Home / Lahat / Love by Him / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: bibilosomia
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-05 07:34:19

Zandaia

"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.

Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.

Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon.

"Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.

Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na lang kung may biglaan na schedule ngunit hindi ka naman madidismaya sa kinalalabasan ng mga naayos na events nila.

"Thank you Sir. So as you can see. Our Club day is next week na, i'm encouraging you to bring out your talent because we are having a Talent Competion before we start the Club Day." masayang sabi ni Agatha.

"Where's the form? Para makapag-register kami." sambit naman ng isa kong kaklase.

"Nice question. Ang form ay nasa Registration booth, you can find registration booth beside the Bulletin Board. Ito na ang last day para makapag-register." sabi naman ni Agatha at umupo.

Eto ang gusto ko sa L.U, kada event hindi mawawala ang entertainment. Laging merong entertainment bago nila simulan ang pinaka-event.

"That's all. You can go now." sabi ni prof at nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

"Hindi ka sasali?" sabi ni Agatha habang inaayos ang mga gamit niya.

"Hindi. Ayoko. Natatakot ako." napa-ngiwi siya sa sinabi ko.

Alam ko. Alam ko na maganda ang boses ko pero hindi ko ito pinaparinig kahit kanino. Kay Agatha lang, kahit nga si Daddy hindi nya alam na maganda ang boses ko dahil alam ko na kapag narinig nya ang boses ko pipilitin nya ako na sumali sa mga competition and I hate it.

"Yan ka nanaman. Face your fears. 4th year High School na tayo, ilabas mo naman yang talent mo. Sobrang galing mo kaya kumanta." sabi nito at isinukbit ang kanyang bag. Ganon din ang ginawa ko.

"Malay mo kasi diba. Baka pumiyok ako o kaya masuka dahil sa dami ng nanonood. Ayokong mapahiya." malungkot na sambit ko at nagsimulang maglakad palabas ng room namin.

Kakaunti na lang ang nakikita ko na estudyante dahil na rin siguro uwian na. Maganda ang LU, lalo na pag madilim na. Talagang nakabukas lahat ng ilaw simula loob hanggang labas. Pinaka favorite ko na place dito ay yung sa Garden, napasarap ng simoy nang hangin doon, madaming halaman at puno, may mga benches din at lahat ng puno may nakapulupot na ilaw. Sobrang ganda doon kapag gabi, doon nga laging may nagko-confess. Pero hindi doon nag-confess sa akin si Theo, noong niyaya nya ako mag Cafeteria. Doon sya nag-confess sa akin.

"Nasa isip mo lang yan. You can never trust the human mind always." sambit nito na ipinagtaka ko kung bakit siya biglang nag-seryoso.

Hindi ko sya pinansin at nakarating kami dito sa tapat Bulletin Board kung saan nandoon din ang Registration Booth. Hindi ko tuloy alam kung sasali ba ako o hindi. Nauuna kasi ang takot ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot mag-perform sa harap ng madaming tao. I don't have a history na napahiya na ako sa madaming tao. Pero I don't have a history din na nag-perform ako sa harap ng madaming tao. Inborn na kaya ang takot na ito sa akin?

"Hindi ko kasi maiwasang mag-overthink kung anong mangyayari sa akin kapag nakatungtong na ako sa entablado." sabi ko at tinignan ang aking kuko. Parang gusto kong magpakulay ng kuko. Red? Black? Pink? sa isip-isip ko.

Natawa ako. Bakit kasi naghahalo-halo ang iniisip ko. Parang kanina lang iniisip ko kung sasali ba ako o hindi tapos ngayon iniisip ko kung anong magandang kulay para sa nails ko.

"Stop overthinking. Overthinking leads to problems that doesn't even exists in the first place." seryosong sambit ni Agatha.

"What the hell? Sobrang seryoso mo!" sabi ko at tumawa.

Natawa din siya pero nakakunot ang noo nya.

"Ikaw kasi! Alam ko naman na gusto mo din pero hindi mo sinusunod!" sabi niya at napakamot sa batok.

"I don't know. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay." sabi ko at bumuntong hininga.

Hindi pa nga din ako nakakapag-decide kung ano ang kukunin ko sa College. Ga-graduate na ako pero eto pa din ako.

Napalingon naman ako sa registration booth at nakita ko doon si Axel na nagsusulat sa form. Mukhang sasali sya. Sure ako na sasayaw siya. Yon naman ang talent nya eh.

Last na syang nagsusulat, buti nakahabol pa sya. Hinila naman ako ni Agatha patungo sa registration booth kung saan andon din ang mga kasama niya sa club.

"Hi Aga." si Laura.

Saktong pagdating naman namin sa registration booth tska naman tumalikod si Axel.

"Oh, hi Zandaia. Andito ka pala. Bakit hindi na lang ikaw ang nagsulat dito sa form?" sabi nito na ipinagtaka ko.

"Huh? What do you mean?" sabi ko at tinignan ang form na hawak niya.

Binasa ko ito, nakita ko ang pangalan ko! Eh hindi naman ako nagpa-register!

