sinabi nya ito, mukhang naaasar na din siya.
"Ako mababaw? Dahil dyan sa mommy mo, hindi na makukumpleto ang pamilya ko. Your mom is a flirt, yan ang dapat mong tanggapin." napairap si Zandaia pagtapos nya itong sabihin.
Nagulat sya ng humakbang ito papalapit sa kanya at na-corner sya nito sa pader. Napalunok sya at napatitig sa black na black nitong mga mata. Halata sa mata nito ang inis na nararamdaman nito. Nakakalunod ang mga titig nito pero hindi nya maiiwas ang kanyang mga tingin dito. Natatakot ba siya? Pero hindi naman matatakutin ang isang Zandaia Alonso.
"If your thinking that my mom ruined your family. Think twice." halata sa boses nito ang gigil ang tinuktok pa gamit ang kanyang kamay ang noo ni Zandaia.
Napahawak naman sa noo si Zandaia dahil sa pagkakatuktok nito. Masakit din yon ah. Dahil parang doon nilabas ni Axel ang lahat ng inis nito sa kanya. Nakadalawang pananakit na ito sa kanya kahit na kakalipat lang nila sa kanilang bahay. She clenched his teeth dahil sa sobrang inis kay Axel. Wala syang karapatan sa pinag-gagawa nito sa kanya!
Nakahinga ng maluwag si Zandaia ng umalis ito sa harapan nya. Magsasalita pa sana ito upang sagutin ang mga sinabi ni Axel sa kanya kanina ngunit naunahan na siya nito.
"Now. Get. Out. GET OUT NOW." halata sa mukha nito na galit sya, dahil namumula na ito.
Padabog namang isinara ni Zandaia ang pintuan nito at napaisip din sa mga sinabi nya kanina. She mean it. She mean it because it's true. Hindi nya naman talaga sasabihin ito pero hindi na sya nakapagtimpi dahil sa ugaling ipinakita ni Axel. He should be nice naman diba because it's his first day to be in their house. Pero hindi iyon ang nangyari. And as of Zandaia, she's thinking that did she push him that bad? Did she push the Demons button?
Zandaia"I hate your step-brother Zandy." inis na sabi ni Andrew, unti na lang at maiiyak na sya. Hindi nya matanggap ang pagkatalo niya."Hate him. I hate him too."nakangising sabi ko."Why? He's so handsome, matangkad, i bet matalino din sya. He's my type." sambit ni Louisa.Lagi nya namang sinasabi yan. Kapag may nakita syang gwapo, bet nya na agad. Sya ang pinakamaharot sa aming lahat, mahilig syang makipag-date kahit kanino. Tapos yung mga ayaw nyang lalaki binabasted nya pagtapos nyang makipag-date dito.Nakita ko naman si Bella na nakikipag-usap kay Yna, pareho kasi silang K-pop lover kaya siguro sila nagkakasundo. Nahagip din nang mata ko si Lester na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Yna. Nilapitan ko sya.
Zandaia"So, malinaw na ba sayo ang lahat Zandy? Kung ano man yang iniisip mo, please paki-tanggal." sambit ni Lorraine sa akin habang hawak ang kaliwa kong kamay.In-explain na nila sa akin ang lahat. Nagkataon lang talaga na masyadong mali ang iniisip ko. I know Lorraine. She can't do that thing to me.Nagkataon kasi na nagpa-reserve si Theo dito sa restaurant na ito para ayain ako mag-date. Si Lorraine naman ay galing sa family meeting kaya napadaan sya dito upang kumain. Walang maupuan si Lorraine kaya pinagamit ni Theo ang upuan na para sa akin upang kumain. Sinabayan siya ni Theo kumain dahil nakakahiya naman na kumakain si Lorraine habang siya ay hindi."Yap, I know. Hindi nyo naman magagawa sa akin iyon. I know you Lorraine." sambit ko at niyakap nya ako.Kilala ko si Lorraine. Mag
ZandaiaNakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig
ZandaiaMag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin."Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner.Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan.Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato."Kung ayaw
ZandaiaIn the end. I end up walking alone in the street of Manila. It's already 8 in the evening. Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi hindi pa ako sumabay kay Axel?I'm tired. Tas kamalas-malasan pa na nalowbat ang phone ko kaya hindi ako makapag-grab, hindi ko naman alam ko saan may payphone dito.Nakakapagtaka kasi walang dumadaan na taxi or what na pwedeng sakyan ko pauwi. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, August na kasi kaya ganon. Naiiyak na ako dahil sa sakit ng paa ko at dahil sa dami ng iniisip. Nag-aalala ako kay Theo, hindi kasi siya sumagot sa alinman na tawag ko, pati sa texts ko hindi siya sumagot. Tapos hindi na din ako binalikan ni Axel, talagang umalis na talaga siya. That jerk!Oh well, sino ba namang di aalis kapag sinigawan mo diba. May kasalanan din naman ako, nagpadala ako sa emosyon ko kanina kaya nasigawan ko sya, but i didn't mean to shout him. Tal
Zandaia"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon."Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na