"What do you mean by what? I thought inutusan mo lang si Axel na ipa-register ka. Pumayag ako kasi alam ko naman na part na sya ng family nyo." sabi nito na ikinataas ng kilay ko.

What the hell. WHAT THE FREAKIN HELL. Hindi ako pwedeng sumali. May stage fright ako!

Nilingon ko si Axel at ngayon nakita ko syang nakangisi sa akin at may subo na lollipop! Magulo nanaman ang buhok nito at nakabukas ang unang butones ng kanyang polo.

Naglakad ako patungo sa kanya at lalong lumaki ang ngisi nya.

"What the fuck did you do? Are you trying to pissed me again?!" galit na tanong ko kaya napukaw ang pansin sa amin ng mga natitirang estudyante. I clenched my fist. Hindi na ako natutuwa sa kanya at mukhang never akong matutuwa sa kanya.

"Stop cursing baby girl, it's bad." nagulat ako sa sinabi nya. Ang lakas ng boses niya for fuck's sake!

"C-can you stop calling me that way." mahinang banggit ko at yumuko. Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila.

He just laughed. Pinagtawanan nya lang ako! Muli nanamang tumaas ang kanang kilay ko kaya itinaas ko ang ulo ko at tinignan siya ng masama.

"Stop laughing. You moron! Bakit mo ko inilista doon? Eh wala naman akong sinabi sayo!" nanggagalaiti na sabi ko.

"Dapat surprise yon eh." sabi niya at ngumuso.

What the hell??? Inaakala nya ba na hindi pa ako nasorpresa sa ginawa nya! Inirapan ko sya, tatalikuran ko sana siya pero pinigilan nya ako at hinawakan ang braso ko.

"It was a punishment because of what happened last week. Your welcome Zandaia Alonso." bulong niya sa kanang tenga ko, ramdam na ramdam ko ang hininga nito sa likod ng tenga ko.

Tumayo ang balahibo ko dahil sa ginawa nyang yon! Hindi ko yon inaasahan! Ramdam ko ang init ng hininga nya at amoy ko ang hininga nya! He smells like a sweet candy.

What the hell is he talking about? Siraulo ata sya!

Tinignan ko si Agatha at nagtataka nya akong tinignan pabalik. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero alam ko na hindi ito maganda.

"What the hell did just happened? Care to explain Zandaia?" sabi nito at hinawakan pa ako sa braso kung saan ako hinawakan ni Axel.

"I'm going home. Gonna explain to you tomorrow." sabi ko at dali daling umalis.

Gusto kong tanungin si Axel. Kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi nya sa akin! Simula pa kanina doon sa canteen!

Habang naglalakad, hinahanap sya ng mata ko. Saan naman kaya nagpunta yon?

Napunta ako sa parking lot.

"Shit." mahinang sambit ko dahil wala pala akong kotse na dala!

"Shit talaga."

Nagulat ako sa nagsalita mula sa aking tabi. Si Axel!

"What are you doing here?" sabi ko, ang tanga ko naman para itanong pa yan sa kanya. Alam ko naman na uuwi na siya.

"Uuwi na. Gusto mo sumabay?" mapang-asar na tanong niya sakin.

Mapang-asar nya akong tinignan. Alam nya kasi na wala akong kotse dahil nga sumabay ako sa kanya kaninang umaga. But i have my Theo. Pwede akong magpasundo sa kanya.

"No, you can go. Magpapa-sundo na lang ako." sabi ko at kinuha ang phone sa bag ko.

Imbis na sumakay sya sa kanyang motor, sinandalan nya lang ito. Kahit na madilim na nakikita ko pa din ang itsura nya. Magulo ang kanyang buhok at nakasandal sa kanyang motor na para bang inaantay ako.

"I said you can go." pag-uulit ko pa at dinial ang number ni Theo.

Ring lang ito ng ring pero hindi sumasagot.

"Sino ang magsusundo sayo?" nakakunot ang noo nitong tanong sa sakin.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko upang sagutin ang tanong nya ngunit naunahan nya akong magsalita.

"Ah. Yung lalaki kanina, na hindi ka na binalikan?" sambit nito at iyon nanaman ang ngisi sa kanyang labi.

Kailangan pa ba na ipaalala na hindi na nya ako binalikan kanina? Alam ko naman na bumalik na iyon sa school nya.

"I don't trust him." sabi nito.

"As if i care? Go on. Don't trust him. I don't need your opinion if you trust him or not." masungit na sabi ko at nag-dial ulit.

"Hindi na sasagot yon. Tara na. Umuwi na tayo." sambit nya pero hindi ko sya pinansin.

Nag-dial lang ako ng paulit-ulit. Bakit ba kasi hindi nya sinasagot ang tawag ko? I feel nervous and I don't know why. Hindi naman ganto si Theo ah.

Naiinis ako, hindi ko alam. Ang babaw ko ba talaga? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko dito. Bakit ba kasi hindi nya sinasagot? Ayokong mag-overthink nanaman dahil ako lang din ang nasasaktan.

Palakad-lakad ako habang ang phone ko ay nasa kanang tenga ko. Ring lang ito ng ring.

"Shit. Stop walking. Nakakahilo ka." gulat akong napatingin kay Axel, akala ko ay naka-alis na siya.

"Bakit ka pa andito? Umuwi ka na. Kaya ko mag-isa." sambit ko at nagpalakad-lakad ulit.

"Kasi andito ka pa. Uuwi na tayo." inis na sambit nya at hinawakan ako sa braso. "Tara na." sabi nito at ibinigay sa akin ang helmet.

Ano naman sa kanya kung andito pa ako? Galit siya sa akin kaya dapat iwan nya na ako dito.

Hinawi ko ang kamay niya na nakalagay sa braso ko. Hindi ako mapakali dahil hindi sinasagot ni Theo ang mga tawag ko. Nababaliw na nga ako.

"Iwan mo na ako dito. Iintayin ko si Theo." sabi ko at ibinigay muli sa kanya ang helmet.

"Stop waiting for him. Nagpapaka-tanga ka lang dito Zandaia. Iuuwi na kita." inis na talagang sabi niya.

"Umuwi ka na! Ang kulit mo naman eh! Sabi nang iintayin ko nga si Theo!" sigaw ko sa kanya.

Gulat syang napatingin sa akin, kahit ako nagulat ako na nasigawan ko sya. Ang kulit nya kasi eh.

"Sorry. I didn't mean to shout." bawing sabi ko, hindi ko sinasadya.

Ngumisi sya sa akin at isinuot ang helmet at saka sya sumakay sa motor.

"Stop waiting for a jerk like him. He don't deserve you." sabi nito at saka inistart ang motor.

Tinignan ko lang sya na papaalis na. Nawala na sya sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya? He talk nonsense things. Bakit naman nya sinabi na hindi ako deserve ni Theo? Kilala nya basi Theo?

Naiwan akong nakatulala dito sa parking lot habang iniisip pa din ang sinabi nya. Sa araw na ito. Tatlong beses ko syang nakausap, at tatlong beses din syang nagsasabi nang hindi ko alam ang ibig sabihin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love by Him    Chapter 9

    Zandaia"I hate your step-brother Zandy." inis na sabi ni Andrew, unti na lang at maiiyak na sya. Hindi nya matanggap ang pagkatalo niya."Hate him. I hate him too."nakangising sabi ko."Why? He's so handsome, matangkad, i bet matalino din sya. He's my type." sambit ni Louisa.Lagi nya namang sinasabi yan. Kapag may nakita syang gwapo, bet nya na agad. Sya ang pinakamaharot sa aming lahat, mahilig syang makipag-date kahit kanino. Tapos yung mga ayaw nyang lalaki binabasted nya pagtapos nyang makipag-date dito.Nakita ko naman si Bella na nakikipag-usap kay Yna, pareho kasi silang K-pop lover kaya siguro sila nagkakasundo. Nahagip din nang mata ko si Lester na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Yna. Nilapitan ko sya.

  • Love by Him    Chapter 8

    Zandaia"So, malinaw na ba sayo ang lahat Zandy? Kung ano man yang iniisip mo, please paki-tanggal." sambit ni Lorraine sa akin habang hawak ang kaliwa kong kamay.In-explain na nila sa akin ang lahat. Nagkataon lang talaga na masyadong mali ang iniisip ko. I know Lorraine. She can't do that thing to me.Nagkataon kasi na nagpa-reserve si Theo dito sa restaurant na ito para ayain ako mag-date. Si Lorraine naman ay galing sa family meeting kaya napadaan sya dito upang kumain. Walang maupuan si Lorraine kaya pinagamit ni Theo ang upuan na para sa akin upang kumain. Sinabayan siya ni Theo kumain dahil nakakahiya naman na kumakain si Lorraine habang siya ay hindi."Yap, I know. Hindi nyo naman magagawa sa akin iyon. I know you Lorraine." sambit ko at niyakap nya ako.Kilala ko si Lorraine. Mag

  • Love by Him    Chapter 7

    ZandaiaNakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig

  • Love by Him    Chapter 6

    ZandaiaMag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin."Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner.Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan.Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato."Kung ayaw

  • Love by Him    Chapter 5

    ZandaiaIn the end. I end up walking alone in the street of Manila. It's already 8 in the evening. Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi hindi pa ako sumabay kay Axel?I'm tired. Tas kamalas-malasan pa na nalowbat ang phone ko kaya hindi ako makapag-grab, hindi ko naman alam ko saan may payphone dito.Nakakapagtaka kasi walang dumadaan na taxi or what na pwedeng sakyan ko pauwi. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, August na kasi kaya ganon. Naiiyak na ako dahil sa sakit ng paa ko at dahil sa dami ng iniisip. Nag-aalala ako kay Theo, hindi kasi siya sumagot sa alinman na tawag ko, pati sa texts ko hindi siya sumagot. Tapos hindi na din ako binalikan ni Axel, talagang umalis na talaga siya. That jerk!Oh well, sino ba namang di aalis kapag sinigawan mo diba. May kasalanan din naman ako, nagpadala ako sa emosyon ko kanina kaya nasigawan ko sya, but i didn't mean to shout him. Tal

  • Love by Him    Chapter 4

    Zandaia"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon."Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status